8 Rules to Play (RULES DUOLOG...

By chrisade_dee

2.1K 191 55

Coming from a fresh heartbreak, Carla Andrea Mariano meets Buen Lavi Alcantara, her sister's best friend who... More

Disclaimer
Song Peek
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Epilogue
Chrisade Dee Tells
Meet-and-Greet Book Signing Event

Chapter 26

39 4 0
By chrisade_dee


SIR E's

"Sir E, punta ka daw po sa dean's office," a student told me.

"Alright, tatapusin ko lang 'to. Thank you," Ngumiti ako sa estudyante bago siya tumalikod at lumabas ng faculty.

Inaayos ko na ang mga gamit ko ng tumunog ang cellphone ko. Napangiti naman ako ng makitang si Dianne ang tumatawag.

Alam kong mali, some may think of it as taboo. But I don't care about what others would say, I only care about her.

My Dianne. Nakangiting kong sinagot ang tawag.

"Hello?"

"E?"

"Yes? What can I do for you?" nakangiti kong saad habang isinasabit sa balikat ang laptop case ko.

"Can we talk?" sandali akong natigilan at nangunot ang noo ko ng marinig na medyo nanginginig ang boses niya.

"Are you alright?" I asked worriedly.

"Yeah, so can we talk?" O-oo na sana ako kaya lang ay naalala kong pinatatawag pala ako ng dean.

"Uhmmm can you wait by the car? Pupunta pa kasi ako sa dean's office,"

"Okay, antayin nalang kita sa parking lot,"

"Sure. See you later."

"See yah," natawa ako sa ala-dora na paalam niya.

"What should I do with you Dianne?" naiiling habang natatawa kong sambit sa sarili bago lumabas ng faculty at dumiretso na sa dean's office.

"I have ears all around the campus Mr. Jimenez. May I confirm the rumors about you and a certain student?" yan agad ang bungad ng dean sa akin pagkapasok ko sa office niya.

Hindi muna ako sumagot at hinintay lang na magsalita siyang muli.

"You are well informed that, that kind of relationship between the teacher and a student is forbidden in this school right?" magalang naman akong tumango.

"Alam mong maari kang matanggalan ng trabaho?" he ask and I responded with a nod.

"Itigil mo na ang kung anumang namamagitan sa inyo ng estudyanteng iyon Mr. Jimenez, bago ka pa matanggal sa trabaho," Nag-angat na ako ng tingin sa kanya.

"You can instantly fire me now if that's what you want," matapang kong sagot sa kanya. Ngumiti naman siya saakin at tila aliw na aliw.

"Pano ba yan Mr. Jimenez? Mukhang nakakalimutan mong hindi lang ikaw ang mapaparusahan dahil dyan," kumunot ang noo ko sa narinig.

"What do you mean?"

"Ms. Ara Dianne Mariano, would be expelled once na napatunayan na higit pa sa student-teacher ang relasyon niyong dalawa." natigilan ako sa narinig.

Expelled?

ARA's

Maya't maya ang pagsulyap ko sa kanya habang nagmamaneho siya. Naninibago ako sa kanya. Hindi ako sanay na tahimik siya. I really prefer E being a chatter. Mas nae-enjoy ko.

Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya kung hindi pa siya tumikhim.

"What is it?" tanong niya ng hindi ako sinusulyapan man lang.

"H-huh?" naguguluhan kong tanong.

"May gusto kang pag-usapan diba? Ano yun?" this time ay tinapunan niya na ako ng tingin sabay ng pagtigil niya ng sasakyan sa tabi.

Agad kong naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa kaba at sa paraan ng pagtingin ni E sa akin.

Being nervous is an understatement as to what I'm feeling now. Hindi ko malaman kung anong sasabihin ko. I don't know how to tell him that atlast, I'm finally over Lavi.

"Dianne..."

"E... I'm.... uhhh..." hindi ko matapos tapos ang gusto kong sabihin.

"Dianne you're what?" nagulat ako sa biglang pagiging irritable niya. Kahit kalian ay hindi siya nairita sakin kahit gaano man ako kakulit.

Come to think of it, kanina ko pa napapansin na may kakaiba sakanya. Something is off about him. I reached out for his hands pero laking gulat ko ng iiwas niya ito sakin sabay ng pag-iwas niya rin ng tingin.

"E... may problema ba? What is it? Alam mo namang pwede mo kong pag-sabihan, right?"malumanay kong saad sa kanya, pero nanatili ang kanyang mga mata sa labas ng bintana. Hindi siya sumagot at nagpakawala lamang ng isang buntong hininga.

"Dianne, pagod ako. Kung may sasabihin, ka sabihin mo na, please? I don't have all the time in the world for your childish whims." he said in an irritable voice na siyang nagpakunot ng noo ko.

Napatawa ako ng pilit dahil sa sinabi niya.

"So you're calling my confession a childish whim now SIR E?" I said emphasizing the way I call him. Agad siyang napabalikid sa akin.

"What do you mean? Anong confession?" saglit kong nakita ang pag-daan ng kasayahan sa kanyang mga mata pero agad din itong nawala at napalitan ng blankong ekspresyon na hindi ko mabasa.

"I love you, E." natigilan siya sa biglaan kong pagsasabi ng nararamdaman. Akala ko ay matutuwa siya ng sobra dahil sa narinig, but what he said next broke my heart.

"So what?"

SOMEONE ELSE's

Why, do you always do this to me?

Why, couldn't you just see through me?

How come, you act like this

Like you just don't care at all

Do you expect me to believe I was the only one to fall?

I can feel, I can feel you near me, even though you're far away

I can feel, I can feel you baby, why

Pilit mang tabunan ng maiingay na cheers mula sa crowd ay hindi maitatago ang malungkot na emosyon sa pagkanta ni Ara. Lalo na't patuloy sa pagtulo ang masaganang luha sa kanyang mga mata sabay ng pag-buhos ng ala-ala.

It's not supposed to feel this way

I need you, I need you

More and more each day

It's not supposed to hurt this way

I need you, I need you, I need you

Tell me, are you and me still together?

Tell me, do you think we could last forever?

Tell me, why

"So what?" gulat na gulat si Ara sa mga salitang lumabas mula sa bibig ni E.

Bumuka ang kanyang bibig para sana magsalita pero walang mabuong mga salita, tila nablanko ang utak niya habang tulalang nakatingin sa lalaking nasa harapan niya.

Pinakatitigan niya ito ng mabuti, but it's different. The way he looks at her, this man is different from the Edward she knows. Hindi niya alam kung anong nag bago, kani-kanina lang naman ay ayos pa sila.

"Anong so what? E, I just told you I love you." mariin niyang sambit after getting a hold of herself. Agad itong nag iwas ng tingin sa kanya at muling pinaandar ang sasakyan.

"Ano nga ngayon Dianne? Teacher mo ko, you're not supposed to feel like that," Mapakla siyang napatawa sa sinabi nito.

"Not supposed to feel like this? Teacher? You don't act as one just hours ago, SIR E," nang uuyam niyang sagot sa lalaki.

Do you expect me to believe I'm gonna let us fall apart?

I can feel, I can feel you near me, even when you're far away

I can feel, I can feel you baby, why

"Akala ko ba mahal mo ko?" maluluha luha niyang tanong sa lalaki. Saglit siyang sinulyapan ng lalaki bago binalik ang atensyon sa kalsada.

"Kailan ko sinabing mahal kita?" Dahil sa narinig ay tuluyan ng tumulo ang pinipigil niyang luha pero agad niya rin itong pinunasan at nag iwas ng tingin sa lalaki.

It's not supposed to feel this way

I need you, I need you

More and more each day

It's not supposed to hurt this way

I need you, I need you, I need you

Tell me, are you and me still together?

Tell me, you think we could last forever?

Tell me, why

"Stop the car." mariin niyang utos sa lalaki.

"Ihahatid kita sa inyo," malamig na sambit ni Edward.

"Tang-ina Edward! Sinong nagturo sayo ng salitang paasa? Mukhang kuhang-kuha mo at expert ka eh!" umiiyak niyang sigaw sa kausap.

"Dianne. Stop whining like a child!" Edward snapped.

So go and think about whatever you need to think about

Go on and dream about whatever you need to dream about

And come back to me when you know just how you feel, you feel

I can feel, I can feel you near me, even though you're far away

I can feel, I can feel you baby, why

"Edward please!! Stop this car! Please... please stop..." mula sa sigaw ay nauwi sa mga hikbi at hagulgol ang boses ng dalaga na napatakip na lamang ng mukha.

"Please, Edward... tigil mo na 'to. M-masakit n-na... ang s-sakit sakit na... please, parang awa mo na..." pag mamakaawa niya sa lalaki na tahimik na nakatingin lang sa kanya matapos itabi ang sasakyan.

"Tama na, Ara. Tumigil kana." mahinahon ang boses ng lalaki na parang nagmamakaawa na pero hindi iyon ang nagpatigil sa paghagulgol ni Ara, kundi ang paraan ng pagtawag nito sa kanya.

Anong nangyari sa Dianne? Bakit Ara na ngayon ang tawag nito sakanya?

"I hate you." nanghihina pero puno ng galit niyang sambit sa lalaki bago galit na lumabas ng sasakyan nito at buong pwersang sinarado ang sasakyan nito.

It's not supposed to hurt this way

I need you, I need you

More and more each day

It's not supposed to hurt this way

I need you, I need you, I need you

Tell me, are you and me still together?

Tell me, do you think we could last forever?

Tell me, why

Masigabong palakpakan ang binigay ng audience sa kanila matapos nila tugtugin ang "Why" ni Avril Lavigne. Mapait siyang ngumiti sa audience bago pinunasan ang kanyang mga luha at tumalikod na upang bumalik sa backstage ng magkasalubong ang mata nila ni Sir E na nag aantay sa may pintuan pabalik sa backstage.

Inabutan siya nito ng panyo pero nilampasan niya lamang ito. Natigil siya ng magsalita ito, mahina ang boses pero rinig na rinig niya.

"I'm sorry, Dianne."

Continue Reading

You'll Also Like

192K 7.5K 45
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
4.4K 1.2K 39
(UNDER REVISION) Anastasia Reign Morrison was a broken girl, carrying the burden of her past every single day. She keeps on questioning her worth, sh...
41K 2.1K 55
• Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL • Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is a simple cashier in a department store...
25K 1K 34
College Romance Series #3 Azielle Suriaga, also known as the brainy nerd in school. She's been admiring the notorious badboy of Roundell University...