Bratty Prince's Nerdy Princess

By riechan0509

1.2K 15 105

Pairing: NinoxOC characters: Ninomiya Kazunari-Nino Original character-Rie with special participation... More

Bratty Prince's Nerdy Princess-Part 2
Bratty Prince's Nerdy princess-Final Part

Bratty Prince's Nerdy Princess-Intro and Part 1

776 9 21
By riechan0509

Prologue  

" Right now in front of me, you hummed a melody to yourself...You may not have realized it, but I feel it  

It's different from before0If I can get closer, we'll walk along naturally..."-Himitsu by Ninomiya Kazunari of Arashi  

Part 1-The Hurtful Meeting...Start of Friendship  

"AHH! Late na ako!" dali-dali kong inilagay ang mga gamit ko sa bag.  

Tulad ng nakaugalian, sumasakay ako sa bus papuntang school. Tinitingnan ako ng mga kasabay kong mga pasahero, mayroong ngumingiti, mayroong nagtataas ng kilay.  

sa tuwing papasok ako ng campus, nakikita ko ang mga lalaking nakatitig sa akin,naririnig ko ang mga babaeng nagbubulungan. sa tuwing dadaan ako, babatiin ako ng lahat.  

Siguro, maiisip mo na isa akong campus crushie, na tinitingnan ako at nginingitian ng mga pasahero dahil sa kagandahan ko, may mga nagtataas ng kilay dahil  

sa naiingit sila. Tinititigan ako ng mga lalaki dahil sa katawan ko, at nagbubulungan ang mga babae, siguro dahil gusto nilang malaman kung saan ang salon ko kung saan  

ako nagpapaayos ng napakaganda kong buhok.  

Gusto mo bang malaman kung bakit binabati ako ng mga tao kapag dumaraan o napaparaan ako?  

Ang totoo:  

Nginingitian ako ng mga pasahero dahil palihim nilang tinatawanan ang hitsura ko, nagtataas ng kilay dahil sa pisikal kong kaanyuhan, tinititigan ako ng mga lalaki  

dahil sa pagkakaroon ng baduy na pananamit, nagbubulungan ang mga babae, pinag-uusapan ang nakakatawa kong hairstyle.  

sa madaling salita, binabati ako ng lahat,pero may kasamang katatawanan, insulto at kahihiyan.  

Pero sanay na naman ako...  

~ ~ ~  

Noong pumasok ako ng classroom, binati ako ng mga kaklase ko, pero may dahilan: Gusto nilang kumopya ng sagot sa assignment namin. Aaminin ko, isa akong NERD. Pero  

kahit anong sabihin nila, ang importante ay ginagawa ko ang responsibilidad ko, di tulad nila, haha..^.^  

Habang gumagawa(o kumokopya sila) ng assignment, nagulat kami noong nasa sa unahan na pala si Sensei at dumaan pala dun sa pintong nasa sa likod ng classroom.At dahil  

sa nakita niya kami,eh, sila pala, na kumokopya ng assignment, nagalit siya at bibigyan daw niya KAMI ng grade na zero sa assignment na yun. Oo, kasama ako. Gustong  

gusto ko na talagang umiyak noon kasi nasayang ang effort ko sa paggawa ng assignment na yun.Paiyak na ako noon, at nagrereklamo na ang lahat dahil sa ginawa nga ni  

Sensei na zero na kami dun, nang biglang tumahimik. Pumasok kasi yung lalaki, di gaanong katangkaran, pero maamo ang mukha at maputi.Hindi makapagsalita ang mga babae  

dahil sa sobrang cute ng lalaki, akala nga ng ibang lalaki na mas bata ito sa kanila, pero di na nila pinansin ito. Ok, aamin ko, hanga rin ako sa kanya, lalo na yung  

cute niyang mga mata, parang mata ng isang malungkot na tuta.  

Habang tahimik na umuupo ang lalaki, nilapitan siya ni Sensei, galit na sinabi,"At ikaw? Bakit isang linggo kang absent, at ngayon naman, late ka? At, TANGGALIN MO  

YANG EARPHONES MO!"  

Tinanggal niya ang earphones niya at ang lahat, pati ako, ay nagulat sa sagot niya."At sino ka ba para sigawan ako? Kilala mo ba ako? Siguro hindi, dahil ikaw ang  

WORST teacher sa eskwelahang ito...Stupid..."inilagay niya ulet ang earphones niya habang ipinipikit niya ang mga mata niya.  

Nagulat ako, eh, lahat pala sa paraan ng pagsasalita niya. Wala kaming lakas ng loob na kausapin nang ganoon ang teacher namin. Siya lamang ang nakilala kong may lakas  

ng loob. Sa likod ng mala-anghel niyang kaanyuhan, mayroon pala siyang mala-demonyong pag-uugali.  

Sobra akong nainis sa pag-uugali ng lalaking ito, pero nagulat ako noong narinig ko silang nagsabi ng "WOW! Ang lakas mo, 'tol!" nagpasalamat pa ang iba dahil nag-walk  

out si Sensei, kaya early dismissal kami that time.  

~ ~ ~  

"AHH! Late na naman ako!" sigaw ko habang tumatakbo sa corridor. Habang tumatakbo, napabangga ako sa isang tao. Tumalsik yung librong dala ko, pati yung salaming suot-  

suot ko. Nag-sorry ako kasi nabangga ko siya, pero nagulat ako noong humarap siya. Siya pala ang lalaking may 'matalas' na dila kanina sa classroom. "SORRY nga pala  

ulet" sabi ko.  

Itinaas niya ang kilay niya, tiningnan ako mula ulo hanggang paa at sinabing, "UHH...ikaw na ata ang pinaka-Worst na BAGAY na nakita ko sa buong buhay ko."  

nagtawanan ang mga kasama niya at sinabing, "Nino-kun, iwanan mo na lang yang kinky-haired na, old fashioned pa na nerd na yan." Umoo ang lalaking nagngangalang Nino at  

bago nila iwanan ang lugar na yun, may binulong siya sa kasama niya. Mahina niyang sinabi, pero dahil sa narinig ko, nasaktan talaga ako. "Isa siyang eyesore" ang mga  

salitang paulit-ulit kong naririnig sa isipan ko.  

patuloy ako sa paglalakad, naalala ang mga salitang binitiwan niya.Paulit-ulit,ulit,ulit,nang napabangga ulet ako sa isang tao."I'm Sorry!", nasabi ko ulit. Pero sa  

oras na iyon, napabangga ako sa isang masayahin at magandang babae. Pupulutin ko sana yung mga nalaglag na gamit niya noong sinabi niyang, "Nako, wag na, wag na.  

Daijoubu ne~" pagkapulot ng gamit niya, tinanong niya ako, "May next class ka ba? Mag-isa ka lang ba? Pwede bang sumama sa iyo?"  

Sabi ko naman, "Oo, mag-isa lang ako. Papunta na ako sa classroom ko, pero sige, sumama ka sa akin."  

"Oo nga pala,anong pangalan mo? Ahh, ako nga pala si Keiko."  

"Ako si Rie..."sagot ko.  

"Rie-chan,hajimemashite!"  

Ngumiti lang ako bilang sagot. sa totoo lang, sa unang pagkakataon na nakilala ko siya, mayroon akong feeling na siya yung taong mapagkakatiwalaan ko.Kita ko kasi sa  

masayang boses at sa matamis niyang ngiti.Ewan ko lang kung may pakialam siya sa pisikal na kaanyuhan ko...  

"Isa pala akong transferee, kaya first time ko dito. wala pa akong kaibigan dito, maliban lang sa boyfriend ko.Alah,isa siyang malaking failure,hindi ba naman ako  

sinamahan.Buti na lang at napabangga ka sa akin, so nakilala kita.Pwede bang samahan mo akong hanapin ang classroom ko?Please?"  

"Ah, sige..."  

"Oh, Rie-chan, arigatou!" At tinulungan ko siyang hanapin ang classroom niya.  

Pagkarating sa classroom niya,  

Keiko: Rie-chan,sobrang thank you talaga  

Ako: Walang anuman.  

Keiko: Anou, may gagawin ka ba after class? Gusto ko kasing imbitahan kang magmerienda after.  

Ako: Kasi...kailangan ko pang gawin yung assignment ko sa Economics,eh,medyo mahirap.  

Keiko:Wag kang mag-alala. Economics ang course ng boyfriend ko, pwede ka niyang tulungan.Tinext nga pala niya ako, at sabi niya ililibre raw niya ako bilang peace  

offering. Tinanong ko kung pwede akong magsama, at pumayag naman siya.  

Ako: EH?!Di ba date niyo yun? Sigurado ka bang pwede akong sumama?  

Keiko: Wag ka nang mahiya.At tsaka gusto ko ring makilala niya ang taong sinamahan at tinulungan ako, para ipakita ko sa kanya na isa siyang malaking failure!  

(Tumawa si Keiko)  

bago ako makapagsalita, simula na ng klase niya.  

Keiko: So, see you later!  

Wala na akong magagawa kundi sumama sa kanila mamaya...  

~ ~ ~  

After ng klase, nagulat na lamang ako noong nasa sa labas na ng classroom si Keiko.  

"Keiko-chan!"sabi ko, "paano mo nalaman na dito ako sa klaseng ito?"  

"Ahh..Nagtanong-tanong ako, at buti na lang may kakilala akong kaklase mo raw dito.Umabsent nga lamang siya,hay nako, ang BRAT niya talaga,haha.."  

Sino kaya yung tinutukoy ni Keiko? Teka...kilala niya ako? Ahh, siguro siya yung isa sa mga taong pinagtatawanan ako dahil sa hitsura ko.Hay nako, di na  

nakakapagtaka,pero di ko maisip kung sino ito,lahat naman ng lalaki sa buong campus,alam na ang trademark ko...AHHH!Nasakit tuloy ulo ko.  

"So, tara!"yaya ni Keiko.  

Sa totoo lang, kinakabahan ako at makikilala ko yung boyfriend ni Keiko, kasi baka isa rin siya sa mga lalaking pagtatawanan ako,yung kinky hair ko, mga mata kong  

natatakluban ng malaking salamin at ang classic fashion ko.  

Pagkarating sa coffee shop,sinalubong kami ng isang guwapong lalaking may salamin. Pero sumimangot si Keiko,sabi,"Bakit di mo ako sinamahan kanina sa school?"  

"Sorry,gusto ko talagang samahan ka sa buong campus, pero tinanghali na ako ng gising."sabi ng lalaki.  

Siguro, ito nga yung boyfriend ni Keiko.  

Naiinis pa rin si keiko sa kanya.  

"Sorry talaga,promise ko sa iyo na next time,sasamahan talaga kita,susunduin pa kita."talagang desidido siyang magsorry sa kanya.  

"Hmmm...okay,patatawarin kita,sa isang kundisyon!Ilibre mo kami ha?"  

"Sure...so,di ka na galit?"  

"Yun ang gusto mo eh!"  

"YES!Domo arigatou!"  

Nakikita ko na in love talaga sila sa isa't isa.Kahit may konting misunderstanding, pinapatawad nila kaagad ang isa't isa.Plus,bagay na bagay talaga sila,si Keiko,  

maganda,yung lalaki,kahit may salamin, guwapo.  

"Ah, oo nga pala, Rie-chan,ito nga pala si Sho-kun,ang fail na bf ko..Sho-kun, siya si Rie-chan.Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko makikita yung classroom ko.Hindi  

siya failure,not like you."  

"Akala ko ba hindi ka na galit sa akin?Anyway,konnichiwa,Rie-chan,ako nga pala si Sho,ang cute at matalinong boyfriend ni Boss,haha...Hajimemashite."  

"Ugh...kadiri,ikaw,CUTE?Eh?!Oo,matalino ka,pero cute?Haha,sa tingin ko hinde.haha"biro ni Keiko.  

"Wag mong sabihin yan sa harap ni Rie-chan,lalo na't kasinungalingan yan.Rie-chan,sabihin mo,cute ako,di ba?!"  

Umoo lang ako.  

"Boss,kita mo?Kahit si Rie-chan,agree na cute ako."  

"Whatever...Anyway,Rie-chan,di ba sabi mo,may MAHIRAP kang assignment sa Economics? SHO!Tulungan mo kayang gawin yung homework niya,o mas magaling kung ikaw na mismo  

ang gumawa"  

"Anou,Sho-kun,di mo na kailangang gawin yun,ayos lang."sabi ko  

"No,Rie-chan,willing akong tulungan ka,patingin nga nung homework." Ipinakita ko ang homework ko sa kanya.  

"Ahh,mukhang madali lang naman ito.Ako na ang sasagot."At sinagutan nga niya yung bawat tanong nang walang kahirap-hirap.  

Sobra akong humanga na nasagutan nang madali ni Sho-kun ang mga tanong sa Economics.Napabulong tuloy ako ng "subarashii".  

Narinig naman ni Keiko,kaya nasabi niya na,"Alam mo, Rie-chan, kahit na failure yang si Sho-kun, matalino at masipag yan.Palagi na siyang nag-aaral at palaging  

nakakakuha ng mataas na grades.At nag-aral siya kagabi,gabi nang natulog,kaya tinanghali na siya ng gising,kaya hindi na niya ako nasamahan."  

"Galit ka pa ba sa akin,Boss?Mahalaga lang talaga sa akin ang exam kaya kailangan kong makapasa dito."  

"Hindi,Sho-kun,naiintindihan ko naman yun.Alam kong napakaimportante sa iyo ang education.Anyway,tapos na ba ang homework ni Rie-chan?"  

"Oo.Rie-chan,ito na pala ang homework mo."  

"Nako,Sho-kun,hindi mo na kailangang gawin ang homework ko,kahit turuan mo na lang ako kung paano sagutan ito, pero dahil sinagutan mong lahat,sobrang  

nagpapasalamat ako.DOMO ARIGATOU."sabi ko.  

"Nah...daijoubu ne.Sabihin mo lang sa akin kung may kailangan ka,o kahit sabihin mo kay Boss.Willing kong tulungan ang mga kaibigan ni Boss."sabi ni Sho-kun na may  

ngiti sa labi.  

Tama ba itong narinig ko? Itinuturing ako ni Keiko na kaibigan niya kahit na ngayon lang kami nagkakilala.O nagkukunwari lang siya,na palihim niya akong pinagtatawanan?  

At naiingit ako sa kanila,lalo kay Keiko.Mayroon siyang mabuting boyfriend,isang ideal na kareshi.Matalino,guwapo,palakaibigan,gentleman si Sho-kun,hindi tulad ng mala-  

anghel,eh,mala-demonyong babyfaced na lalaki.Naiisip ko nga lamang kung tunay nga bang friendly si Sho-kun,o nagkukunwari lang siya.  

Pagkatapos ng merienda,pumunta kami ni Keiko sa comfort room.Habang nagreretouch,lakas-loob akong nagtanong sa kanya."Keiko-chan..anou..Gusto ko lang malaman kung  

itinuturing mo nga akong isang kaibigan."  

Ngumiti siya at sinabing,"Bakit?Oo naman.Dahil sa tinulungan mo akong hanapin ang classroom ko,masasabi kong kaibigan kita,at kung di kita kaibigan,bakit kita yayayaing  

magmerienda kasama ko?"  

"Ahh..kasi yung iba,ayaw sa akin."  

"BAKIT?Friendly ka naman,mabait,at tingin ko matalino ka,so,bakit may ayaw sa iyo?"  

"Dahil kasi ng hitsura ko.Oo,aaminin ko,isa akong old-fashioned na nerd.Ako na yung mayroong weirdong hairstyle,at hindi cool na outfit."  

"Kung iniisip mo na ako ay katulad nila,nagkakamali ka.Never akong nag-judge ng tao sa pamamagitan ng panlabas na katangian.Lagi kong kinoconsider ang inside beauty.  

Rie-chan,maniwala kang maganda ka.Wag kang mainsecure sa sarili mo.ikaw lang mismo ang nakakakilala sa iyo.Walang dapat manghusga sa iyo maliban sa iyo.Kung iniisip  

mong nagkukunwari lang ako, tanggalin mo na yan sa isip mo.Trust me, gusto kong maging kaibigan mo."  

With all of the messages na sinabi niya,masasabi kong sincere siya.makikita ko rin sa mga mata niya hindi siya nagkukunwari.  

First time kong magkaroon ng kaibigang tulad niya.For the first time since pumasok ako dito sa daigaku,siya lamang ang hindi nanghusga sa kung ano ako,ipinaalala na  

kailangan kong lumaban at ang tunay na kagandahan ay nakikita,INSIDE.  

Inihatid kami ni Sho-kun,at papasok na ako sa bahay noong niyakap ako ni Keiko,at sinabing,"Kung nalulungkot ka,wag kang mag-alinlangang tawagan ako.Kung kailangan mo  

ako,narito lang ako at sasamahan kita." At ibinigay niya ang contact number niya,isinave na rin niya ang contact number ko. "Sayounara,Rie-chan.Mata Ashita." at  

kumakaway siyang nag-bye bye sa akin,papunta sa kotse ni Sho-kun.  

 ~~~

Continue Reading

You'll Also Like

6.1K 281 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
392K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
Connection By Ara

Fanfiction

114K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...