Business and Pleasure (COMPLE...

By CadyLorenzanaPhr

2.7M 39.9K 1.7K

Manang si Candida Iceliana o Ice kung tawagin ng mga nakakilala sa kanya. Pinalaki siya ng Lola na konserbati... More

Writer's Note:
Will, The Playboy Businessman
Ice, The Romance Writer
Liam and The Stranger
Hotdog and the Ostrich egg
Three (Malicious) Muskeeters
The Boss and The Secretary
Candice
Breaking Rules, Bolder Ice
First Kiss
In the now
Confused Will
Let's Meet
Phone S*x (SPG)
Revealed
End Chat
Kinky Kris Kringle
A Night To Remember
Sir Will
Hot Christmas Day
Surrendered (SPG)
Trouble
The Reaction
Restless
Dry Humping (Medyo SPG)
Morning S*x (SPG)
At The Warehouse
At The Beach (SPG)
At The Office (SPG)
Distraction
Unforgivable
The Truth
Tied (SPG)
Morning Session (SPG)
The Visitor
Sabotage
Sorry, not sorry
The Punishment (SPG)
Thank You!

Will's Secret

52.7K 820 11
By CadyLorenzanaPhr

SINUBUKAN ni Ice na manghimasok sa buhay ni Will. Hindi naman nito minasama iyon. Iyon nga lamang, wala siyang napala rito. Mas iginiit nito sa gabing pinuntahan siya nito sa kanyang apartment ang pagre-resign niya bilang sekretarya nito. Pero pinatunayan niya rito na matigas ang ulo niya. Hindi siya pumayag.

Natapos ang gabi na iyon na hindi sila nagkasundo. Ikinainis iyon ni Will at naramdaman niya na dahil sa pagpapakita niya ng katigasan ng ulo noon, bumabawi ito. Ngayong araw ay may biglang business trip kuno raw ito at hindi siya isinama. Hindi rin nito ipinaalam sa kanya kung saan iyon. Basta ang text lamang nito ay kapag may naghanap rito, nasa isang business trip ito.

Masasabi ni Ice na hindi niya gusto iyon. Ganoon pa man, inintindi rin niya si Will. May ginawa siyang hindi nito gusto at binabawian siya nito. Pero bakit niya ba gagawin kasi ang isang bagay na magagawan naman ng paraan? Enjoy rin siya sa trabaho. Hindi niya ito maintindihan, lalo na at hindi naman nito willing na sabihin sa kanya ang lahat.

Wala naman silang relasyon pero iyon at nag-iinarte siya. Hindi tama para sa isang kagaya niya na wala namang karapatan para dito. Dahil gusto niya ito, matindi ang nararamdaman niya para rito ay dapat ay isaalang-alang niya ang damdamin nito kaysa sa kanya. Pero siguro ay nahihirapan na rin siyang maging pagkamartir. Nagpapasalamat na lamang siya na sa kabila ng pagmamatigas ng ulo niya, ganoong kaartehan lang rin ang ipinakita sa kanya ni Will.

May mga ilang paperworks na iniwan sa kanya si Will. Para hindi maalala si Will, itinuon niya ang pansin roon. Pagdating tuloy ng hapon ay wala siyang maggawa. Sinubukan niyang kulitin si Will pero ang na-receive lamang niya na message rito ay busy ito. Pinalalamigan talaga siya nito. Pero ganoon pa man, wala pa rin naisip si Ice na dahilan para magbago ang kanyang pasya.

Alas dos ng hapon nang may hindi inaasahang dumating na bisita si Will sa opisina. Nagustuhan ni Ice na may dumating dahil may pagkakaabalahan siya dahil bilang sekretarya nito, ang isa sa mga kailangan niyang gawin ay ang mag-entertain ng mga kliyente o kung sino man na dumalaw rito. Pero muntik na siyang mapangiwi nang makita ang panganay na kapatid ni Will.

"Oh, Ma'am. Good afternoon po..." namumula si Ice. Natataranta rin siya. Alam niya na masama ang tingin nito sa kanya dahil sa nakita kahapon. Nahihiya siya.

Kaya naman bahagyang nagulat si Ice nang maganda pa ang ngiti nito sa kanya. "Magandang hapon rin. Ice, right?"

Tumango si Ice.

Inilahad ng babae ang kamay sa kanya. "Patricia. You can call me Ate Patty."

Alanganin na tinanggap at ngumiti si Ice. "Ma'am Patty na lang po."

Umiling ang babae. "No, call me Ate. Girlfriend ka ni Will. Tama lang na tawagin mo ako nang ganoon."

Napaawang ang labi ni Ice. Iyon ba ang sinabi ni Will sa kapatid nito? Nakaramdam siya ng saya sa dibdib sa isipin na iyon. Pero ayaw niyang umasa. "Oh, h-hindi po ako girlfriend ni Sir Will---"

"Whatever. Sekretarya ka niya 'di ba? And he slept with you. Hinding-hindi sisirain ng kapatid ko ang rules niya kung hindi ka espesyal sa kanya. Kaya para sa akin, girlfriend ka niya."

Namula si Ice sa sinabing iyon ni Ate Patty. Espesyal nga ba talaga siya kay Will? Gusto niyang umasa. Pero dahil wala naman talagang sinasabi sa kanya, hindi dapat niya nararamdaman iyon.

"B-bahala po kayo kung ano ang gusto niyong isipin. Pero sa tungkol kahapon, humihingi ako ng patawad---"

"'Wag mo ng alalahanin iyon. Naayos na namin ni Will ang lahat." Niyakap ni Ate Patty si Ice. "Salamat at dumating ka sa buhay ng kapatid ko."

"Ate..." nanuyo ang lalamunan ni Ice. Nagulat pero nagustuhan niya ang yakap ng kapatid ni Will. Masaya siya na nagustuhan siya nito. Magiging pamilya niya nga kaya ito? Magiging asawa siya ni Will? Nagdala ng masaya at nakakilabot na damdamin sa puso ni Ice ang mga isipin na iyon. Pero hindi. Mali ang isipin na iyon. Napakabata pa niya. Babago pa lamang sila na magkakilala ni Will. Higit sa lahat, walang ipinapangako sa kanya si Will at kailangan niyang ipaliwanag iyon kay Ate Patty.

Bahagyang kumawala si Ice sa yakap. Ngumiti siya. "Salamat rin po sa pag-welcome, pero wala po na namamagitan sa amin ni Will. Well, walang official. W-wala siyang ipinapangako sa akin."

Tinitigan siya nito. "I know it. You're special to him. Hindi niya papatulan ang sekretarya. Pangako niya iyon sa sarili niya. Hinding-hindi siya gagaya kay Papa."

Naguguluhang umiling si Ice. "Ganoon rin ang sinabi ni Will sa akin kahapon." Ikinuwento niya kay Ate Patty ang pagpupumilit ni Will na mag-resign siya bilang sekretarya nito. "Hindi ko maintindihan. Hindi niya ipinaliwanag sa akin."

"My father, well, he had an affair with one of his secretary. Ikinasira iyon ng pamilya namin, o mas magandang sabihin na iyon ang iniisip ni Will."

"Oh!" nagulat si Ice. Pero kahit ganoon, hindi pa rin nasagot noon ang tanong niya. "P-pero wala namang asawa si Will. Bakit siya matatakot na makipag-affair sa sekretarya niya? O kahit sa mga kasamahan niya sa trabaho?"

"Distraction. Hindi lang pamilya namin ang sinira ng affair namin na iyon. Ganoon rin ang Limitations. Seven years ago, muntik nang mawala ang kompanya na ito dahil sa pagpapabaya ni Papa. Masyado niyang ibinigay na lamang ang pansin sa sekretarya niya na iyon at napabayaan ang trabaho.

"Na-depress nang husto si Mama sa ginawa na iyon ni Papa, which lead to her death. Nasira na ang pamilya namin, namatay pa si Mama dahil sa kawalanghiyaan ni Papa. At ang pinakanasaktan sa tingin ko si Will sa lahat? Ang halos pagkabagsak na ng Limitations. Alam mo ba ang tungkol roon?"

Tumango si Ice. Dahil dating nasa magazine business ang Tito Marcelo niya, aware siya tungkol sa muntik ng pagbagsak ng Limitations. Noong mga panahon kasi na iyon ay ang pagmamay-ari nitong magazine business ang namamayagpag. At iyon nga ay dahil muntik nang mawala sa sirkulasyon ang numero unong competitor nito na Limitations. Isama pa na dahil sa nagtatrabaho siya sa Limitations, narinig na niya ang mga kuwento. Kaya nga kahit may pagkamahigpit na boss si Will, respetado at loyal pa rin sa mga ito ang tauhan. Isinalba ni Will ang Limitations sa mga panahong muntik ng mawala iyon.

"Nagtatrabaho na si Will noon sa Limitations, malapit na rin na matapos sa Masterals nito. Ganoon pa man, napakabata pa nito. Twenty three years old...pero ito ang pumasan sa lahat ng naging problema sa pagpapabaya ni Papa dahil sa sekretarya niya. Hindi ko kasi linya ang business. Siya ang gumawa ng lahat. Naging mahirap iyon. Pero kinaya ni Will. Para sa legacy ng pamilya, para sa empleyado ng kompanya. Isa lamang ang ginawa niyang strategy: ang huwag magpa-distract sa lahat ng bagay na may kinalaman sa trabaho. No office romance---iyon kasi ang pinakacommon na dahilan kung bakit nadi-distract ang tao sa trabaho. Kagaya nang nangyari kay Papa. Hinding-hindi niya gagawin iyon.

"Mahilig si Will sa babae at hindi naman siguro maalis iyon sa mga lalaki, lalo na at siya ang madalas na lapitan ng mga ito. But he never hit to employees. He never do office romance, o 'di kaya ay magdala ng babae rito. Work is work for him. Aware ka naman siguro sa mga patakaran niya na iyon 'di ba?"

Tumango muli si Ice. "G-ganoon pala."

Tumango rin si Ate Patty. "Naiintindihan mo na ba siya ngayon, Ice?"

"Oo." Sagot ni Ice. Naramdaman rin niya ang ibig sabihin ni Ate Patty sa kanya. Espesyal nga siya kay Will. Sa kabila ng mga paniniwala nito, sinira nito iyon para makasama siya. Ang makipag-affair sa kanya. And it wasn't just one night. More than a week na ngayon. Hindi ba at kilala si Will bilang one-night stand man? Siya ay umabot nang ganoon katagal...at wala rin na sinasabi ito na katapusan na iyon.

As long as you want. Naalala pa niyang wika sa kanya ni Will. Tumaba ang puso ni Ice roon.

Pero sandali lamang inintindi ni Ice ang magandang damdamin. Mas inisip niya si Will. May nakaraan ito at naapektuhan ito nang husto roon. Hindi maganda iyon. May sakit na dinadala ang lalaki. Nakaramdam siya ng udyok na gusto niyang ayusin ang lahat sa buhay nito. Manghihimasok na siya.

"Pero ano na ang relasyon niyo ngayon sa Papa niyo?"

Nagkibit-balikat si Ate Patty. "Masakit ang ginawa niya pero natutunan ko rin siyang patawarin sa huli. Pagkatapos ng lahat, ama ko pa rin siya. Nagkakausap kami paminsan-minsan. Pero si Will...hindi na niya gustong gawin iyon. Ni hindi niya gusto na pag-usapan si Papa. Hindi ko rin naman siya masisisi kung bakit."

"But he have a black hole in his heart. May galit siya. Hindi dapat iyon. Hindi siya tuluyan na magiging masaya kapag ganoon. Mas pahihirapan lamang niya ang sarili niya sa ganoon."

"Alam ko. Ilang beses ko na siyang sinasabihan pero nanatili na matigas ang ulo niya..." huminga nang malalim si Ate Patty. Kapagkuwan ay tumingala ito, nagliwanag ang mga mukha nang tila may naisip. "What if ikaw ang sumubok na gawin iyon?"

Kumibot ang labi ni Ice. Hindi ba at iyon ang gusto niya? Gusto niyang sumubok na manghimasok. "Ate Patty..."

Hinawakan ni Ate Patty ang balikat niya. "Alam mo ba na ang asawa ko ngayong si David ang nagbigay sa akin ng ilaw para makita ang pagpapatawad sa ama ko? Pinayuhan niya ako na pakawalan ang lahat ng galit ko para sa kanya. Nagkaroon kasi ako ng galit noon sa mga lalaki dahil kay Papa. But when David came...siya ang nagpakita sa akin na kailangan kong limutin ang nakaraan. Ang matuto na magpatawad para tuluyan na masaya. At napakaganda ng buhay ko ngayon ng dahil roon. Gusto ko rin na mahawa si Will sa akin. Kung binago ako ni David na siyang espesyal na lalaki para sa akin, paano kung gawin mo rin iyon, Ice? Ikaw ang magbigay ng liwanag sa buhay ng kapatid ko. Kausapin mo siya, tutal, lahat naman ng mga ikinuwento ko sa 'yo ay tungkol lamang sa mga iniisip niya."

Kumunot ang noo ni Ice. "There's another side of the story?"

Ngumiti si Ate Patty. "Isa sa mga dahilan kung bakit naggawa ko rin na mapatawad si Papa. And Will need to hear about it. Tulungan mo ako, Ice..."

Nakakatakot ang gagawin niya. Lubos na panghihimasok na iyon. Pero pinapahalagahan niya si Will. Espesyal ito sa kanya. Matindi ang nararamdaman niya rito. At pakiramdam niya ay mahal na rin niya ito...

Tumango si Ice. "Susubukan ko."

Continue Reading

You'll Also Like

54.7K 2.9K 36
Anong lasa ng pag-ibig para sa iyo? Lasang mansanas na kahit may lason at ipinagbabawal masarap pa rin kagatin? Baka lasang dugo, na kahit nakamamata...
209K 5K 26
Hinalikan ko ang mukha ni Jake “Goodbye love..I don’t know if I’ll ever see you again..thank you for the memories.” Meet Nikki and Jake. Si Nikki, an...
1.3M 46.4K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
384K 1K 16
Fullfil your sexual imagination with these different stories that'll make your feel good.