II: A Little Sacrifice

By pandasujusoshi

734 32 11

For a princess, what would you do for love? More

II: A Little Sacrifice
Chapter 2: Return
Chapter 3: Switch
Chapter 4: Telling Them

Chapter 1: Awkward Beginnings

136 8 4
By pandasujusoshi

A/N:

Chajan!

Gulat kayo eh no? Bwahaha! Oh eto yung sinasabi kong dahilan kung bakit maikli yung ending nung isa. Pero!

Pero, magiging parte ang mga bagong karakter sa buong daloy ng kwento :)

Sequel ito. So, yung mga hindi pa nakakabasa sa The Princess' Desires, pakibasa muna ^0^ Eh kung ayaw niyo naman, ok lang din. Sikapin niyo pong maintindihan kung bakit dito magsisimula ang lahat.

This is not just about Bomi and Dong Woo.

Kasali rin po dito ang iniintay ng mga supportive readers ng TPD :) Kasali po sila L at Naeun kaya, wait lang ;)

Chapter 1!

===

Chapter 1: Awkward Beginnings

Bomi's POV

"Uhm, kamay ko." mahina kong sabi kay Joon na nakahawak pa din sa kamay ko.

Dahan-dahan niya rin namang binaba ito. Pareho kami ngayong umiiwas sa tingin.

"Baba na tayo. Baka hinahanap ka na rin sa baba."

Hala oo. Hindi ako nakapagpaalam ng maayos kina Papa. Sumama lang ako kay Joon dito sa CCTV room para tulungan siya sa surpresa ni L. Naawa kasi ako eh. Pinagpapawisan na, sayang naman yung ayos niya ngayon. Gwapo pa naman...

"Prinsesa---"

Hesusmaryosep santa maria. Ano ka ba naman Bomi! Sa lahat pa talaga ng pwede mong pansinin, itsura niya pa. Bumalik ka nga sa sarili mo!

"Ah oo."

Kinuha ko yung bag ko at sumama sa kanya pababa ng 2nd floor. Pagkarating namin dun, nakita ko ng nakabalik na rin sila L at Naeun. Nasa entablado na yung dalawa. Walang mga utang na loob -_-" Thank you ba wala? Di, joke lang. Mahal ko yung kapatid ko.

"Mauna na po kayo." sabi ni Joon at yumuko.

Natagalan pa ako bago makapagsalita. "Ahh oo." Nagsimula akong maglakad papunta sa mesa na kinaroroonan ng mga kapatid ko pero tinawag ko ulit ang pangalan niya.

"Joon."

"Po?"

"S-salamat nga pala." bakit ba ako nanginginig?

Ngumiti siya sa akin. "Ako po ang dapat magpasalamat. Salamat po sa pagtulong."

Hindi na ako nagsalita. Ngumiti na lang ako. Mali pala-- napangiti na lang ako. "Sige." sabi ko tsaka bumalik sa upuan ko. Pagkaupo ko, agad akong hinila ni Eunji.

"'S'an ka galing?" nakakatakot niyang tinig. Diyos ko po.

"M-may inayos lang." sabay iwas tingin. Sa amin kasing magkakapatid, dalawa lamang ang taong hindi niyo pwedeng lokohin. Choice A. Ate Chorong. Choice B naman Eunji. Pero pakiusap dun ka nalang sa A, wala ka pang makukuhang libre. Kaysa naman kay Eunji, may libre pang kumot at death glare.

"Inayos huh." mukmok niya sa gilid at bumalik sa posisyon niya.

Phu~~

Medyo yun lang ang nangyari. Pagkatapos kasi ng program, nagsimula na rin nagsi-uwian ang mga bisita. Mag-aalas dose na rin kasi ng hatinggabi. So ayun. Naunang umakyat si Papa sa kwarto niya, sumunod naman ang mga kapatid ko, exclude Naeun (alam niyo naman kung saan yun pupunta).

"Prinsesa, matulog na po kayo." sabi ni Manang sa akin.

Nagpaiwan pa kasi ako para tulungan silang maglipit ng mga table cloth.

"Ok lang po ako." ngiti ko kay Manang. Nakakapagod rin kaya sa parte nila. Kanina pa sila nagser-serve sa mga bisita, sila rin ang naghanda, nagset-up tapos sila pa rin ang magliligpit? Di ko yung kaya.

"Ok lang po prinsesa. Ito na lang din ang natitirang gawain. Nailigpit na rin ng iba ang sa kabila. Sige na po. Bumiyahe pa po kayo kanina. Tsaka si Prinsesa Chorong umakyat na rin."

-______- Ano raw? Mabait rin tong si Ate ano? Nagpaiwan ako kasi nangdito pa siya't tumutulong. Akala ko nag-CR lang, yun pala umakyat na sa kwarto? *clap hands* Very thoughtful.

"Ganun po ba? Ehh susunod na lang din po ako. Good night po." paalam ko sa kay Manang.

*yawn* Ang haba naman ng araw na ito. Imagine, kaninang umaga wala pang pake ang sister lab ko kay L tapos ngayon, ikakasal na yung dalawa. Pa'no ba iyon nangyayari sa isang araw lang? May number kaya si Papa kay Einstein? Baka kasi alam niya ang sagot xD

So, naglakad na ako paakyat sa kwarto NAMIN. Yes, namin. Pinagbawalan kami ni Papa na matulog muna sa kwarto ni Naeun, para daw makatulog ng mahimbing yung bagong prinsesa. Kung makaasta naman itong si Papa, nagdidisco pa kami sa loob magdamag.

Pagtapat ko sa pinto, nakita ko si Joon na naglalakad-lakad palapit sa akin. O.o Anong oras na ba?

"Gising ka pa?" tanong ko sa kanya, huminto naman siya sa paglakad.

"Ah oo, eh hinintay ko kayong anim na makumpleto sa loob."

Ha. Hinintay niyang makapasok kaming anim sa loob? Kaya hindi pa siya natutulog?

"Bakit kailangan mo yung gawin?"

"Ahm... Para sa safety niyo. Labas pasok kasi ang mga bisita kanina. Sinuguro ko lang na kumpleto na kayo."

Wow. Sipag. "Ahh...ganun pala..."

Insert awkward silence here. Ano pa ba ang hinihintay ng mokong na ito? Snow?

"Nangdito na'ko kaya pwede ka ng magpahinga." sabi ko at tinuro ang pinto ng kwarto pero hindi pa rin siya gumagalaw.

"Eh...hindi ka pa nakapasok."

Matindi siguro ang tama nito sa utak. Pwede naman akong pumasok agad pagkatapos niyang umalis.

Binuksan ko na lang yung pinto at pumasok sa loob (pero nakabukas pa rin ang pinto. lol.) "Sige na." sabi ko sa kanya kaso hindi pa rin siya gumagalaw.

"Isara niyo po yung pinto."

-_-" Ah ok. So kailangang nakasunod talaga sa utos niya. Eh di isara. *close the door*

Napabuntong-hininga ako. "Hay~"

"SINO YUN?"

"AY KABAYONG PILAY!"

Ginulat ako ng mga kapatid kong naka-face mask na may dalang flashlight. (specifically Hayoung at Namjoo)

"Shh. Tulog na si Ate Chorong." sabi ni Hayoung sabay tabig sa bibig.

"Ewan ko sa inyo. Sound-proof ang kwarto niya!" padabog kong sabi tsaka umupo sa may couch para tanggalin ang sapatos ko.

"Sino nga yung kausap mo ate--"

"Multo. Multo yung kausap ko. Ala-una na. Magsi-tulog na nga kayo! Aatakihin ako sa puso sa mga pinagagawa niyo!" kaya sa mga may sakit sa puso, pakiusap po, kung makikita niyo po ang mga kapatid kong baliw, lumayo na po kayo ng 100 meters para safe kayo sa kahit anong trigger ng heart attack.

"Nagtatanong lang naman~ Goodnight!" pakantang sabi ni Namjoo at pumasok sa kwarto nila ni Hayoung.

Share kami ng kwarto ni Eunji. Kaya dahan-dahan akong pumasok sa kwarto. Tulog na yung dinosaur kaya bukas na lang ako magbibihis! Baka mamaya, pagbukas ko ng ilaw, makakatikim ako ng masarap na unan.

Umupo ako sa kama ko tsaka tinanggal ang mga accessories na nakabitay sa akin. Nang tanggalin ko ang singsing ko, napansin ko yung kamay ko. Walang anong meron sa kamay ko pero tinitigan ko ito sa madilim sa ilaw galing sa lampshade.

Walang anong meron kundi ang pagkahawak ni Joon sa akin kanina.

_______________

Dongwoo/Joon's POV

"Good morning!" bati ko sa mga kasamahan ko nang pumasok ako sa kusina. Naabutan ko pa silang kumain ngayon ng almusal! Isa lamang ang ibig sabihin nun, maaga akong gumising *wink*.

"Hohoy~ Maganda ata ang umaga mo?" bati naman ni L na kakapasok lang din. Kakapasok pa nga lang, eh masama na yung tingin sa akin.

"Bakit? Bawal bang ngumiti o bumati?"

"Sinabi ko ba? Gulat lang ako kasi gumising ka ng maaga kahit---" ngumiti siya sa akin ng nakakaloko. "Kahit madaling araw ka ng natulog..."

O.O Pa'no niya nalaman iyon?

Di kaya???

"L--"

"A----mmm." umiwas siya sa akin at sinubo ang tinapay sa bibig niya. Kumuha siya ng tubig, ininom tsaka pinahid ang labi. "Alis na'ko."

O.O??? May gana pang magdiet tong mokong na ito? Eh wala na ngang laman, puro buto na lang. Bakit ba nagmamadali ito?

"Huy! S'an ka pupunta?"

"Basta~" huli niyang sabi at nawala ng tuluyan sa paningin namin.

Napailing na rin ako at kumuha ng tinapay. Ngunit natigilan ako nang mapansing hindi sila kumakain. "Ano?"

"Diet rin ho ba kayo Sir Joon?"

"Ha? Ako? Di no! Manang, kanin po!"

_______

3rd Person's POV

"Kailangan mo na bang umuwi ngayon din?" tanong ng hari kay Bomi.

Maagang nag-impake si Bomi. Nakakuha kasi siya ng e-mail mula sa kanyang palasyo na kailangan na niyang tapusin ang natitirang trabaho niya doon.

"May naiwan po akong trabaho dun. Hindi ko po natapos nung nakaraang araw, pero pwede rin naman po akong bumalik sa makalawa." paliwanag ni Bomi.

"Naku, pinagbigyan ko yung mga staff na magpahinga muna ngayong araw na ito. Sinong maghahatid sa'yo?"

Napatulala si Bomi. "Si L po, hindi po ba siya pwede?"

Since alam niyang marunong si L magdrive, agad niyang nasambit ang pangalan na iyon. Hindi na rin daw kasi "staff" si L ng palasyo.

"Bomi, pwede bang huwag muna si L? Alam mo namang kakadating lang niya sa palasyo tiyaka kakaayos lang nila ng kapatid mo diba?"

*tok* *tok* "Mahal na hari, andito na po yung--" dali-daling pumasok si Joon dala ang mga papeles na pinapahanda ng hari sa kanya. Napahinto siya sa pagsasalita nang makita niya si Bomi sa loob. "Sorry po. Labas muna ako."

"No! You don't have to go outside. Sakto lang din yung pagbalik mo..." pigil ng hari sa kanya. "Pwede mo bang ihatid muna si Bomi sa airport?"

Nanlaki ang mata ng dalawa. "PO?!"

"Bakit? May problema ba? Bomi? Joon?"

"Wala po." sabay nilang sagot.

Wala silang ibang nagawa. Kinuha agad ni Joon ang susi ng sasakyan sa Hari. Sumunod naman siya agad kay Bomi paglabas. Walang umimik sa kanilang dalawa.

"Akin na." kinuha agad ni Joon ang maleta ng prinsesa at dinala siya sa sasakyan.

Inandar niya ito at umalis. Parang namatayan ang hangin sa loob ng sasakyan. Walang imik, walang nagsasalita. Hanggang sa naisipan ni Joon na kausapin ang prinsesa...

"Yung security team niyo po?" tanong ni Joon nang mapansing walang ibang kasama si Bomi.

"Susunduin nila ako pagdating ko." paliwanag ni Bomi habang chinicheck ang ticket nito sa eroplano.

"Sanay na po kayong bumiyahe ng mag-isa?"

"Oo. Hindi rin naman ako napapansin ng mga tao." paliwanag ni Bomi.

Hindi makapaniwala si Joon sa natuklasan mula sa prinsesa. Kung anong higpit ang turing kay Naeun, yun ang kabaliktaran kay Bomi. Sanay na pala siyang bumiyahe nang walang kasama, walang bodyguard o ano.

"Walang nakakapansin?"

"Mm. Oo. Bakit, di ka naniniwala?"

Napatawa si Joon sabay sulyap sa prinsesa, "Bulag siguro ang hindi makakapansin sa'yo." huminga ito ng malalim para mailabas ang gusto nitong sabihin. "Maganda ka kasi."

Napaangat ang ulo ni Bomi sa narinig kay Joon.

"Nangdito na po tayo." mabilis na binabaan ni Joon ang sasakyan para pagbuksan ang prinsesa. Sa isang iglap rin, kinuha na niya ang maleta ng prinsesa at hinatid ito sa departure area ng airport.

"S-salamat." umiiwas si Bomi sa tingin ni Joon.

"Sure po kayo? Mabigat yung dala mo--" turo niya sa maletang may bigat siguro ng lampas anim na kilo.

"Hindi ka na pwedeng pumasok. Sige, salamat ulit." huling sambit ng prinsesa at kumaripas ng takbo papasok sa may passage sa eroplano.

Napangiti si Joon habang minasdan sina si Bomi na pumasok sa inspection.

--

"Anong problema ng taong yun?" hindi makapaniwala si Bomi sa mga narinig niya kay Joon. "May tama ba iyon sa utak? Baliw?" para itong weirdong nakaupo(plus kinakausap pa ang sarili). Paulit-ulit na lang kasing bumabalik sa isipan niya ang mga kanyang narinig sa loob ng sasakyan.

"To all our valued passengers, we apologize for this 10 minute delay. This is upon the special request of the host airlines. We hope for your consideration. Thank you." sabi ng isang flight attendant.

Nagtaka lahat ng nakasakay lalo na si Bomi sa tinutukoy nitong, "SPECIAL REQUEST". Sa dinami-dami ng beses na sumakay siya sa isang eroplano, ito ang unang pagkakataong nakarinig siya ng 'special request'.

"Uhm. Hello, test one two. Ok." nalipat ang atensyon ng mga pasahero na nagsasalita sa may unahan. "Pasensya na po sa delay. Gusto ko lang hong malaman kung nasa loob na po si Bomi?"

Napalukso si Bomi nang marinig niya ang pangalan at ang pamilyar na boses.

Si Joon lang naman ito't nanghiram ng mic ng eroplano. "Ayun! Thank you!" binitawan niya ito at nilapitan si Bomi.

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Gusto ko lang masigurong nakasakay ka na at ligtas ka."

"Yun lang? Tapos, kailangan mo pa talagang umakyat dito??? Ok na ko! Sige na~ Nakakahiya..." sambit ni Bomi at sinenyasan si Joon na magsimula ng maglakad.

"Oo. Yun lang. Sige." normal lang itong nagpaalam, ngumiti at naglakad pabalik.

Naiwang tameme si Bomi sa kanyang pag-upo ulit.

"Uhm, salamat po. Tsaka may isa pa akong nakalimutan. Bomi, mag-ingat ka." tunog ulit ng speakers.

Napasubsob si Bomi sa bintana ng eroplano nang maramdamang lahat ng tao ay nakatingin sa kanya, ang iba, naghiyawan sa ginawa ni Joon.

"Ay, sa inyo rin po! Thank you!" huli nitong sabi bago bumalik sa paliparan. Nakangiti itong malaki.

Pagbalik sa waiting area, pinagmasdan muna ni Joon na lumipad ang eroplano. (habang abnormal pa ring nakangiti)

"Girlfriend niyo po?" tanong ng gwardyang tumulong sa kanya para makapasok saglit sa eroplano.

Tumawa ito at sumagot, "Hindi."

"Hindi pa."

<end of chapter>

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 24K 56
just for fun
120K 4.5K 43
Is it worth it to invest feeling to someone who never appreciate your existence? On-going
43K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
223K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...