Heart of the Ocean

By DorchaLuna

19.1K 1.5K 214

Dalhin natin ang RaStro sa mundo ng karagatan... Parehong nalulubog sa kalungkutan sa pagkawala ng kanilang m... More

Glaiza Galura
Palamuti
Speed and Light
Almost
Saved
Waves
When Our Eyes Meet
Roofdeck
Kakaibang Pasko
Everything is a First
Ilusyon
Want, But Can't
Kaba
Jealous
The Truth
Movie Night
Storm
Coincidence
To The Rescue
Kaba
Hanging
Surprise
Unexpected
Pag-amin
Weight
Prepare
A Mission
Rescue Mission
Hope
Chase
Gun Fire
My Love Will Never Die
Countdown

Meet The Galuras

734 57 11
By DorchaLuna

Mag-uumaga na ng nilisan ng dalawa ang Sky Ranch. Kung gaanong namangha si Rhian sa tanawin sa gabi, lalo siyang namangha sa tanawin habang papaangat ang haring araw sa kalangitan. As they decent down the high road, tila ginto ang dagat na nakikita niya habang ginigising ng araw ang sangkalupaan. Napakasariwa ng hangin na dumadampi sa kanyang balat at napapahigpit siya ng yakap sa katawan ng driver ng motor kapag nanginginig siya.

Glaiza stopped over sa gilid ng kalsada, iniangat ang shield ng kanyang helmet to check her rider kung gusto niyang hiramin muli ang kanyang jacket but she refused. Okay lang daw siya. Gusto daw niya ang hangin lahit malamig because her heart felt warm dahil sa pagaalala sa kanya ni Glaiza.

It took them almost 3 hours, kasama ang mga stop overs nila for water and bladder breaks, na makabalik sa Alabang.

"Glaiza, salamat sa pasyal ha. Sobrang naenjoy ko ang gabi ko," sambit nito habang inaabot ang helmet sa kasama.

"I'm glad di ka naman na-bored. Ahm, Rhian,"

"Hm?"

"Pwede bang iinvite kita mamayang hapon? My parents would like to meet you?"

"Parents?"

"Oo. Gusto kang makilala ng mga magulang ko,"

She wanted to ask kung ano ang ibig sabihin ng parents. Mabuti na lang at tinagalog ni Glaiza ang kanyang sinabi.

"Dumating kasi sila galing Texas to surprise me. Sila yung tumawag kanina when we were eating. Sabi ko na kasama kita and they wanted to meet you. Pwede ba?"

"Sumama ka na, Rhian," nagulat naman ang dalawa nang biglang nagsalita si Barbie na noo'y nakikinig pala sa may.pintuan nang hindi nila namamalayan. "Sasama yan, Glaiza. Hindi yan tatanggi,"

"Good then, sunduin kita mamaya ha," she walked closer to Rhian and kissed her forehead then lovingly looked at her eyes bago nag-paalam.

Tila yelong natunaw si Rhian sa paghalik ni Glaiza sa kanyang noo. Sa pagbuhay ng motor ni Glaiza, nakaramdam si Rhian ng lungkot. Time seems not to exist kapag kasama niya ang bike racer.

"Okay lang yan. Babalik naman siya mamaya para sunduin ka," komento ni Barbie na tila nararamdaman ang lungkot na nararamdaman ng kanyang kaibigan. Kabisado na siya nito. Alam niya kung kailan siya masaya o malungkot kahit itago pa niya ito.

Glaiza waved before leaving. Sinundan siya ng tingin ni Rhian hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin.

Kahit nakaalis na, umaapaw ang isip at puso ni Rhian sa mga alaalang kasama ni si Glaiza sa Sky Ranch. Ito ang pinakamasayang pasko na kanyang naranasan. It even tops the Kadagatan they do sa ilalim ng dagat. How can one person gives her all the joy and happiness she had experienced with lots of Daraganos under the sea? Isang tao lang pero umaapaw ang kanyang kaligayahan. No amount of money, projects nor fans can ever make her forget whatbshe became nang kasama niya ang dalaga. Hindi niya maipaliwanag but she felt a whole new person when she was with Glaiza. The way she holds her, speaks to her. Looked at her. Her eyes that says her name even without a word transcends her to a different depths of her being.

"Ano, mahal mo na ba?" pukaw ni Barbie sa kanyang naglalayag na kaisipan.

"Mahal? Sino?"

"Maang-maangan ka pa. E di yung babaeng kasama mo buong magdamag. Kayo na ba?"

"Anong kami?"

"Jowa... Girlfriend... Kasintahan,"

"Ka...sin.... Hindi. Mag-kaibigan lang kami. Ipinasyal niya lang ako kasi ako lang mag-isa,"

"Rhian, lagpas 5 taon na tayong magkasama. Mula ulo hanggang anit mo, kabisado ko na. At alam ko na may nararamdaman ka para sa kanya,"

Ano nga ba ang nararamdaman niya para kay Glaiza? Ang alam niya, at aminado siya sa sarili niya na masayang-masaya siya sa mga oras na nakasama niya ito, at gusto niya itong maulit. Maulit ng maulit ng maulit. Makasama siya ng mas matagal. Makilala niya ng lubusan. Gawin kung ano ang makakapagpasaya sa kanya. Ganun ba ang pakiramdam ng nagmamahal? Mahal na ba niya si Glaiza sa maikling panahon? Sana'y may pamilya siyang magsasabi sa kanya kung ano ang pagmamahal.

"So...sorry Rhian kung may nasabi akong hindi maganda," tumabi si Barbie sa kanya sa sofa. Hindi niya napansin na tumulo na pala ang kanyang luha.

"W...wala ito. Naalala ko lang ang pamilya ko. Sila ina at ama. Pati na si Kuya Akwano. Sana nandito sila para turuan nila ako kung ano ang pagmamahal,"

"Andito nan ako ah. Hindi ko pa nararanasan ang mahalin ng taong mahal ko, pero umibig na rin ako,"

"Masakit ba ang mahalin ang taong hindi ka mahal?"

"Masakit, lalo na kung yung mahal mo ay may mahal nang iba. At ang pagmamahal na maaaring ibigay lang sa'yo ng taong mahal mo eh bilang kaibigan lang. Pero yung kay Glaiza, alam ko mahal ka niya higit pa sa kaibigan,"

"Paano mo naman nasabi yan?"

"Kung paano ka niya tignan. Kung paano ka niya alalahanin. Kung paano ka niya pasayahin. Rhian, sinisigurado ko sa'yo mahal ka rin niya,"

"Rin? Ni hindi ko nga alam kung pagmamahal din ba ang nararamdaman ko para sa kanya,"

"Ano bang nararamdaman mo?"

Napaisip si Rhian dahil siya mismo hindi niya alam. Basta't masaya siya nung magkasama sila at nung umalis si Glaiza, nakaramdam siya ng pangungulila kahit pa magkikita pa sila ulit mamaya. Para siyang lumulutang sa kasiyahan na inihihiling niya na sana ay walang katapusan.

"Masaya nung kasama ko siya. Malungkot ngayong umalis na siya. Nung mga oras na magkasama kami, parang langit. Hindi ko talaga alam kung ano itong nararamdaman ko. Hindi ko maeksplika. Naguguluhan ako Barbie,"

"Mahal mo nga,"

"Paanong naging mahal ko eh hindi ko nga alam ang nararamdaman ko,"

"Exactly! Hindi mo maexplain ang nararamdaman mo pero masaya ka sa kanya. Ang pagmamahal ay walang eksaktong eksplinasyon. Ni hindi mo nga alam kung bakit ganyan ang nararamdaman mo, di ba? Hindi mo alam kung bakit mahal mo siya,"

"Ma...hal...ko...siya?"

"Ikaw lang makakasagot niyan. Ang mabuti pa, kumain na tayo. Naghanda na ako ng almusal natin, tapos punta tayong mall. Mamili tayo ng isusuot mo mamaya sa pagkikita ninyo ng mga magulang niya. Alam mo, pakiramdam ko hindi matatapos ang araw na ito, magiging mag-jowa kayo,"

May parang kuryente siyang naramdaman na nagpatayo sa balahibo niya sa buo niyang katawan. Ano ba tawag dun? Kilig? Kinilig siya nang sabihin ni Barbie ang pakiramdam nito ay magiging magkasintahan sila ni Glaiza sa araw na ito. Dapat ba siyang umasa? Baka nagkakamali lang si Barbie.

"Ayaw kong masaktan Barbie. Ayaw kong umasa," sabi nito habang lumalakad patungong dining table.

"Hindi naman sa umaasa ka. Kitang kita ko naman kung paano ka niyang tignan eh. At yung paghalik niya sa noo mo, wag mong sabihin na wala kang naramdaman,"

Meron... Meron siyang naramdaman, pero hindi niya rin alam kung ano. Basta parang langit ang naramdaman niya nung hinalikan siya nito. Ang una niyang halik nung nasa loob sila ng Sky Eye.

"Barbie, ano ang ibig sabihin pag hinalikan ka sa labi?"

"WHAT!!! HINALIKAN KA NIYA SA LABI? OH MY GULAY!!!" gulat ni Barbie na kamuntikan pan mabitawan ang hawak na salad bowl.

"Wala akong sinabing hinalikan niya ako. Nagtatanong lang ako. Grabe ka makasigaw," saway nito habang pinapahiran ang luha.

"Sorry naman. Pero hindi mo itatanong yan kung hindi ka niya hinalikan. Tama ako noh, hinalikan ka niya," tumango si Rhian na nagblush ang mga pisngi. "Ateng!!! Naeexcite naman ako sa love story ninyo. Mahal ka nga niya. Love at first sight!"

"Love at... ano yun?"

"Na-in love siya sa'yo sa una ninyong pagkikita,"

Love at first sight nga ba ang nangyari sa kanya? Sa unang pagkikita nila nung gabing sumama siya kay Barbie, sa unang pagtatama pa lang ng kanilang mga mata, there was a sense of comfort. A connection na parang sa mga mata pa lang ay nag-uusap na sila. May pagkakaintindihan. Sa unang pagkikita pa lang ay nakatatak na sa kanyang isip ang isang Glaiza Galura.

----------

Saktong pagdating ni Glaiza ay siyang pagdating naman ng kanyang mga magulang. She gave her bike key sa valet at tumakbong palapit sa mga bagong dating at yumakap ng mahigpit.

"So, where is the woman you want us to meet?" excited na tanong ng ina.

"Ma, don't be too excited. You'll meet her soon,"

Hindi ma-contain ng mag-asawa ang tuwa na kanilang naramdaman na sa wakas, pagkaraan ng mahabang panahon, may isang babaeng muling nagbukas sa puso ng kanilang anak na matagal niyang binaon sa limot sa pagkawala ng kanyang kasintahan. When Glaiza came out, agad namang tinanggap ng ina ang preference nito, unlike her father na hindi ito tinanggap noong una dahil nais umano nito na magkaroon ng apo sa kanilang kaisa-isang anak. Paano na daw ito mangyayari kung hindi lalaki ang magiging asawa nito. Kahit pa sinabi ng kanyang mag-ina na may siyensyang makakatupad sa nais nitong mangyari, ayaw pa rin ng kanyang ama.

Despite of his declining of her daughter's decision, Glaiza proved herself by achieving academically and scholastically na ikinabilib ng ama, lalo na ng ipinakilala nito ang kanyang kasintahan na katulad niya, graduated with highest honors. At bilang regalo, niyakap ng ama ang buhay na nais ng kanyang anak at ng napupusuan nito.

"Hija, I'm glad you opened your heart again. Ito ang pinakamasayang pasko after so many years," Mr. Galura yanked her daughter, locking her in his arms like he always do when she was just a small girl.

"Tara na sa unit ko, mom, dad. I will be picking her up later this afternoon,"

"Ipagluluto ko siya anak. Alam mo ba kung ano ang paborito niya? You have your fridge full?"

"Ma, she's a model and vegetarian, and puro easy to cook lang ang mga nandyan sa ref ko," natatawa nitong sagot.

"Oh, then we better do some shopping. Boy, kaya mo pa naman mag-drive di ba. Mag-grocery tayo," pag-yaya ng ina sa asawa nito na tinanguan ng kabiyak.

"Ma, calm down. We have a lot of time. For the meantime, lets catch up. Miss ko na po kayo," she lead the way going to her unit.

----------

Using the Grab app sa cellphone ni Barbie, nagtungo sila sa Alabang Town Center para mamili ng isusuot ni Rhian at christmas gift para sa mga magulang ni Glaiza. Ayon dito, nanggaling ang kanyang mga magulang sa ibang bansa.

Barbie pulled her from one store to another, picking up clothes na babagay sa kanya, at bilang modelo, sa bawat damit na kanyang isinusukat, Barbie asks her to pose. PInagbigyan naman niya ito dahil ang sabi ng kaibigan, makakabawas ito sa kabang kanyang nararamdaman. Gusto sana niyang isama ito sa pagkikipagkita sa mga magulang ni Glaiza, Barbie declined. May kiktain umano itong lalaki na nakilala niya sa pa-dinner ni Migo sa Cove Manila.

Sa dami ng kanyang isinukat, iisa ang kanyang nagustuhan.

Short skirt, long sleeves na babagayan ng kanyang beige high heels.

"Mukha kang college student," komento ng kaibigan.

"Bagay naman ah. Mas lalo akong nagmukhang bata,"

"Sinabi ko bang hindi bagay. Ang sabi ko nagmukha kang estudyante. Komportable ka naman ba dyan sa suot mo?" 

Umikot-ikot ito sa harap ng salamin at nag-selfie. Gusto niyang makita na bagay nga sa kanya ang kanyang pinili. Minsan kasi kahit bagay tignan sa harap ng salamin, hindi naman maganda sa litrato. Natutunan niya ito noong nag-uumpisa pa.lang siya na maging modelo. Mas pagod pa nga siyang magpalit ng magpalit ng damit kesa magpose.

"Anong ireregalo ko sa mga magulang ni Glaiza?"

"Dalhan mo na lang kaya ng cake. Sa may baba merong masarap na tindahan ng cake," Barbie pulled her towards Tous les Jours.

There are so many cakes to choose from at hirap silang dalawa mamili. From character cakes to fruits ang flower shaped cakes. Makailang beses nila binalik-balikan ang bawat display, pero hindi sila makapili.

"Ito na lang kaya," pointing at a certain cake of red and white colors.


"Winner mamshie! Parang ikaw lang. Isang maganda at sweet na bulaklak," pagsangayon nito.

***ring ring...ring ring.. ***

Barbie took his phone from his clutch bag.

"Si Glaiza, tumatawag. Sagutin mo?"

"Ikaw na. Sa'yo tumatawag eh,"

"Selos ka naman,"

"Baliw! Sagutin mo na," napatawa ito sa tinuring ng kaibigan.

"Hello, Glaiza napatawag ka,"

"Sorry to disturb you. Wala pala akong number ni Rhian. I only have yours. Is she with you?"

"Oo. Nandito kami sa mall, bumibili kami ng damit na isusuot niya para mamaya,"

"Nothing fancy, Barbie. Imimeet lang naman niya parents ko,"

"Oo nga. Imimeet niya ang kanyang future in-laws,"

"Ano?" Glaiza asked.

"Wala. Anong oras mo ba siya susunduin?" tanong nito habang iniinda ang braso na hinampas ni Rhian.

"I'll be there at 6pm,"

"Okay. Ready na siya nun. Bye,"

"Ano sabi?"

"Susunduin ka daw niya ng alas-sais,"

"Naku, umuwi na tayo,"

"Ay, excited? Ateng, mahaba pa ang oras oh. Pwede ka pa nga magpa-facial at foot spa. Pampering muna tayo. Tagal na nating di nagagawa yan. Sige na. Itong na lang gift ko sa'yo tutal yung totoong gift ko sa'yo eh delayed naman ang dating,"

Rhian gave in sa lambing ng kaibigan.

----------

"Anak, where did you meet her?" tanong ng ina.

"Sa isang bar. I accidentally spilled her with my drink, so I brought her here para makapagpalit ng damit,"

"Always smooth moves anak," pagbibiro ng ama. 

"Dad, I said accidentally. And also, don't be surprised once you meet her,"

"Surprised? Bakit? Is she deformed? May physical disability?" Mrs. Galura asked na napahawak sa braso ng anak.

"Ofcourse not. Ma, model nga siya di ba. She is very beautiful na mapagkakamalan n'yong dyosa,"

"Hm... Sounds familiar ang description mo. You told us that when you introduced Sarah Kaye yo us,"

Natahimik si Glaiza. Somehow she felt a bit guilty dahil sa ang nakikita niya sa katauhan ni Rhian ay si Sarah Kaye, pero dahil sa kanya nabuhay muli ang kanyang mundo. Magkaiba ang kanilang pagkatao. Sarah Kaye was a serious type, matalino, achiever. Si Rhian naman ay inosente, masayahin, modelo. The only common thing about them are their splitting image na akala mo ay kambal. Mrs. Galura hit her husband's shoulder dahil sa pananahimik ng anak.

"Cha hija, why don't we do some groceries. Para may mailuto tayo for later. We have enough time pa naman. You said vegetarian siya. Gumawa tayo ng vegetable salad. Ceasar salad or Grilled Vegetable salad or my famous Cucumber Salad with Dill Vinaigrette,"

"Sure Ma. Lets go,"

----------

Nakauwi ang magkaibigan 2 more hours to go before 6pm. They had their bonding moment sa spa at nakapagpa-facial. Lahat ng iyon ay sagot ni Barbie as his holiday gift. Rhian felt her stomach churn habang papalapit ang oras ng pagsundo sa kanya ng babaeng pakiramdam nga niya ay na-love at first sight siya tulad ng sinabi ni Barbie sa kanya. She wants everything to be perfect sa pagharap niya sa mga magulang ng dalaga. Gusto niya wala silang maipintas sa kanya. Pinipilit pa rin niyang sumama ang kaibigan for moral support dahil malakas talaga ang kanyang kaba pero ayaw naman ni Barbie. Kaya na raw nito ang mag-isa at tiwala siyang aalagaan siya ni Glaiza. 

1 hour to go. Rhian had already fixed her self. Babrie applied light make up dahil hindi naman daw ito pictorial at bagay na bagay sa kanyang kolehiyala attire. 

"Ano ka ba, relax ka nga lang. Para kang patay sa sobrang lamig ng kamay mo," biro nito nang hinawakan siya ng kaibigan.

"Kinakabahan ako. Ayaw mo kasi akong samahan,"

"So kasalanan ko pa kung bakit ka kabado. Kaya mo yan,"

30 mins....

Bihis na si Rhian at naghihintay na lamang ng oras sa pagdating ng kanyang sundo. 

Hindi siya mapakali. Tatayo. Uupo. Maglalakad paroo't parito at muling uupo. Bakit ba ganito ang nararamdaman niya? Ordinaryong tao lang naman siguro ang kanyang kahaharapin pero ang epekto sa kanya ay parang haharap siya sa paglilitis ng mga Paruho, ang samahan ng mga nakakatandang Daragano. 

Sa tunog ng kanilang door bell, tila gustong ilubog ni Rhian ang sarili sa dagat at lumangoy pailalim. Lalo siyang kinabahan. Gustong umatras ng isip pero gustong sumulong ng kanyang puso dahil gusto na niyang makitang muli ang dalagang naglagay ng chubibo sa kanyang puso. 

Muling tumunog ang doorbell kaya't bumaba si Barbie na nakita ang kaibigan na nakaupo pa rin sa sofa. Umiling iling ito na nilagpasan na lang ang dalaga upang buksan ang pinto. Bumunga sa kanila si Glaiza na may hawak ng bulaklak.

"Hi Barbie. Si Rhian, ready na ba?"

"Kanina pa. Ayun, sa salas. Naninigas,"

"What?! Anong nangyari? Is she okay?" pagaalala nitong tanong.

"Okay lang siya. Ninenerbyos lang. Halika, pasok ka,"

Rhian was just sitting. Hindi niya alam kung ano ang kanyang ikikilos o sasabihin. Ni hindi niya napansin na nakapasok na ang kanyang sundo at nakatayo na sa kanyang harapan.

"Rhian?"

"Glaiza! An...andito ka na pala!" gulat nitong sagot at napatayo.

"Okay ka lang ba?" iniabot nito ang bulaklak na dala na kanyang pinaayos sa isa niyang kaibigang sikat na flourist.

"Sa..lamat,"

"Lets go. Excited na sila mama at daddy na makilala ka,"

"O...okay lang ba...itong suot ko? Nakamotor nga pala tayo, nakalimutan ko,"

"You look beautiful," she slide her fingers sa pisngi ni Rhian na puno ng admiration. Isang malakas na kuryente ang gumapang sa buong katawan niya. "Hindi tayo nakamotor this time. Tara," she offered her hand na tinanggap naman ni Rhian. "Hey relax. Parents ko lang ang imimeet mo. Don't be nervous," she gave Rhian's hand a light kiss na nagpaghina sa kanyang tuhod, then pulled her towards the door. 

"Have fun, kids!" sigaw naman ni Barbie nang makalabas sila.

Nang pagbuksan siya ng pinto, non lang niya napansin ang kasuotan ni Glaiza. Ang tight skinny nito that emphasizes her long legs na binagayan ng 3/4 sleeves na gray top. Astig kung pumorma. Gwapong maganda.

"Alis na kami Barbie,"

"Iuwi mo ng buo yan ha. Dapat pag-uwi ni Rhian, paguusapan na namin ang kasal ninyo,"

"Sira!" sigaw naman ni Rhian sa sinabi ng kaibigan na pinamulahan niya ng kanyang pisngi.

Glaiza opened the car's door for her at kahit papasok na siya ng sasakyan, hawak pa rin niya ang kanyang kamay. That feeling she felt nung nasa Sky Ranch sila, ang buong gabing magkahawak sila ng kamay ay muling nanumbalik. Gusto niyang matunaw sa sobrang kasiyahan sa simpleng paghawak ng kanilang mga kamay. 

----------

It's was less than an hour drive from Alabang to Quezon City kung saan ang condo ni Glaiza. Lalong lumakas ang kaba ng dibdib ni Rhian na parang sasabog ito dahil ilang minuto na lang ay makikilala na niya ang mga magulang nito. Glaiza alighted first nang buksan ng valet boy ang kanyang pintuan. She rounded her car to open Rhian's side at muling inalalayan paglabas. Naramdaman nitong muli ang nanlalamig na kamay. She gave it a light squeeze and smile upang pakalmahin ito. 

"Relax. Breathe. My parents are normal people. Hindi sila mga hari o reyna para kabahan ka," puna nito.

"Pasensya ka na. Hindi ko mapigilang kabahan eh," 

"I'll be here. Akong bahala sa'yo," she said nang bigla niyang ikulong sa mga bisig ang dalaga feeling her beating-like-a-drum heart.

But Rhian felt comfort in the arms of the dirt bike racer. Kung maaari lang ay wag na siya nitong bitawan pa.

The familiar walk way going to Glaiza's unit is cozy for her now kahit isang beses pa lang siya nakapunta. Wala na rin ang takot na pumasok sa elevator dahil sa mga horror movies na napapanood niya dahil kasama niya si Glaiza. And when the lift dings indicating that they had reached their desire floor, muling bamalik ang kaba sa kanyang dibdib. Parang may buffalos  na nagstampede sa sobrang nerbyos. Sa paghawalk ni Glaiza sa door knob, pati siya ay napahawak sa braso ng katabi. Napatingin si Glaiza sa kanya.

A soft texture touched her cheek.

1 second..

2 seconds..

3 seconds..

4 seconds..

5 seconds..

"Kalma lang, okay," bulong ni Glaiza when she pulled her lips from Rhian's face. Napatingin na lamang ito and unconsciously nodded. 

"Ma, dad, we're here!" pagtawag ni Glaiza sa kanyang mga magulang na noo'y nakaupo sa sala at nagkkwentuhan.

Mrs. Galura ran to them first due to her excitement habang si Mr. Galura ay nakatayo lamang sa salas. Tila napako ang mga paa ni Mrs. Galura nang makaharap si Rhian. She was lost for words sa kanyang nakita. 

Multo?

Kakambal?

Mirror effect?

Are they in a reality show?

May camera effect ba?

Walang salitang lumalabas sa kanyang bibig though she wanted to ask what her mind was asking. Imaginary ants crawl to her skin sa hindi maipaliwanag na pakiramdam. Her eyes transferred from Rhian to Glaiza then back to Glaiza. Rhian became more nervous to the woman's facial expression dahil walang ngiti o tuwa itong nakikita sa kanyang mukha. She wanted to turn around leave the unit.

"B..boy..." tanging ang pangalan ng kanyang asawa ang kanyang nasabi that made her husband approach her, at tulad niya, hindi agad nakapagsalita nang makita ang kasama ng kanyang unica hija. 

----------

5 days to go mapapanood na ang THE ONE THAT GOT AWAY

Come and join us sa Mall show ng TOTGA. Meet and support Ms. Rhian Ramos and the rest of the casts. Palakasan tayo ng sigaw mga mamshies. Ang may pinakamalakas na sigaw, may premyo... hahahaha

Malalaman ko yan kasi pupunta ako... hehehehe....

Sino excited jan na mameet si Sophia Elizabeth aka ZOE at mabilaukan sa kanyang kaseksihan at matawa sa kanyang kakikayan?

Every episodes, ipatrend natin ang kanilang hashtags. Follow Rhian Ramos fan comm, Rhian's IG and tweeter to know every night's hashtags.... 

How do you handle your TOTGA? Ikaw ba ang THE ONE THAT GOT AWAY o yung ex-jowa nio?

vote and comment para malaman ko kung may excited na mapanood ang TOTGA... 

Continue Reading

You'll Also Like

235K 4.7K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
188K 5.6K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
39.6K 1.3K 78
Compilation of Vhoice stories.
19.3K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...