Undeniable Feelings

By JheangLiit

46K 1.1K 202

"Opposite do attracts ika nga. Pero maniniwala ka ba kung ang magkaparehas ay ma-attract sa isa't isa?" More

Let's Stop, To Begin
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine.
Chapter Ten.
Chapter Eleven.
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen.
Chapter Fifteen.
Chapter Sixteen.
Chapter Seventeen.
Chapter Eighteen.
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One.
Chapter Twenty Two.
Chapter Twenty Three.
Chapter Twenty Four.
Chapter Twenty Five.
Chapter Twenty Six.
Chapter Twenty Seven.
Chapter Twenty Eight.
Chapter Twenty Nine.
Chapter Thirty.
Chapter Thirty One.
Chapter Thirty Two.
Epilogue:

Chapter Thirty Three

1.4K 36 5
By JheangLiit

Final Chapter:

Chapter Thirty Three.

I don't deserve him.

Iyan agad ang pumasok sa isip ko, madaling araw pagkatapos nang nangyari sa aming dalawa. Nakayakap s'ya sa akin at ang kanyang mukha ay nakasubsob sa aking leeg.

Hindi ko s'ya kayang ipaglaban. That's the only thing that's on my mind. Paulit ulit na rumerehistro sa akin iyong sinabi n'ya kagabi na hindi ko deserve na umiyak dahil hindi ko s'ya ipinaglaban.

"I love you..." I whispered then decided to got up.

May ibang babae pa para sa'yo, Uno. Hindi ako para sa'yo dahil hindi kita kayang ipaglaban. Dahil doon ako mahina, Uno. Iyong ipaglaban ang sa akin, hindi ko kaya. Nahihirapan ako.

Dahan dahang inalis ko ang braso n'ya sa aking bewang. Laking pasalamat ko naman nang hindi s'ya magising at malaya akong nakapagbihis. Matapos akong magbihis ay walang lingon likod akong lumabas ng kwarto n'ya hanggang sa tuluyan akong makaalis sa condo unit n'ya. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. Sa tuwing naaalala ko iyong sinabi n'ya na wala akong karapatang umiyak ay hindi na ako maiyak pa.

Tahimik na sumakay ako sa jeep. Tulala ako habang dinadama ang malamig na pang-umagang simoy ng hangin. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking pouch at pumindot ng numero doon. Tinext ko si Mikaela at saka pinatay ang phone ko dahil alam kong tatawag si Uno. Doon muna ako kay Mikaela makikitira panandalian dahil alam ko kasi na pupuntahan ako ni Uno sa bahay namin kapag doon lang ako nanatili.

Gulat na mukha ni Mikaela ang bumungad sa akin nang pagbuksan n'ya ako ng pinto. Bagamat halata sa kanyang mukha na gustong gusto n'yang magtanong ay pinapasok n'ya na muna ako sa loob ng apartment n'ya.

"Nagkape ka na ba?"

Umiling ako at ngumiti sa kanya.

"Pahingi akong kape."

Tumango s'ya at saka dumiretso na sa kanyang kusina. Ako naman ay naupo sa upuan na nandoon sa kanyang sala. Inilapag ko ang phone ko sa lamesa habang hinihintay si Mikaela.

Handa na ako sa mga itatanong n'ya sa akin. Handa rin akong sabihin sa kanya dahil napapagod na akong dalhin 'to na ako lang. Nakakapagod din pala na wala kang pinagsasabihan ng problema.

"Oh, ito na ang kape mo."

Inilapag n'ya ang mug ng kape sa ibabaw ng lamesa at saka naupo sa katapat na upuan ko.

"Salamat."

Kinuha ko iyong kape at hinipan iyon ng marahan bago tuluyang humigop doon ng kaunti. Mainit pa iyon kaya inilapag ko rin kaagad sa lamesa.

"Magkwento ka na."

Nag angat ako ng tingin kay Mikaela. Tumulo na lang ang luha ko bigla. Iyong kaninang pinipigilan ko ay tuluyan nang bumagsak. Ikinwento ko sa kanya ang lahat habang patuloy na bumabagsak ang luha ko sa aking pisngi. Tahimik na nakikinig lang si Mikaela sa lahat ng ikinuwento ko sa kanya.

"Ganoon mo ba talaga s'ya kamahal?" tanong ni Mikaela matapos kong i-kuwento sa kanya ang lahat.

Tumango lamang ako at saka kumuha ng panibagong tissue na inilagay na n'ya sa harapan ko. Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi.

"Edi ipaglaban mo. Matuto kang ipaglaban s'ya, Jamila. Hindi pwedeng s'ya lang ang palaging nag-aadjust."

"K-kaya ko nga s'ya iniwan kasi hindi n'ya ako deserve, eh."

Umirap s'ya sa akin saka bumuga nga buntong hininga.

"Ang tigas talaga ng ulo mo, bahala ka."

Hindi ko sinunod si Mikaela sa payo n'ya. Tinawagan ko si mama na dito na muna ako kay Mikaela makikitira dahil sa sitwasyon ko. Pinakiusapan ko na rin s'ya na dalhin dito ang ilan sa mga damit ko.

"Anak, nag usap na ba kayo ni Uno? Sana naman pakinggan mo s'ya."

Iyon kaagad ang bungad ni mama nang dalhin n'ya sa akin ang ilang mga damit ko.

"Ma, buo na ang desisyon ko. Ayoko na talaga,"

Hindi na ako tinutulan pa ni mama. Nag usap na lamang kami ng ibang bagay katulad nang sa coffee shop.

"Anak, sigurado ka na ba na ikaw ang mamahala nang sa Bukidnon? Pwede namang kami doon ng papa mo, at dito ka. Kasi gusto naring makasama ng papa mo ang lolo mo sa Bukidnon. Wala nang nag aalaga sa lolo mo."

"Mama, ako na po ang bahala kay lolo."

Nginitian lang ako ni mama at saka tinapik sa balikat.

"Kung iyan ang gusto mo, anak."

Ngumiti rin ako sa kanya at saka nagpaalam na dahil babalik pa s'ya sa coffee shop. Sumandal ako sa upuan ko at hinawakan ko ang sentido ko. Kahapon pa ito sumasakit, nahihilo rin ako at hindi ako makakain ng maayos. Sandali akong pumikit nang mariin bago naisipang kunin ang phone ko sa aking pouch. Tumayo ako at dumiretso sa kwarto ni Mikaela kung saan nakalagay iyong pouch ko

Sinubukan ko iyong buhayin pero hindi mabuksan kaya sinubukan ko rin iyong i-charge. Habang nakacharge ay binuksan ko iyon. Dalawang linggo ko na itong hindi binubuksan kaya alam kong marami na ang nagtetext at tumawag sa akin.

Nakagat ko ang labi ko nang makitang kay Uno ang pinakamaraming missed call ngunit ni isang text ay wala akong natanggap mula sa kanya. Napailing ako hindi dahil walang text si Uno. Kundi dahil naduduwal na naman ako at naiinis na ako sa nararamdaman kong ito. Binitawan ko ang phone ko sa kama at dumiretso kaagad ako sa banyo para sumuka.

Parang umiikot ang sikmura ko at hilong hilo ako dahil sa kakasuka. Tuwing umaga mula 'nong isang linggo pa ay ganito na ako. Iniisip ko na nga na baka buntis na ako pero hindi ba masyadong maaga para doon? Parang ang aga naman yatang morning sickness ito?

Kung sakaling nabuntis man ako ni Uno... Ayos lang, kaya ko naman s'yang buhayin mag isa at isa pa... Hindi n'ya malalaman dahil pwedeng sa Bukidnon ko ipagbuntis ang magiging anak namin.

Umiling iling ako at binuksan ko ang gripo na nasa lababo. Nahilamos ako para mahimasmasan. Hindi ako buntis. Ayokong mabuntis. Hindi pwede.

Nang huminahon na ang pakiramdam ko ay nagpasya na akong lumabas ng banyo ngunit laking gulat ko nang pagbukas ko ng pinto ay seryosong mukha ni Uno. Sa gulat ko ay hindi ako kaagad nakapag-react.

"Go back and use this." Mariing utos n'ya.

Bumaba ang tingin ko sa hawak n'yang parihabang karton. Napakurap kurap ang mga mata ko nang makitang pregnancy test kit iyon!

"A-anong gagawin ko d'yan? Hindi ako buntis!" Depensa ko.

Nag angat ko ng tingin sa kanya. Gumuhit ang galit na ekspresyon sa mga mata n'ya. Pero hindi ako nagpaapekto.

"Tapos na tayo, Uno. Ayoko na, hindi tayo pwede sa isa't isa-"

"Just take the pregnancy test at kung buntis ka man, pananagutan ko 'yan!" galit na sigaw n'ya.

Nagulat ako doon. Hindi ko inakala na magiging ganon s'ya kagalit. Inis na kinuha ko mula sa kamay n'ya ang pregnancy kit at pumasok sa loob ng banyo. Nanginginig na kinuha ko iyon sa loob ng kahon.

Huminga muna ako ng malalim bago ko sinimulang gawin ang proseso. Binasa ko na lang sa likod ng box kung paano. Natawa ako nang makitang may isang kulay pulang guhit at ang isang ay meron din ngunit malabo. I think this is negative.

Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin si Uno na nakatayo parin sa harap ng pinto. Inabot ko sa kanya iyong pregnancy test kit at kinuha naman n'ya iyon.

"Happy?" Sarkastikong tanong ko.

Dahan dahan s'yang tumango.

"Y-yeah, but not so."

Nag angat s'ya nang tingin sa akin na may galit na mukha parin.

"Don't ever abort my child, Jamila. I'm his or her father so you better take care of my baby."

Nangunot ang noo ko.

"Malabo ang isang linya! Negative, hindi ako buntis-"

Inangat n'ya ang pregnancy test kit at nagulat ako nang lumitaw na ang isa pang linya. Para akong nabuhusan nang malamig na tubig.

"Don't worry. Hindi kita papakielaman, that's your choice. To give our child a broken family, right? The only thing that I need to you is my child. Just my child, Jamila."

Tinalikuran na n'ya ako dala dala iyong pregnancy test kit. Bumaba ang tingin ko sa aking tiyan at napaiyak na lamang.

***

Continue Reading

You'll Also Like

1M 29.5K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
2.7M 101K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
41.5K 2.4K 40
World Trip Series 4 Kiersten applied as an intern in a company based in London. She dreamed to live like how royals in the country would live like. A...
241K 5.2K 45
Natuto si Benjamin Franco Salazar na ipaglaban kung ano ang dapat sa kanya. He learned to sacrifice and commit a mistake for this tireless love. Kaya...