Huling Himagsik

By KuyaDitalach

34.2K 2.2K 517

Highest Rank: #12 in Historical Fiction [January 23, 2018] "Kung papipiliin ako sa lalaking matalinung-matali... More

¡Disfruta leyendo! (Enjoy Reading!)
Tenkyu su mats!
Capítulo Uno
Capítulo Dos
Capítulo Tres
Capítulo Cuatro
Capítulo Cinco
Capítulo Seis
Capítulo Siete
Capítulo Ocho
Capítulo Nueve
Capítulo Diez
Capítulo Once
Capítulo Doce
Capítulo Catorce
Capítulo Quince
Capítulo Dieciséis
Capítulo Diecisiete
Capítulo Dieciocho
Capítulo Diecinueve
Capìtulo Veinte
Ćapitulo Veinte Uno
Ćapitulo Veinte Dos
Lawa ng Perlas
Author's Note
Author's Note

Capítulo Trece

987 84 14
By KuyaDitalach

[Kabanata 13]

Parang tumigil ang ikot ng mundo ko. Tuluyan ng bumuhos ang luhang kanina ko pang pinipigilan. Hindi ko na alam ang gagawin ko at sobrang takot na takot na ako. Lalo na nung marinig ko na kapag nabasag ang kwintas na iyon ay mamatay si Tiyo Lucas at...ako.

Parang ayoko ng hawakan yung kwintas. Mas gusto ko na mawalan ako ng gabay kesa naman sa mamatay ako at mabigo sa aking misyon. Gusto ko ng ibalik iyon kay Angelita.
Sobrang kinakabahan ako at ang aking mga mata ay hindi na maawat sa pag-iyak.

"Sige na Angela, isuot mo na ang kwintas na iyan. Kailangan mo iyan" dagdag pa ni Tiyo Lucas.
Napatitig naman ako sandali doon sa kwintas at maingat kong hinawakan. Natatakot ako na baka magpatak at mabasag, kung hindi ay mamamatay na agad ako.

"Huwag kang mag-alala, ang kwintas na iyan ay mababasag lamang kapag sinadya itong basagin, at kung ang babasag nito ay isang masamang tao" Natauhan ako ng biglang nagsalita si Tiyo Lucas. Nakatitig na pala ako dun.
Isinuot ko na yung kwintas, nakapikit ako habang sinusuot ito at nagdadasal na sana ay wag itong mabasag agad.
Pagkasuot na pagkasuot ko ng kwintas na iyon ay nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam.
Umaliwalas ang paligid, at ang gaan gaan na ng pakiramdam ko ngayon. Feeling ko wala na akong problema. Yung takot, kaba at lungkot ko kanina ay bigla na lang nawala. Naramdaman kong muli ang pakiramdam ng kapayapaan. Ang aking mga luha ay napawi, at ang pagtataka sa aking mukha ay biglang nawala. In short, masaya na ulit ako. Salamat sayo Angelita, alam kong dahil sayo kung bakit nawala ang bigat na nadaramdaman ko ngayon.

"Magbihis ka na Angelita. May pupuntahan pa pala kayo" dagdag naman sa akin ni Tiyo Lucas at nakangiti na rin sya sa akin ngayon.

"Paano nyo po nalaman? E hindi pa po ako nakakapag paalam sa iyo" nagtatakang tugon ko kay Tiyo Lucas.
Ngumiti naman sya sa akin.

"Hindi ba't nababasa ko kung anong iyong iniisip. Alam kong pipilitin mo ako na pumayag sa pagsama sa kaarawan ni Helena, at wala na akong magagawa kapag kayong dalawa ni Almira na ang pumilit sa akin" natatawa na ngayon si Tiyo Lucas. Aba nakakapag biro na sya ngayon. Kanina lamang eh hindi na maipinta ang kanyang mukha, tapos ngayon ay nakakatawa na sya? Hahaha pero ganun din naman ako. Makakapag joke na ulit ako.

"Hindi po ba kayo sasama Tiyo Lucas?" Tanong ko sa kanya.

"Kailangan ay may mangasiwa sa ating Hacienda, kung kaya't magpapaiwan na lang ako rito" nakangiting tugon sa akin ni Tiyo Lucas at tumayo na sya kaya tumayo na rin ako. Nagpaalam na si Tiyo Lucas sa akin at pagkalabas nya ay agad akong tumakbo doon sa kabinet. Pumili ako ng magandang damit dahil makikita ko doon si Mateo myloves!
Crush ko pa din sya dahil wala pa naman akong proweba na ikakasal na nga sya.
Kailangan kong magpaganda. Kailangan kong paitimin lalo ang aking kilay, papulahin ang aking pisngi, at papulahin din ang aking labi. Para akong pupunta sa Prom at kailangan na ako yung maging Prom Queen, habang si Mateo naman ang Prom King! Kyaaaah!
Pinili ko yung kulay pula na baro't saya dahil kakulay nya ang kwintas na suot ko ngayon. Mas makakadagdag to sa aking ganda hahaha

Pagkatapos kong mag-ayos ay agad na akong bumaba dahil baka naghihintay na sila sa akin. Nakita ko naman sila sa labas at nakita ko ang dalawang kalesa na pag mamay-ari namin. Napansin ko naman si kuya Antonio na nakasakay sa puting kabayo. Hindi siguro sya sasabay sa kalesa dahil wala ng space.
Tumakbo ako papalapit sa kanila at lahat sila ay nakatitig ngayon sa akin. Pati yung ibang mga guard na nagbabantay sa aming hacienda ay nagulat nang makita ako.

"Napakaganda mo ate Angelita!" Masayang bati sa akin ni Almira. Hindi ko na lang iyon pinansin at ngumiti na lang dahil sanay na akong sinasabihan ng maganda. Hahaha
Sumakay na lang ako sa kalesa at nagsimula na kaming bumyahe papunta sa San Alfonso. Lalo naman akong na excite noong makita si Almira na nakangiti at halatang na e-excite rin. Samantalang si ate Antonia naman ay ine-enjoy ang masayang tanawin sa labas.
Sumandal muna ako sa kalesang sinasakyan namin para marelax naman ako. Habang ako ay nakasandal ay may napansin akong babae at lalaki na naglalakad sa daan. Napakasaya nila na naghaharutan habang ang lalaki ay nakaakbay doon sa babae. Bigla ko naman naalala nyung sinabi sa akin ni kuya Antonio na si Mateo daw ay malapit ng ikasal.
Paano nga kaya kung totoo talaga yun? Nacucurious ako ngayon kaya sinubukan kong tanungin si ate Antonia"

"Ate Antonia? Kilala mo ba si Ginoong Mateo?" Tanong ko kay ate.

"Oo, ngunit paano mo nakilala si Ginoong Mateo?" Tugon ni ate Antonia at nakangiti sya ngayon na may halong pagtataka.

"Nabanggit lang sa akin ni kuya Antonio kanina" sagot ko kay ate Antonia. Tumango na lang sya ag ngumiti sa akin bilang response.

"Totoo bang ikakasal na sya?" Tanong ko ulit kay ate Antonia. Kasi nacucurious talaga ako, baka niloloko lang ako ni kuya Antonio. Ayoko naman mawala ng inspiration 'no. Hays. Napansin ko naman na ngumiti ulit si ate Antonia bago magsalita.

"Oo Angelita. Sa pagkakaalam ko ay nakatakda na syang ikasal sa susunod na buwan"
Totoo nga yung sinabi sa akin ni kuya Antonio. Totoo nga na malapit ng ikasal si Mateo. Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib.
Alam nyo yung mahirap sa'ken?
Ang bilis ko ma-fall, kaya ang bilis ko rin masaktan. Biruin nyo, bago pa lang kami nagkakilala pero medyo nasaktan na agad ako. Dahil marupok kasi ako. Makakita lang ng pogi na mabait, ay mafa-fall na agad.

Dear heart:
Please stop falling in love with the people I can't get.

Hays. Sayang yung pagpapaganda ko ngayon, sayang yung kilay ko, yung pisngi at labi kong mapula. Sayang yung suot ko ngayon at sayang dahil ikakasal na sya. Ikakasal sa babaeng totoong mahal nya. Siguro ganito lang talaga kababait ang mga tao noong unang panahon kaya ganoon na lang sila kung mag-alala sa kapwa nila. Kaya simula ngayon, hindi ko na kakausapin at papansinin si Mateo. Promise!

Naalala ko bigla yung sulat na ibinigay nya sa akin. Nakokonsensya sya dahil hindi nya daw ako naihatid blah blah blah. Puro kalandian lang pala ang lahat. Kailangan ko ng gumising sa realidad na si Mateo ay may mahal na. At hindi si Angela yun.
Maliwanag Angela? Hindi ikaw yun! H.I.N.D.I. I.K.A.W
Kaya mga girls, wag kayo agad magpapadala sa mga sweet at flowery words ng mga lalaki na yan. Alam nyo kung bakit? Kasi sa una lang yan magaling. At kapag nafall ka na, bigla bigla ka na lang nilang iiwan sa ere. Grrr. Pero alam nyo ba na may tatlong dahilan kung bakit ganoon sila?

Una, Malandi sila
Pangalawa, Trip ka nila
At pangatlo, Bored sila

Siguro trip lang ako ni Mateo kung kaya't ganun ang ipinakita nya sa akin. Kaya kayo ha. Wag kayong titingin sa itsura, doon kayo tumingin sa kalooban ng isang tao. Mas mahalaga ang ugali kesa sa itsura.
Sabi nga sa kanta,
Kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay,
Maghanap ka ng pangit at ibigin mong tunay.
Hays! Nakakagigil ka Mateo! Napakalandi mo! Sana hindi na lang kita nakila--
Teka... Parang ang bitter ko na masyado. Sorna mga besh. Si Mateo kasi eh, sinaktan ang damdamin ko.
Pero hayaan nyo na. Sanay na akong masaktan, sanay na ako sa paulit ulit na panloloko sa akin ng mga lalaki na yan. Sanay na ako.

Natauhan na lang ako ng biglang tumigil ang kalesang sinasakyan namin. Narito na pala kami. Napatingin naman ako at sa baba at nakita kong nandoon na si Almira. Wow ang bilis naman nya bumaba. May inspiration kasi eh. Buti pa sya excited, samantalang ako disappointed at ayokong makita si Mateo.

Bumaba na kami at napansin ko ang ganda ng bahay na ito. Sobrang daming bulaklak! Waaaaah! May iba't ibang kulay ng rose din akong nakita. Buti na lang at may mga bulaklak dito na makakatulong sa akin para malibang ako at hindi mapansin ang manlolokong si Mateo.
Hmm, niloko nga ba ako? Or nag assume lang ako? Hindi naman porket sweet e gusto ka na. Diba?
Tsk! Mateo balakajan!

" buenas tardes amigos"
(Magandang gabi mga kaibigan)
Masayang bati ng isang medyo matandang lalaki at yumakap kay ama pati na rin kay ama. Napag-alaman ko na sya pala si Gobernador Flores.
Paano ko nalaman? Dahil ibinulong sa'ken ni Cristeta.
Ay! Wait nakalimutan kong sabihin sa inyo. Kasama ko nga pala sya ngayon dahil ayaw raw ni ina na mapagod ako kung kaya't isinama sya si Cristeta para may mautusan ako.

"Gracias a invitar a nosotros aquí mi amigo" (Salamat sa pag imbita sa amin dito aking kaibigan)
Nakangiting tugon ni ama kay Gobernador Flores.
Hindi ko naman maintindihan yung sinasabi nila kung kaya't niyaya ko na si Cristeta at Almira na pumasok sa loob. Go Angela! Kaya mo yan! Hindi mo papansinin si Mateo pag nakita mo sya. Maliwanag?

Pagpasok namin sa loob ay nagulat ako dahil sa ganda ng loob ng mansyon na ito. Marami ring bisita at halatang mamayaman sila. Napansin ko rin ang isang malaking Chandelier na nasa gitna. May Chandelier din naman sa bahay pero sa salas lang meron. Sa aming mga kwarto ay wala na ag tanging mga lampara lang ang nagbibigay liwanag sa aming silid.

"Boooo!"
Nagulat ako ng biglang sumigaw si kuya Antonio. Napahawak naman ako sa aking dibdib dahil sa gulat. Tsk! Binibwisit na naman ako ni Kuya.

"Tara, ipapakilala kita Angelita sa aking matalik na kaibigan" Patuloy pa nya at hinila ako dun sa isang lalaki na matangkad, maputi at nakadamit na pang sundalo. Waah! Ang ganda ng katawan nya kaso fit na fit yung suot nya. Halatang halata yung mga muscles.
Oops! Remember Angela. Dapat ay pigilan mo ang tukso. Baka ma-fall ka na naman jan at hindi ka saluhin.

"Ito nga pala si Sergio Alfonso, panganay na anak ni Don Mariano Alfonso" at tinapik tapik ang balikat ni Sergio.

"A-ako nga pala si Angelita" nakangiting tugon ko sa kanya.

"Ikinagagalak kong makilala ka Angeli--" hindi na nya natapos ang sasabihin nya ng biglang dumating ai Cristeta.

"Binibini, tinatawag na po kayo ni Binibining Almira. Natagpuan na raw po niya ang kanyang hinahanap" Nakangiting sigaw sa akin ni Cristeta at nakita kong excited din sya. Hahaha aba magka sabwat din yata ai Cristeta at Almira ah?

"Sige, susunod na ako" tugon ko kay Cristeta habang si Sergio naman ay natigilan pa rin. Hahaha wait. I smell something fishy ha.

"A-ano ang ngalan mo binibini?" Sabay harap ni Sergio kay Cristeta. Hindi naman agad nakapagsalita si Cristeta dahil yun ang unang beses nya na may lalaking tumawag sa kanya ng binibini.
Kaya ako na lang ang sumagot.

"Sya si Cristeta, ang aking magandang tagapagsilbi" sagot ko sa kanila ag napansin kong namula ang pisngi ni Cristeta hahaha

"Tagapasilbi?"
Tugon ni Sergio at biglang nawala yung mga ngiti sa labi nya.

"B-bakit Sergio? May problema ba?" Tanong ni kuya Antonio

"W-wala, sige kailangan ko nang umalis, sapagkat may pupuntahan pa ako" Tugon ni Sergio at nagmadaling tumakbo.
Napatingin ulit ako kay Cristeta na nakatingin kay Sergio na tumatakbo palayo. Yyyiieeee. Sa bagay, maganda naman talaga si Cristeta.
Napatingin naman sya sa akin.

"T-tara na binibini, hinihintay na kayo ni Almira" pag-iiba ni Cristeta ng usapan hahaha kinikilig to.
Inilibot ko ang aking mata at naghanap ng bagong inspiration. Haha nakaka inggit si Cristeta e.
Tumingin ako sa harap, sa likod, sa kanan at noong napatingin ako sa kaliwa ay napansin ko ang isang familliar na lalaki.

Si Mateo.

At may kasama syang babae, hindi ko naman nakita ang itsura nung babae dahil natakluban sya ni Mateo. Ang tangkad kasi nya e. Nakatingin lang ako sa kanila habang masayang nakikipag usap sa isa pang lalaki na may kasama ring babae. Masaya sila, habang ako naman, eto unti unting nadudurog ang puso dahil sa mga nakikita ko. Tsk! Naalala ko na naman yung lintik na sulat na binigay nya sa'ken. Nako nako. Pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay, susunugin ko agad yung sulat na yun.
Ang sakit sakit kasi may ibang babae na pinaglalaan ng oras si Mateo. Oo, crush ko pa lang sya pero ganun ako e. Nasasaktan ako kapag nakikita kong may kasamang iba si crush.
Habang nakatitig ako sa kanila ay biglang napalingon sa akin si...
Mateo. Waaaaah!

Nakita ko na nagpaalam sya doon aa girlfriend nya at doon sa isa pang magjowa na kausap nya. Tumingin ulit at napansin kong papalapit na sya sa akin.

Dug Dug! Dug Dug!

Shit bakit bumibilis ang tibok ng puso ko? Diba ikakasal na sya? Bakit ganito pa rin yung nararamdaman ko?
No Angela! Wag kang magpapadala sa tukso na yan. Ikakasal na si Mateo at ayaw mong makasira sa relasyon nila diba? Kaya laban lang! Pag sungitan mo. Para tumigil na sya sa kalandian nya. Go Angela! Kaya mo yan!

*******************

Reminder: Wag nyo pong kakalimutan na i-vote at mag comment.

Continue Reading

You'll Also Like

125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
795K 34.8K 10
She has to die to travel from the past to the future. This is all for the handsome guy with attitude problems whose arrogance is incomparable, yet he...
3.2M 167K 37
"I'm sorry, I love you." Married to a man who hates her family to death, Agnes Romero Salazar is in vain as she discovered her husband's secret affai...
Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.1M 70.3K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...