My Man in the Mirror (✔)

By xarisagape

1.4K 109 13

Isang hopeless romantic ang drama ni Sydney sa edad na bente siyete. No boyfriend since birth kasi siya at pr... More

My Man In The Mirror
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Epilogue
AUTHOR'S NOTE
Author's Note v.2
SPECIAL CHAPTER
TEASER
OPEN LETTER
My Man in the Mirror
HELLO 2020 #QuaranThink

Chapter 3

80 7 2
By xarisagape

KAAGAD niyang pinatay ang sindi sa palito ng posporong hawak niya. May bigla kasi siyang naalala mula sa libro na nabasa niya noon. Na mangyayari lamang raw ang bagay na iyon sa ganap na ika-tatlo ng umaga. Walang anu-ano'y tinignan niya ang wrist watch na suot. Nakalimutan niyang hubarin iyon sa kaniyang kamay dala na rin ng sobrang antok. Maghapon ba naman silang naghuntahan ni Wincy.

Nabanggit pa nitong darating rin ang mga kaibigan nito sa San Agustin at doon din mananatili hanggang sa kasal. Marahil ay mga malalapit na kaibigan lamang iyon ng kaniyang pinsan. Sinamahan pa niya itong hintayin ang mga paparating na bisita ngunit mag-a-alas dose na ng hating gabi ay wala pa rin ang mga ito. Kaya sa huli, sabay na rin silang umakyat ni Wincy at ang nobyo na lamang nitong si Red ang naiwan sa baba.

Halos limang minuto pa bago sumapit ang ikatlo ng umaga. Wala pang isang minuto ay kating kati na siyang gawin ang ritwal. Hindi pa man din niya dala ang kaniyang cellphone. Kung alam lamang niya na gagawin niya ito'y sana binitbit na rin niya ang naturang gadget. Ang pagbutinting kasi sa bagay na iyon ang ginagawa niya sa tuwing naghihintay siya ng oras. Isa pa, hindi naman niya sigurado kung ano ang mga katagang iuusal niya kapag nakaharap na siya sa salamin mamaya. Sa pagkakatanda niya ay mayroon ding isang ritwal na ginagawa sa kaparehong oras kung saan may isang duguang babae na nagpapakita sa salamin. Maisip pa lamang niya ay kinikilabutan na siya. Para tuloy gusto niyang umatras at isantabi na nang tuluyan ang kung anumang kalokohang naiisipan niya.

It's now or never! pagkumbinsi sa kaniya ng kung saang bahagi ng isip niya.

Muli siyang tumingin sa wristwatch, isang minuto nalang pala bago mag-alas tres. At nang makita niya ang malikot na kamay ng orasan na tumapat sa ika-walong numero, may pagmamadali na ngang sinindihan niya ang kandila. Nang masigurong may apoy nang naglalandas sa kandila ay pikit matang humarap siya sa salamin. Muli na namang sumingit sa isip niya ang imahe ng babaeng duguan. Kaya hindi pa man din niya nauusal ang mga katagang pilit niyang pinaulit ulit sabihin sa isip kanina ay napadilat na siya. At ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata niya sa nakita. Napalakas yata ang sigaw niya kaya mabilis nitong tinakpan ang bibig niya.

Napatigil lang siya sa pagpupumiglas nang narinig niya itong dumaing. Bigla siya nitong pinakawalan at sinundan niya ng tingin ang paghagod sa braso nitong sa tingin niya ay natuluan ng kandilang hawak niya.

"Are you okay?" agad niya itong dinaluhan at wala sa sariling hinawakan ang napaso nitong braso.

Ramdam naman niya na tila baga nanigas ito sa kinatatayuan dahil sa ginawa niyang paghawak sa braso nito.

"T-teka, kukuha lang ako ng ointment sa itaas," akmang aalis na siya ngunit maagap nitong hinawakan ang braso niya.

Mas nagtriple tuloy ang kabang nararamdaman niya ngayon. Bakit ba naman kasi bigla bigla nalang itong susulpot? At sa lahat ng taong pwedeng maging kabute katulad ng ginawa nito, ay bakit ito pa? Totoong nagulat siya nang makita ang mukha nito sa salamin kanina. Magkahalong takot at kaba ang naramdaman niya. Nandoon na tila baga may nabuhay rin na kung anumang damdamin sa puso niya. Iyon bang damdamin na matagal niyang sinupil sa kaniyang sistema.

"No need, Syd. Okay lang naman. Malayo naman ito sa bituka eh. Huwag ka nang pumanhik at baka mamaya, hindi ka na naman bumalik," kausap nito sa kaniya.

Bakit ganoon? Tila may pangungulila sa boses nito? Bakit parang may nais itong ipahiwatig sa mga sinabi nito? Bakit parang natatakot itong mawala siya sa paningin nito? God, bigla siyang nalito sa inaakto nito.

Sa huli ay pinili niya itong harapin. Nakahawak pa rin ito sa braso niya kaya ganoon nalang kaliit ang agwat nila sa isa't-isa. At ngayon ngang magkalapit lang sila, mas nasiguro niyang si Luke nga ang taong kaharap niya ngayon. Akala niya kanina'y namamalikmata lamang siya.

"How have you been? Hindi ka na nagparamdam simula noong umalis ka. Hinanap kita sa kung saang social media sites pero hindi kita makita," muli nitong kausap sa kaniya.

Totoo ang sinabi nito, hindi talaga siya makikita ng binata dahil ibang pangalan ang inilagay niya sa kaniyang account. Tanging mga kamag-anak at malapit na kaibigan lamang ang naka-konekta sa mga account niya. Halos lahat ng social account niya ay naka-private din. Tanging ang blog lamang niya ang malayang nakikita ng publiko.

"O-okay naman ako. Ikaw, kamusta ka na?" sagot niya at pilit na ngumiti rito. Ramdam niya na tila baga pinangangapusan na siya ng hininga. Gosh, if he only knew his effect on her right now. Para siyang sinapian ng jelly fish ngayon sa panlalambot ng kaniyang mga tuhod. Mabuti na lamang talaga at nakahawak pa rin ang kamay nito sa kaniya kaya kahit paano ay nagsisilbi niya itong lakas.

Sa halip na sagutin ang tanong niya ay hinatak siya ni Luke palapit dito. Napasandal naman ang ulo niya sa matigas nitong dibdib. Ramdam niya ang magandang built ng katawan nito. Malayong-malayo sa dating disi-sais anyos na katamtaman lamang ang hubog ng katawan. Malamang ay bugbog ito sa workout. At mas napatunayan niyang tama ang hinala niyang magandang built ng katawan nito nang maramdaman niyang ikinukulong na siya nito sa bisig nito.

"God, Sydney. You've no idea how much I miss you," mahina ngunit sinserong sabi nito.

Para naman siyang nilipad sa alapaap sa mga katagang narinig mula rito. Iyon ang isa sa mga bagay na hindi niya inaasahang marinig mula rito. Pilit niyang isiniksik sa isipan noon na okay lamang kay Luke na mawala siya sa tabi nito. Na hindi magiging big deal ang pagkawala niya dahil iyon naman ang gustong mangyari ng nobya nito --- ang iwasan siya. At saan ba papunta ang ganoon? Hindi ba't sa unti-unti na ring pagbura sa kaniya sa kanilang sistema. Kaya nga inunahan na niya ang posibilidad. Hindi na niya hinantay na ang mga ito pa ang magparamdam niyon sa kaniya. Siya na ang trumabaho sa bagay na dapat ang mga ito ang gagawa.

"Hindi ako makapaniwalang nasa tabi na kita ulit ngayon," bulong muli sa kaniya ni Luke at tila mas humigpit ang pagkakayakap nito sa kaniya. Para bang ayaw nitong pakawalan siya sa pagkakakulong mula sa mga bisig nito.

Ngunit bago pa tuluyang malunod sa kakaibang sensasyong hatid ng pagdidikit ng kanilang katawan ay itinulak niya ito. Walang lingong likod na tinalikuran niya ito at hindi na rin siya nagtangkang kausapin ang binata. Nahihirapang pumanhik siya. Akala niya'y ang bangungot na kanina ang pinaka-mabigat na mararamdaman niya ngayong gabi ngunit hindi pala. Dahil mas nagsisikip ang dibdib niya sa presensiya ni Luke. At nalilito siya sa inaakto nito. Bakit tila sabik na sabik itong makita siya?

Napadapa siya sa kama. At nahuli na lamang niya ang sariling humahagulgol. Ang bigat bigat talaga ng puso niya. At hindi niya na namalayang nakatulog na pala siya sa pagitan ng pag-iyak.

WALA sa sariling nakatulala si Sydney sa pool. Kanina pa niya sinusubaybayan ang paggalaw ng tubig. Humugot siya ng malalim na hininga nang may dahong nalaglag mula roon. Nagmukha tuloy itong peklat sa paningin niya.

"Hala, anong drama? Ang aga aga, nakasimangot ka riyan?" tanong sa kaniya ni Wincy. Hindi niya namalayang nakalapit na ito. May iniabot itong tasa ng kape at tinanggap naman niya iyon.

Sumimsim muna siya ng kape bago ito sinagot, "wala lang. Ang epal kasi ng dahon eh," aniya at sumimangot muli. "Salamat pala sa kape."

Nginitian naman siya pabalik ni Wincy, "Hay, nako. Kung hindi kita kilala iisipin ko talagang baliw ka dahil diyan sa palusot mo. Come on, spill it. What's with that face?"

"Dahon nga kasi."

"Sus, bakit ka naman ma-stress sa mga dahon na 'yan? Eh normal lang namang magtampisaw sila riyan sa pool. Deserved na rin nila kasi ang tagal nilang nakatiwangwang sa sanga."

Natawa naman siya sa sinabi nito. May pagkakatulad talaga silang magpinsan, kakaibang mag-isip.

"Tinatawa mo? Baliw ka na talaga," naiiling na sinabi nito at inisang lagok ang laman ng tasang hawak nito.

Coffee addict si Wincy. Halos lahat na nga yata ng flavor sa Starbucks ay natikman nito. Nandoon na mayroon din itong collection ng iba't-ibang klase ng mugs from the said coffee shop.

"Hindi ba makakasama sa baby mo ang kape?"

"Gaga! Gatas 'to. Maka-react, hindi man lang sinigurado kung anong iniinom ko," asik nito sa kaniya.

"Sorry naman. Tao lang, nagkakamali."

"Sus. Palusot ka pa. Mag-love life ka na kasi para hindi ka nagsesenti riyan! Dinadamay mo pa 'yong dahon. If I know, lalaki 'yang iniisip mo."

"Tsk. Pati ba naman ikaw? Intindihin mo nalang 'yang kasal mo. Hindi 'yong pinapakailaman mo pa ang love life ko," muli siyang napatingin sa pool. Mas dumami yata ang mga dahong palutang lutang roon. "Hay, ang pangit talaga. Parang sugat or peklat," reklamo niya.

"Tama ka. Parang sugat o peklat. Pero nasa millenial world na tayo, uso na ang iba't-ibang treatment sa derma para mawala ang peklat," makahulugang sabi nito na ikinakunot ng noo niya.

"Saang lupalop mo naman nahugot 'yan?"

"Sa ilalim ng pool, 'te! At oo nga pala, kung pinoproblema mo talaga ang mga dahon na 'yan. Might as well, gumawa ka ng paraan. Hindi 'yong magmumukmok ka riyan at magrereklamo na para bang pasan mo ang mundo," tumayo na ito mula sa pagkakaupo.

"Salamat naman at aalis na 'yong asungot," bulong niya at pinagbubunot ang mga damong nagsilbing carpet na kinauupuan niya.

Napataas naman ng kilay ang pinsan niya sa narinig. "Excuse me? May sched kami ni Red ng 10am sa wedding organizer. Alas-otso na kaya at ayaw kong ma-late!" paliwanag nito sa kaniya. Agad namang napalis ang taray mode nitong itsura nang mapalingon ito sa loob ng bahay. Sa sala, to be specific.

"Luke!" tawag nito sa pangalan ng binatang dahilan kung bakit ang aga aga niyang nagmumukmok. Anak ng tipaklong naman talaga 'tong pinsan niya.

Hindi niya magawang lingunin din ang taong tinawag ng pinsan niya. Narinig na lamang niya ang mga papalapit na yabag sa puwesto nila. Kating kati tuloy siyang tumayo at pumanhik nalang.

Pero bago pa man niya magawa ang plano ay naunahan na siya ni Wincy.

"Samahan mo nga muna itong si Sydney. Baka magpakamatay eh!"

Napatampal nalang siya sa noo. Kahit kailan talaga, pahamak ang babaeng ito. Sinamaan niya ng tingin si Wincy pero parang hindi naman ito nasindak sa ginawa niya. Sa halip ay nginitian pa siya nito ng makahulugan.

"Hi," bati sa kaniya ni Luke. Kahit hindi pa rin nililingon ito ay alam niyang siya ang kinakausap nito. Tuluyan na kasing umalis ang bruha niyang pinsan.

"Pwedeng tumabi?" tanong nito sa kaniya. Napahugot nalang siya ng malalim na hininga at tinanguan ito.

"Nag-breakfast ka na ba?" tanong ulit nito sa kaniya. Para bang hindi nito napapansin na wala siyang balak na kausapin ito.

"Ang pangit talaga," sambit niya na ang tinutukoy ay ang mga dahong nagtatampisaw sa pool. Hindi na lamang niya sinagot ang tanong ni Luke. Ayaw niyang kausapin ito at baka traydurin pa siya ng kaniyang puso.

Napalingon na lamang siya ng marinig ang malakas na pagbunga nito ng hangin.

"Tara, ligo tayo!" anito at bigla siyang hinatak patayo. Dahil sa lakas na taglay nito, hindi niya nagawang makawala sa pagkakahawak nito sa kaniyang braso.

Kaya napapikit na lamang siya nang matangay siya nito patalon sa swimming pool. Napahilamos siya sa kaniyang mukha nang maramdaman ang paglandas ng tubig sa kaniyang mukha. Nahagip din ng paningin niya ang ilang dahon na kanina lamang ay nilalait niya.

"Bwisit ka, Luke! Ano bang trip mo?" singhal niya rito at pinagpapalo ito sa dibdib. Para namang hindi nito minasama ang ginawa niya at sa halip ay sinabuyan siya nito ng tubig galing sa pool.

"Urgh! Luke! Ano ba?!"

"Smile naman diyan, kanina ka pa nakasimangot eh," sabi nito at muli siyang sinabuyan ng tubig.

Walang anu-ano ay sumalo na rin ang palad niya ng tubig at sinabuyan na rin ito. Hindi niya tuloy napigilan ang sarili na mapahalakhak nang tila malunod ito sa ginawa niya. Halos inumin na nito kanina ang tubig na sinalo ng mukha nito.

Continue Reading

You'll Also Like

6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
8M 480K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!