Wish You Were Here (With Me)

By CatchMeStories

6.2K 79 32

Love is lovelier the second time around? Si Ashley, simula ng malaman niyang nabuntis siya ng kasintahang si... More

Wish You Were Here (With Me)
Prologue (Dedicated to all Single Mom)
Chapter 1 --> Erick, met his unknown child.
Chapter 3

Chapter 2 (Kyle's Proposal)

659 11 0
By CatchMeStories

Wish You Were Here (With Me)

By: CatchMe

Chapter 2

"OPO, mommy." masayang sambit nito. "Kailan po ako magkakaroon ng daddy, mommy? Gusto ko na po talaga magkaroon ng daddy. Ako lang po yata ang walang daddy sa school 'eh," wika ng kanyang anak na mapakamot sa ulo. "Mommy?" pukaw nito sa kanya nang hindi siya nakasagot.

Ewan niya kung bakit bumilis ang tibok ng kanyang puso ng marinig ang pangalang Erick. Dahil ba sa umaasa pa rin siyang muli silang magkikita ng dating kasintahan? Na naniniwala pa rin siya na babalik ito sa kanya para magsama sila?

Pero imposible naman kung magkatotoo ang nasaisip niya. Kasi, kung talagang gusto siya at mahal siya ng dati niyang kasintahan na si Erick ay hindi siya nito iniwan. O kaya ay balikan manlang siya nito noong mga oras na kailangan niya ito.

Pero hindi 'eh. Hindi siya nito binalikan. At hindi manlang siya nito inalala. Ni wala na nga siyang narinig na balita dito simula ng iwan siya nito sa kanyang boarding house noon. Siguro nga hindi talaga sila para sa isa't isa. Kung kaya't nangyari iyon sa kanya. Dahil hindi sila itinadhana ni Erick.

Pilit siyang ngumiti na hinawakan sa magkabilang pisngi ang anak.

"Malapit na malapit na baby. Basta, good boy kalang parati ha?" aniyang hinalikan sa pisngi ang anak.

Ipinilig niya ang kanyang ulo para alisin sa kanyang isipan ang dating kasintahan. Siguro, nagkataon lang na magkapangalan ang bagong kaibigan ng anak niya sa pangalan ng dati niyang kasintahan.

"Opo, Mommy. Promise po," napayakap na sagot naman ng kanyang anak.

"I love you, baby ko.." sambit niyang nakangiting gumanti ng yakap dito.

"I love you too, Mommy.." sagot din nitong nagpakarga pa sa kanya.

"Tara, kain na tayo." masayang yaya niya sa anak na masaya ring sumang-ayun sa kanya.

TAPOS nang magbihis si Ashley ng kanyang damit pang alis. Naka spaghetti strap na polka dot mini dress siyang above the knee ang haba. Nag apply na rin siya ng kaunting pressed powder at nag lagay lamang ng lip gloss. Dahil hindi naman niyang kailangan maglagay ng lipstick dahil natural lang na mapula ang kanyang labi.

Itinali na rin niya ang kanyang mahabang buhok na mas lalong magpalitaw sa maputi at makinis niyang leeg.

Isinuot din niya sa kanyang tenga ang munting rice pearl earing niyang iniregalo ng kababata niyang si Kyle noong last birthday niya. Tsaka siya nagwisik ng mild scent perfume niyang Ricci-Ricci. Napangiti siyang tumingin sa whole size body mirror niyang nasa kanyang kwarto.

Kahit sinong nakakakita sa kanya ay hindi naniniwalang may anak siya. Dahil sa taglay niyang kagandahan at perpektong hugis ng katawan ay hindi kapansin pansing isa na siyang nanay.

Dahil nananatiling maganda ang hugis ng kanyang katawan. Nasa tamang lugar ang curves niya. Ang kanyang boobs ay tayong tayo parin dahil hindi manlang nagdede sa kanya noon ang kanyang anak ng baby pa lamang ito.

Muli siyang napangiting humakbang sa kanyang Shoe Rack at kinuha ang two inches wedge sandal niya at lumapit sa kama. Napaupo siya sa kanyang kama habang isinusuot ang kanyang two inches wedge sandal. Tsaka muli siyang napatayo at humarap sa salamin.

Ngayong gabi kasi ay inaanyayahan siya ng kanyang kababatang si Kyle para mag dinner date sa labas. At ang hinala niya ay magtatapat na ito sa kanya mamaya at hindi naman niya ito bibiguin kong magkakataong tama ang kanyang hinala.

Napalingon siya sa kanyang tokador ng magring ang kanyang cellphone. Napahakbang siyang papalapit sa kanyang tokador at malawak ang ngiti ng makitang pangalan ni kyle ang tumatawag.

"Hello--"

"Are you done?" agad na tanong nito ng sagutin niya ang kanyang cellphone.

"Yep!" nakangiting sagot niya.

"I'm coming, and I'll be there in five minutes, okay?"

"Okay.." aniya ng magpaalam na ang kababata sa kanya. Tsaka niya inioff ang kanyang cellphone at kinuha ang kanyang handbag.

Muli niyang sinulyapan ang sariling reflection sa kanyang salamin at napangiti. Tsaka siya tuluyang humakbang palabas ng kanyang kwarto. Para hintayin na lamang ang kababata sa sala ng kanilang bahay.


HUMANTONG sina Ashley at Kyle sa restaurant ng isang sikat at kilalang hotel sa bansa. Ang Golden Crown Hotel, kung saan ay nasa third floor sila dahil nandoon ang naturang restaurant ng hotel.

"Here," abot ng binata sa kanya ng menu list.

Tumingin naman siya at pumili ng kanyang kakainin. Umorder siya ng isang serve ng carbonara, iced tea, at pineapple pie for dessert. Natatawa siya sa kanyang sarili sa isiping nasa isang sikat na restaurant ng hotel siya at nag oorder ng pagkain na meron din sa kanyang sariling restaurant.

"Well, para makatikim naman ako ng luto ng iba." ani na lamang niya sa sarili na ibinaba na ang menu list.

Binalingan niya ang waitress na nakangiting nakatayo sa kanyang tagiliran at hinihintay ang kanilang order. Matapos sabihin ang kanyang napiling pagkain ay binalingan niya ang nakangiti niyang kababata na kanina pa hindi inaalis ang paningin sa kanya.

"Why?" nakangiti ring tanong niya dito.

"Nothing.." mahinang napatawa ito tsaka napailing sa kanya.

"Hush, alam kong meron eh. Ayaw mo lang sabihin. Ano ba yun? At kanina pa kita nahahalatang panay ang ngiti mo. Masaya kaba?" pabirong sambit niya dito.

"Well, sort of."

"Hmmm, ganun? Masaya kalang kaya kanina kapa nakakangiti diyan?" kunyaring napataas siya ng kilay dito. "Share mo naman sakin ang kasayahan mo." pabiro pang dagdag niya.

"You look stunning.." pag iiba ng binata dahilan ng mahina niyang pagtawa. "And more beautiful.." dagdag pa nito.

"Alam ko at matagal na. Ngayon mo lang ba napansin?" pabiro pa ring sagot niya dito at muling napatawa. Natawa na rin ang binatang sinang ayunan ang kanyang sagot dito.

Ilang sandali pa silang nagkwentohang dalawa at nagpalitan ng jokes. Hanggang sa dumating na rin ang kanilang order at masaya nilang pinagsalohan ang kanilang pagkain.

"ASH.." maya-maya ay agaw ng pansin ni Kyle sa kababatang si Ashley.

Tapos na rin silang kumain at tanging dessert na lamang ang natira sa kanilang table.

"Hmmm?" napataas ito ng paningin at nakangiti habang ang mga mata ay tila nagtatanong.

Naglinis muna siya ng bara ng lalamunan bago naglakas loob na sinalubong ang mata ng kababata.

"Ahm, I dont know where to start.. Pero.. ahm.."

NAPANGITI si Ashley sa reaksyon ng kababatang si Kyle. Tila ito hindi mapakali na nakatitig sa kanya. Kaya mas lalo pa siyang napangiti para mabawasan ang kaba nito.

"Why? May sasabihin kaba?" aniyang uminom ng kanyang iced tea.

"Alam mo naman matagal na tayong magkakaibigan diba? At napapansin ko kasi na napadalas na ang paglalambing ni Enrique na sana magkaroon siya ng totoong daddy.. Naisip ko kasi na..." napabuntong hininga muna itong at muling nagsalita. "Na.. Na gusto sana kitang ligawan.." pagtatapos nito sa sinasabi nito sa kanya.

Ilang sandali muna siyang natahimik ng mapalis ang kanyang ngiti at tinitigan lang ang hindi mapakaling kababata. Mayamaya ay muli siyang napangiti ng hawakan nito ang kanyang kamay na nakapatong sa kanilang mesa.

"Kyle.." pag uumpisa niyang napayuko muna. Habang ang binata ay parang nagpipigil ng hiningang naghihintay ng kanyang sagot. "Kyle.." pag uulit niyang napataas na ng tingin ngunit nakapaskil pa rin ang kanyang matamis na ngiti sa kanyang labi.

"Hindi mo na siguro kailangang manligaw sakin.." aniyang bahagyang pinutol ang sasabihin pa sana dito.

Mas lalo siyang napangiti ng biglang napalaylay ng balikat ang binatang tila natalo sa isang sugal ang mukha..

"Dahil ang pananatili mo sakin ng mahigit limang taon ay sapat na para malaman mo ang sagot ko sa sinasabi mong gusto mong manligaw.."

Nagugulohang napatingin muli ang kababata niya sa kanya na hindi makuha ang ibig niyang sabihin.

"A-anong ibig mong sabihin Ash?" napakunot ng noong tanong nito na hawak hawak pa rin ang kanyang kamay sa ibabaw ng mesa.

"Tulad ng sinabi ko, hindi mo na siguro kailangang manligaw pa dahil.. Sinasagot na kita." masigla ang boses na sambit niya sa nagliwanag na mukha ng binatang kanyang kababata.

"W-what? Really?" masayang sambit din ng binatang hindi napigilan ang mapataas ng boses dahil sa kasayahan. " Ash, seryoso ka ba sa sinasabi mo?" Hindi pa rin makapaniwalang dagdag nito.

"Yes, mukha ba akong nagbibiro?" natatawang sagot niya nang bigla napatayo ang binata at mabilis na lumapit sa kanyang kinauupuan.

"Ash--" speechless na sambit ng binata ng tuluyang nakalapit sa kanya "Meaning...tayo na?"

"Yes, Kyle.. As in, tayo na."

"Yes!" napalatak na sambit nito sabay yakap sa kanya ng mahigpit.

Habang siya naman ay natatawa sa reaksyon nitong hindi makapaniwala sa kanyang sagot. Malawak ang ngiting mapaganti siya ng yakap dito ng biglang mapalis ang kanyang ngiti. Nang mapansin niya ang isang pamilyar na rebolto ng isang lalaking naglalakad palabas ng naturang restaurant. Ang pamilyar na reboltong kahawig ng dati niyang kasintahan.

"E-Erick..." piping sambit ng kanyang isipan nang bigla siyang kinabahan.

Continue Reading

You'll Also Like

147K 205 108
This story is not mine credits to the real owner. 🔞
7.2M 231K 12
Special chapters/AUs that are written during my Write with Me session in KUMU! Join me for spoilers, polls, and prizes! Kumu: @gwy.saludes
241K 5.6K 83
*****
259K 700 74
If you love Wattpad stories about poly. Then this is the perfect compilation for you... Enjoy Reading!! WARNING! For mature and Open Minded only... I...