Huling Himagsik

KuyaDitalach द्वारा

34.2K 2.2K 517

Highest Rank: #12 in Historical Fiction [January 23, 2018] "Kung papipiliin ako sa lalaking matalinung-matali... अधिक

¡Disfruta leyendo! (Enjoy Reading!)
Tenkyu su mats!
Capítulo Uno
Capítulo Dos
Capítulo Tres
Capítulo Cuatro
Capítulo Cinco
Capítulo Seis
Capítulo Siete
Capítulo Ocho
Capítulo Nueve
Capítulo Diez
Capítulo Once
Capítulo Doce
Capítulo Trece
Capítulo Catorce
Capítulo Dieciséis
Capítulo Diecisiete
Capítulo Dieciocho
Capítulo Diecinueve
Capìtulo Veinte
Ćapitulo Veinte Uno
Ćapitulo Veinte Dos
Lawa ng Perlas
Author's Note
Author's Note

Capítulo Quince

966 87 12
KuyaDitalach द्वारा

[Kabanata 15]

Matapos ang nangyari kagabi, si Mateo na lang palagi ang naiisip ko. Gusto kong magbati na kami para magkaroon na ako ng kaibigan na kukulitin.
Oo, nandito ang mga kapatid ko para makisaya sa akin, pero iba ang kay Mateo e. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko rin syang makasama. Siguro magkakasundo talaga kami nung lalaki na yun, sinasabayan nya kasi ang mga trip ko e. Hindi sya kj.

At syempre dahil consistent talaga ako na magka ayos kami, at dahil maganda ako. Gumawa ako ng plano, oh diba? Haha Plano kung paano ko makakausap si Mateo.
May Plan A ako, Plan B, at Plan C.

Plan A: Pupunta ulit ako sa lupain ng mga puno ng mangga, at magtatago ulit doon sa maliit na taguan ng mga gamit pang tanim.  Magpapahabol ulit ako sa ahas at boom! Ililigas na ulit ako ni Mateo. Kapag nailigtas nya ako, magkakaroon na rin ako ng chance para makausap at makapag sorry sa kanya.

Plan B: Magpapasama ako kay Cristeta at pupuntahan ko sila sa bahay nila. Yayayain ko sya na lumabas kami para mamasyal or kumain sa resto. At boom! Makakausap ko na dun si Mateo mylove!

Plan C: Ichachat ko sya. Charot! Haha syempre susulatan ko sya. Papadalhan ko sya ng mga long sweet messages. At dun ko na rin sasabihin sa kanya na nagsisisi ako sa mga ginawa ko.

Oh diba mga besh! Ang witty ko sa part na yan. Hahahah Pero paano kung hindi pa rin gumana ang tatlong plano na yan? Pero, kahit bigyan pa ako ng mundo ng isang milyong dahilan para sukuan sya, maghahanap pa rin ako ng isang dahilan para ipagpatuloy yung mga bagay na nasimulan ko na para sa kanya. Maging mag kaibigan lang ulit kami, ayos na sa akin.
Okay lang sa'ken kahit hindi na lumevel up basta magka ayos lang kami.

Narito ako sa kwarto ko at naghahanda na ako para sa una kong plano. Mag a-alas dyis na ng gabi nang makauwi kami kahapon, may nakilala rin akong bagong kaibigan, haha yung kapatid ni Mateo...
Mateo Benedicto, na si Graciana. Napakadali ko syang naging kaibigan, dahil siguro parehas kaming makulit at tsaka dahil friendly sya.


Narito na ako sa labas ng mansyon namin at sobrang ganda ng suot ko ngayon. Syempre dapat presentable ako sa paningin ng aking Mateo. Suot ko pa rin yung kwintas na red at alam kong gagabayan ako ni Angelita para hindi talaga ako makagat ng ahas mamaya. Magpapahabol ako sa ahas diba? Katulad ng sinabi ko sa Plan A.
So ayun na nga, nandito na ako sa gate at nakita ko ang dalawang guard namin. Sabi ni ate Antonia, sila daw ang aming mga Guardia Personal.

"Magandang umaga señora! Saan kayo patutungo?" Masiglang bati ng isang Guardia Personal.
Aba! Mukhang maganda gising ni kuya ah?

"Pupunta ako sa lupain na maraming puno ng mangga" nakangiting tugon ko dun sa Guard.

"Por pabor Señora, ngunit ang iyong ama ay hindi ka pinahintulutan na papuntahin doon ng walang kasama"
Tugon sa akin ng Guardia Personal, pero nakangiti pa rin sya.
Napasimangot naman ako dahil sa sagot nya

"Madali lang ako do--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang dumating si Donya Josefa/ina.

"Anak, sundin mo na lang ang bilin ng iyong ama. Para rin yan sa ikabubuti mo" sabi ni ina. Nakangiti sya ngayon sa akin at mukhang galing sya lawa mg perlas.
At dahil si ina na ang nagsalita, wala na akong magagawa. Sumunod na lamg ako sa kanya.
Inalalayan naman nya ako papasok at sinabing tuturuan daw nya ako na magluto ng paborito kong adobo.

"Naaalala mo pa ba anak noong bata ka pa? Napakahilig mong magluto at pinakapaborito mong lutuin ang adobo" Narinig kong nagsalita si ina, habang ako naman ay abala sa paghahati ng mga patatas na ilalagay sa adobo.
Nasa kusina na kami ngayon at nakasalang na ang palayok na paglulutuan namin ni ina.

"At dahil na rin sa hilig mo sa pagluluto, ay naka imbento ka ng adobo na hinaluan ng kape" patuloy pa ni ina.
Wait? Adobo na may kape! Yak anong lasa nun!

"Hindi po ba pangit ang lasa noon?"
Tanong ko kay ina at parang masusuka naman ako dun sa adobo na may kape.

"Hindi anak. Sa katunayan nga eh, nagustuhan ng iyong ama at ng iyong kapatid ang iyong luto" nakangiting tugon sa akin ni mama.

"Mabuti na lamang at bago ka nawalan ng ala-ala ay naituro mo sa akin kung paano iyon lutuin. Nais kong matutunan mong muli iyon dahil sabik ma sabik na kaming matikman ang adobong paborito mong lutuin" at ang laki na ng ngiti ngayon ni ina. Nahawa naman ako sa mga ngiti nya at napangiti na rin ako.

"Sige ina, ituro mong muli sa akin" tugon ko sa kanya at nagsimula na kaming magluto. Itinuro nya sa akin kung kailan dapat na ilagay ang mga pampalasa at kung gaano kadami ito.
Tapos ako naman, medyo natutuwa kasi may bago na naman akong matututunan.
Sandali namang tumahimik ang kusina ngunit nagsalitang muli si ina.

"Oo nga pala anak, sabi ng ating isang tagapagsilbi na si Merlita, ay nagpunta raw dito kagabi ang anak ni Ginoong Velasquez na si Alberto"

Nagulat naman ako dahil sa sinabi ni ina ng maalala ko ang sinabi ni Angelita.

"Bukas ng gabi magsisimula ang tunay mong misyon. May dadarating na isang Ginoo sa inyong hacienda at kakamustahin ang iyong kalagayan"

So yun pala ang Ginoong tinutukoy ni Angelita. Ano kayang kinalaman ni Alberto sa misyon ko. May kinalaman kaya sya pagpatay sa aming pamilya?
Hindi naman agad ako makasagot kay ina dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

"Sinabi na lamang ni Merlita na dumalaw na lamang sa ibang araw" patuloy pa ni ina.

"Ina? Ano pong connectio... (Wait ano bang tagalog ng connection? Hahaha) ang ibig ko pong sabihin ay, kung ano pong kaugnayan ng ating pamilya sa pamilya ni Alberto?"
Tanong ko kay ina.

"Ang Pamilya Velasquez at ang ating Pamilya ay parehas na mayroong malaking negosyo dito sa San Luis. Ngunit mas mayaman ang ating pamilya kesa sa kanila" tugon ni ina.

Medyo nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig na mas mayaman ang aming pamilya kesa sa kanila. Alam kong mas marami kaming magagawa kumpara sa pamilya nila kaya okay na ako. Pero kailangan ko pa rin mag-ingat sa kanya dahil baka may masama syang intensyon sa akin.
Maya maya pa ay naluto na ang adobo at inihanda na para sa almusal.

Narito na kaming lahat sa mahabang lamesa ng mansyong ito. Nasa dulo nakaupo si ama, habang nasa kabilang dulo naman si ina.
Nasa kanang bahagi ko si ate Antonia at nasa harap ko si Almira, katabi naman nya si kuya Antonio na ngayon ay antok na antok pa. Haha sya pala ang pinaka tamad sa aming magkakapatid.

"Tayo munang magdasal bago kumain" anunsyo ni ama

"Amen"

Nagsimula na kaming kumain at may tatlong putahe ang nakahain sa aming hapag kainan. Kaldereta, monngo na may malunggay at ang niluto namin ni ina na adobong may kape.

"Napakasarap pa rin talagang magluto ni Angelita. Kahit nawalan na ng ala-ala ay hindi pa rin kumukupas ang galing sa pagluluto" Napatingin naman ako kay ama na ganadong ganado sa pagkain.

"Tinulungan po ako ni ina sa pagluluto niyan" magiliw na sagot ko kay ama.

"Pwede na mag-asawa yang si Angelita" Nagulat ako ng biglang nagsalita si kuya Antonio. Tsk ! Tsk! Magsisimula na naman sya.
Sinamaan ko na lang sya ng tingin at hindi na ako nagsalita.
Napatingin naman ako kay ama at ina na medyo natatawa na ngayon.

Teka? Pinagtutulungan ba nila ako?
"Oo nga Angelita. Pwede ka na mag-asawa" biro pa ni ina at ngayon ay napapalakas na ang kanyang tawa.

"Basta tatandaan mo Angelita, dapat ipakilala mo muna sa akin ha" dagdag pa ni ama.
Grabe! Pinagtutulungan nga nila ako. Napatingin naman ako kay ate Antonia at Almira na ngayon ay tumatawa rin. Jusko sana naman wag na sila makisali.

"Hindi ba't may Ginoong naghahatid sayo palagi?" Dagdag pa ni kuya Antonio. Shiiittttt! Grabe talaga si kuya

"Oo nga Angelita. Nakita ko kayong dalawa ni Ginoong Lorenzo kagabi na magkasama" at humalakhak na si ate Antonia.
Shit! Ateeee! Bat mo sinabi sa kanila?! At tsaka kaibigan ko lang yun. Baliw!
Hays. Kinakabahan na ako. Napatingin ako kay ina at ama na ngayon ay biglang naging seryoso ang mukha.

"S-sinong Lorenzo?" Seryosong tanong ni ina, tumingin muna sya kay ate Antonia bago tumingin sa akin.

"S-si Mateo Lorenzo po, k-kaibigan ko po ina" nauutal na sagot ko kay ina.

"Mateo? Ang panganay na anak ni Gobernador Lorenzo?" Tanong ulit sa akin ni ina at ngayon ay medyo nakangiti ulit sya sa akin.

"O-opo ina" sagot ko na lang sa kanya. Akala ko ay magagalit sya pero hindi. Silang lahat ngayon ay nakangiti na ng nakaka echos sa akin.

"Mabuti naman at ang iyong kinakatagpo ay kauri natin. Huwag kang iibig sa mahirap Angelita ha" bilin sa akin ni ama.
Teka? Kinakatagpo? Grabe naman si pudrakels. Kaibigan ko lang naman yun e.
Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti bilang response. Ayoko na lang magsalita dahil kapag hindi ako nag-ingat sa mga sinasabi or ginagawa ko, ay maaaring magbago ang tadhana.

Pagkatapos kong kumain ay nagpunta na ako sa aking silid. Medyo disappointed ako ngayon kasi palpak yung Plan A. ko, so itatry ko naman ngayon yung Plan B.
Magpapasama ako kay Cristeta sa bahay nila.

"Cristetaaaaaa?" Medyo sweet na sigaw ko. Alam kong nandito lang si Cristeta kasi nakita ko sya kanina dun sa may hardin.

"Bakit po binibini?" Nagulat ako ng biglang sumilip si Cristeta dun sa may pinto. Grabe! Parang mumu naman sya e. Basta basta na lang sumusulpot, sana kumakatok man lang sya.

"Cristeta? Pwede mo ba akong samahan sa bahay ni Gobernador Lorenzo?" Tanong ko kay Cristeta.

Magsasalita na sana sya kaso biglang dumating naman ang isang matandang babae.

"Magandang araw po Aling Merlita" bati ni Cristeta sa kanya.
So sya pala si Merlita, nakatingin ako sa kanila at nagulat naman ako kasi napatingin din sya sa'ken.

"Magandang araw po binibini" at ngumiti sya sa akin.
Ngumiti din ako sa kanya.

"Bakit po Aling Merlita?" Tanong ko sa kanya. Haha nakiki Aling Merlita na rin ako. Feeling close

"Binibini? May panauhin po kayo. Naghihintay sya sa baba" Tugon nya sa akin.
Teka? May bisita ako? Wala naman akong ni-invite dito ah? Sino n--
Teka?! Baka si Mateo na yun! Waaaaahh!
At agad akong napabangon mula sa aking pagkakahiga dahil sa excitement. Pero di pa naman ako sure kung si Mateo nga yun.

"Sige po Aling Merlita. Bababa na po ako" at pumunta na ako sa salamin para mag ayos ng mukha. Kailangan maging presentable ako sa harap nya. Si Aling Merlita at Cristeta naman ay umalis na. Mukang hindi ko na kailangan yung Plan B at C ah? Haha namiss nya siguro ako.
Pero ano kayang ginagawa nya dito? Siguro may mahalaga syang sasabihin. Nako kailangan ko na bumaba ayoko syang pinaghihintay. Kyaaaaaah!

Bumaba na ako at nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa Couch ng mansyon namin. Nakatungo sya ngayon at nagbabasa ng dyaryo. Eto na. Myghad! Kinakabahan ako, makakausap ko na ulit si Mateo myloves ko Hahahaha
Habang naglalakad ako, ay sumabit ang baro't saya na suot ko sa isang maliit na lamesa. Dahil doon ay nakagawa ako ng ingay na naging dahilan para mapatingin yung lalaking nakaupo.

Nagulat ako ng biglang magtama ang mga mata namin, at narealize ko na...

Hindi pala sya si Mateo.

Hays. Sayang naman, akala ko pa naman makakausap ko na si Mateo. Hindi pa pala. Iba palang lalaki ang nasa harapan ko ngayon.

"Magandang umaga binibining Angelita!" Masayang bati nung lalaki sa'ken. Tumango na lang ako at ngumiti sa kanya bilang response.

"Dinalaw kita rito kagabi ngunit nasa San Alfonso ka pala" dagdag pa nya.

Hindi ko alam pero nung nakita ko sya, ay may kakaiba akong naramdaman. Sya yung tinutukoy ng totoong Angelita dun sa letter na binigay nya saken. Pero mukha naman syang mabait ah? Napaka amo ng kanyang mukha.

"Hindi ba't nangako ka sa akin na sa muli mong pagbabalik dito sa San Luis ay sasamahan kita mamili ng mga kagamitan sa pag guhit?" Dagdag pa nya.
Naalala ko na mahilig nga pala magdrawing si Angelita


Pero nakoooo! Paano na yan, hindi pa naman ako marunong mag drawing. At tsaka hindi kami magkasing galing ng totoong Angelita.
Kaso sayang naman tong pagkakataon na to na makakausap ko sya, kailangan kong malaman kung bakit may kinalaman sya sa pagkamatay sa Pamilya Anastacio.

"Sige, tara na"
Matipid na tugon ko sa kanya. Hindi pa naman kasi kami close e.
Tumango naman sya sa akin at sabay kaming lumabas. Nakita ko ang isang magarang kalesa na naghihintay doon. Kulay white sya at may mga nakaukit na mga angel sa kalesang iyon. Wow naman, spiritual pa yata tong kasama ko ngayon hahaha. Pero grabe, mayaman nga talaga ang family ng lalaking to.

"Batid kong ako'y hindi mo na naaalala" Pagbasag nya ng katahimikan. Nakasakay na kami ngayon sa kalesa at kasalukuyan na kaming bumabyahe papunta sa palengke.
Hinawakan nya ang kamay ko at dahil dun ay nagulat ako.

Wtf! Anong ginagawa ng lalaking to?!

Dahil sa gulat ay bigla kong inalis ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya. Nakakainis, basta basta na lang sya nanghahawak ng kamay.

"A-anong ginagawa mo? Feeling close? Feeling close?" Pagsusungit ko sa kanya. E kasi naman e, nakakainis naman talaga. Tsk

"Ipagpaumanhin mo ang aking kapusukan Angelita. Sana talaga ay maibalik na ang iyong ala-ala, akoy sabik na sabik na sa iyo" Malungkot na tugon nya sa akin. Teka? Anong pinagsasabi ng lalaking to?

"Hindi ko alam kung ika'y galit dahil hindi ko naintindihan ang lenggwaheng iyong tinuran" Dagdag pa nya.
Shit! Oo nga pala, di pa nila alam yung word na feeling close. Hays. Dapat nag-iingat talaga ako sa mga sinasabi ko. Baka magbago ang tadhana dahil sa kaabnormalan ko.

"Pasensya na Ginoo, pero sino ka ba at ano kita? Wala na kasi akong maalala e" Tanong ko sa kanya.

"Alam kong wala kang maalala, kaya nga narito ako para tulungan ka na maibalik iyon" Panimula nya

"Ang ang aking ngalan ay Alberto. Ako si Alberto Velasquez. Matagal na akong nanliligaw sa iyo at sinabi mong akoy malapit mo ng sagutin. Ngunit sa kasamaang palad, ay naaksidente ka at nawala ang iyong ala-ala" tugon nya at napansin kong naiiyak na sya ngayon.

Kaya pala may kinalaman tong lalaki na to sa misyon ko, dahil matagal na pala syang nanliligaw kay Angelita. Pero infairness na, may taste talaga ang totoong Angelita.

"Pasensya na Ginoo" sagot ko na lang sa kanya. Ewan ko ba, natatakot talaga ako sa mga bibitawan kong salita dito. Ayokong magbago abg tadhana at lalo akong mahirapan.

"Wala iyon Angelita, maghihintay akong muli sa iyo" Tugon nya at napansin kong medyo nakangiti na sya ngayon.
Ngumiti na lang ako sa kanya at tumingin na sa labas. Teka...

Wow! Ang ganda ng palengke noong unang panahon! Nandito na pala kami. Ngayon ko lang narealize na na nasa palengke na kami, ang dami kasing sinasabi saken ni Alberto at sobrang naguguluhan na talaga ako. Tumingin ulit ako sa paligid at narealize ko na napakalinis at ganda ng palengke. Napakasarap mamili.

Maraming maliit na parang kubo na magkakatabi at nandoon ang mga paninda. May mga nagtitinda ng isda, gulay, prutas, alahas at marami pang iba. Hindi pa ganoon karami ang tao kung kaya't hindi masikip at masarap mamili.

Ang gaganda ng mga nakikita ko ngayon at hindi ko na maiitago na excited na akong mamili.

"Binibining Angelita? Malapit na tayo sa bilihan ng mga kagamitan pang guhit. Doon tayo bibili sa bagong tindahan, balita ko ay magaganda ang uri ng mga pluma at sulatan na naroon" Nakangiti na ngayon sa akin si Alberto at sa mga ngiti nya ay napapansin ko na masaya sya para sa akin.

Tumigil kami sa isang maliit na parang kubo, kulay black ang pintura noon at nasa loob ang maraming notebook at parang mga sketch pad.
Naunang bumaba si Alberto at iniabot nya ang kamay nya sa akin.
Inalalayan ako sa pagbaba dahil medyo mataas ang kalesa.

Pumasok na kami doon at nagsimula na kaming pumili ng mga bibilhin.
Grabe. Parang National book store ang peg nito. Sobrang daming pagpipilian at sobrang daming mga nakadisplay na mga kagamitan sa pangsulat at pang drawing.

"Binibining Angelita? Hayaan mong ipakilala kita sa may-ari ng tindahan na ito. Sya ay aking kaibigan" Sabay turo doon sa lalaki na nakatalikod at napansin kong busy sya sa pag-aayos at pag oorganize ng mga paninda nya.

"Mabuti kung ganun, magkakaroon na naman ako ng bagong kaibigan" Masayang tugon ko sa kanya.

"Mahilig din sya sa pag guhit gaya mo at sa tingin ko'y magkakasundo kayo"
Tugon nya.

"Dahil sa hilig nya sa pag guhit ay naisipan nyang itayo ang negosyo ito"
Dagdag pa ni Alberto habang naglalakad kami papalapit doon sa lalaki.
Nakaka turn on pala yung mga lalaking matatyaga ano? Haha

" Buenos días mi amigo!" (Goodmorning my friend!)
Masayang bati ni Alberto at dahil doon ay napalingon yung lalaki.
Sa tono ng pagbati ni Alberto ay mahahalata mong close talaga sila.

Napatingin ako doon sa lalaki at narealize ko na ang tinutukoy na kaibigan ni Alberto na may-ari ng tindahan na iyon ay si...

Mateo Lorenzo. Waaaaaaah!

Hindi ko agad naialis ang tingin ko sa kanya. Napatitig ako sa kanya at nagulat ako nang mapatingin din si Mateo sa akin, na naging dahilan para matigilan ako. Hindi ko alam ang gagawin ko at di ko alam kung paano ko sya babatiin. Parang maiihi na ako dito dahil nakita ko na ulit yung krass kooooo! Kyaaaaah!

*******************

Reminder: Wag nyo po kalimutan na i-like at i-vote. Salamat! :)

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
Watashi no Ai (My Love) Jeysii द्वारा

ऐतिहासिक साहित्य

136K 7.1K 47
Famine, war, and death. These were the things Rita saw during the Japanese occupation in the Philippines. The country was under the shade of Imperia...
150K 5.6K 58
Description: Nang dahil sa kanyang kawalang respeto at kalupitan sa pagpaslang ng kanyang biktima ay naparusahan siya ng isang mahiwagang nilalang at...
Lo Siento, Te Amo Binibining Mia द्वारा

ऐतिहासिक साहित्य

3.2M 167K 37
"I'm sorry, I love you." Married to a man who hates her family to death, Agnes Romero Salazar is in vain as she discovered her husband's secret affai...