Avah Maldita (Aarte pa?) - Bo...

By simplychummy

39.5M 929K 227K

Avah Chen is my name and hating is my game. Loved by no one, hated by everyone. Half-Chinese. Pure-Maldita. More

Avah Maldita (Aarte pa?) Book is finally out!
MALDITA TIPS 101
MALDITA 1
MALDITA 2
MALDITA 3
MALDITA 4
MALDITA 5
MALDITA 6
MALDITA 7
MALDITA 8
MALDITA 9
MALDITA 10
MALDITA 11
MALDITA 12
MALDITA 13
MALDITA 14
MALDITA 15
MALDITA 16
MALDITA 17
MALDITA 18
MALDITA 19
MALDITA 20
MALDITA 21
MALDITA 22
MALDITA 23
MALDITA 24
MALDITA 26
MALDITA 27
MALDITA 28
MALDITA 29
MALDITA 30
MALDITA 31
MALDITA 32
MALDITA 33
FINAL WAVE
Thank You Note

MALDITA 25

985K 21.9K 5.9K
By simplychummy

Maldita 25

Matamlay akong bumaba papunta sa dining area. Ito na ata ang pinakamalungkot na breakfast na pinagsaluhan naming mag-anak. Ngayon kasi ang alis nina Mommy at Daddy pabalik ng China. Nakakalungkot na hindi sila dito mag-sstay for good. Masaya dahil aalis sila na ok kaming lahat. Hindi ko alam kung anong paalam ang gagawin ko mamaya sa kanila. Iiyak ba ako, yayakapin sila nang mahigpit o kakaway lang sabay sabi ng bye-bye? I'm not good in goodbyes. Hindi ako sanay na nagpapa-alam, mas sanay ako na iniiwan na lang bigla.

"Avah." Natigilan naman ako sa pag-iisip noong tinawag ni Mommy ang pangalan ko. Tumingin ako sa kanya.

"You're not listening." Sabi pa nya.

"Sorry."

"Gusto ni Daddy na samahan mo si Neo hanggang matapos ang renovation ng School Garden." Ngiting-ngiti na sabi ni Avy. Ngiti na nang-aasar.

What?! Sasamahan ko ang lalaking 'yon? Ayoko nga! Ilang oras ko nga lang sya nakasama kahapon halos maubusan ako ng dugo sa sobrang kabwisitan. Aba, baka hindi pa tapos ang renovation, wala na akong dugo.

"Po? Bakit po? Wala po akong maitutulong sa kanya."

"That's the request of Mr. Aguilar. Sabi nya, since ikaw naman ang mamamahala ng School mas mabuti kung nandoon ka to give your insights, he has a point naman anak." Paliwanag pa ni Mommy.

At talagang ni-request pa nya. Gustong-gusto nya talagang nakikitang nabwi-bwisit ako.

"Para na din maging close kayo. Malay mo, ma-develop." Pang-aasar pa ni Avy. Sa inis ko sa kanya, sinipa ko ang paa nya na nasa ilalim ng table. Lalo naman syang natawa.Pupusta ako, kinumbinsi nya si Daddy na pumayag sa bagay na 'yon. Base pa lang sa mga ngiti nya, alam ko na na sya ang may pasimuno.

Magmula noong nalaman nya na si Neo Aguilar ang architect na kinuha nina Daddy hindi na sya tumigil sa pang-aasar sa'kin. Saying na 'meant to be' daw at 'destined' kami sa isa't-isa. Yuck lang! Kinikilabutan ako sa mga terms na ginagamit nya.

Tumikhim naman si Daddy kaya napunta ang atensyon namin sa kanya.

"Do you like him?" Halos masamid ako sa itinanong ni Daddy.

"No!" Sabi ko at umiling-iling pa. Tawang-tawa naman si Avy sa naging reaksyon ko. Nag-kibit balikat na lang si Daddy at pangiti-ngiti pa.

"He's a good catch." Biglang sabi ni Mommy.

"Mom!" Iritado kong sabi. Literal akong napa-facepalm sa mga komento nila.

Kanina lang para kaming namatayan dahil sa nalalapit na pag-alis nila, tapos ngayon naging laughing stack ako ng pamilya ko dahil sa isang lalaking ubod ng yabang!

-

Habang ibinababa ni Manong Sic ang mga gamit nina Mommy at Daddy mula sa sasakyan, pinapanood ko naman ang pagyayakapan ni Avy at Mommy. Normal ba na makaramdam ako ng awkwardness sa sarili kong pamilya? Hindi naman kasi ako kasing clingy ni Avy, hindi ako mahilig sa mga hugs and kisses. I guess nakuha ko ang trait na 'yon kay Daddy. Tulad ko, nakatayo lang sya habang pinapanood ang pagyayakapan nila Avy. Napangiti na lang ako, hindi naman pala ako dapat magtaka.

Si Mommy na mismo ang lumapit sa akin, ngumiti sya sa akin saka ako niyakap.

"Ingat." Sabi ko at kumalas agad sa pagkakayakap.Isang matipid na ngiti at tango lang ang ginawa ni Daddy noong magtama ang mga mata namin. And I did the same.

Ilang paalala pa ang ibinilin ni Mommy bago sila pumasok sa loob ng Airport at iniwan kaming dalawa ni Avy.

"Paano ba 'yan? Tayo na lang dalawa." Sabi ni Avy habang papasok sa kotse namin.

"It's sucks right? I'm stuck with the drama queen." Natatawa ko pang sabi.

"Tapos you have to deal with Neo pa. Isn't it cool?" Pang-aasar pa nya.

Urgh! That jerk.

-

Day 1 with Kups.

Ang aga-aga nya akong pinapunta sa School para ipakita sa akin 'yung detailed plans nya. Nagulat pa ako kanina noong may tumawag sa akin na unknown number. Nagsisi ako bigla noong sinagot ko, nasira ang araw ko dahil sa boses nya. Hindi man lang ako na-inform na ibinigay nina Mommy ang contact number ko sa mayabang na 'yon.

Nakadagdag pa sa inis ko ang ginagawa nyang pagpapahintay sa akin ngayon. Thirty minutes na syang late! Ayoko sa lahat pinaghihintay ako. When I'm about to leave, saka naman sya dumating. Ngiting-ngiti pa sya sa akin habang naglalakad. Ang kapal talaga ng mukha!

"Ang kapal ng mukha mo para paghintayin ako." Bati ko sa kanya.

"Baka nakakalimutan mong pinaghintay mo din ako noong isang araw. Quits na tayo ngayon. Let's start working." Sabi pa nya.

"Magtrabaho ka mag-isa mo."

"How old are you? Ang aga mo atang mag-menopause." Natatawang sabi nya.

"How dare you!" I said through gritted teeth.

"Jeez, do you even know how to smile? Relax. Hindi bagay sa'yo ang magalit, lalo kang pumapangit." Lumapit pa sya sa akin at inilagay ang dalawang hintuturo nya sa gilid ng labi ko at saka pinwersa nya akong pangitiin.

"Ayan. Bagay pala sayo nakangiti eh!" Tawang-tawang sabi nya at mabilis kong tinapik ang kamay nya. Saka ko sya sinuntok sa braso na parang balewala lang sa kanya.

-

Noong makarating kami sa office ko, inilatag nya kaagad sa office table ko ang isang papel na may drawing.

"Ganyan ang kalalabasan ng School garden mo after ng renovation." Sabi nya.

"Ikaw ang nag-drawing nyan?"

"Oo. Bakit parang hindi ka naniniwala?"

I ignore his question, hindi naman kasi talaga ako naniniwala na sya talaga ang may gawa noon. Ang ganda kaya! I hate to admit it pero I was impressed when I saw his drawing.

"Alam kong humahanga ka na sa akin, pero gusto ko pa ding tanungin kung ayos na ba sa'yo yan o may gusto ka pang baguhin?" Tanong nya. Kahit kailan talaga hindi nya nakakalimutan ang maging mayabang.

"Drawing lang? Wala bang scale model?" Tanong ko.

"Kaya ko nga tinatanong kung ok na 'yan para magawan ko ng scale model eh." Paliwanag nya na parang sinasabing ang tanga-tanga ko. Bwisit!

-

Day 2 with Kups

Pinapunta nya ako sa office nya para ipakilala sa mga taong kinuha nya para tumulong sa renovation. Bored na bored ako habang naka-upo kasama sila at nakikinig sa mga sinasabi nila. Well, mukha lang akong nakikinig pero hindi naman talaga. Malay ko naman sa pinag-uusapan nila? At noong tinanong nila kung anong masasabi ko sa plano nila ito ang naging sagot ko.

"Ay? Kasama pala ako sa meeting nyo?" Sabay walk-out.

Hinabol naman ako ni Kups.

"Hey."

Inis akong lumingon sa kanya.

"Pinapunta mo ba ako dito para pagmukhaing tanga?" Diretsyo kong tanong sa kanya. Malinaw naman kasi na 'yon ang intensyon nya. Paano ba naman, kada may mapag-uusapan silang hindi ko alam, itatanong nya sa akin. Tapos kapag hindi ako makasagot, ngingiti sya nang nakakaloko.

"Honestly? Yes." Sagot nya.

"So anong feeling? Fulfilled?"

"Yeah. Natutuwa kasi ako na makitang nabwibwisit kita."

Tinignan ko sya nang masama bago ko sya tinalikuran at umalis.

"Wait. Hey." Habol ulit nya sa akin. Hindi ko sya nilingon until he grabbed my arm.

"What?!" I snapped.

"I'm sorry. Ganito na lang, I'll treat you for lunch to make it up to you." Alok nya.

"I can buy my own food." Sagot ko at umalis na. Anong palagay nya sa akin, bata? Gago ba sya?

-

Day 3 with Kups

Nagulat na lang ako noong may inabot sya sa aking bulaklak pagkadating nya sa opisina ko. Tinignan ko pa sya nang nagtataka. Ang lawak ng ngiti nya habang nakatingin sa'kin.

"Ano yan?" Turo ko pa sa bulaklak. Bibigyan nya ako ng bulaklak? Weird.

"Bulaklak, bulag ka ba?" Pamimilosopo nya.

"Joke 'yon?"

"Natawa ka ba? Hindi naman 'di ba?"

"Gusto mong ipakain ko sa'yo yan?"

"Relax! Bago ka kiligin, hindi ito para sa'yo. Uy, umasa." Tumingin pa sya sa akin para makita ang reaksyon ko. Ang kapal talaga ng mukha nya!

"Excuse me, kilabutan ka nga!"

"Ito 'yung gagamitin na bulaklak para sa garden. Sabihin mo lang kung may hindi ka nagustuhan para matanggal agad."Sabi pa nya. Kinuha ko 'yon at tinignan isa-isa 'yong bulaklak, napansin ko naman na may nakasingit na card. Kunot noo kong kinuha ang card at binasa ang nakasulat.

'Subukan mong ngumiti, baka sakaling gumanda ka.'

Imbis na ngumiti tumingin ako sa direksyon nya na nakasimangot, habang sya ngiting-ngiti.

-

Day 4 with Kups

Pinakita nya sa akin ang scale model ng garden. Ilang segundo din akong napatanga sa harapan ng scale model. Hindi ko ine-expect na magiging ganito kaganda ang gagawin nya. Detalyadong-detalyado kahit mga shrubs present sa scale model nya. Napangiti ako sa ginawa nya.

"Finally! Nakita din kitang ngumiti." Puna nya. Mabilis naman akong sumimangot.

"Nagandahan ka 'no? Come on, tumatanggap ako ng praises." Sabi nya.

"Pwede na 'yan." Sagot ko. Ayoko nga syang puriin nga sobra, baka lalong yumabang, mahirap na.

Tinignan naman nya ako nang matagal.

"Alam kong maganda ako, huwag mo akong masyadong titigan."

"Kapag kasi nakikita kita, naalala ko 'yung kanta ng This Century." Napakunot naman ang noo ko.

"Skeletons." Dagdag nya sabay tawa nang malakas. Bwisit!

-

Day 5 with Kups

Pinapasama nya ako na mag-canvass ng mga materyales na gagamitin, hindi ako sumama. Mali pala, hindi ako sumipot sa napag-usapan namin. Kaya ito, pinapasabog nya ang inbox ko dahil sa mga text messages nya. Naka-ilang tawag na din sya sa akin, hindi ko sinasagot. Bahala sya sa buhay nya.

Seryoso akong nag-o-online shopping noong kinalabit ako ni Avy.

"Phone." Inis kong kinuha ang phone sa kanya.

"Who's this?" Tanong ko.

"Sa lahat ng ayoko 'yung pinaghihintay ako sa wala! Kung hindi ka naman pala sasama, sana sinabi mo! Nasayang ang oras ko kakahintay." Halos mabingi ako sa sigaw nya. Ilang araw na kaming magkasama kaya kilalang-kilala ko na kung sino nag may-ari ng boses na 'yon.

"Relax." Ginaya ko pa ang tono ng boses nya habang sinasabi ang favorite word nyang 'Relax.'

"Oh eh 'di alam mo na kung anong feeling nang nagmumukhang tanga." Sagot ko at ibinaba ko ang phone sa may kama ko saka ako bumalik sa pag-o-online shopping. Bahala sya sa buhay nya. Aba, ilang araw nya din akong pinagmukhang tanga 'no. Nakita ko na naman 'yung scale model, bahala na syang gawin 'yon.

-

Day 6 with Kups

Kahit hindi nya ako pinapapunta, nagpunta pa din ako. Tatlong araw din ang nakalipas magmula noong hindi ko sya siputin sa lakad dapat namin kaya kailangan kong ma-update sa mga nangyari para may maibalita naman ako kina Daddy. Ngayon kasi nila sisimulan ang renovation.

Magulat-gulat na lang ako na ang daming tao sa School ko. Puro mga stupidents! Anong meron? Nagmadali pa akong pumunta sa pinagkakaguluhan nila at nanlaki ang mata ko noong makita ko na busy sya sa pagpapapicture at pagpirma!

"Anong ibig sabihin nito?" Inis na inis kong tanong.

"Bigla na lang silang lumapit para magpapicture. Sino ba naman ako para tumanggi?" Sagot nya.

"Hindi kasama sa trabaho mo ang magpa-cute." Paalala ko pa. Hindi nya ako pinansin at patuloy pa din sa pagpapapicture.

"Gusto mo mag-selfie din tayo? Baka kasi naiinggit ka."

Bwisit na bwisit akong umalis sa School. Tinawagan ko pa si Mikee at sinabing sya ang mag-update sa akin about sa renovation. Hanggang pag-uwi ko sa bahay nagdadabog ako kaya sinita ako ni Avy.

"Mabubutas na 'yung sahig natin kakadabog mo."

"Bwisit kasi 'yung Kupal na 'yon! Ang kapal kapal kapal kapal ng mukha nya! Hindi ako makapaniwala na nakatagal ako ng ilang araw kasama sya. Grabe! Dapat palagi akong naka-jacket kapag kasama sya. Ito pa, alam mo bang pinagkakaguluhan sya sa School? Hay ewan! Nakakabwisit!" Umakyat na lang ako sa kwarto ko at iniwan si Avy na nakakunot ang noo.

Day 7

Hindi na ako nagpakita sa kanya.

-

Isang linggo na akong badtrip at sira ang araw. Kahit ang ganda ko hindi nakatulong sa pagpapaganda ng linggo ko. Sino ba naman kasing gaganda ang araw kung isang buong linggo mo nang nakasama ang taong pinaka-ayaw mong makasama? Kung umasta pa akala mo kung sinong magaling! Kung hindi lang talaga ako malalagot kay Daddy, hindi ako magtyatyaga na pakisamahan ang taong 'yon. Ang hindi ko pa maintindihan kung bakit sya pinagkakaguluhan!

Continue Reading

You'll Also Like

2K 119 13
Ang tubig ay karaniwang ginagamit natin sa pang araw-araw ngunit paano kung ito ay maging isang daan para makaranas ka ng nakakatakot na pangyayari. ...
123K 7.1K 68
Dedicated sa mga lalaking writer dyan... ^__^V Pasensya na ito'y galing din po sa facebook. Kaya wala rin akong time na mag-edit... --WATTPAD READER...
52.6K 3K 15
Constance Grace has been forced into hiding and is currently waging a battle to stay alive. She is resolute in her mission to locate Ludovic Luciano...
1.1M 56.6K 152
Okay but first, who are you? An epistolary.