Chapter 3

946 22 20
                                    

Wish You Were Here (With Me)

By: CatchMe

Chapter 3

TAMA ba ang nakita niya? O dinadaya lang siya ng kanyang paningin na nakita niya si Erick? Mariin siyang napapikit habang nakayakap parin sa kababatang si Kyle. At ilang sandali pa ay muli siyang dumilat at wala na ang lalaking napagkamalan niyang si Erick na dati niyang kasintahan.

Napailing siya sa kanyang inakto at pilit na pinapakalma ang kanyang puso. Mabilis parin ang tibok niyon dahil sa sobrang kaba kani-kanina lang dahil sa nakita. Pero, imposible naman yatang si Erick nga ang nakita niya. Baka pinaglalaruan nanaman siya ng kanyang imahinasyon dahil sa ilang araw na rin siyang napapaisip sa kwento ng anak niyang si Enrique tungkol sa kaibigan nitong si Erick.

"Ash.."

Bumalik ang kanyang isipan ng bahagyang humiwalay sa pagkakayakap sa kanya ang kababatang si Kyle at nagtataka ang ekpresyon ng mukha nitong nakatingin sa kanyang mukha.

"What's wrong?" anitong hinawakan siya sa magkabilang pisngi.

Marahan naman siyang napailing dito at pilit na ngumiti ng magtama ang kanilang mga paningin.

"N-Nothing..masaya lang ako..k-kasi.. m-magkakaroon na ng daddy si Enrique." aniya na lamang dito.

Napangiti naman ito sa kanyang sagot at muli siyang niyakap ng mahigpit na tila hindi parin makapaniwalang sila na ngang dalawa.

NAIWANG mag-isa si Erick sa kanyang table ng masayang nagpaalam ang kanyang kliyente matapos makipagkamay sa kanya. Nanatili muna siya ng ilang minuto pa para itreat ang sarili sa bago niyang project with Mr. Medina. Umorder siya ng champagne sa waitress na umaasikaso sa kanya at muling napasandal sa kanyang kinauupuan para makapagrelax.

Ilang sandali pa ay dumating na rin ang kanyang order at nagpasalamat siya sa waitress bago ito tumalikod sa kanya. Hindi parin mapuknat ang ngiti sa kanyang labi dahil sa swerteng dumating sa kanya. Sunod sunod kasing project ang ibinigay sa kanya. At maliban doon ay may sarili din siyang negosyo na siya mismo ang nagpatayo.

Ang Le'Ashley Laboratory, kung saan ay nagsusupply siya ng iba't ibang klase ng chemicals sa mga kilalang perfume company sa bansa. What a blessed things ang dumating sa kanyang buhay. Sabi ng kanyang mga kaibigan at mga taong nakakakilala sa kanya ay nasa kanya na raw ang lahat.

Ngunit sa kabila ng kanyang tagumpay sa larangan ng negosyo ay may isang sekretong nakatago at patuloy na umuukilkil sa kanyang utak. Ang sekretong inilihim niya sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Ang sekretong hindi nagpapatahimik sa kanya at nagpapakunsinsya.

At iyon ay ang dati niyang kasintahang si Ashley. Napabuntong hininga siya ng pumasok sa kanyang isipan ang dating kasintahan.

"Kamusta na kaya siya?" malungkot na tanong ng kanyang isipan na muling napabuntong hininga.

Ilang taon na ang nakalipas ng iwanan niya ito noong nag aaral pa siya sa kolihiyo. Halos araw-araw at gabi-gabi niya itong iniisip. Katunayan ay ito lamang ang laging laman ng kanyang utak. Ang kalagayan nito noon na nagdadalan-tao.

Gumuhit sa kanyang mukha ang pait ng nakaraan dahil sa kanyang naalala. Malamang malaki na ang anak niya sa dating kasintahan. Siguro, kasin-laki na ng bago niyang kaibigan na si Enrique. Yung ka schoolmate ng pamangkin niyang si Sassy na anak ng ate Sally niya.

Ang cute ni Enrique at sobrang bibo pa. Napatawa siya ng mahina ng maalala ang minsang natamaan siya nito ng bola. At ang cute na mukha nitong tila nagpapaawa ng humingi ng sorry sa kanya. At ang mata nito..na katulad ng mata ng kasintahan niyang si Ashley..

Muli siyang napabuntong hininga dahil sa takbo ng kanyang utak. Ilang araw na ring laman ng kanyang isipan ang mukha ng dati niyang kasintahan. Ewan niya at palagi na lamang itong lumilitaw sa kanyang balintataw. Minsan nga ay napagkamalan pa niyang si Ashley ang mga babaeng nakakaharap niya.

Nasaan na kaya si Ashley ngayon? Nang magtapos kasi siya ng pag-aaral noon ay bumalik siya sa dati niyang boarding house. Binalikan niya rin ang boarding house ng kasintahan niyang si Ashley. Pero sabi ng landlady nito ay matagal ng umalis si Ashley at tumigil na sa pag-aaral. At walang may nakakaalam ng dahilan.

Napaisip siya na malamang ay napatigil ito sa pag-aaral dahil nga buntis ito. Gusto niyang sapakin ang sarili dahil sa kaduwagan niya noon.

Pero hindi parin siya nawalan ng pag-asa. Dahil minsan ng magkita sila ng kaibigan niya sa isang bar ay nakabanggaan niya si Alesa. Ang matalik na kaibigan ng kasintahan niyang si Ashley. Pinilit niya itong makausap para malaman kung nasaan si Ashley.

Sa umpisa ay hindi pa ito umamin. Ngunit sa determinasyon niyang malaman kung nasaan ang kanyang mag-ina ay napaamo niya rin ang matalik na kaibigan ng kanyang dating kasintahan na si Alesa. Binigay nito sa kanya ang address ng kasintahan niyang si Ashley.

Kinabukasan noon ay agad niyang pinuntahan ang address na binigay ni Alesa. Kinakabahan siya habang papalapit sa naturang address na nakasulat sa papel. Ngunit sa kabila ng kaba na nararamdaman niya ng mga oras na iyon ay hindi niya maipagkailang sabik din siyang makita at mayakap ang kasintahan. Sabik din siyang makita at mahawakan ang kanyang anak dito. Na ayun kay Alesa ay lalaki daw ang anak niya at kamukhang kamukha pa niya.

Hindi nga mapuknat ang kasayahan sa mukha niya noon habang binabagtas ang daan patungo sa lugar nina Ashley. Hanggang sapitin na niya ang ibinagay na address sa kanya.

Ngunit isang masamang balita ang sumalubong sa kanya ng marating niya ang lugar. At ayun sa kanyang napagtanungan ay umalis na pala sina Ashley sa lugar ng mga ito at walang alam ang mga kapit bahay nito kung saang lugar lumipat ang kanyang mag-ina kasama ang pamilya nito.

Para siyang binagsakan ng langit at lupa noon. Bigla siyang nanghina at hindi alam ang gagawin kung saan hahanapin ang kanyang mag-ina. Hanggang dumaan na nga ang maraming taon ngunit hindi parin niya nakikita ang mga ito. Mabigat ang kaloobang napabuntong hininga siya ng maalala ang nakaraan.

Nasaan na kaya ang kanyang mag-ina? Matagal na siyang nangungulila sa mga ito. At matagal na rin niyang pinagsisihan ang kanyang kasalanang pang-iwan dito. Madalas niyang sinisisi ang sarili dahil sa pagkawala ng kanyang mag-ina. Sinisisi niya ang kanyang sarili dahil sa kaduwagan noon. Ang kaduwagang panindigan ang bunga ng kanilang pagmamahalan ng kanyang kasintahang si Ashley.

Marahas siyang napabuntong hininga sabay inom ng kanyang champaigne. Ngunit naagaw ang kanyang pansin ng may kalakasang napalatak ang isang customer sa naturang restaurant na 'yun. Ang masayang mukha ng isang lalaking napatayo pa na tila hindi makapaniwala ang ekpresyon ng mukha. May kasama itong babae na nakatalikod mula sa kanyang table.

Malamang ay magkasintahan iyon. Or siguro nagproposed ang lalaki sa kaharap nitong babae kaya ganun na lang ang tuwa nito. Na hindi na alintana ang mga taong nasa paligid ng mga ito dahil sa sobrang kasayahan.

Mahinang siyang napatawa sa nakitang kasayahan sa mukha ng lalaki. Napailing pa siya habang nakatunghay sa dalawang magkasintahan ng tuloyan ng nakalapit ang lalaki sa kaharap nitong babae na napatayo din at yumakap sa lalaki. Hindi niya napigilang mainggit sa masayang eksena ng dalawa.

Siya kaya? Kailan din kaya niya dadanasin ang kasayahang nakikita niya sa mukha ng lalaking lihim niyang pinagmamasdan?

Malamang pag nakita na niya ang kasintahang si Ashley at ang anak nila ay tiyak ba sobra-sobra pang kasayahan ang mararanasan niya. Sana nga..makita na niya ang kanyang mag-ina..

Muli ay napabuntong hininga siya ng marinig ang pag-ingay ng kanyang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Agad niya iyong sinagot ng makita ang pangalan ng Ate Sally niya sa screen. Ngunit bahagyang naagaw ang kanyang pansin ng pumihit paharap sa kanya ang kayakap na babae ng lalaking nasa pang limang mesa mula sa kanya. Ang magkasintahang lihim niyang pinagmamasdan kani-kanina lang.

Biglang siyang nawala sa kanyang sarili nang masilayan ang mukha ng babae. At ang puso niya ay binundol ng kaba. Si Ashley ba ang nakikita niya? O dinadaya nanaman siya ng kanyang mga nakikita dahil sa pangungulila sa kanyang mag-ina?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wish You Were Here (With Me)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon