My Man in the Mirror (✔)

By xarisagape

1.4K 109 13

Isang hopeless romantic ang drama ni Sydney sa edad na bente siyete. No boyfriend since birth kasi siya at pr... More

My Man In The Mirror
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Epilogue
AUTHOR'S NOTE
Author's Note v.2
SPECIAL CHAPTER
TEASER
OPEN LETTER
My Man in the Mirror
HELLO 2020 #QuaranThink

Chapter 1

124 7 0
By xarisagape

KANINA pa siya nasisiyahang pagmasdan ang kaniyang pigura. Bagay na bagay talaga sa kaniya ang kulay beige na long gown na suot ngayon. Lalong lumitaw ang kaputiang taglay niya. Bumagay rin sa kaniya ang light make up na sadyang ni-request pa niya sa make up artist. Ayaw kasi niyang magmukhang clown at hindi naman Children's party ang dadaluhan niya.

"Bakit ganoon? Ang nipis nipis lang ng make up mo pero mas maganda ka pa rin sa akin. Ang pangit ko namang bride dahil sa existence mo," nakangusong sabi ni Trina habang nakatingin sa kaniya. Kakatapos lang nitong make-up-an at hinahanda ang traje de bodang isusuot nito kaya naiwan sila sa kwarto nito.

Trina is her best friend. Nagkakilala sila noong nagtake siya ng entrance exam sa UP kung saan sila grumaduate ng college.

Natawa naman siya sa sinabi nito. Naiiling na hinarap niya ito, "sisihin mo ang genes ni Cindy at Sean. Masiyado nilang ginalingan."

Hinagis nito ang hawak na ponytail sa gawi niya, "sira ka. Nadamay pa ang mga magulang mo," natatawa na rin nitong sabi sa kaniya.

"Why not? Sila ang rason kung bakit may kaibigan kang diyosa ngayon," aniya at kinindatan pa ito.

Trina rolled her eyes. "You're impossible, Syd! Kung hindi ko lang alam na no boyfriend since birth ka. Iisipin kong maysa-pervert ka eh. 'Yong totoo? Never been touched and never been kissed pa ba talaga ang drama mo, ha?"

"Ano ba! Huwag mo nga akong itulad sa iyo. Grabe ka," namumulang sabi niya at inirapan ito. Minsan talaga napaka-vocal nito sa mga ganoong usapan eh. Ewan ba niya kung bakit naging kaibigan niya ito samantalang opposite talaga sila pagdating sa ganoong bagay.

"Look at you, para kang pinakain ng maraming Korean food. Ang pula pula mo," natatawang sabi nito. Halatang enjoy na enjoy siyang pag-tripan.

Mabuti nalang talaga at dumating na ang wedding organizer. Dala na nito ang traje de bodang susuutin ni Trina mamaya.

"SYD, kailan ka susunod? Ikaw nalang ang single ngayon sa atin ah. Huwag mo sabihing magmamadre ka?" tanong sa kaniya ni Jet. Nakaakbay ito sa asawang nakalulon yata ng pakwan kaya ang laki ng tiyan. Okupado nila ngayon ang isang round glass table na maayos na nakahilera sa reception ng kasal.

Magkakasama na naman sila ng barkada niya noong college. Kung bakit ba kasi ito lang ang mga kakilala niya sa mga bisita? Mukhang siya na naman ang pagpipyestahan ng mga ito.

Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang impit na tawa ng mga kasama. Edi sila na may love life! Kaloka.

"Hindi ako pwedeng magmadre, kawawa naman ang mapapangasawa ko. Baka tumandang binata," sagot niya rito dahilan para sabay sabay na magtawanan ang mga kasama niya.

"Ilang beses mo na bang sinabi 'yan? Hanggang ngayon wala pa rin 'yong mapapangasawa mo. Aba, hindi ka na bumabata!" paalala naman sa kaniya ni Nixi. Parang kailan lang tagapagtanggol niya pa ito noon. Palibhasa kasi kaka-engage lang nito sa long time boyfriend nito.

"Ah, basta. On the way na siya 'no. Kaya please lang 'wag kayong atat!"

Ewan ba niya kung bakit mas apurado pa ang mga ito sa kaniya. Alam niyang hindi naman na talaga siya bumabata. Sa edad na bente-siyete ay naiisipan na rin naman niyang lumagay na sa tahimik. Ma-inlove, magpakasal, at bumuo ng isang tahimik at masayang pamilya. Pero paano mangyayari iyon kung wala pa rin si the one?

"Hindi naman sa atat kami, Syd. Nag-aalala lang kami. Pansin mo naman, hindi na tayo katulad noon na isang yaya lang eh magkikita kita na para gumala at pumunta sa kung saan saan. Kita mo namang halos lahat kami may asawa na. Iba na ang priority namin, kumbaga. Pangit naman na baka magtampo ka pa sa amin kapag hindi ka namin napagbigyan o nasamahan. Saka masayang magkaroon ng inspirasyon sa buhay," sabi naman ni Lex. Hindi nito kasama ang asawa dahil kakapanganak lang at kailangan pang magpahinga. Mabuti na nga lang at nakadalo pa rin ang kaibigan nila. No wonder, mahal na mahal ito ng asawa at alam nito kung gaano kaimportante ang ganitong event sa buhay ng asawa.

"True. Masarap magmahal 'te! Masaya 'yong pakiramdam na uuwi ka sa bahay hindi lang para magpahinga dahil sa stressful na araw kundi dahil excited kang makita ang taong dahilan kung bakit nakakangiti ka pa rin sa kabila ng pagod," sang-ayon naman ni Narissa. Ito ang naunang nagpakasal sa kanilang lahat.

"Sana naman sa kasal namin ni Franco, may boyfriend ka na. Huwag kang mag-alala. Sasabihin ko sa kaniyang next year na kami magpapakasal, para may time ka pa," ani Nixi.

"At talagang binibigyan mo pa ako ng ultimatum? Para namang ang tagal nang sinasabi mong next year eh hello? Ilang linggo nalang at January na!"

Sabay sabay na namang nagtawanan ang mga kasama niya. Palagi nalang ganito ang mga ito sa kaniya. Hindi niya malaman tuloy kung sumpa ba ang pagiging isang single kapag kasama niya ang mga ito.

"Isa lang ang ibig sabihin no'n, Syd. Kailangan mo nang makahanap ng mapapangasawa as soon as possible."

"At para namang bibili lang ako ng damit kung makapagsalita ka riyan, Jet. Hindi minamadali ang pagdaan sa EDSA, tandaan n'yo 'yan."

"Ayan na naman po tayo sa mga banat mong ganiyan. Kaya ka single eh, ang lalim mo kasi minsan!"

"Compliment ba 'yan? Sa EDSA ang naisip ko eh. Malay n'yo naman kasi 'di ba? Na-traffic lang?"

Sa huli ay sumang-ayon nalang ang mga ito sa kaniya. Nagsimula na rin ang program kaya na-divert din ang attention ng mga ito sa totoong bida ng pagtitipong ito. Masaya talaga siya para sa kaibigang si Trina. Mabuti pa ito at nahanap na ang prince charming nito. Samantalang siya? Halos ilang bulalakaw na ang dumaan, ilang kahilingan na rin ang nausal niya pero hanggang ngayon? Zero pa rin ang love life niya. Tama nga siguro ang sinasabi ng mga kaibigan niya, tatandang dalaga siya.

Huwag naman sana.

"NAKAPAG-file ka na ba ng leave sa trabaho mo?" tanong sa kaniya ng kaniyang ina. Halos araw-araw na siyang kinukulit nito simula nang matanggap ang wedding invitation ng kaniyang pinsan na si Wincy. Si Wincy ang pinakamalapit niyang pinsan at kahit mahigit isang dekada na siyang hindi umuuwi ng San Agustin ay hindi iyon naging hadlang para maging malapit sila ng pinsan. Nagkikita naman kasi silang dalawa sa tuwing magagawi sa Manila si Wincy.

"Opo, kaka-approve lang po kanina."

"Good. Bukas na bukas din babiyahe tayong San Agustin. Nako, ilang beses na 'kong kinukulit ng mga pinsan mo. Lalo na 'yong lola mo. Ewan ko ba naman sa'yo kung bakit hindi ka man lang nagbakasyon doon?"

"Mommy, alam mo namang masiyado akong naging busy dito. After my graduation, in-absorb agad ako sa company kung saan ako naging intern. Ni hindi ko nga naranasang magkaroon man lang ng long vacation katulad ng mga classmate ko, eh."

Totoong hindi niya naranasang mabakante ng kahit isang buwan man lang pagkatapos niyang mag-aral. Nagustuhan kasi ng supervisor niya ang naging performance niya at talagang ni-refer siya nito noong magkaroon ng bakante sa kompanya. Nagkataon namang akma sa kurso niya ang nabakanteng posisyon kaya hindi na siya nagdalawang isip pa.

She kept herself busy here in Manila. At sa mga pagkakataong nabibigyan siya ng break, kasama naman niya ang kaniyang barkada upang magliwaliw sa kung saang sulok ng Pilipinas. Iyon ang common denominator nilang lahat, they love to travel and explore the beauty of the Philippines. Kahit na may kakayahan naman silang makapunta sa labas ng bansa, mas pinipili nilang tangkilikin ang sariling bansa. Mas masaya nga namang masaksihan at i-appreciate ang sariling atin.

"But still, gaano ba kalayo ang San Agustin para hindi mo dalawin, Sydney? Totoong sinabi namin ng Daddy mo na maganda ang opportunity kung dito ka sa Manila mag-stay for good pero hindi namin sinabing bawal ka nang umapak sa lugar kung saan ka lumaki. Kung hindi ka busy sa trabaho eh sa pagliliwaliw mo naman inuubos ang oras mo. Hindi mo ba sila nami-miss, ah?"

Ito na naman sila ng kaniyang ina. Kaya minsan ayaw niyang mag-stay sa bahay nila. Palagi nalang nitong sinasabi ang mga iyon. Ilang beses na rin siyang nangangatwiran dito na pilit naman nitong binabaluktot. Hindi lang talaga niya maamin sa mga magulang na may dahilan kung bakit ayaw niya nang bumalik doon.

"K-kayo na?" basag ang boses na tanong niya rito. Nandito sila ngayon sa burol kung saan madalas silang tumambay na magkaibigan.

"Yes!" maaliwalas ang mukhang sagot sa kaniya ni Luke. Parang nanalo ito sa lotto kaya ganoon na lamang ang sayang nararamdaman nito.

"O-okay," aniya. Hindi niya magawang maging masaya para rito. Hindi niya alam na magiging ganito kasakit. Napaghandaan naman niya 'to. Alam naman niyang darating sa puntong sasagutin din ito ni Lindsay pero bakit parang dinudurog ang puso niya?

Naging malapit sila ni Luke dahil na rin sa pinsang si Wincy. Magkaklase kasi ang dalawa. Sa una ay iniwasan niya ito. Hindi kasi talaga siya 'yong tipo na basta makikipagkaibigan sa hindi niya kakilala, unless may pagkakapareho sila. At nang tumagal, hindi naman naging mahirap ang kaibiganin ito. Marami silang napagkakasunduan, dagdag pang napakadali para sa kanilang dalawa ang magsabi ng sikreto at hinanaing ng isa't-isa. They became close to the point na napagkakamalan na silang kambal tukong hindi mapaghiwalay.

"Aren't you happy for us?" may pag-aalalang puna nito sa kaniya. Marahil ay napansin nito ang biglang pagbabago ng mood niya. Paano nga ba nitong hindi mahahalata samantalang kilalang-kilala siya ni Luke.

"Of course, I am."

Halata namang hindi ito kumbinsido sa sinabi niya kaya muli itong nagtanong ng problema. Hindi naman niya malaman kung sasabihin ba rito ang totoo o hindi na? Mula kasi ng maging malapit sila ay nangako silang hindi maglilihim sa isa't-isa. Kaya nga ganoon nalang kung magkwento ito sa kaniya tungkol sa pagtingin nito kay Lindsay. Tinitiis niya ang mga kwento nitong may kinalaman sa dalaga. Pinipilit niyang ipakita na willing siya na pakinggan ito kahit deep inside, nasasaktan siya.

Hindi naman niya mai-de-deny ang katotohanang nahuhulog na ang loob niya para sa kaibigan. Balak niya sanang sabihin iyon sa binata pero dahil sa nakikita niya ang kislap sa mga mata nito at masayang kwento nito tungkol kay Lindsay, napagpasyahan niyang itago na lamang iyon sa sarili. Wala rin naman kasing magandang mangyayari kung aamin pa siya. Hindi rin naman nito masusuklian ang nararamdaman niya.

"Syd, come on. Spill it. Alam mo namang ayaw kong nakikita kang hindi okay, eh," malungkot ang tinging sabi nito sa kaniya.

Bakit ba kasi nahulog pa siya sa isang ito, eh? Hindi tuloy niya magawang maging masaya para sa kaligayahan nito.

"W-wala. Don't mind me. Masaya ako para sa inyo, maniwala ka."

Sa huli ay sumang-ayon na lamang ito at nagpatuloy na naman sa pagkukwento sa kaniya. Lumipas ang ilang buwan at ganoon pa rin ang set up sa tuwing magkasama sila ni Luke. Magkukwento ito nang kung anu-ano at hindi pwedeng hindi maisingit ang kasintahan. Nandoon na hinihingi pa nito ang opinyon niya sa mga surprises na naiisip nito para sa monthsary nila. Hindi tuloy niya maiwasang mainggit kay Lindsay. Mabait naman ang kasintahan nito ngunit hindi pa rin pala sapat iyon para huwag siyang makaramdam ng selos. Dahil habang nakikita niya ang mga positibong katangian nito, mas lalong lumiliit ang tiyansa na magustuhan siya ng taong tinatangi niya.

Isang araw, inaya niya si Luke na magpunta ng Rizal. Naimbitahan kasi siya na mag-hike doon. Excited din siyang makita ang mga windmill plant na balita niya'y mayroon din sa lugar. Isa rin ito sa mga bagay na napagkakasunduan nila ni Luke, ang magpunta sa kung saang lugar.

Pero ganoon nalang ang disappointment na naramdaman niya nang i-reject nito ang invitation niya. Unang beses nitong ginawa iyon. Kahit kasi sabihin pang naging sila na ni Lindsay, he always find time to be with her especially when she's about to travel somewhere.

"Bakit ayaw mong sumama? Luke, akala ko ba gusto mong makakita ng windmill? Mayroon nga sa malapit oh. Ang labo mo naman," reklamo niya dito. Hindi niya itinago sa boses ang pagtatampong nararamdaman para dito. At mas lalo lang bumigat ang nararamdaman niya nang marinig ang sinabi nito.

"I'm sorry, Syd. Kung alam mo lang, gustong-gusto kong umoo pero kasi iniisip ko si Lindsay, eh. Pansin mo naman siguro recently na hindi na ako masiyadong sumasama sa iyo. Sinabihan kasi niya akong umiwas muna ako sa iyo, eh."

May hinanakit na tinignan niya ito. Hindi siya makapaniwalang lalabas ang mga salitang iyon sa bibig nito. At bakit parang kasalanan pang samahan siya nito? Ganoon naman na talaga sila bago pa magkaroon ng Lindsay sa buhay nito.

"Sorry, Syd. Nagseselos kasi sa'yo si Lindsay eh. Ayaw ko namang mag-away kami. Alam mo naman 'yon 'di ba?"

Para siyang biglang nanlambot sa narinig. Hindi niya maiwasang masaktan. Akala niya wala ng may mas sasakit pa sa katotohanang hindi siya mamahalin ng taong mahal niya. Pero hindi pala, mas masakit pala iyong katotohanan na pipiliin nito ang taong dahilan kung bakit siya nasasaktan. Mas masakit pala na parang bumubuo ito ng napakalaking pader sa pagitan nila para lamang pangalagaan ang relasyon nito sa babaeng iniibig.

"I'm sorry," hinging paumanhin muli sa kaniya ni Luke. Ayaw man niyang isipin ngunit bakit tila nasasaktan din ito na tulad niya? Iwinaksi na lamang niya ang naiisip. Ayaw niyang umasa sa wala.

"O-okay. Siguro nga tama lang na huwag na tayong masiyadong maging malapit sa isa't-isa. Huwag ka rin palang humingi ng sorry. Gets ko naman," aniya at tumayo na. Hindi na niya hinantay ang sagot ni Luke. Mabilis niyang tinalikuran ang binata at nang masigurong malayo na siya dito, saka parang ulan na bumuhos ang mga luhang kanina pa gustong maglandas sa kaniyang mukha. Siguro nga, tama lang na layuan niya na ang binata. Baka sign na rin iyon na kailangan na niyang tanggapin ang sinasabi ng parents niya. Matagal na siyang kinukulit ng mga ito at kung sakali mang tatanungin ulit siya ng kaniyang mga magulang. She'll surely say yes. If leaving this town would help her get through this heartache, then she will take risk! If living her life in Manila would help her mend her heart, gagawin niya kahit pa mapalayo siya sa kaniyang lola at mga pinsang sobrang napalapit sa kaniya.

Continue Reading

You'll Also Like

10.6M 571K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
3M 77.4K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
1.4M 19.6K 42
Dice and Madisson