BETTER WITH YOU KaRa <3 (Mika...

By artstring

646K 7.2K 701

Anong gagawin mo kung makita mo ulit ang taong nang-iwan sayo after how many years? Anong gagawin mo kapag na... More

BETTER WITH YOU
CHAPTER 1: She' Back!!
CHAPTER 2: The feelings is Back
CHAPTER 3: SHE HAS MOVED ON!
CHAPTER 4: WE STARTED THIS WAY
CHAPTER 5: The Challenge of JEALOUSY
CHAPTER 6: Yes! I'm JEALOUS!
CHAPTER 7: Yes! I got Jealous!
CHAPTER 8: STARTING TO REALIZE
CHAPTER 9: I LOVE HER
CHAPTER 10: THAT PAIN
CHAPTER 11: SHE'S GONE
CHAPTER 12: I'M SURE I'M INLOVE
CHAPTER 13: MY FIRST KISS
CHAPTER 14: I'M NOT HER FIRST
CHAPTER 15: THE PLAN OF LOVE
CHAPTER 16: THE NIGHT OF CONFESSION
CHAPTER 17: SHE'S BELONG WITH SOMEBODY
CHAPTER 18: START OF A NEW BEGINNING
CHAPTER 19: THE ANSWER
CHAPTER 20: STILL HOPING
CHAPTER 21: BEHIND THOSE EYES
CHAPTER 22: HIDDEN FEELINGS
CHAPTER 23: FIGHTING MY FEELINGS
CHAPTER 24: UNINTENDED
CHAPTER 25: GETTING RID
CHAPTER 26: SPILL IT OUT
CHAPTER 27: ACT TO BE BETTER
CHAPTER 28: UNSTOPPED FEELING
CHAPTER 29: PRETENDING THAT IT'S NOTHING
CHAPTER 30: POWER OF AN ARA GALANG
CHAPTER 31: ACT OF JEALOUSY 2
CHAPTER 32: BANGAYAN TO THE MAX
CHAPTER 33: MUTUAL FEELINGS
CHAPTER 34: SHE JUST SAID IT
CHAPTER 35: A SONG FROM THE HEART
CHAPTER 36: LOVE HAS REVEALED
CHAPTER 37: SHE TRIED TO HIDE
CHAPTER 38: STARTED TO FEEL
CHAPTER 39:FIRST TRY FAILS
CHAPTER 40: NICE TRY AS IT FAILS
CHAPTER 41: ONE WEEK CHALLENGE OF JEALOUSY
CHAPTER 42: OBVIOUSLY DENYING
CHAPTER 43: THE MOVES
CHAPTER 44: IN FRONT OF ME
CHAPTER 45: IT WAS JUST A WRONG THOUGHT
CHAPTER 46: FALSE CAUSE
CHAPTER 47: WE'RE SORRY
CHAPTER 48: JUST YOU
CHAPTER 49:OFFICIALLY UNOFFICIAL
CHAPTER 50: 52545
CHAPTER 51: I JUST SAID IT
CHAPTER 52: ALMOST
CHAPTER 53: TRIP TO BATANES
CHAPTER 54: FIRST DAY HERE
CHAPTER 55: SECOND DAY STILL
CHAPTER 56: OPLAN: "SORRY TOMSY"
CHAPTER 57: BABY
CHAPTER 58: PLACE BOUNDING
CHAPTER 59: STOLEN
CHAPTER 60: EXTREME FEELING
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
THE END - PART 1
THE END -PART2
AUTHOR'S NOTE
AUTHOR'S NOTE
ADD: LAST NA TO

CHAPTER 68

6.8K 78 1
By artstring

CHAPTER 68

Ara's POV

Mika: "Tara na nga! MagBar na tayo!" sabi niya pagkabalik nina Joy and Patrice ba to? galing sa CR

Magbabar??? Si Daks??? Heller! Mika! Kelan ka pa natutong magBar?

Ara: "Teka teka! Mika! Magbabar??? Bakit ka magbabar???" lumapit ako sa kanya pagkasabi nun, I may sound na sobrang OA, pero hindi to usual ... Magbabar ang isang Mika Reyes? Kelan pa siya natuto? Pinagbigyan ko siya once! Nung hindi niya ako kinakausap, and that would be the last!

Nakatingin lang siya sa akin at parang nang-aasar pa, I'm waiting for her answer pero she doesn't say anything ...

Hinawakan ko siya sa braso nang akmang hindi na naman niya ako papansinin at lalakad palayo, I now I'm making scene na sa harap ng mga kasama niya pero please naman, Bar yun, kahit pagbalikbaliktarin ang ibig sabihin nun, iisa lang tutumbok, sa alcohol! Malamang may inumang involve doon! Kahit anong bar yun iinom at iinom sila kaya pupunta dun! At hindi ko siya hahayaan with that ...

Ara: "I said bakit ka magbabar???" tinitigan ko lang siya, bahala siya kung isipin niya na nagpapakajowa na naman ako! Eh yun naman talaga ang role ko diba?

Mika: "Why do I have to explain?!" nakataas yun kilay niya trying to tell me na mas matapang ako sayo.

Ara: "You have to!!! I'm .... I'm ..." Natigilan ako, bakit nga ba kailangan niyang mag-explain? Ewan! Basta hindi na mahalaga yun. "I'm you friend, and concerned ako sayo, so please umuwi na tayo. Hindi ka pupunta sa Bar na yun!!! Ok?!" Hinatak ko na siya, bahala siya kung ayaw niya.

Pero nagmatigas siya. Ayaw niyang sumama sa akin.

Ara: "Mika!" halos napasigaw na ako

Mika: "Vic!!!" sagot naman niya tsaka bumitaw sa pagkakahawak ko, and dahil sa paraan ng pagtingin niya sa akin, nawalan ako ng lakas para hawakan lang siya ... Natigilan ako, the way she's looking at me right now? Parang wala dun yung Mika ka kaya kong suyuin anytime, yung Mika na isang clingy lang bibigay na, parang yung Mika ngayon is yung Mika na ayaw magpadominant, yung ayaw magpatalo ... And with that? Mas lalo akong natakot ...

Pagkabitaw ko sa kamay niya, agad siyang nagsalita ...

Mika: "Hindi ako uuwi! Ayokong umuwi! At wala kang magagawa dun ok! You don't have the right!" pasigaw na sabi niya ... Ganun na siya kagalit para maging ganito? Awwww! Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "If you want umuwi ka na! Ikaw lang naman ang nagpumilit na sumama dito eh! So don't you dare pilitin akong umuwi! Ok???" Nanlalaki pa ang mga mata niya while saying this ...

Nakakapang liit. Sobra. Parang nakatingin sa akin lahat ng tao habang sinasabi to ni Mika. I deserve this. Nasaktan ko siya and I deserve this. More than this. Naiintindihan ko kung bakit siya ganyan, kung ano ang pinanggagalingan niya, so I don't have any rights, kagaya ng sabi niya, I don't have the rights.

Hindi ako nakareact sa sinabi niya. Naglakad siyang palayo, nakatingin lang sa akin sina Jessey, habang nakayuko, wala pang 2 segundo, sumunod na agad sila kay Mika, and then I realized, mas delikado kung hahayaan ko lang siyang magpunta sa Bar na yun alone, kaya kahit nakakawala ng pride. Sasama na lang ako..

Ara: "M-Mi...Mika..." tawag ko sa kanya na hindi pa naman nakakalayo.

Bago siya lumingon, nauna nang lumingon sina Jessey, Joy Patrice at Trixie, at sabay sabay silang napatingin sa akin, waiting for me to say something, hinintay ko lang lingunin ni Mika bago magsalita ulit ...

Ara: "I'll come with you." hindi yun tanong, hindi yun waiting for approval, sinabi ko yun kasi sasama talaga ako.

Hindi na siya sumagot at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

..................

Saktong 7pm ng makarating kami sa Bar, actually, ako lang pala, kanina pa sila dito, nahirapan lang akong itrack yung gps ni Mika nakapatay kasi ito, mabuti na lang at natrack ng tracker ko yung GPS ni Jessey kaya nasundan ko sila ... Huli na nga lang, nag-uumpisa na kasi silang magkasiyahan eh.

Few minutes later ...

Hindi siguro nila napapansin na nandito na ako, kaya nung napalingon na sa akin si Trixie na nasa VIP table nila, habang ako nakaupo lang sa Bar Stoll sa bar counter, nagulat silang lahat, excluding Mika ...

Trix: "Vic!" tuwang tuwa siyang napasigaw kaya napalingon na din silanh lahat ...

Jessey: "Nandyan ka na pala Ara! Tara dito!" Naggesture pa siya na lumapit daw ako dun.

Nagsmile na lang ako tska umiling ang nagmouth na ok lang ako dito.

But deeep inside, ako dapat yung nasa pwesto niya katabi ni Daks, I can't imagine myself doing this para kay Daks, after all, alam ko ako ang kawawa eh, ako ang talo, kaya deserve ko din to eh, ang mahirapan, at some point, magmukhang tanga, magmukhang uto uto ....

Nagpatuloy naman sila sa nilalaro nila, nakatingin lang ako habang nagkakasayahan sila, panay ang shot ni Mika, pero I know naman na light lang so nothing to worry naman, tska kahit pigilan ko siya magpapapigil pa siya ..

Nakakailang pitsel na din ako ng iced tea and tubig dito eh, naubos ko na din yung nuts sa counter pero hindi pa rin sila nagsasawa, nakakabagot sa totoo lang, pero ayokong iwan si Mika, in this kind of situation.

Maya maya pa ay nagsimula ng umingay ang dance floor, marami ng nagpaparty party sa gitna, mabuti na lang at abot pa din ng tanaw ko si Mika.

Lumapit naman sa akin si Trixie trying to convince na sumayaw, yun ngang may tama ako hiyang hiya akong sumayaw, ngayon pa kayang nasakatinuan pa ako? Kaya sorry siya! Hindi niya ako mapapapayag.

Kaya nagpumilit na lang siyang magstay din sa tapat ko, umupo siya sa bar stool na katapat ko. Yung babaeng to! Lakas din ng trip eh, feeling close agad? Hahaha! Di ko siya bet eh, makulit sobra!

Hindi ko na lang siya pinansin, salita ng salita eh alam ng ang ingay ingay dito, tapos bubulong bulong kapag hindi ko marinig, So I decide na tapusin yung convo namen sa 'Aaahhh' way ko ..

Sa wakas natahimik din siya. Agad hinanap ng mata ko si Daks sa kinauupuan niya kanina pero wala na siya dun. Inisip ko baka nasa likod ko kaya nilingon ko pero wala din siya. Nagpalinga linga lang ako sa paligid pero wala talaga siya! Hala baka umuwi na! Putik naman!!!!

Hindi na ako mapakali, to the extent na napapatayo pa ako sa pagkakaupo makita ko lang siya ...

"Napaka-outrageous talaga ni Mikang kahit kelan hahaha!" sabi ni Trixie out of nowhere. Kapag talaga si Mika yung involve lumilinaw yung pandinig ko eh!

And because of that, agad ko siyang nilingon ...

Trixie: "Very unconcious that all eyes are on her right now" nakangiting sabi niya bago magshot sa glass shot niya

Agad kong tinignan kung saan tumutungo yung mata niya, and from there I found Mika. Dancing! Partying! Having fun!

Party party to I know! Lahat nasa dance floor, lahat ng gustong magpadala sa music nasa gitna at sumasayaw, kasama niya sina Jessey habang sumasayaw, at agad nag-init yung mata ko ng may makita akong umaaligid aligid sa kanya, dancing with her, partying with her, having fun with her!!!!!

Wala dapat malisya! Lahat naman sila sumasayaw eh, pero kagaya ng sinabi ni Trixie, all eyes are on her right now! Baka nakakalimutan niya na siya ang pinakasikat na Vball player dati, baka nakakalimutan niyang maiinit ang mata ng lahat ng tao sa kanya kahit hindi na siya gaanong napapanuod kung saan, baka nakakalimutan niyang palagi siyang stunning, baka nakakalimutan niyang matangkad siya at lagi siyang agaw pansin!

At kung may tama na siya hindi niya kailangang sumayaw habang nakapaligid halos sa kanya ang mga manyak na lalaking yun!!!! Kung hindi niya kasama sina Jessey, iisipin ko may masamang balak kay Mika ang mga lalaking to eh! Nakakapang-init ng ulo! Nakakapanggigil! Ang sarap buhulin ng ulo ng mga totoy na ito! May mga gatas pa sa labi kung makaporma kay Mika! At ito naman si Mika! Hala! Wala ng pakialam sa magiging itsura!!!

Ako naman itu! Parang sinilaban ang pwet at agad napatayo! Para akong manunugod ng kung ano, para akong torong manunuwag ng pulang tela! Pero yung matador yung susuwagin ko!

Nilapitan ko sila, I know again, na nakagawa na naman ako ng panibagong eksena, and this time marami ng nakakakita sa akin ... But I really don't care!

Ara: "Let's go!" hinablot ko siya at hahatakin na sana palabas ng impyernong bar na ito.

Pero hinatak niya yung kamay nila mula sa akin, medyo inaaninag pa nga niya kung sino ako.

Ara: "Mika! Sabi ko uuwi na tayo!" kinuha ko yung kamay niya tska muling hinatak, pero as her response, nagpumiglas siya ..

Mika: "Ano ba?" light drink lang pero mukhang may tama na siya as in!

At ang kapal ng mukha nung isang lalaking kasayaw niua huh! Medyo umeksena pa sa amin ni Mika! Kuya? Epal?? Kasali ka! Halos lahat nakatingin na sa amin. But as I said! I don't care

Guy: "Excuse me Miss... Sino po kayo???" Aba!!! Sinino mo pa ako huh!!! KAPAL ng mukha mong ungas ka! Kung naligo ka pa! Amoy panis na laway yung hininga mo bwisit!!

Ara: "Wag kang makialam dito! Hindi ka kasali!!!!" tinabig ko siya at muling hinablot si Mika

Mika: "Teka nga!!" nakakunot noo na siya, at muling bumitaw sa akin

Ara: "Uuwi na tayo sinabi eh!!!!" galit na ako! And obvious naman

Mika: "Ayoko nga eh!!!!" pero instead na sagutin pa siya hinatak ko na lang siya pero matigas talaga siya

Guy: "Teka Miss ah, ayaw niya eh! wag mong pilitin" nilayo niya yung kamay ni Mika sa kamay ko ..

Aba! Pampam ka talaga noh! Wag mo akong subukan unggoy ka! Mamamatay ka sa akin!

Ara: "Wag kang makialam panget ka huh! Ayusin mo muna yung sarili mo bago ka makialam sa iba!" sigaw ko sa mukha niya ..

Guy: "Aba pare!!!" tinapik pa niya yung mga kasama niya sa likod tska ngumisi, aba! Bumaback up ka pa huh! "Teka nga, Mika, kilala mo ba yan???" bumaling siya kay Mika!

Gusto mong magpakilala ako sayo! Buset ka pala eh! Kung makapagtanong ka! Eh ikaw ba kilala ko???!!!!

Hinintay kong sumagot si Mika. Actually, parang buong Club hinihintay yung sagot niya, literal na natahimik kaming lahat, even yung DJ? Inistop pa niya yung music para lang mapakinggan kami ...

Mika: "Hi.... Hindi ... Hindi ko siya kilala! Kaya please tumigil ka na!" sagot niya ...

Napalunok na lang ako sa sinabi niya, lasing lang ba siya or she really mean it??? Totoo ba yun? O dala lang ng alcohol sa katawan niya?? Ang sakit nun ahh!!! Napaatras na lang ako dahil sa sinabi niya. Ang sakit pala!

Hindi ko mawari yung mukha niya, parang sinadya niya yung sinabi niya na pinagsisihan niya, basta nakatitig lang ako sa kanya, ewan ko ba! Magkakatitigan lang kami at this moment! Nasaktan talaga ako sa sinabi niya. Sana dahil lang sa presence ng alcohol yun kaya siya ganyan.Pero ang weird niya ...

At ang mga bwisit na asungot ayan! Tawa ng tawa .... Wag nyo akong subukan huh! Napipikon na ako! Sobra!

Guy2: "Di naman pala kilala pare eh! Epal kasi hahahaha!" nagtatawanan silang tatlong unggoy!

Guy: "Oh pano ba yan Miss? Hindi ka pala kilala eh! Ayusin mo muna yung buhay mo bago ka makialam dito?! HAHAHAHA" Nagtawanan silang tatlo .

Guy3: "Walang kwenta! DJ music please!" at nagpatuloy sa pagpapatugtog yung DJ

Nakatulala lang ako kay Mika, habang siya nakatingi lang din sa akin, is she sorry for what she said or she really meant it??? Nakakabuset!!!!

Guy: "Tara Mika! Magparty na lang tayo!" tska siya pumagitna sa amin ni Mika at hihilahin pa yata si Mika sa kung saan!

Aba!!! Aba! Aba! Dyan mo ako wag subukan lalaki ka!!!!! Napipikon na ako huh!!! Actually already lost my temper! I'm out of patience na! Kaya sorry ka ...

Napapikit lang ako sandali and breath in ... Nag-ipon ako ng sapat na energy para ....

***BBBBBOOGGGGSSSHHHH***

I punched him on his face bago pa niya mahila si Mika palayo! I really do! Babae ako! Pero nag-eevolve ako kapag nagagalit tandaan mo yan!

Sa lakas ng suntok ko sa mukha niya, ayan siya sa sahig! Muntik ng makipaghalikan sa semento! Ano iiyak ka ngayon??? Duwag ka pala eh!!!

And for once, nakakuha na naman ng atensyon ng karamihan yung ginawa ko, actually, napasigaw pa nga yung iba cheering for me eh!

Napasigaw din si Daks ...

Mika: "VIC!!!" bulalas niya after kong bigyan ng solid hit sa mukha yung lalaking yan!

So ano? Tutulungan mo pa??? Subukan mo!!!

Nagbend ako ng konti, lying my hands on my knees para medyo makalapit ako sa lalaking epal na ito na hanggang ngayon nakasalampak pa din sa sahig ...

Ara: "Next time, lumugar ka!" banta ko sa kanya and gave him a killer eye look ...

Inangat ko ang ulo ko para tignan yung 2 lalaking kasama pa niya and again, tinitigan ko sila ng masama reason para mapaatras sila ng konti.

And then after, tska ko tinignan si Mika, without any words ...

Kinuha ko ang kamay niya tska hinatak palabas sa bar na ito ...

Nagpumiglas siya bago pa man kami makarating sa pinto ng Bar

Mika: "Ano ba????" bumitaw siya sa akin ..

Binigyan ko lang siya ng plain na tingin, Mika hindi pa ako tapos sa kanina, wag kang magsimula na naman!

Ara: "Uuwi tayo o I will leave you?" plain kong tanong, I know, double meaning yung tanong ko, so bahala na siya sa ipapakahulugan niya dun.

..................................................................

6 days after ....

Hindi ganun kadali ang sitwasyon kagaya ng inaasahan ko, akala ko madali lang na suyuin si Mika, akala ko kasing dali kapag nagkaron kami ng tampuhan, akala ko kasing dali to kagay nung mga college pa kami ..

Pero as long as I can, susuyuin ko siya, kukunin ko ulit ang loob, niya, walang nagbabago, naiintindihan ko siya, may karapatan siyang magalit sa akin ... Kaya hanggang kaya ko, hanggang hindi niya sinasabing I should stop, well then itutuloy ko to.

Not until now siguro ....

Sa halos 6 na araw ng tagal ng panunuyo ko sa kanya, lahat na yata ng pakulo nagawa ko na ...

Flowers everyday, chocolates, lahat ng gusto niyang pagkain, lahat ng alam kong magpapasaya sa kanya binibigay ko, pero walang nagiging improvement, walang progress, mas lumala pa nga yata nung sumama pa ako sa kanya sa mall dati with her friends eh, kasi ngayon as in kahit yung mga tingin na lang niya, nakakatakot talaga ...

Lahat ng efforts, kahit pati nga ang bullies tumutulong na din para maging ok kami eh, nagseset up kami ng date pero kung hindi siya magwowalk out, hindi na lang siya sisipot ..

Flowers na pang basura lang

Chocolates na pang taxi driver lang

Masakit ang bawat rejections, pero as I said .. I deserve this ...

But not this time ...

Baka ito na yung last plan ko, ito na yung all out plan ko ...

I asked someone to sing for her, not just someone huh! Parokya ni Edgar mismo! As in si Chito talaga ang nagserenade sa kanya for me huh!

Kinakantahan siya ni Chito nung 'Sorry na'

Habang ako naman puro banners, puro placards, puro white boards para magsorry sa kanya ..

Pero alam nyo kung anong reply niya sa kanta ni Chito?

Mika: "Sir Chito! Idol kita .... Pero sorry, walang epekto yung kanta mo ngayon sa akin!" she just smiled, and bumalik na sa kwarto ...

Ano pang magagawa ko diba? Last ball na to. Wala na akong maisip na gawin pa the next time around, lahat naman nagawa ko na, Hindi ako sumusuko, hindi ako susuko until sabihin nyang I should have, pero wala na talaga akong bala bukas eh, kung flowers na naman susme! Kawawa naman yung rose kakaproduce ng rose pa ulit para lang itapon ni Mika kung saan diba?

Baka after this hhmmm? Space muna for her, I always want to make her feel na I feel sorry talaga, kaya notes will remain, kaya ngayon wala na talaga akong maisip eh, nakauwi na si Idol Chito, nakakahiya man kasi rejected siya pero mas nakakahiya sa part ko diba? HAHAHA!

Napaupo na lang ako sa single sofa dito sa sala, habang tulala, nakatingin lang sa akin yung bullies, tahimik lang din sila ..

Saksi sila sa lahat ng pageeffort ko para kay Mika, kaya alam nila kung ano yung nararamdaman ko ...

Cienne: "You ok Vic???" tinap niya ako sa balikat ..

Cienne??? Psych ka ba talaga? Yung totoo? di pa ba obvious na I'm not ok. Hindi na lang ako sumagot baka kung ano pa masabi ko eh. Pansalamantalang walang nagsalita ni isa man sa aming lima, hanggang sa magsalita na si Ate Kim

Kim: "Suko ka na???" bigla niyang tanong

Ara: "Hindi? Hindi siyempre..." agad ko rin namang sagot at napatingin sa kanya

Kim: "So anong plano mo???"

Ara: "Hindi ko alam ate eh." napasandal na lang ako sa sandalan ng inuupuan ko ...

Natahimik na lang ulit kaming lima, nang agad ding magsalita si Cams

Camille: "Sana kasing dali lang yan nung tampuhan nyo sa Batanes dati Vic noh? Yung ikukulong lang namen kayong dalawa sa kwarto tapos ok na kinabukasan..." kwento niya ..

Natahimik lang ulit kami, uso ang walang reply sa bullies sa mga ganitong sitwasyon noh? At muli namang nabasag ang katahimikan ng magsalita si Cyd ..

Cyd: "AYUN!!!!!" napatayo pa siya at nagsmile sa amin..Looks like may good news siya

Cienne: "Nakakagulat naman to!" napasapo pa siya sa dibdib niya, si Cydie naman kasi ang OA makareact

Cyd: "Sorry..." umupo na ulit siya habang nakasmile pa din

Kim: "Bat ba kasi sumisigaw ka pa???"

Cyd: "May idea kasi ako!!!" pagyayabang pa nya ..

Cienne: "Ano yun.???" nakatingin kaming lahat kay Cyd waiting for her proposal.

Cyd: "Tama si Cams! Gawin ulit natin yung sa batanes!!!!" Suggestion niya ..

Napaisip naman kaming lahat, yung idea na ikulong kami sa isang kwarto ulit??? Hhmmm??? Mukhang maganda to ah!

Camille: "Aaahhh ....." nagloading pa ate???

Cyd: "Oh diba??? Ano ok sa inyo???" tinignan niya kami isa isa .. Asking our approvals ..

Camille: "Wait!" Maggesture pa siya ng wait. "Mukhang imposible yun ah!" bigla niyang sagot ...

Huh??? Imposible??? Eh yun na yata yung pinakasimple at effective na plan na pwede nameng gawin eh!

Kim: "Huh??? Bakit???" napapakamot pa siya sa ulo niya

Camille: "Malayo yung Batanes diba???" seryosong sagot niya ..

Ok??? Katangahan 2.3 umiral na naman po!!!! Cams cams cams! Utak naman! Wag iwan sa CR .

Napasapo na lang kaming lahat sa ulo namen tska natawa ...

Cienne: "Cams?? Kambal ba talaga tayo??? Bobo mo kasi eh! Ibig sabihin ikukulong ulit sila sa kwarto nila!!!" paliwanag ni Cienne ..

Cyd: "Pssshhh... Baka marinig ka!" sabi niya habang sinisilip pa si Mika sa taas baka daw nakikinig ...

Camille: "Aahhh .... yun pala??" napakamot pa siya sa batok niya

Cienne: "Gets mo na???" nagthumbs up lang si Cams as her answer ...

Ara: "Sure ba kayo dyan???" tanong ko naman, baka magkaconflict eh

Cyd: "Oo naman Ara! Ano ka ba? Prooven and tested by you diba??" Aayy oo nga pala ...

............

Settled na ang lahat, padlocks, props, everything sana magwork ...

May dala akong tray ng pagkain, props kunwari na magdadala lang ako ng dinner para sa kanya, bukas naman yung pinto kaya nagdiretso na ako ...

Galing siya sa banyo nung maabutan niya akong nakadapa sa kama niya ... Nakalock na din sa labas kaya safe na ...

Medyo nakapikit na din ako, namiss ko yung kama ko eh ...

Mika: "Hoy!!! Bakit nandito ka???" tinapik niya ako sa paa, at napabangon ako becaus of that .

Ara: "Bango mo naman Daks..." nakasmile lang ako sa kanya

Mika: "Bakit ka kako nandito!!!???" inis yung mukha niya, I said it, hindi kasing dali ng inaasahan ...

Ara: "I just brought food for me, tara kain tayo!" tumayo na ako para ihanda yung kakainin namen for tonight ...

Mika: "Bababa naman ako para kumain eh! Umalis ka na!" sabi niya

Ara: "Wag na, dito na tayo kumain!" sabi ko habang nilalagay sa center table yung pagkain namen ...

Mika: "Bahala ka sa buhay mo!" akmang bubuksan na niya yung pinto para lumabas pero hindi niya ito mabuksan, umupo naman ako sa couch at nagsimula ng kumain. Pilit lang niyang binubuksan yung pinto. "Hoy! Bakit ayaw bumukas???!" inis niyang tanong

Ara: "Aba malay???" sagot ko bago sumubo ng kanin. Patay malisya lang hahahah ....

Mika: "Isa??!!" mukhang alam na niya ang nangyayare, gawain kasi eh.

Ara: "Kumain muna tayo..." sabi ko habang inaabot sa kanya yung pinggan niya

Mika: "Vic hindi ako nagbibiro huh!" seryoso yung mukha niya

Ara: "Tignan mo to! Nung ikaw gumawa niyang nagalit ba ako? Di naman masyado huh! Ikaw naman parang .... OA! Kumain ka na nga dito!" pang-aasar ko pa .

But She really looks serious, ni Hindi nga siya nangingiti eh! Buset na yan!

Mika: "Ayokong kumain! Buksan mo yung pinto!!" napakaserious niya, parang wala man lang bahid na nagbibiro lang siya eh ...

Ara: "Eat first!" sabi ko habang nakasmile at inaabot pa din yung plato niya

Mika: "Ayoko nga sabi eh!!!" pagmatitigas pa niya

Ara: "Eh anong gusto mo???" tanong ko tska nilapag yung pinggan sa table sa harap ko ..

Mika: "Lumabas ka sa kwarto na to!"

Ara: "Let's talk first muna ...please.." lumapit ako sa kanya ... pero as usual, umiiwas na naman siya .

Mika: "Ayoko nga! Kaya buksan mo na yung pinto..." wala talaga sa mukha niya yung nagpapalambing lang.

Nilapitan ko siya ...

Ara: "Ayusin muna natin to Mika please..." hinawakan ko siya sa kamay ...

Mika: "Please .. lumabas ka na lang, hindi ko pa kaya ...." umiwas siya ng tingin sa akin kasabay ng pag-iwas niya sa kamay niya sa akin

Teka lang huh! Bakit kung umasta siya parang ang laki naman ng kasalanan ko? diba hindi ko din naman alam lahat, hindi ko naman ginustong umalis huh! Hindi ko naman ginustong iwan siya huh.? Diba nga kaya ako bumabawi?

Ara: "Teka Mika ....ipaintindi mo nga sa akin kung bakit ka ganyan? Please lang..." kalmado kong sabi

Mika: "Alam mo kung bakit ako ganito Ara!" sagot niya and this time she's looking straightly on my eyes

Ara: "Oo Mika! Alam ko kung bakit ka ganyan, at kaya ko hinihingi yung paliwanag mo kasi hindi ko na alam kung bakit sobra na yata? Bakit iba na yata yan Mika???" huminga lang ako ng malalim.."Ginagawa ko naman lahat ah! Bakit paran lumalabas ngayon na ganun kalaki yung kasalanan ko sayo???"

Mika: "Aah ganun? Sorry huh! Sorry kung feeling mo OA na ako ... Sorry kung naoobliga ka palang gawin yan, sorry KASALANAN KO!" galit niyang sagot ..

Teka! Ano ba to??? Bakit nagiging ganito kami??? Bakit parang hindi naman kami magkakaayos nito?

Ara: "Hindi ganon yung sinasabi ko Mika, ang sinasabi ko, kaya nga ako nandito para maayos tayo, pero bakit sa inaasta mo wala ka ng dahilan para patawarin ako huh? Sorry... sorry kung naduwag ako, pauulit ulit kung sinasabi sayo to, at hindi ako magsasawang magsorry, alam ko nahirapan ka, nasaktan ka ng sobra, kaya sorry, alam kong duwag ako, alam kong ako din yung nagbalik ng lahat ng nakaraan sa atin, pero hindi naman nagbabago yung sinabi ko sayo noon eh, kalimutan na lang natin yung nakaraan.. Kaya lang Mika, mahihirapan tayo kung hanggang ngayon nandun ka pa din, nakaalis na ako dun Mika, sana ikaw din, para bumalik na tayo sa dati, hindi naman kailangang maging ganito eh, ibalik na lang natin yung dati." nakahawak ako sa kamay niya

Mika: "Vic! Yung nakaraan! Nakakabit na sa buhay natin yan, habang buhay, at alam mo naman pala kung gaano ako nahirapan dati diba? So ... so...." hindi ko na tinapos yung sinasabi niya at nagsalita agad ako

Ara: "So anong gusto mong gawin ko????"

Mika: "L-lumayo ... lumayo muna???"

Sandali lang huh!!! Bakit kailangang lumayo??? Bakit kelangan??? Kelangan ba?? Maayos naman to ah! Pag-usapan lang? Bakit kailangan kong lumayo??? Bakit kailangang may lumayo?

Ara: "Ba...bakit? Teka? Bakit kailangang lumayo Daks???" hinigpitan ko yung hawak sa kamay niya

Mika: "Vic ....please lang" nilayo niya yung kamay niya

Ara: "Ba-bakit nga?" tanong ko naman ...

Hindi ko na kasi maintidihan? Akala ko maayos to? Akala ko kapag nalaman ko na about sa past magiging ok na? Pero bakit ganito pa?

Mika: "Intindihin mo na lang Vic.."

Napakunot na ako ng noo. I can't get the point! I can't still get her point, kanina oo! Kanina naiintindihan kong nasaktan ko siya ng sobra kaya siya ganyan! Pero naman please! Diba masyado ng oa???

Sorry pero emotions first!

Ara: "Ipaintindi mo nga sa akin kasi hindi ko maintindihan!!!" sabi ko, halos napasigaw na nga ako eh, unang una, oa na to, bakit umabot na sa ganto diba? And lastly? Bakit kailangang umabot sa lumayo factor diba???

Mika: "Vic!!!! Vic naman! Kailangan natin ng space parehas, ikaw para maintindihan mo yung nararamdaman mo! Kung ano ba talaga yan! And sa akin para maintindihan ko din yung sitwasyon, para mas maintindihan ko, Vic ... Limang taon yun, limang taon na pinagkait mo sa aking maging masaya, ipinagkait mo sa aking lumigaya sa piling mo sa loob ng limang taon, kasi umalis ka .... at dahil lang sa .... sa ...." hindi pa siya nakakatapos ay nagsalita na ulit ako.

Ara: "Sa duwag ako??? Mahina ako??? Oo na!!!! Inaamin ko naman Mika eh!!! Ako nga yung mali diba? Kaya nga ako nandito eh! Para bumawi! At hindi ko kailangan ng space para maintindihan yung sarili ko, yung nararamdaman ko, kasi kung noon, na akala ko ikaw yung nanakit sa akin, na noon kahit akala ko ayaw mo sa akin, mahal pa din kita, mahal kita at hanggang ngayon mahal pa din kita at hindi nawala nawala yun, hindi mawawala yun." Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa kamay, trying to convince her about my thought. "Dun sa narinig mo sa usapan namen ni Ate Kim! Oo natakot ako, natakot ako na baka wala ka pa lang nararamdaman sa akin, kasi akala ko ganun yung scenario nyo ni Jeron noon, natakot ako na baka nag-aassume na naman ako, pero kahit hindi ko man nalaman yung by part ng story, buo yung loob ko na ipagtapat na sayo na mahal kita, kasi .. kasi ayokong mawala ka sa buhay ka, kahit hindi ko pa alam na hindi mo ako sinadyang saktan, mahal pa di kita, at yun ang mahalaga, not anything about the past, yung tayo lang... Kaya please .. wag mong hilingin yung isang bagay na hindi ko kayang ibigay..."

Mika: "Vic please...." napapikit siya habang inaalis yung kamay ko. "Hayaan mo muna ako, please, sa totoo lang kasi, after ng lahat ng nalaman ko, sa lahat ng narinig ko, natatakot ako, mahal kita pero natatakot ako, natatakot ako na next time around maduwag ka ulit, na acting na naman ulit yung kaya mong ibigay sa akin .. and ayokong masayang ulit yung 5 taon ko if ever maging mahina ka na naman ... hindi ako natatakot masaktan, pero ngayon, gusto ko munang maintindihan ang lahat ... Vic pLease...." uurrrgghhh!!!! Kahit anong sabihin ko ito yung gusto niya! Ang lumayo ako! At hindi niya maintindihan ang part kl! Dahil lang sa nagkamaling nakaraan! Urrghh! Ito na ba yung karma ko for leaving her? wag naman sana kasi sobrang sakit eh! Sobra!

Naiintidihan ko naman siya! Oo kasalanan ko kaya feeling niya naliito lang ako, kaya feeling niya nag-aact lang ako! Pero please naman .... nasaktan din ako ...

Nakakaiyak! Eerrr!

Napayuko ako, bumitaw ako sa paghawak ko sa kamay niya, pinahid ko muna yung luha ko tska muling nagsalita ...

Ara: "Sorry for every pain Mika, sorry, naging duwag ako kaya ganito, sorry mahina ako, pero Mika... wala akong sinadya kahit isa man sa nangyare, as I said hindi ko ginustong umalis, na iwan ka, na saktan ka ..." Muli kong pinahid yung mga luha ko at tinitigan ko ulit siya. "Siguro ang naging tanging kasalanan ko lang ay yung nasaktan ako, nasaktan ako ng sobra ... at hanggang ngayon masakit pa din .....Pero if that's what you want? Kung saan ka sasaya? Ibibigay ko ... Mahal na mahal kita sobra ..." at muli ng pumatak ang panghuling luha na ibubuhos ng mata ko for now.

Hindi ko na napansin kung naiiyak na din pba siya or what sa sobrang panlalabo ng mata ko dahil sa mga luha, and I should go na ...

Eto ang gusto niya! Kaya kahit ayokong ibigay, hindi ko kayang ibigay, gagawin ko na lang ...

Lumakad ako palayo sa kanya, and this term ay hindi na lang magiging literal sa ngayon ... I have to go ... And leave ...

Kinatok ko sila mula dito sa loob, alam kong nakikinig sila sa labas, agad naman nilang inunlock yung pinto mula sa labas at binuksan para sa akin ...

Hindi ko na lang sila tinignan, pero alam kong alam nila ang nangyayare, at ayaw na muna nilang makialam ...

Nagpahid ulit ako ng luha at tumingin sa kanila ...

Napailing na lang ako, bahala na lang silang bigyan ng kahulugan yung pag-iling ko. At tuluyan na akong lumakad palayo sa kanila ...

Alam kong temporary lang ang hinihingi niya, pero temporary means forever for me ...

Nasaktan ko siya ng sobra at sapat ng dahilan yun para matanggap ko sa ngayon na gusto niyang lumayo ako ...

I should give her what she wants

.....................

Mika's POV

Siguro ang naging tanging kasalanan ko lang ay yung nasaktan ako, nasaktan ako ng sobra ... at hanggang ngayon masakit pa din .....Pero if that's what you want? Kung saan ka sasaya? Ibibigay ko ... Mahal na mahal kita sobra ...

Yan yung huling naalala kong mga salita mula sa kanya kagabi, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa kakaiyak dito sa kama habang nakayakap sa unan.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa akin kung bakit hiniling ko ang bagay na yun sa kanya, na lumayo na lang siya.

Sa lahat kasi ng effort niya sa akin, at pambabalewala ko? Feeling ko hanggang ngayon ako pa din yung mas may kasalanan sa nakaraan namen ...

Tama si Jessey eh, wala namang maririnig at makikita si Tomsy kung walang sumama sa iba diba??? Tama siya dun na dahil sa kainipan ko nakalimutan ko yung usapan namen, kung nagstay lang sana ako diba?

Tama rin si Tomsy sa sinabi niyang ang tanging kasalanan niya lang ay nasaktan siya, nasaktan siya kaya siya naduwag, nasaktan siya kaya napangunahan siya ng kahinaan, nawalan siya ng lakas ng loob para harapin ako ...

Kung tutuusin, parehas kaming mahina eh, parehas kaming duwag, parehas kaming may kasalanan dito! Bakit puro siya na lang ang sinisisi ko with this.

Bakit ka ba kasi palaging pinapangunahan ng alter ego mo Mika?! Una lagi mo na lang siyang pinapahiya, kanila Jessey? Dun sa mga lalaki sa Bar? Sa mga roses na bigay niyang tinatapon mo??? Ganun ka na ba katigas??? Baka nakakalimutan mong si Ara yun? Si Victonata Galang na first mo! Last mo? And one and only mo!

And know marerealize ko to kung kelang wala si Tomsy? Kung kelang hinayaan ko na siyang lumayo? Kung kelan kong hininging umalis siya. Kung hindi ka ba naman isa't kalahating bobo Mika!!!!!

Ang tagal mong hinintay diba??? Na magkaaminan na kayo? Kung kelang wala na siyang takot na ihayag sa buong mundo yung nararamdaman nya for you ikaw naman to ngayong paarte effect pa!

Kung inisip ko lang mabuti lahat, kung inisip ko lang na sana na sapat na sa aking mahal ko lang siya kagaya ng sapat na sa kanyang mahal niya ako para lumaban at kalimutan yung past kahit hindi pa niya alam yung side story behind those ..

Urrrghhh!!!! ~>_<~

Simula kanina, pagkagising ko, wala pa akong nakikitang Tomsy sa bahay na ito, bago para sa amin na gigising kaming wala siya, tahimik ang buong bahay habang naghahanda kami ng almusal. Magkakasama kami dito sa dining area ng bullies, naghahanda ng almusal, pero ni isa sa amin walang nag-uusap, hindi kami nagkikibuan, walang gustong magsalita.

Baka galit sila sa akin kaya sila tahimik? Hindi ko alam baka hindi lang talaga kami sanay na wala siya dito ...

Nang makapaghanda na kami ng almusal, ay agad na din kaming umupo para magsimula ng kumain.

Hindi pa man kami nakakapagsimulang kumain ay bigla na lang may nagdoor bell sa gate

Inisip ko agad baka naman si Tomsy? Pero imposible. For sure may card siya kaya masuswipe niya sa gate yung card para makapasok? Eh baka naman naiwan kaya nagdoorbell ngayon?

Or baka naman may delivery lang or something, baka yung bills namen or kung ano lang ...

**Ding dong***

Pare parehas nameng iniisip kung sino yung nagdodoorbell kaya siguro walang nagbubukas ng gate, pero nung pang3rd na, nagpresinta na si Kimmy na siya na lang ang magbubukas ...

Nagsimula na kaming kumaing apat, the usual, walang nag-uusap, walang makulit, at masayang kwentuhan, walang asarang to the max, lahat kami plain lang ...

Nang biglang pumasok si Kimmy

Kim: "Guys ...." pagtawag niya sa amin, bakas sa boses niya yung saya, pero hindi ko siya agad nilingon kasi umiinom pa ako ng coffee choco ko ...

Tinignan ko lang ang magiging reaksyon nina Camille at Cienne ...

Bakas sa mukha nila yung pagkagulat at the same time yung excitement, ni halos hindi nga sila makapagsalita eh, tumayo na si Cams, at sumunod na din si Cienne

Camille: "T-Tita??? Tita!" todo smile itong patakbong lumapit kay Kimmy ..

Tita???

Nacurious ako kaya agad kong nilingon kung nasaan sina Kimmy

And I got shocked!

Hindi ako pwedeng magkamali!

Si Tita nga!!!!

Tomsy's Mom ...

Agad akong napatayo, kahit hindi pa man ako nakakabawi sa pagkakagulat ay agad na akong lumapit sa kanya, nakasmile siya sa akin ...

Mika: "Tita?? Kamusta po???" Sabi ko habang nakabeso sa kanya at agad siyang niyakap

Ara's Mom: "Ok naman ako Hija .." Sabi niya bago ako kumalas sa pagyakap sa kanya. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi. "Wala kang pinagbago Mika, ang ganda ganda mo pa din" nakangiting sabi niya.

Hindi ko alam kung pano sasagot sa kanya, bukod sa hindi ako makapaniwalang si Tita nga ang kaharap ko ngayon, ay nakakagulat kasi ang biglang pagbabago ng itsura ni Tita, she really looks like Tomsy, carbon copy talaga ... Medyo mataba nga lang si Tita ...

Nagsmile na lang ako as my answer, lumapit na din sa kanya sina Cienne at Cyd tska nagbeso and yumakap.

Kung titignan mo yung mga itsura nameng lima? Bakas yung excitement namen at the same time yung kakaibang expression sa mukha namen, as in ...

Pare-parehas yata yung nilalaman ng isip namen sa ngayon, nang makita namen si Tita ...

And oo! I guess pare-parehas nga! And sana mali yung mga nasa isip namen, sana hindi iyun yung dahilan kung bakit nandito si Tita ngayon ..

Mga ilang segundo din kaming napatulala lang, nakasmile kaming lahat kay Tita pero tulala. Nagising lang kami sa pagkatulala nang magsalita si Tita...

Ara's Mom: "Huy? Tulala? Starstruck sa akin? Hahaha!" nagclap pa siya para magising kaming lahat tska ngumiti same way kung paano ngumiti si Tomsy

Ito talaga yung pinagkaiba ni Tomsy kay Tita eh, si Tita sobrang jolly, siya naman may pagkamysterious type na may pagkaloko din.

Cienne: "Si tita talaga hahaha! Hindi na nagbago..." napahawak pa siya sa braso ni Tita

Ara's Mom: "Kayo naman kasi eh, parang nakakita ng artista at sabay sabay pang natulala. AruJusko! Hahaha!" sabay sabay kaming nagtawanan.

Cyd: "Sakto po pala yung dating nyo tita, tara kain po tayo..." inalalayan niya pa si Tita papunta sa Dining area

Agad agad na rin kaming sumunod sa kanila.

Nagkakwentuhan lang kami all the way habang kumakain, kamusta si Tita since last time kaming nagkita? kamusta daw si Kim? At Mela? Kamusta si Cienne at Cams, kamusta daw si Cyd and lastly kamusta daw ako???

Masaya naman ang naging kwentuhan namen, pero still, wala ni isa sa amin ang may lakas ng loob na tanungin yung pakay ni Tita kaya siya nauwi dito sa Pilipinas, kung bakit siya nandito ..

Isa lang ang dahilan? Wala ni isa sa amin ang may lakas ng loob na malaman anh sagot .. Particularly ako! Ayokong marinig ang reason ni Tita ... Wag muna ngayon ...

.........

After ng breakfast, still wala pa rin si Tomsy, nagdecide daw si Tita na pumunta na dito sa bahay ni Kimmy kasi hindi rin sumasagot si Tomsy sa mga text and calls niya, the last time na tumawag siya dito, naikwento ni Tomsy kung nasan siya nagstay at yung exact address kaya siya dito na dumiretso pagkauwi niya kaninang madaling araw.

Hours after, past 10 na din, nagrequest sina Cienne na si Tita ang magluto ng lunch namen, namiss namen ng sobra yung cabalen cuisine niya sobra! Kaya excited kaming matikman ulit yung luto niya.

Ara's Mom: "Ok sige, I'll cook for you, stand by lang kayo dyan..." Sabi niya tska nagsuot ng apron ...

Lahat: "YEHEY!!!!!"

Cyd: "Tara! Sa sala muna tayo..."

Nagpunta na sila sa sala ... Nagstay naman ako, namiss ko talaga si Tita, umupo muna ako sa bar chair at pinanuod lang siya habang naghahanap ng maluluto sa ref.

She treated me na din as her's, her own daughter kaya malapit ang loob namen sa isa't isa, para ko na din siyang nanay, everytime na pupunta kami sa Pampanga, sya lagi ang nag-aasikaso sa amin, minsan nga, nagseselos na sa akin si Tomsy dahil mas close pa daw ako sa nanay niya, ang sagot ko lang It's a tie, kasi mas close pa nga din yata sila ni Mommy kase sa akin eh hahaha!

Ara's Mom: "Pork asado and Gising gising na lang Ye???" sabi niya habang kinukuha yung meat sa freezer

Natulala naman ako, habang tinititigan ko siya, naalala ko si Tomsy, thank you sa kanya, kasi kung wala siya, walang Tomsy ang buhay ko ...

Ara's Mom: "Mika? Tulala ka na naman!" nakapamewang siya and nakasmile.

Mika: "Ayy .... hahaha..." napakamot na lang ako sa ulo ko. "Ano po ulit yun??" nangalumbaba na ako habang nakatingin sa kanya

Ara's Mom: "Ang cute mong bata ka hahaha! Kaya ka hindi maiwan ng anak ko eh. Hahaha!" yung tawa niya, same as Tomsy

Teka? Ano daw?? Hindi maiwan?? Huh? Di ko gets! Hahaha ... Teka nga... Linis tenga...

Mika: "Ano po tita???" kunot noo kong tanong

Ara's Mom: "Sabi ko asado and gising gising ba???" Hindi! Hindi yun tita? Yung huli mong sinabi ...

Mika: "Sige po ok lang. Ano po yung last nyong sinabi???" tanong ko pa ulit. Siyempre narinig ko yung sinabi niya, pero gusto kong marinig yung meaning nun.

Ara's Mom: "Wala ... hahaha!" Hay! Si Tita talaga! Parang si Ara, huli na ayaw pang umamin.

Hindi ko na lang siya kinulit, and instead lumapit na ako sa kanya.

Mika: "I'll help you tita..." sabi ko tska ako kumuha ng chopping board and knife. Hindi ako marunong magluto at alam ni Tita yun, dagdag ganda points lang hahaha

Ara's Mom: "Sure ka???" tanong niya habang nagsisimula ng maghiwa ng meat ... Nagnod lang ako and smile. "Ok .." tipid niyang sagot tska inabot sa akin yung meat ..

Kinommand niya sa akin yung dapat kong gawin, actually, tinuro pa nga niya sa akin yung mga tamang measurements eh, parang tutorial niya na sa akin, naghiwa ako ng ibang rekados at siya ang taga timpla nito, ako yung tagaluto sa pork asado at siya naman yung sa gising gising ... Ang cute nga eh! She's teaching me how to cook na sa pasimpleng patuturo lang kung pano hiwain yung ganyan, kung ano yung next ilalagay after this ganun.

Then habang hinihintay nameng makuluan at maluto ng maayos yung mga niluto namen! Wow namen talaga hahahaha ... Ay nagliligpit na kami ng mga kalat namen, kanina pa din kami nagkekwentuhan, pero ngayon ko lang na brought up si Tomsy sa topic

Mika: "Buti ka pa tita, may tyaga kang turuan akong magluto, yung anak mo wala hahahaha..." sabi ko habang nagpupunas ng mesa.

Ara's Mom: "Well I guess yun yung pinagkaiba namen hahaha..." sabi niya habang binabalik sa ref yung ibang raw meat na hindi nagamit. "Maybe she wants to do it for you, kaya ayaw ka niyang turuan" hinarap niya ako habang sinasabi yun.

Napatingi naman ako sa kanya at nahinto sa ginagawa ko.

Mika: "What do you mean tita?" takang tanong ko

Ara's Mom: "You know what Nak? Si Vic yung taong puno ng pasensya, she is going to teach you that thing kapag gusto niyang matutunan mo yun, mauubusan ka ng pasensya pero siya not at all, actually, siya ang nagturo sa akin to have extra patience pa nga eh." Saad nito tska umupo sa Bar chair. Itinabi ko naman yung hawak kong pamunas tska umupo sa tapat niya, para kaming nagkacounseling hahaha. "Pero I guess, ayaw ka niyang turuan kasi gusto niyang gawin yun for you, ayaw niyang matutunan mo, kasi gusto niya siya yung magluluto for you, gusto niya na ikaw yung pagsilbihan." Seryoso niyang sabi.

Nakikinig lang ako kay Tita, seriously, I never knew na pati pala si Tita may hint na sa amin ngayon

Ara's Mom: "Alam mo Mika, Vic loves you so much, I never seen her as happy as now, noon pa man, halata ko na, ayaw niyang magsalita pero her action speaks for her, yung boses niya kapag magkausap kami sa telepono? Walang kasing saya. Yung mata niya kapag magkavideo chat kami? Walang kasing kisap. Mahal na mahal ka ni Vic and as her mother masaya ako para sa kanya" nakahawak siya sa kamay ko, I don't know what to say ...

"And I am so sorry, though alam kong mahal mo din siya, hindi ako gumawa ng way para maging ok kayo, kahit I have the will naman, sorry for the past Mika ... at alam mo ba kung ano yung mas nagpatunay sa akin na mas mahal ka niya ngayon???" dagdag pa niya but this time nakasmile na siya ..

Mika: "A-ano po yun tita?" tanong ko naman, pinipigilan ko ng umiyak

Ara's Mom: "The thought na ayaw ka niyang iwan, kahit kailangang kailangan na? Ayaw ka niyang iwan" Hindi ko maiwasang malungkot sa sinabi ni Tita. The fact na aalis Tomsy? Eto yung iniiwasan ko kanina pa, dati pa. "Last week pa sana siya babalik sa US? Our company there is having difficulties na naman, pero alam mo yung sinabi niya sa akin??? 'I can't leave Ma, hindi ko kayang iwan si Mika' Yun lang yung sinabi niya that moment.... At ramdam na ramdam ko yung eagerness niya na mastay lang, na makasama ka lang"

Natulala ko, nagulat ako sa sinabi ni Tita, dapat last week pa aalis si Tomsy??? Jusko! Ayokong marinig yung next na sasabihin ni Tita! Siguro yun yung time na si Cienne yung sumagot ng tawag tapos binigay kay Tomsy? Nung nabilaukan pa si Tomsy at lumayo pa para makipag-usap???

Jusko! Kung alam ko lang! Kung alam ko lang edi sana hindi na ako nagmatigas! Hindi na sana ako umarte!

Nagpatuloy si Tita sa pagsasalita,

Ara's Mom: "But I said, she can't stay here for good, we are not able to overcome those difficulties alone ng wala siya, and I can hear from her voice na kahit siya walang magagawa, kailangan niyang bumalik sa US, but then she speaks again, 'Ma ... just gave me one week more ... magpapaalam lang ako sa kanila...' Hindi na ako sumagot, ramdam na ramdam yung lungkot sa boses niya, at that moment parang ang sinabi ko sa kanya, ayaw na kitang maging masaya, pero wala kaming magagawa, everything happens for a reason. Ayokong ipagkait kay Vic yung gusto niya, alam kong mahirap para sa kanya ang umalis ulit ... But I guess 3 months is enough para makabawi sa inyo, yun ang reason nya for coming back, and I guess she already accomplished that mission."

Mika: "Y-You mean tita???" hindi pa man ako nakakapagsalita ay mukhang nabasa na ni Tita yung gusto kong itanong ..

Ara's Mom: "Yes Mika, umuwi ako dito para sunduin siya, I know it's hard for the both of you, but then again, bago siya bumalik dito sa Pilipinas ay napag-usapan na namen ang lahat, ayokong maging kontrabida Ye, or maging hadlang sa kasayahan ng anak ko, sa kasiyahan nyo pero she needs to ... kailangan siya ng kompanya, at sana maintindihan nyo yun..." mas lalong humigpit yung hawak niya sa kamay ko ...

Napayuko na lang ako, bakit sunod sunod naman??? Bakit sunod sunod??? Hindi ba pwedeng palagi lang masaya? Hindi ba pwedeng walang problema?? And by that? Tuluyan ng tumulo yung mga luha sa mata ko ...

Ang sakit na naman! Bukod sa hindi pa kami! Mukhang natuluyan na yung hiningi ko sa kanya, mukhang tuluyan na siyang mawawala sa buhay ko. Ayoko nito, hindi ito ang gusto ko .... Ayoko .... God please, wag nyo siyang hayaang mawala sa buhay ko ...

Ara's Mom: "Hey Anak.." iniangat niya ang ulo ko. "Look, hindi siya aalis dito para magstay forever sa US, kagaya ng sinabi niya sa akin noon, nandito yung happiness niya, ikaw ang nagpapasaya sa kanya, at I'm pretty sure, once na maayos na niya yung conflict sa US? Babalik at babalik siya dito ...I promise you? And if not??? I promise! Ako mismo ang magbabalik sa kanya dito, ako mismo ang babato sa kanya pabalik dito hahaha..." Those words from tita makes me breath freely, parang sa sinabi niya? Wala akong dapat ipag-aalala! So I manage to smile na. Gumaan ang loob ko bahagya, niyakap ako ni Tita, at mas lalong gumaan yung loob ko, hindi ko masasabing masaya ako na kahit babalik na siya sa US ay kampante ako sa sinabi ni Tita, pero sa ngayon yun muna ang pinanghahawakan ko. Ito muna! Babalik siya ... And yun lang ang mahalaga sa ngayon.

Maya maya pa ay kumawala na siya sa pagyakap sa akin ..

Ara's Mom: "Stop crying na hahaha" Pinahiran niya yung luha ko. "Ow God! Yung niluluto natin" Agad agad siyang lumapit sa stove at pinatay ito, oo nga pala nagluluto kami hahaha! Buti naagapan ...

Natawa na lang kaming dalawa ..

Hinango na ni Tita yung niluluto niya,

Ara's Mom: "Ye you can call them na, kakain na tayo..." sabi niya pagkahango nung pork asado at nagtanggal siya ng apron.

Mika: "Ok tita..." agad ko na silang hinanap ...

............

Camille: "Wow! The best ka talaga tita...." sabi niya after amuyin yung niluto ni Tita ..

Cienne: "Kaya ang swerte ni Ara eh hahaha!" sabi nita tska yumakap pa kay Tita

Kim: "Hhhmmm.... Mukhang mapapalaban tayo dito ah!" umupo na siya tska kumuha ng kanin ..

Pinalo ko siya sa kamay, di pa nga nakakaupo si Tita pati si Cyd kakain na agad siya ...

Mika: "Di pa nga nagpepray eh!" sabay irap sa kanya. "Tita tara na po dito..." Pinaghila ko siya ng upuan ..

Cyd: "Aaaayyooowwnnn... Sumisipsip sa mother-in-law? HAHAHA!" nagtawanan silang lahat, binatukan ko si Cyd "Awww..." tska siya umupo, nakakahiya ah, pati si Tita natawa ... Umupo na ako sa tabi ni Tita ...

Ara's Mom: "Kahit hindi siya sumipsip, botong boto na ako..." nakahawak siya sa kamay ko na nakapatong sa mesa ...

Susme! Tomsy ikaw ba yan??? Kuhang kuha ang kiliti ko hahaha!

Kim: "Aayy nako tita! Di na makakatulog yan..." Sabi niya sabay siko kay Cienne na katabi niya ...

Cienne: "Oo nga tita!" sabay sabay silang tumawa, napayuko naman ako, aaminin ko kinilig ako hahaha I love you na tita! ❤❤

Mika: "Tama na nga! Pray na tayo..." sabi ko tsaka naggesture na magpray na.

Camille: "Kita mo nga naman! Kunwari pang mabait hahaha!" sapaw pa ni Cyd ..

Sige lang! Pagtulungan ako bullies! Humanda kayo sa akin ...

Hindi ko na lang sila pinansin at nagsimula na kaming magpray at kumain ...

Cienne: "Sarap talaga tita..." napapapikit pa siya habang nilalasap yung kinakain.

Ara's Mom: "Siyempre naman, ang galing ng assistant chef ko eh..." Nakatingin siya sa akin habang nakasmile, nagsmile na lang ako sa kanya ...

Nagpatuloy lang kami sa kulitan, tawanan at as usual asaran ...

Nang maya maya pa ay may bigla kaming nagulat ng biglang may nagsalita mula sa likod ...

"Ma ....."

Mukhang hindi kaya ng Chapter 70 guys hahaha, so baka medyo mag-extend yung chapters, and may ilang changes din ako sa ending ...

Bat as I said .. not all ending is a happy ending ....

Joke lang! Siyempre .. after conflict they deserve to be happy naman, so I promise, itatawid ko to ng masaya as in ... Sana maging maganda yung ending ...

Again thanks sa lahat ng support :)

Continue Reading

You'll Also Like

180K 5.4K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
12.5K 2K 51
❝ sakin ikaw pa rin ang baby ko, baby ko. ❞ 多 ZEBBIANA // oh sehun fanfic ♡ playlist series #2 | completed ➳ @doieruto <3
10.7K 103 45
Have fun with all the Banat qoutes and pick up lines. From already pupular banat lines and original lines..
1.2K 395 25
Aurora Cortes' life is very far from what you call a fairytale. She has an illness that is always taking every part of her and a family she never ima...