CHAPTER II

8.9K 333 87
                                    

"Bakit? Grabe ang sama ng tingin mo. Parang hindi ka masayang makita ako."

Yung tibok ng puso, sa sobrang bilis at lakas parang kakawala ito sa dibdib ko.

"Bakit kasi may pa hi ka pang nalalalaman? Akala ko tuloy si-- wala. Pasok ka." alok ko kay Batchi.

"Akala mo sino? May pinagtataguan ka ba?"

"Wala nga! Ba't pala napabisita ka?" pareho kaming nakaupo sa couch.

"Dumaan kasi ako sa Munisipyo kaya dumaan narin ako dito. Wait, nag out of the country ka ba?"

"Hindi! Bakit?"

"Kanino galing yan? Pahingi ako ha?" kumuha ito ng chocolates na nakalapag sa table.

"Bigay lang yan. Gusto mo ng juice?"

"Hindi na. Hindi na rin ako magtatagal. Kailangan ko pang magreport sa office." tumayo na ito.

"Busy ka na masyado ah? Magaasawa ka na ba?"

"Nagiipon palang."

"Wow! Who's the lucky girl?"

"Wala pa nga eh. Pero nagiipon na ako para pagdating niya, kasal na agad." pareho kaming nagtawanan.

"Sige Cha, mauna na ako."

"Sige ingat ka! Kapag di ka na busy, gala gala tayo minsan."

Kumaway na ito at dumaan muna sa tindahan bago tuluyang umalis. Akala ko talaga...jusko! Muntik pa akong atakahin sa puso.

Binitbit ko na ulit ang backpack ko at naglakad na paakyat. Biglang kumunot ang noo ko ng makita kong medyo nakabukas ng konti ang pintuan ng kwarto ko. Hindi ko talaga kasi ito iniiwan nakabukas kasi ito yung personal space ko. Kahit si Nanay alam yun. Baka biglang may bisita kami tapos biglang maisip na okay lang na pasukin kasi bukas naman. Kaya naman hindi ko maiwasang medyo mainis habang binubuksan ang pintuan.

"Ay! Shiii--"

One second.

Two seconds.

Three seconds.

Four seconds.

Five seconds.

"Oh my gawd! Sorry. Did I scare you?"

Pwedeng pakisampal ako? Parang akong estatwa. Hindi ako makagalaw habang halos lumuwa ang mata ko sa gulat.

"Glaiza? Hey! Are you okay?"

Nakailang lunok muna ako bago nakapagsalita.

"Anong ginagawa mo dito?!" seryoso at naiinis kong tanong sa kanya. Anong akala niya sa kwarto ko? Kahit sino pwedeng pumasok?

"Sorry. It's just...siguro some old habits are hard to die. And please, don't get mad at Nanay. Ako ang nagpumilit."

"Marunong ka pa palang mag Tagalog." singhal ko dito at nilagay ang backpack sa gilid ng kama na kanina ko pa pala hawak hawak.

"Oo naman."

"Pwede bang lumabas ka na? Pagod ako at gusto kong magpahinga!"

"Ganyan ka naman lage kapag ako ang kausap mo. But! I understand. You are working so hard and--"

"Pwede ba?" ang dami pang sinasabi.

"Ganyan mo ba talaga i welcome ang kaibigan mo?" at nakalagay pa talaga ang mga kamay niya sa bewang niya?

"FYI! Hindi tayo magkaibigan at lalong hindi ka welcome dito! Kaya kung pwede sana, lumabas ka na!"

"Fine! No need to be rude, okay?" naglakad na ito pero bago pa man makalabas ng kwarto, nagsalita ulit ito.

E V R Y W M N N T H W R L D: The Return Of The ComebackWhere stories live. Discover now