The Innocent Guy In My Room

By lilpuffypie

40.8K 1.2K 218

She dont know him... But she let him enter her simple life... His innocence is the proof that he's not suspic... More

Chapter 1: The First, Second and Third Meeting
Chapter 2: Lulutuin siya?
Chapter 3: Meet My Weird Family
Chapter 4: Green-Eyed Guy
Chapter 5: Shopping With Zeke
Chapter 6: I'm Sorry, Zeke
Chapter 7:The First Innocent Cry and Smile
Chapter 8: Zeke's Favor
Chapter 9: A Lunch With Kuya-este Rev
Chapter 10: Unexpected Visitor
Chapter 11: Jealousy
Chapter 12: Kuya's Advice
Chapter 13: Come.. With.. Me
Chapter 14: Our First Kiss
Chapter 15: Past Life Dream
Chapter 16: Cube & The Invitation
Chapter 17: Who Exactly Is Zeke?
Chapter 18: All I Want For Christmas Is You
Chapter 19: Zero
Chapter 20: The Paradise
Chapter 21: Uncovering The Truth
Chapter 22: Marked
Chapter 23: Shall We Dance?
Chapter 24: Kuya
Chapter 25: The Plan
Chapter 26: Asylums
Chapter 27: The Master
Chapter 28: Flashback
Chapter 29: Revealed
Chapter 30: Goodbye
Chapter 32: True Feelings
Chapter 33: Let's End This
Chapter 34: Game
Author's Note

Chapter 31: Faded Memory

597 26 5
By lilpuffypie

Chapter 31: Faded Memory
-----------------------------------------------------------
Third Person's Pov

Mabilis na tumatakbo ang isang batang lalaki na may bitbit na sanggol patungon sa kanilang bahay. Marahas niyang binuksan ang pinto at nagulantang ang kanyang mga magulang.

"Ano bang ginagawa mo, Drake? Bakit ka nagmamadali?" Nag aalalang tanong ng kanyang ina. Napansin ng kanyang ina ang kanyang dala.

"Ano iyan? Sanggol?" Nakakunot nitong tanong.

"Nakita ko po siya sa may paanan ng bundok. Dinala ko na po siya dito. Nakakaawa naman" seryosong sabi ng batang si Drake.

"Anong nangyayari dito?" Agad na lumapit ang ama ni Drake sa kanila ng kanyang ina para tignan kung ano ang kanilang ginagawa.

"Kaninong anak iyan?" Nagtatakang tanong ng ama.

"Napulot siya ni Drake sa may paanan ng bundok. Nakakaawang bata. Ang cute pa naman" hinaplos ng ina ang pisngin ng sanggol.

"Lalaki ba yan o babae?" Tanong ulit ng ama.

"Babae po" masiglang sabi ni Drake.

"Mukhang gusto ni Drake ang sanggol na ito" nakangiting sabi ng ina.

"Ayos lang naman siguro kung ampunin natin ang sanggol. Tutal naman, mukhang walang balak alagaan ng ina ng sanggol na iyan ang kanyang anak" sabi ng ama.

"Talaga po? Yehey!" Masayang sabi ni Drake.

Napangiti silang lahat ng marinig na tumawa ang sanggol.

"Ano nga palang ipapangalan natin sa kanya?" Tanong ng ama.

"Cyan!" Agad na sambit ni Drake.

"Ok, Cyan— no, Cyanic na lang" nakangiting sabi ng ama.

"Bakit Cyanic, papa?" Nagtatakang tanong ni Drake.

"Para cool lang" napatawa naman ang ina ni Drake.

"Parang robot ang pangalan niya" seryosong sabi ni Drake.

Napatigil ang ina ni Drake sa pagtawa.

"Sige, Cyan na lang" nakangiting sabi ng kanyang ama.

"Ah hindi, Cyanic na lang po. Para unique" nakangiting sabi ni Drake.

Napangiti ang kanyang ina. Binuhat ng kanyang ina ang sanggol.

"From now on, you're now Cyanic Kryzel. Welcome to Kryzel Family"

-----------------------------------------------------------

"Cyan! Cyan! It will going to hurt a little but its all for the best" umiiyak ang buong pamilyang Kryzel.

Mabilis na dinala si Cyan sa isang kwarto upang gamutin. Napag alaman na may sakit sa utak si Cyan at kailangan ng agapang gamutan.

"Dr. Dezar, we did our best but we cant cure her" seryosong sabi ng isang lalaki sa isang Doktor na kasalukuyang nag aalala.

"I can cure her!" Malakas ng sabi ni Dr. Dezar.

"But, Doc—"

"Where is my son?" Mahinahong sabi ni Dr. Dezar.

"Papa!" May batang lalaki na pumasok sa loob ng kwarto kung saan ginagamot si Cyan.

"Saan ka galing, Ill?" Nakakunot ang noo ni Dr. Dezar habang tinatanong ang anak.

"Dyan lang po sa labas. Narinig ko pong balak ng pamilya ng batang yan na ilipat na siya sa kabilang Asylum" sinulyapan ni Ill ang maamong mukha ni Cyan.

"Ano?! Hindi pwede!" Dali-daling lumabas si Dr. Dezar upang kausapin ang pamilyang Kryzel.

Nang makalabas si Dr. Dezar ay agad siyang kinausap na ipapagamot na lamang si Cyan sa kabilang Asylum.

"Kaya ko siyang gamutin" muling sambit ni Dr. Dezar ngunit wala na siyang magawa dahil buo na ang desisyon ng pamilyang Kryzel.

Mga ilang araw ay nailipat na si Cyan sa kabilang Asylum. Frost's Asylum.

-----------------------------------------------------------

"So, your name is Cyan. Im Zeigh and this is Zeke. Nice to meet you" malapad na ngumiti ang batang lalaki na nasa harap ni Cyan.

Pinilit ni Cyan na ngumiti para sa kanila.

"Zeigh! Come here!" May taong tumawag kay Zeigh kaya agad itong lumabas ng kwarto.

Dahan dahang lumapit si Zeke kay Cyan.

"Hello" nakangiting sabi ni Zeke.

"H-hi" nahihiyang tugon ni Cyan.

"Kapag magaling ka na, maglaro tayo ha!" Masayang tugon ni Zeke kay Cyan.

"S-sige!" Malapad na ngumiti si Cyan sa sinabi ni Zeke.

-----------------------------------------------------------

Habang nakahiga si Cyan sa isang hospital bed ay may pumasok na lalaki na mukhang may kausap sa telepono. Nagkunwaring tulog si Cyan.

"Oo, this girl with me will be part of experiments as well as my son" prenteng sabi ng lalaki.

"Yes, my son. What's wrong with that? I'll just making him unique" patuloy na sabi ng lalaki.

"Who? Umm.... Maybe, I'll pick Zeke"

Nagtungo ang lalaki sa kinaroroonan ni Cyan at may itinarak sa kanyang braso. Agad siyang nawalan ng malay.

-----------------------------------------------------------
Cyan's Pov

Agad kong naimulat ang aking mata.

Iyon ba ay isang.... memorya? Akin ba yon? Bakit nalimutan ko ang mga memoryang iyon.

Si Zeke. Matagal ko na pala siyang nakilala. Hindi ko pala tunay na kapatid si Kuya Drake at hindi din pala ako isang tunay na Kryzel. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nilang ilihim pa sa akin iyon.

"Gising ka na pala, have you regain your memory?" Sabi ng lalaki na nagdala sa akin dito. Dr. Frederic Frost.

Nanatili akong tahimik.

"Yung una kong experiment sa aking anak ay hindi masyadong naging maganda. He doesn't obey my orders. Siguro ikaw, susundin mo ako" nakangisi niyang sabi.

"Pinag-eksperimentuhan mo ang sarili mong anak?! Anong klase kang ama?!" Galit kong tugon.

"Uniqueness is the new beauty" ngumisi siya at may kinuha.

"So, I'll make you more beautiful"

Nakaramdam ako ng labis na takot ng dahan dahan siyang lumapit sa kinaroroonan ko.

"Stop!"

--BANG!--

"How dare you?!" Malakas na sigaw ni Dr. Frost ng tamaan siya ng baril.

Nakaupo si Dr. Frost sa sahig at hawak ang kanyang sugat.

"Cyan!" Mabilis siyang tumakbo papunta sa akin at pinakawalan ako. Its Ivan.

"Paano ka nakatakas?" Tanong ko.

"Hindi na mahalaga yon. Ang mahalaga ay ang makaalis tayo dito"

Hinigit ako ni Ivan at patakbo kaming umalis. Narinig ko ang malakas na sigaw ni Dr. Frost habang hindi pa kami nakakalayo.

"Huminto muna tayo, pagod na ako" pagpigil ko kay Ivan.

"Sige, nakalayo naman na siguro tayo" umupo muna kami sa sahig.

"So, paano ka nga nakatakas?" Usisa ko ulit sa kanya.

"May isang lalaki na tumulong sa akin. Hindi ko alam kung kakampi siya o kaaway basta hanapin daw kita at idala sa kanya. Para makaalis na tayo dito. Alam niya ang daan palabas" paliwanag ni Ivan.

"Baka si Zeigh iyon" nag aalala kong tanong.

"Hindi, kilala ko ang boses at itsura ni Zeigh. Sigurado akong hindi si Zeigh iyon" kalmado niyang sabi.

Sabi ni Z ay may intruders sila kanina. Sina Zero at Rev. Isa sa kanila ang tumulong kay Ivan.

"Teka, may paparating" saglit kaming tumahimik at may narinig nga akong mga yabag.

"Halika dito" hinila ulit ako ni Ivan sa loob ng isang kwarto. Sinarado niya ang pinto at nilock.

"Safe tayo dito sa loob. Sana.." Sabi ni Ivan.

Iginala ko ang aking mata sa loob ng silid. Biglang naagaw ang aking atensyon ng isang malaking glass container na basag. Ang tansya ko ay kasya ang isang tao sa loob nito.

Lumapit ako dito at tinignan.

"Cyan, ano yan?" Lumapit din si Ivan.

"Hindi ko alam" tugon ko.

May nakasulat sa ibaba nito. Agad ko itong binasa.

Zeke Frost ang nakalagay. Nakasulat ito sa maliliit na letra. Napakunot ang noo ko ng makita ko ang salitang ZERO. Sa malalaking letra ito nakasulat. Nakasulat ito sa may ibaba ng pangalan ni Zeke.

"Kilala mo ba yan?" Tanong sa akin ni Ivan.

"Hindi ko alam..." Tanging tugon ko lamang sa kanya.

-----------------------------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

99.9K 1.9K 34
|Complete| Book 1: Secretly Married To Mr President Book 2 I'm now totally and officially married to Mr president. Book 3: Before our tale ends Date...
3.2K 135 59
Thoughts that form poetry. A collection of my soul's wonderings. Free to DM me for dedications.
23.1K 487 34
|Complete| Velasquez Siblings Series 1 Matapos kong masaksihan kung paano umibig ang uncle ko sa isang babae, kung paano niya inalay ang puso niya sa...
694K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...