A Beautiful DISASTER (Publish...

By skycharm24

1.4M 36.6K 3.5K

(Instant Mommy Ako Book 2) Story of Chloe Alexandria D. Rosales " My world fell apart when you left me. You... More

Synopsis
1.Chloe
2. Zaide
3. Granny's Bday
4. Match
5. Newbie
6. Talk
7. Bakit?
8.Crush
9. Death
10. Grief
11.Feelings
12. Doubt
13. Fierce
14. Internship
15. Reasons
16. Truth
17. Grounded
18. Respect
19. Graduation
20. Vacation
21. Vacation 2
22. Monthsary
23. Party
24. Broken
25. Lies
26. Devastated
27. Plan
28. Wedding
29. Island
30. Olivia
31. Blackmail
32. Birthday
33. Goodbye
34. Distress
35. Hope
36. Sorrow
37. New Beginnings
38. New Life
39. Presentation
40. Ice cream
Ask Author
41. My Daddy
42. Your Daughter
44. Positive
45. Accident
46. Forgiveness
47. Jealous
48. Mistaken
49. Walk out
50. Serenade
51. Jarred
52. Happiness
53. Vow
54. Upcoming Stories
Epilogue

43. DNA

23.6K 569 53
By skycharm24


Zaide Travis

Tinawagan niya ang kaibigang si Jarred para makipagkita dito, lawyer ito at sigurado siyang alam nito ang gagawin sa sitwasyon niya ngayon.

" Sigurado ako Pare mahalaga ang kailangan mo, hindi mo naman ako sasadyain dito sa opisina kung hindi." bungad nito sa kanya.

" Tama ka Jarred' Pare, pasensya na sa abala but yes I need your help."

" Tungkol saan ba yan? Sinong kakasuhan natin?"

" It's about Chloe's daughter, ako daw ang ama nito at hindi si Valdez. Gusto ko ng katibayan na anak ko talaga ang bata at kung sakali man gusto ko siyang kunin kay Chloe."

" Shit! For real? May anak kayo ni Chloe? Nandito na pala siya? Kailan pa?" he knows may pagtingin ito kay Chloe dati.

" Madali lang yan Zaide, DNA Test. Kailangan lang natin kumuha ng samples ng bata. Papayag naman siguro si Chloe? " takang napatingin siya dito.

" Bakit kailangan pa niyang pumayag? May karapatan akong ipatest ang bata dahil sinasabi niyang ako ang ama nito."

" Pare, DNA tests require a consent signature from the person whose samples were submitted. Sa kaso ng bata na minor pa, need ang consent form signed by a legal guardian at yon ay si Chloe." paliwang nito sa kanya.

" Hindi ba pwedeng huwag na nating ipaalam? Kailangan ko din yon kung sakali dahil gusto kong kunin ang bata kapag napatunayang ako ang ama niya."

" I'm sorry Zaide pero hindi pwedeng gamitin sa korte ang DNA Test, na hindi dumaan sa legal procedure. Hindi counted yon. Isa pa Zaide nasa general rule that a custody of a child below seven years of age belongs to the mother." ibig sabihin wala din siyang mapapala kung sakali? Pero pakialam paba niya sa rule rule. Matagal niyang hindi nakasama ang anak. Ni hindi niya nga alam ang unang salitang nabigkas nito.

" Ganon nalang yon? Pagkatapos nilang ipagkait sakin ang anak ko? Hindi ko parin siya makakasama? " limang taon na ang anak niya, limang taon itong ipinagkait sa kanya.

" Pare hindi naman sa ganon, we could file for Visitation rights para may specific schedule at regular na oras ka para makasama ang bata pero Zaide pweding namang pag usapan n'yo nalang ni Chloe ang tungkol doon at hindi na idaan sa korte."

" Dapat lang na pumayag siyang ibigay muna sakin ang anak ko. But I still want the DNA pumayag man siya o hindi." gusto niya paring makasigurado.

" Okay, I know a Lab na pwedeng magsagawa ng test, you need to take samples from the child pero please Pare walang pwedeng makaalam nito." naiintindihan niyang nag iingat lang ito dahil sa trabaho.

" Walang problema Jarred it's between you and me. Anong kailangan?" he needs to do this.

" Laway ng bata para mas sigurado. You need to wait 3 to 5 days bago lumabas ang resulta." madali lang naman pala ang kailangan nito.

" I'll send to you the samples kapag nakakuha na ako. Maraming salamat Jarred. " kinamayan niya ito.

Papunta siya sa eskwelahan ni Kylie ng tawagan siya ni Olivia na ito nalang ang susundo sa anak. Balak na sana niyang bumalik ng opisina pero naisip niya si Maui, kailangan niyang makakuha ng laway nito.

Nagpark siya sa may di kalayuan. Nakita niya si Olivia at pabalik na ito ng sasakyan habang hila si Kylie. Hinanap niya sa mga batang naroon si Maui. Nakita niyang naglalaro ito, wala pa marahil ang sundo nito.

Inikot niya ang sasakyan at tinigil sa tapat nito. Saka siya bumaba at kinarga ito sabay pasok muli sa sasakyan.

Narinig niyang may sumisigaw at tinatawag ito pero pinaharorot na niya palayo ang sasakyan.

" Waaahhhh." palahaw nito. Nabigla marahil ito sa ginawa niya.

" It's okay Baby, it's me. I'm your Daddy." tumingin ito sa kanya.

" No! No! I want my Mommy. Waaahhh. I want my Mommy." naglilikot narin ito sa kandungan niya kaya tinigil niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada bago pa sila maaksidente . Lumabas sila at nilagay niya ito sa backseat saka kinabitan ng seatbelt.

" Mommy! Mommy! " palahaw nito.

" You will see your Mommy later, for now sasama ka muna kay Daddy. Stop crying." himalang humina ang hikbi nito.

" Daddy.. " mahina nitong sambit na umabot parin sa pandinig niya. At may kung anong haplos sa puso niya ang salitang binangit nito.

" Yes Baby, I'm your Daddy. " anak niya ito, iyon ang nararamdaman niya pero gusto niya paring makasigurado. Kahit ang Mommy niya ay naniniwalang anak niya ito.

" But you don't want to be my Daddy, you hurt my Mommy. I want to go home. " nakita niya ang paglungkot ng mukha nito sa rearview mirror. Narinig nga nito ang mga sinabi niya kahapon kay Chloe. Nadala lang siya ng galit niya. " I want my Mommy. Take me to Mommy. Waaahhh." muli itong nag iiyak. Napabutonghininga nalang siya.

" Baby ayaw mo bang makita ang house ni Kylie? Diba friend kayo ni Kylie? " parati itong binabangit ni Kylie at magkaibigan daw ang mga ito.

Nakita siya sa salamin na tumango ito. " Maraming toys si Kylie sa room. Bibigyan ka ni Daddy ng toys okay? Tapos ihahatid na kita kay Mommy mo."

" Daddy want's to spend time with with you, ayaw mo ba sakin anak? Hindi sinasadya ni Daddy ang mga nasabi ko kahapon. Sorry na si Daddy?" Nanatili itong tahimik.

" Nagulat lang si Daddy kahapon kasi matagal bago nasabi sa'kin ni Mommy mo na may cute na cute na pala akong baby." dahil ipinagkait ito sa kanya.

" I'm hungry.." ang tanging nasagot nito sa kanya, tinignan niya ang orasan at mag aalasdose na pala ng tanghali. Natural gutom na ito.

May nadaanan silang convenience store. Binili na lang muna niya ito chocolate drink. Malapit narin sila sa bahay nila. Gusto niya itong ipakilala sa Lola nito, ang Mommy niya.

" I'll give the other one to Kylie." anito sa isa pang hawak ng Chuckie. Natuwa siya dahil likas na mabait ang anak niya.

" Drink water also Anak. " masarap sa pakiramdam niya na tinatawag niya itong anak. Uminom naman ito sa  bottle ng tubig na inabot niya. Itinabi niya ang boteng ininuman nito. Ibibigay niya iyon kay Jarred.

Binuhat niya ito papasok ng bahay. Nilibot nito ng tingin ang bahay nila.

" Oh my God. Anong ginawa mo Zaide? " gulat na bulalas ni Olivia pagkakita sa kanila. "

" Maui! Maui! " sigaw naman ni Kylie.

" Kylie. Look, this is for you." iniabot nito ang hawak na Chuckie pagkababa nito.

" Hindi mo pa ako sinasagot Zaide Travis." muling tanong ni Olivia sa kanya.

" Not now Olivia."

Masaya namang nag usap ang dalawang bata. " Yaya Luce, pakainin mo muna si Maui, hindi pa siya naglunch."  baling niya sa Yaya ni Kylie.

" Halika na Maui, kain tayo?" hinawakan nito si Maui sa kamay pero binawi nito iyon saka umiling. Sinubukan niya pa uli itong isama pero ayaw nito at akmang iiyak na naman. Saka naman lumapit dito si Olivia.

" Hi Maui, I'm Tita Olivia, Mommy ako ni Kylie." ngumiti ito sa bata. " Diba Kylie?" baling naman nito sa anak.

" Yes Mommy." bibong sagot nito sa ina.

" Come Maui, kain ka ng lunch." himalang sumama naman ito kay Olivia.

Ito narin ang nagpakain sa bata. Si Kylie naman ay nakamata lang sa kanila habang iniinom ang Chuckie nito.

Panaka naka ay kinakausap ni Olivia si Maui, na tango naman ang sinasagot sa kanya.

Iniwan na niya itong mag isa at saka lumapit sa kanya.

" Alam ba ni Chloe na kasama mo ang bata?" tanong nito.

" Hindi, sinundo ko siya sa school. "

" Sinundo? O itinakas mo? Zaide nag iisip ka ba? Iniligtas mo nga yong bata noong isang araw sa nagbalak kumidnap sa kanya tapos heto ka kinidnap siya." sermon nito sa kanya.

" Anong kidnap Olivia? Anak ko yan, si Chloe na mismo ang nagsabi." may karapatan siyang makasama ang anak.

" Mali parin Zaide, pwede mo namang ipagpaalam ng maayos si Maui, sigurado ako papayag naman si Chloe, bakit naman tatangayin mo lang? May mga taong nagaalala sa kanya lalo na ang ina niya. Ano sa tingin mo ang mararamdaman ng ina niya pag malaman nitong nawawala ang bata?"

" Pwede ba Olivia, ibabalik ko din naman ang bata." Saka naman dumating ang Mommy at pinsan niyang si Rhian.

" Sino siya mga anak? Siya ba Zaidey?" tanong nito sa kanya.

" Yes Mom, she's Zhoe Maureen." nilapitan nito ang anak na kumakain habang kausap si Kylie. Pati si Rhian ay lumapit dito.

Lumapit narin sila ni Olivia.

" Hi.., Hello apo. Ako si Lola Zarina. " pakilala ng Mommy niya kay Maui.

" OMG Kuya! Ang cute ng anak mo. Pareho kayo ng mata pati ilong." si Rhian.

" Waaahhh.." nataranta naman silang lahat ng biglang umiyak si Maui. " Mommy..Mommy.." tinatawag na naman nito ang ina. Natakot marahil ito sa Mommy at pinsan niya.

" It's okay Maui, sshhhhhh. Tapusin muna natin ang food mo ha, tapos ihahatid na kita sa Mommy mo." si Olivia na inaalo ito.

" Waaaahhhh. Mommy! Mommy!" lalo lang itong umiyak. Binuhat niya nalang ito. Naninibago pa ito sa kanila.

" Anak nandito naman si Daddy. Tahan na." tinutulak siya nito. At patuloy ang palahaw nito.

" Sige na Zaide ibalik mo na siya sa Mommy niya. Hindi pa siya handa sa lahat ng ito. " malungkot na nakatingin sa nagpupumiglas na si Maui ang Mommy niya. Maging si Rhian ay binuhat nalang si Kylie na paiyak na rin.

Kinuha sa kanya ni Olivia si Maui. " Tama na Baby, uuwi na tayo sa Mommy mo." yumakap naman ang bata sa kanya at nagtago sa leeg nito.

" No Olivia! Hindi pa siya uuwi!" pinigilan niya ito sa braso.

" Pwede ba Zaide, maawa ka naman sa bata. Hindi mo alam ang magiging epekto nito sa kanya, masyado mo siyang minamadali. Gusto mo bang matrauma siya sayo?" naglakad na ito palabas ng bahay.

" Fine! Ihahatid ko na kayo." nagaalala din siya sa anak na panay parin ang iyak.

" Huwag na dahil sigurado akong hindi ka gugustuhing makita ng mga Rosales, pagkatapos ng ginawa mo. Ginawa mo ng hobby ang tangayin ang myembro ng pamilya nila."  Saka nito pinasok si Maui sa sasakyan.

Maya maya ay umalis na ang mga ito, ni hindi siya nakapagpaalam ng maayos sa anak. Kinuha niya nalang ang sasakyan, dadalhin niya kay Jarred ang boteng nainuman ni Maui.

Chloe Alexandria

Nasa gitna siya ng meeting ng makatanggap ng tawag galing kay May, ang Yaya ng anak niya.

" Ate! Ate Chloe, si Maui kinuha nong lalaki. " halata sa boses ang pag iyak nito pero malinaw niyang narinig ang sinabi nito.

Hindi daw nito nakita ang mukha ng lalaki pero ang sabi ng mga naroon ay Tatay ito ng isa sa mga estudyante doon.

Nanginginig na nagpaalam siya sa mga ka meeting. Sinabi nalang niya na Emergency. May hinala na siya kung sino ang kumuha sa anak. Si Zaide.

" Joy, hanapin mo ang contact number ni Zaide Travis Mondejo ng Mondejo Airlines, tawagan mo ang office nila kung wala kang record." kung ano ano ang pumapasok sa isip niya. Paano kung ilayo nito ang anak niya.

Inip na inip siya sa paghihintay na makuha ang number nito. Agad niyang tinawagan ang number nito pagkabigay ni Joy.

Pero out of reach ang telepono nito na mas lalong nakapagpakaba sa kanya. Hindi ito naniniwala sa kanya kahapon tapos tatangayin nito ang anak?

Gusto na niyang sabihin sa Daddy niya ang nangyayari pero nagaalala siya sa pwedeng gawin nito kay Zaide.

Lumabas siya at nagdrive papuntang opisina ni Zaide pero wala ito doon. Tanghali na, pinakain manlang kaya nito ang bata? Baka nagugutom na si Maui.

Tinawagan siya ng Mommy Trisha niya. Alam na nito ang nangyari dahil nakauwi na si May sa bahay nila.

" Anak, sinong kumuha may Maui? Tatawagan ko ang Daddy mo, kailangan niyang malaman ito."

" Mommy, No please. Si Zaide ang kumuha kay Maui, hindi ko alam kung bakit niya ginawa ito pero sigurado akong nasa kanya ang anak ko. Huwag n'yo na munang tawagan si Dad, kilala n'yo naman iyon. Pupuntahan ko siya sa bahay nila." bahala na, magbabasakali narin siya baka doon nito dinala ang anak.

" Maui! " dinig niyang sigaw ng Mommy niya. " Anak nakauwi na si Maui, hinatid siya ni Olivia." nakahinga siya ng maluwag sa narinig. Agad niyang binilisan ang pagmamaneho pauwi ng bahay nila, gusto niyang mayakap ang anak.

" Mommy..." kumawala ito sa Mommy Trisha niya at patakbong sinalubong siya ng yakap.

" Anak ko." binuhat niya ito at niyakap ng mahigpit. " Mommy's so glad you're home." Sama ka muna kay MommyLa palitan n'yo yang uniform mo anak. Mag uusap lang kami ni Tita Olivia mo." sumunod naman ito.

Inantay niyang maka akyat ang mga ito ng kwarto nila.

" Thank you for bringing my daughter back, Olivia." nagulat siya ng kayapin siya nito.

" Chloe, it's nice to see you again. Hindi manlang tayo nakapag usap nong may event ang mga bata sa school. I'm sorry sa ginawa ni Zaide." nagtataka siya dahil sa kabaitan nito, siguradong alam na nito na anak ng asawa niya si Maui.

" I'm sorry sa abala Olivia, sorry kung nagugulo kayo sa pagbabalik namin ng anak ko." hindi niya intensiyong guluhin ang mga ito lalo na at alam niyang mabait ito sa kanya. Tinulungan pa siya nito noon.

" Anong bang pinagsasabi mong gulo? Masaya nga akong nakabalik na kayo. Sana ay maging maayos na kayo ni Zaide at magkapatawaran nalang para sa bata. " nahihiya siya sa kabutihan nito.

" Maraming salamat Olivia, tama akong napakabuti mo noon paman. Masaya din ako na makita ka ulit. " ngumiti na siya dito.

" Loka loka parin kamo ako hanggang ngayon. Hayaan mo at hindi uubra sakin si Zaide. Hindi ako papayag na paglayuin niya kayong mag ina, na hindi naman niya magagawa dahil hinahanap ka ng anak n'yo. Panay nga ang iyak kanina at tinatawag ka' parang si Kylie, malingat lang yon at wala ako nagiiyak na kahit andyan si Zaide." Masaya pa silang nagkwentuhan na hindi niya akalaing mangyayari.

" Mag usap sana kayo ni Zaide ng maayos Chloe para narin sa anak n'yo  at para hindi na maulit itong nangyari." sang ayon naman siya sa sinabi nito.

" Akala ko ay hindi siya naniniwala na anak niya si Maui kaya nagtataka ako kung bakit nagawa niyang tangayin ang anak ko." kahapon lang ay galit na galit ito.

" Paanong hindi siya naniniwala eh kamukha niya yong bata, isa pa si Ethan na mismo ang nagsabi na anak niya si Maui." nagtaka siya sa sinabi nito.

" Si Ethan?"

" May sulat siya kay Zaide, ako pa nga ang unang nakabasa, baliw yong lalaking yon itinapon ba naman sa basurahan. May mga pictures ni Maui na kasama." gumawa rin pala ng paraan si Ethan para matupad ang sabi nitong siya mismo ang magsasabi kay Zaide.

Nagpaalam narin si Olivia. Baka hinahanap nadaw ito ng anak. Nagpasalamat siyang muli sa paghatid nito kay Maui.

Kailangan niyang makausap si Zaide, hindi siya papayag na basta nalang nito itakas ang anak kapag ginusto. Kung kinakailangan nilang magkasundo gagawin niya para kay Maui.

Itutuloy...

Pasaway si Zaide diba guys?
Skycharm24

Continue Reading

You'll Also Like

2.1K 97 13
Zhaniah Del Franco was suffering on a serious disease. She has only one-year or shorter span of living. She met the band Which Option including the b...
7.5M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
4.5M 85.5K 40
Unpredictable, that's what love is. You'll never know who you'll fall in love with and when love will strike. You'll just find yourself in love. Gan...
96.1K 1.4K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...