My Man in the Mirror (✔)

By xarisagape

1.4K 109 13

Isang hopeless romantic ang drama ni Sydney sa edad na bente siyete. No boyfriend since birth kasi siya at pr... More

My Man In The Mirror
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Epilogue
AUTHOR'S NOTE
Author's Note v.2
SPECIAL CHAPTER
TEASER
OPEN LETTER
My Man in the Mirror
HELLO 2020 #QuaranThink

Chapter 4

75 7 0
By xarisagape

"I miss it, Syd," nakangiting sabi ni Luke habang matamang nakatingin sa mukha niya. Bigla tuloy siyang natauhan at kaagad na pinalis ang ngiting gumuhit sa kaniyang mukha.

Hindi tuloy niya malaman kung anong sasabihin sa sinabi nito. Kailangan ba niyang sabihin na na-miss din niya ito? Na kahit napakatagal nang panahon ang lumipas ay ito pa rin? Ito pa rin ang nag-iisang tao na nakakapaghatid sa kaniya ng isang estrangherong pakiramdam na nagiging pamilyar lamang sa tuwing nasa malapit ito? Napatikhim nalang siya at umubo-ubo, "t-thank you."

Lumakad siya palayo rito at pinagdiskitahan ang mga dahong kasama niyang nagtatampisaw sa tubig. Dito niya itinuon ang kaniyang sarili at isa isang pinagdadampot ang mga ito na para bang kinukolekta niya.

"Here," ani Luke at iniabot sa kaniya ang dahong hawak nito. Napatingin siya rito at hindi niya mabasa ang anumang tumatakbo sa isip nito. Nagtataka man sa pag-abot nito sa kaniya ng dahon ay kinuha niya pa rin ito.

"Thanks," tipid na sabi niya at nagsimulang luminga sa kabuuan ng pool para maghanap ng dahon.

"Kung alam ko lang na pagpupulot pala ng dahon ang aatupagin natin dito..." kausap nitong muli sa kaniya at may inabot na namang dahon. Kanina pa niya napapansing nakasunod lamang ito sa kaniya habang kuntodo effort naman siyang dumistansiya dito. "...sana pinaputol ko na 'yong puno na 'yan," dugtong nito sa sinasabi na siya namang ikinakunot ng kaniyang noo.

"Bakit mo naman ipapaputol?" tanong niya.

"Galit ka ba sa akin? Or should I say, galit ka pa rin ba sa akin?" tanong nito sa halip na sagutin ang tanong niya.

Natigilan naman siya sa tanong nito at para bang nanikip ang dibdib niya. Iyong tipo ng paninikip na pangangapusan ka ng hininga dahil sa kaba at takot. Kabang naglalakbay ngayon sa kaniyang puso at takot na malaman nito kung ano ang kasalukuyan niyang nararamdaman para dito.

Tinawid nito ang pagitan nilang dalawa. Hinawakan nito ang kaniyang braso at hinawi nito ang buhok na nasa kaniyang pisngi. Iniipit nito ang buhok sa likod ng kaniyang tainga at mataman siya nitong tinitigan sa kaniyang mata. Para bang inuungkat nito sa kaniyang paningin ang kasagutan sa tanong nito. Para bang nais nitong sisirin ang kailaliman ng kaniyang kaluluwa na tanging mga mata lamang niya ang may kakayahang magsalita kahit walang mamutawing mga salita sa kaniyang bibig.

"Syd?"

Napaiwas siya ng tingin at tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa kaniya. Ngunit nabigo lamang siya. Dahil imbes na makawala rito'y mas lalo lamang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniya.

Napatingin na lang siya sa langit at humugot muli ng isang malalim na hininga. "Luke, madilim 'yong langit. Uulan. Kailangan ko nang bumalik sa loob."

"So? Basa naman na tayo. Walang dahilan para umiwas sa ulan. Tell me, Syd. Iniiwasan mo ba ako?"

Nakukulitan na siya rito. Bakit ba gustong gusto nitong malaman ang sagot niya? Gugustuhin ba talaga nitong malaman na totoong galit pa rin siya rito. Na totoong iniiwasan niya ito. Na totoong hindi pa rin siya nakakalimot sa huling beses na nagkita sila. Noong araw na ipanamukha nito sa kaniya kung gaano nito mas pinahalagahan ang relasyon kay Lindsay kumpara sa pagkakaibigan nila. And speaking of Lindsay? Marahil ay silang dalawa pa rin. Naalala niya minsan noong nadulas ang kaniyang pinsan sa pagkukwento sa kaniya ilang taon na rin ang nakakalipas.

"Syd! Alam mo ba, ikakasal na si Melchor next month. Kilala mo pa naman siya 'di ba?"

Naalala nga niya si Melchor. Ito ang president ng Student Council noong last year nila sa high school. He's also her classmate since elementary days. Who would forget him? Especially his efforts to catch her attention. She remember how desperate he was to get her yes while she kept on rejecting him. And seeing him doing such thing for her? Masasabi niya kung gaano ka-determined at katiyagang tao ang kaklase.

"Of course, I still remember him! Well, masasabi kong maswerte ang mapapangasawa niya. Knowing him? For sure, halos araw-araw na nagmimistulang uod na binudburan ng asin ang asawa niya. Effort ba naman ang isang iyon," aniya at natawa.

Napasandal naman si Wincy sa headboard ng kama niya. Nandito sila ngayon sa kaniyang kwarto at balot na balot ng kumot dahil nakatodo ang temperature ng aircon.

"Huwag mo sabihing kinilig ka rin kahit paano kay Melchor noon?" anito at nilingon siya.

Nagkibit balikat siya at sinagot ang tanong nito. "Well, sino ba namang hindi? Alayan ka ba naman ng mga rosas at kinuntiyaba pa ang mga estudyante sa school natin 'di ba?"

"Yeah. The perks of being a student council's president. Hindi ka man lang ba nanghinayang or na-fall man lang sa kaniya?"

"Hindi eh. Kasi kahit anong gawin niya, hindi talaga siya nagustuhan kailanman ng puso ko. Alam mo 'yong kahit napapangiti niya ako sa mga pinaggagawa niya pero hindi naging sapat iyon para maisip ko siya everytime na ipipikit at ididilat ko ang mga mata ko. Melchor only exists on our school but in my life? He's just a common friend."

Minsan nga ay naisip niyang sana kay Melchor nalang siya na-inlove. Paniguradong mabubusog siya sa pagmamahal nito. At sigurado rin siyang iingatan siya nito ng husto. Pero paano mangyayari iyon? Gayong kahit ilang taon na ang lumipas ay isang tao pa rin ang itinatangi ng puso niya? Ang taong iyon pa rin ang hinahanap hanap niya. Iyong taong iyon pa rin ang patuloy na sumasanay sa kaniyang isipin ito bago matulog at pagkagising sa umaga. Hanggang ngayon, hindi niya maunawaan ang kaniyang sarili. Akala niya'y makakalimutan din niya ito oras na mapalayo siya rito. Pero hindi naging hadlang ang distansiya upang makalimutan ito. Dahil kahit wala roon ang katawan niya, naiwan naman ang puso niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin yata nakakauwi sa kaniya.

"But I'm happy for them," nakangiting sabi niya.

"Oo nga pala. Invited ang buong klase natin sa kasal niya. I think ma-appreciate ni Melchor kung pupunta ka. What do you think? Baka kailangan mo nang bumalik ng San Agustin. Na-miss ka na ng lupang sinilangan natin!"

Napaisip siya sa sinabi nito. Limang taon na rin nga naman ang nakalipas. Bakit kaya hindi na lang siya magbakasyon muna roon? Kaka-graduate lang naman niya last week at kailangan din naman siguro niya ng break.

"Balita ko kasama ni Luke si Lindsay sa kasal ni Melchor. Akalain mo 'no? Sila pa ring dalawa. No wonder, sooner, silang dalawa naman ang ikakasal."

Parang bomba sa pandinig niya ang huling sinabi ni Wincy. Para siyang nabingi sa sinabi nito. Hindi niya inaasahang kahit kalahating dekada na ang lumipas ay silang dalawa pa rin pala?

True love, huh, ani isang bahagi ng isip niya.

Yeah, baka nga totoong sila talaga ang para sa isa't-isa. Bakit ba kasi kahit malinaw naman ang katotohanang iyon ay may bahagi pa rin sa sarili niyang umaasa na sana masuklian din nito ang noo'y pagsintang pururot niya rito. Damn, she's still inlove with the same man who broke her heart! At bakit ba hanggang ngayon naiisip pa rin niya ito gayong wala naman yata itong pakialam sa nararamdaman niya?

As usual, iniwasan na naman niya ang tanong nito. Hindi naman na siguro kailangan pang isatinig ang nararamdaman niya dahil halata naman sa kilos palang niya. Buo ang loob na tinanggal niya ang kamay nitong nakahawak sa kaniya. Nang tuluyang makawala rito ay umahon na siya at tuloy tuloy na pumasok sa loob ng bahay. Wala na siyang pakialam kung maglawa man ng tubig ang madaanan niya. Mas iniintindi niya ngayon ang paglalakad papunta sa kaniyang kwarto. Gusto niyang mapag-isa at hindi siya makakakilos ng normal kung hahayaan niya ang sariling malunod sa presensiya ni Luke.

"SYD, siya nga pala si Gene. Genesis ang real name niya but she preferred Gene para one syllable lang raw," pakilala ni Wincy sa kaibigang katulong sa paghihiwa ng mga rekadong lulutuin para sa tanghalian.

Kakagising lang niya at napagpasyahan niyang bumaba para tumungo sa kusina. Nakaramdam kasi siya ng pagkauhaw. Bakit ba naman kasi wala man lang kahit water despenser sa ikalawang palapag ng bahay nila Wincy? Kailangan pa tuloy niyang um-effort na bumaba para lang kumuha ng tubig.

Nginitian niya ito at saka inilahad ang kaniyang kamay. "Hello, Gene. Sydney nga pala. But you can call me Syd para one syllable lang rin," pakilala niya at magkakapanabay silang natawa.

Naiiling na ipinagpatuloy nalang ni Wincy ang ginagawa. "May gagawin ka ba?"

"Wala naman," aniya at hinatak ang upuan. Hinarap niya ito sa gawi nila Wincy saka umupo.

"Tamang-tama. Tulungan mo kaming magbalat ng patatas. Para mas mapadali 'yong pagluluto," binitawan nito ang hawak na kutsilyo at may kinuhang bowl. Iniabot ito ni Wincy sa kaniya.

"Lahat 'to?" tukoy niya sa mga patatas na kahit yata gawin niyang mashed potato at french fries ay sosobra pa rin.

"Aha."

"Ang dami naman! Saka kailan ka pa nahilig sa patatas?"

"Shut up, okay? Tumulong ka nalang. Saka noong nakaraan pa ako naghahanap ng patatas kaya please lang, 'wag nang maraming tanong."

Sinundan na lamang niya ito ng tingin ng bumalik ito sa pwesto nito at nagsimula uling maghiwa ng baboy. Nginitian na lang siya ni Gene na para bang sinasabi sa kaniya na pagbigyan na si Wincy dahil sa malamang nasa stage pa rin ito ng paglilihi.

"Okay, get it. Asan na 'yong peeler?" aniya at dumampot ng patatas.

"Don't use peeler, my dear cousin. Masasayang ang kapiranggot na patatas na pwedeng mawala. Use a spoon instead," suhestiyon nito sa kaniya habang nakataas ang kamay nitong may hawak na kutsilyo.

Gustuhin man niyang tumutol ay wala na nga siyang nagawa. Inilapag niya ang hawak na patatas at tumayo para kumuha ng kutsara. Habang pabalik sa pwesto ay tinignan lang niya ang mga rekadong nasa ibabaw ng lamesa. Napakadami noon, at sa tingin niya, marami silang kakain mamaya.

"HON, dahan dahan naman sa pagkain. Baka mamaya mabilaukan ka, eh," awat ni Red kay Wincy. Para kasing hindi nakakain sa loob ng mahabang panahon ang pinsan niya. Tuloy-tuloy kasi ang pagsubo nito at hindi niya alam kung nakuha man lang ba nitong uminom ng tubig at dumighay.

"Don't mind me, hon. Sasamain ka sa akin. Just let me eat this mashed potato, okay?" ani Wincy at muling ipinagpatuloy ang pagkain.

Napailing nalang siya. Akala niya siya na ang may pinakamalalang pagnanasa sa patatas. Paborito niya kasi talaga iyon at bigla niyang naalala 'yong mga panahon na nilalait siya ni Wincy kesyo walang ka-taste taste ang panlasa niya. Paano raw ba niya naaatim na kumain ng maraming patatas. Hindi raw ba inaamag ang loob ng kaniyang sikmura sa dami ng starch na na-digest nito.

"Syd, mag-resign ka na sa work mo. Iha-hire kita as my personal cook. Didn't know na ganito pala kasarap ang patatas. Ang sarap, sobra!" baling sa kaniya ni Wincy at muling sumubo ng mashed potato na nagmukhang cerelac dahil sa kumalat ito sa bibig nito. Agad namang pinunasan ni Red ang bibig ng kaniyang pinsan.

"Masarap ba talaga?" tanong naman ni Julia. Isa sa mga kaibigan ni Wincy mula sa San Agustin.

Magkakasabay silang dumalo sa hapagkainan kanina pagkatapos nilang magluto. Kaya naman pala napakarami ng niluluto nila kanina dahil marami pala talaga silang kakain. Muntik na kasing mawala sa isip niya na nandito nga rin pala ang mga kaibigan ng pinsan niya. Paano ba naman niyang maaalala pa gayong abala siyang isipin ang lalaking kaharap niya ngayon.

"Of course. Natikman ko na 'yong mashed potato ni Sydney. Actually, ako 'yong unang taster ng recipe niya," sagot ni Luke kay Julie at nakangiting nilingon siya.

Napairap na lang siya rito. Paano ba naman? Kanina pa siya nito ibinibida. Kesyo raw pangarap niya noong maging chef. Mahilig raw siyang kumain at mag-explore. At marami pang iba. Para bang pasimple nitong ipinapaalala sa kaniya na nasaksihan nito ang mga hilig niya noong magkasanggang dikit pa silang dalawa.

"Oo nga! Alam n'yo ba, akala ko noon cerelac 'yong niluluto ni Syd noon sa kusina ni Lola. Eh, favorite ko 'yong lasa ng cerelac during that time. Kaya ayon, kumuha ako ng kutsara saka naglagay roon ng niluto niya. Aba ang loka, kuntodo ba naman ang pigil sa akin noong isusubo ko na. Hindi raw ako ang dapat na makatikim noon. Niluto raw niya 'yon para kay Luke and she really wanted Luke to taste it first than anyone else. Tapos ayon, ang dami na rin niyang sinabi kesyo hindi ko naman din daw magugustuhan kaya huwag ko na raw tangkain," kwento naman ni Wincy. Ramdam naman niya ang pamumula ng kaniyang mukha lalo pa ng may kung anong kislap sa mga mata ni Luke habang nakatingin sa kaniya.

Pahamak talaga ang pinsan niyang si Wincy. At talagang nakuha pa nitong magkwento sa harap ng mga kaibigan nito? Baka mamaya, kung ano pang maisip ng mga ito!

"Well, masisisi mo ba ako? Luke and I were best buddies before. So, I don't see anything wrong there," patay malisyang sabi niya at tumingin ulit sa kaharap. Natigilan naman siya ng makitang umiba ang timpla nito. Kung kanina ay para bang wiling-wili ito sa naririnig, ngayon naman ay para na itong isang yelo na hindi mo mabasag dahil una't higit sa lahat, mabibitawan mo ito dahil sa sobrang lamig.

Para namang nakaramdam ang mga tao sa paligid nila. Namayani kasi ang katahimikan at halatang nakikiramdam.

Maya-maya'y tumikhim si Wincy upang marahil ay basagin ang katahimikan, "okay. Let's eat. Nako, guys. Try n'yo 'yong menudo! Specialty ko 'yan kaya promise, hindi kayo mabibigo!" alok nito at ganoon nga ang ginawa ng mga kasama. Ilang sandali pa'y pumailanlang ulit ang tawanan at ang pagkakamustahan na para bang walang nangyari kanina. Ngunit kahit gustuhin man niyang makisali sa kwentuhan ng mga ito, hindi na niya magawa dahil napapatiklop siya sa tuwing makikita ang seryosong mukha ni Luke habang kumakain.

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
3M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!