E V R Y W M N N T H W R L D:...

By SkyeSpadille

243K 9.3K 1.4K

Read the first book first, before you read this one. Disclaimer: This is purely fictional and a product of my... More

CHAPTER I
CHAPTER II
CHAPTER III
CHAPTER IV
CHAPTER V
CHAPTER VI
CHAPTER VII
CHAPTER VIII
CHAPTER IX
CHAPTER X
CHAPTER XI
CHAPTER XII
CHAPTER XIII
CHAPTER XIV
CHAPTER XV
CHAPTER XVI
CHAPTER XVII
CHAPTER XVIII
CHAPTER XIX
CHAPTER XX
CHAPTER XXI
CHAPTER XXII
CHAPTER XXIII
CHAPTER XXIV
CHAPTER XXV
CHAPTER XXVI
CHAPTER XXVII
CHAPTER XXVIII
CHAPTER XXIX
CHAPTER XXXI
CHAPTER XXXII
H E L L O

CHAPTER XXX

5.3K 218 21
By SkyeSpadille

Pagkatapos ng holiday season, kanya kanyang balik na ulit sa mga trabaho. Tapos na ang kainan, inuman at party party. Napaluha pa ako nung makita ko yung laman ng bank account ko. Anyway, unti unti narin akong nakakaramdam ng mga changes sa sarili ko. Paminsan minsan nahihilo at nasusuka na ako pero yun palang naman. Yung tiyan ko naman parang bilbil palang yung laki. Sabi mga 4mos daw, dun na yun mapapansin.

"Knock knock!" rinig ko galing sa labas.

"Who's there?" sagot naman ni Rhian na kanina pa winawalis yung bandang hagdanan. General cleaning kasi namin ngayon pero assistant lang ako kasi ayaw niyang mapagod daw ako. Sige nalang. Tingnan ko kung kayanin niya.

"Nadine!" sagot naman ng nakakatandang Howell. Aba! Game siya.

"Nadine who?"

"Nadine Howell! Pwede nang pumasok?"

"KJ mo naman 'te." asar si Rhian. Kahit ako nagexpect ng kanta.

"Pasok ka na Nadz!" ako na ang nagpapasok dito.

"Ba't ang haba ng nguso mo?" tanong ko dito.

Umupo ito sa sofa na parang pasan pasan niya ang buong mundo sabay hinga ng malalim.

"Si Vic kasi."

"Anyare? Ayaw na ituloy yung kasal?" tanong agad ni Rhian.

"Gage! Hindi! Gusto niya kasi kapag kinasal na kami, sa condo niya sa Makati kami tumira."

Hmm parang alam ko na 'to.

"Diba parang yun naman ang dapat?" tanong ko sa kanya. Binalik ko na rin sa ayos yung mga palamuti sa bahay na pinunasan ko.

"Oo alam ko naman yun pero kasi— malaki naman ang bahay ni Mommy tapos wala pa siyang kasama kung dun na kami sa condo ni Vic."

Nagtinginan kami ni Rhian na natigil na rin sa ginagawa niya.

"Kung gusto mo 'te at kung okay lang talaga sayo na dun na kayo sa Makati, ako nalang ang titingin tingin kay Mommy."

"Isa pa yun, parang ayokong umalis dito sa Mangga."

"Nasabi mo na ba kay Victor yan?" tanong ko.

"Hindi pa. Sabi ko pagiisipan ko. Four months pa naman bago yung kasal namin."

Tumahimik kaming lahat. Ayoko rin kasing manghimasok kahit na malulungkot talaga ako kapag umalis na si Nadine pero kasi, mapapangasawa niya yun kaya kahit anong desisyon niya, kailangan naming tanggapin.











Dalawang buwan ang nakalipas...

"Cha?"

"Uy Kat! Pasok. Nakakagulat ka naman."

"Eh wala na akong magawa sa mall kaya dumaan nalang ako dito."

"Si Paulo hindi mo kasama?"

"Kasama ko kanina pero umuwi agad kasi may emergency yata sa kanila. Si Yoyon pala?"

"Nasa taas nagbibihis lang. Kumusta pala kayo ni—ano?

"Nino?"

"Yung nasa likod."

"Bakit? Wala naman akong paki dun!"

"Baka lang naman kasing pwede pang maging friends ulit."

"Jusko! Wag na!"

"Ang bitter!"

"Hi Yon!" narinig ko si Kat kaya napalingon ako sa likuran ko. Ang ganda talaga ng asawa ko kahit nakapambahay at walang makeup. Napapansin ko din, parang gustong gusto kong lage siyang nakikita. Basta! May feeling na hindi ko maintindihan.

"Hi Kat! Binibisita mo si Ketchup?"

"Gaga!

"Ayaw pa aminin eh. Gusto naman makita yung ex niya." gatong ko.

"Mga sira! Dun tayo sa tindahan. Nakakamiss tumambay dun."

"Makikita mo yung ex mo niyan." asar pa ni Rhian.

"Wala akong ex dito!" tumayo ito at naunang naglakad papunta sa tindahan.




"Yo!"

Tadan! Saktong pagpunta namin sa tindahan tamang dating naman ni Ketchup. Si Kat, biglang umasim ang mukha. Hay. Bahala kayo diyan magsabong.

"Love, gusto ko ng chicharon." sabi ko kay Rhian ng malambing.

"Bumili ka." simpleng sagot nito kaya sinamaan ko ito ng tingin. Tumawa naman ito.

"Ang cute mo Love." pinisil nito yung pisngi ko.

"Chicharon lang ba?" tanong niya ulit sa akin.

"Oo." biglang crave talaga kasi ako. Mabuti nalang may tinda si Nanay.

"Ikaw miss ayaw mo ng chicharon?" narinig kong tanong ni Ketchup.

"Pwede ba wag ka ngang tumabi sa akin!"

"Bakit upuan mo ba 'to?"

"Ang luwag ng upuan kailangan talaga nakatabi." mahinang sabi ni Kat sabay irap.

"Pakaarte nito!" iritang sabi naman ni Ketchup. Hay. Wala na talagang pag-asa. Pangatlong encounter na yata nila 'to pero lage parin talaga silang nagbabangayan.

"Hi ate Kat!" bati ni Nadine na kakagaling lang sa kanila.

"Hi ate Nadz!" sagot naman ni Kat.

"Nadz balita ko hiwalay na kayo ni Victor?" asar ni Ketchup.

"Ogag!" sagot niya kay Ketchup..

"Anong gift ba ang gusto mo sa kasal niyo?"

"Mukha mo! Ikaw magregalo."

"Grabe! Anong akala mo sa akin? Gusto mo gift certificate ng isang motel diyan lang sa labasan para sa honeymoon niyo? 2D1N?"

"Yuck! Kadiri ka! Dun mo ba dinadala si Kat dati?"

Bigla kaming nagtawanan, kahit si Ketchup. Si Kat lang yung mukhang sasabog na bulkan.

"Uy hindi ako ganun kay Kat 'no? Dun ko siya sa Makati branch dinadala."

Tawanan ulit kami.

"Ina talaga nito!" inis na sabi ni Kat.




"Love yung gatas mo!"

"Saglit lang."

"Kanina pa yang saglit mo."

"Wait lang kasi. Pag nag-commercial." pero yung totoo niyan, nauumay na talaga ako. Umaga, tanghali at gabi dapat iinom ako ng gatas para enough yung calcium para sa akin at sa baby ko pero, nakakasawa. Naaamoy ko palang, parang nandidiri na ako.

"Papatayin ko yang TV!"

"Subukan mo lang!"

Narinig kong napabuntong hininga ito at lumapit sa akin bitbit yung basong may lamang gatas. Oh my God! Gusto kong masuka.

"Sige na please. Kahit pakonti konti lang. Maya maya pa naman tayo aakyat." malambing na sabi nito. Bigla naman akong nanggigil sa kanya.

"Kiss muna!"

Kiss. Oh napagbigyan.

"Love wala bang ibang flavor ang gatas na 'to?"

"Yan yung advice na gatas ni Doc."

"May dropper tayo diyan?"

"Paglalaruan mo na naman yan. Sige na Love, may kiss kada inom."

Ay bet ko yan.

"Sabi mo yan ha?" uminom ako pero konti lang.

"Kiss."

Kiss naman siya.

Inom ulit.

"Kiss."

Kiss ulit siya.

Inom ulit pero parang halos dumampi lang sa labi ko yung gatas.

"Kiss."

Kiss na naman siya.

"Nakakaasar ka." natatawang sabi nito.

"Ikaw ang nag-suggest nun."

Naka 100 kiss yata ako. So kung ganito lage, makaka 300 kiss ako sa isang araw. Ayos! Yung baby ko baka mamana nito ang pagiging magaling ko sa Math.





Bigla akong nagising ng naramdaman kong nagugutom ako.

"Bakit?" tanong ni Rhian na nagtatrabaho parin.

"Nagugutom ako. May T-bone ba tayo diyan?"

"Ano?!" gulat na gulat na tanong ni Rhian pagkatapos ay napatingin sa orasan.

"Biro lang. Pero nagugutom talaga ako, Love. Gusto ko ng Arroz caldo."

"Omg!"

"Bakit?"

"Wala. Wait lang." tumayo ito at binitbit ang laptop niya palabas ng kwarto. Sumunod naman ako.

"Abong ginagawa mo?" tanong ko ng makita kong naghahalungkat siya sa ref.

"Gagawa ng arroz caldo."

"Di nga?"

"Bakit? Kakain ka ba ng kanin na sinabawan lang ng tubig?"

"Biro lang! Upo ka lang dun." mabilis niyang bawi.

Ayos 'to ah. Parang isang kembot ko lang, sunod agad siya.

Nakaupo lang ako habang papikit pikit yung mata dahil bigla akong inantok ulit.

"Love? Love?"

"Hmm."

"Luto na yung arroz caldo." mahinang sabi ni Rhian. Nakatulog pala ako. Pero nagugutom parin talaga ako.

"Tikman mo." nakangiting sabi nito sa akin kaya tinikman ko na.

OH.MY.GOD!

"Ang sarap Love. Sino nagturo sayo?" promise ang sarap. First time kong makatikim ng arroz caldo na ganito kasarap. Parang feeling ko kapag nag-business kami nito, patok 'to sa masa. Baka magkaroon pa kami ng maraming branch.

"Nanood lang ako ng tutorial sa YouTube."

"Galing naman ng asawa ko. Ikaw? Ayaw mong kumain?"

"Ha? Sige lang. Hindi naman ako nagugutom."

Pagkatapos kong kumain, bumalik na ulit kami sa kwarto. Ako natulog, siya balik trabaho.




"Ano 'to Nay?" tukoy ko sa isang mangkok na parang may lamang lugaw.

"Bigay ni Yoyon. Niluto niya daw kanina."

Ah yung arroz caldo.

"Kumusta naman?"

Sumilip muna si Nanay sa labas ng tindahan niya—

"Hindi ko alam kong lugaw o sinabawang asin. Napakaalat!" mahinang sabi nito.

Ouch! Ako ang nasaktan para sa asawa ko.

"Grabe ka naman Nay. Masarap kaya."

"Magkaka-UTI ako diyan. Kahit si Kean isang beses lang tinikman."

Wala silang taste. Pang fancy restaurant yung timpla ng asawa ko.





Nung simulang nabuntis ako, sagana din ako sa pagkain sa trabaho. Kung anu ano ang inaabot sa akin ng mga katrabaho ko. Bawas travel at site narin ako ngayon. More on sa office nalang muna which is okay lang sa akin.

"Buntis pinapabigay ni boss." abot ni Jane ng tatlong hilaw na Mangga. Nakakangilo. Sarap!

"Salamat!"

"Parang ngarag ka ngayon." biglang kumento ni Ketchup.

"Ano?"

"Tapos parang ang dry mo pa."

"Ewan ko sayo!"

Dry? Hindi lang ako nakapaglagay ng conditioner kasi tinatamad ako, kahit maglotion. Kutis artista naman kasi ako kaya okay lang. Chos!

Lunch time.

"Ate may sinigang po." tanong ko sa suki naming kainan.

"Meron."

"Isang order po. Tapos isang rice. May kamias po kayo 'te?"

"Kamias?" tanong ni ate.

"Kamias juice po."

"Grabe ka naman magbuntis Engr. Pero wala eh."

Ay! Sayang. Buti nalang may sinigang. At dahil aware naman akong napapadalas ako sa maasim at maalat na food, puro water ako at hindi na nagsosoftdrinks.





"Love yung toothbrush mo, nakalimutan mo na naman dun sa table." sita ni Rhian sa akin pagkapasok niya sa kwarto. Mabilis kong sinara yung laptop ko at pagkatapos ay bumaba.

"Love ba't nandito ka?" rinig ko kay Rhian galing sa likuran ko.

"Para toothbrush lang. Nakalimutan lang naman. Hindi naman sinasadya. Akala mo ang laking issue!" mahina kong sabi pero alam kong narinig niya yun.

"Anong pinagsasabi mo?" tumabi ito sa pagkakaupo sa akin. Pinahid ko naman ang luhang namumuo na sa mga mata ko. Naiinis talaga ako! Minsan lang naman ako makalimot.

"Hoy! Love? Anong problema?"

"Ba't nagagalit ka agad? Minsan ko lang naman makalimutan yung toothbrush ko. Napapagod ka na ba sa akin?" punas ko ulit sa luha ko.

"Love? Hindi ako nagagalit sayo. Ano bang ginawa ko?"

"Hindi nagagalit pero kanina—"

"Love—sorry. Pero promise hindi ako galit. Sinabi ko lang yun pero hindi naman ako nagrereklamo."

Hindi na ako sumagot.

"Love—"

"Oo na!"

"Love please wag ka ng magtampo?Promise hindi talaga ako galit?"

Tumingin ako dito. Nakakapanghina naman yung itsura niya.

"Pa-hug." mahina kong sabi. Niyakap niya naman agad ako.

"Sorry." bulong niya.

"Okay na yun." Hay jusko! Ano bang nangyayari sa akin.





"Love, ang laki na ng tiyan ko." tawag ko kay Rhian habang nakaharap sa salamin.

"Patingin nga."

"Humarap naman ako sa kanya."

"Oo nga. Pati yung boobs mo."

Tiyan lang yung sinabi ko ha?

"Kelan pala ulit yung check up ko?"

"Next Sunday pa."

"Ang ganda ni Dr. Castillo 'no, Love?"

"Ah kaya nagtatanong ka kung kelan ulit yung check up mo?"

"Ito naman—sinabi lang."

"Ewan ko sayo Glaiza! Magpapahanap ako kay Mommy ng bagong OB!"

"Grabe naman yang selos mo. Buntis na nga ang asawa mo."

"Gusto mo rin naman."

Bigla akong natawa.

"Sinabi ko lang na maganda siya Love pero dyosa ka parin."

"Yang pagiging bolera mo, baka mamana ng baby natin yan."

"Ay maraming chicks na papaasahin 'to. Kakagat agad isang sabi lang na ang ganda mo."

"Parang napagdaanan mo na ah?"

"Mambola? May pruweba naman. Kita naman niya ang Mommy niya, kumagat."

Tawa siya eh.

"Kapal mo. Kung di ka lang buntis—"

"Hoy! Tsk! Tsk! Tsk! Don't you dare! May bata sa tiyan ko. Bawal ang SPG."

"Ewan ko sayo! Magdamit ka na nga. Kanina ka pa bold star diyan."

"Wow! Parang hindi naman pabor sayo."

"Hindi naman talaga!"

"Ah ganun? Porket wala na yung 24 waistline ko?"

"Joke lang. Halika ka. Baka kulang ka lang sa kiss."

"Yan ang pabor sa akin."

Continue Reading

You'll Also Like

90.8K 3.1K 52
"๐“๐ซ๐ฎ๐ญ๐ก, ๐๐š๐ซ๐ž, ๐ฌ๐ฉ๐ข๐ง ๐›๐จ๐ญ๐ญ๐ฅ๐ž๐ฌ ๐˜๐จ๐ฎ ๐ค๐ง๐จ๐ฐ ๐ก๐จ๐ฐ ๐ญ๐จ ๐›๐š๐ฅ๐ฅ, ๐ˆ ๐ค๐ง๐จ๐ฐ ๐€๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐จ๐ญ๐ฅ๐ž" ๐ˆ๐ ๐–๐‡๐ˆ๐‚๐‡ Caitlin Clark fa...
1.3M 57.3K 104
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
136K 6.3K 35
"I can never see you as my wife. This marriage is merely a formality, a sham, a marriage on paper only." . . . . . . She was 10 years younger than hi...