Business and Pleasure (COMPLE...

By CadyLorenzanaPhr

2.7M 39.9K 1.7K

Manang si Candida Iceliana o Ice kung tawagin ng mga nakakilala sa kanya. Pinalaki siya ng Lola na konserbati... More

Writer's Note:
Will, The Playboy Businessman
Ice, The Romance Writer
Liam and The Stranger
Hotdog and the Ostrich egg
Three (Malicious) Muskeeters
The Boss and The Secretary
Candice
Breaking Rules, Bolder Ice
First Kiss
In the now
Confused Will
Let's Meet
Phone S*x (SPG)
Revealed
End Chat
Kinky Kris Kringle
A Night To Remember
Sir Will
Hot Christmas Day
Surrendered (SPG)
Trouble
Restless
Dry Humping (Medyo SPG)
Morning S*x (SPG)
At The Warehouse
At The Beach (SPG)
At The Office (SPG)
Distraction
Will's Secret
Unforgivable
The Truth
Tied (SPG)
Morning Session (SPG)
The Visitor
Sabotage
Sorry, not sorry
The Punishment (SPG)
Thank You!

The Reaction

58.9K 981 123
By CadyLorenzanaPhr

"I-I'M almost naked. Please do something..."

Sa kabila ng hirap sa paghinga, naggawa pa rin ni Ice na ma-conscious sa kanyang itsura. Buhat-buhat siya ni Will patungo sa emergency room ng pinakamalapit na ospital sa apartment niya. Nararamdaman naman niya na mapulang-mapula ang buong katawan niya. Pero mas naging mapula iyon nang maisip ang kanyang sitwasyon. Tanging manipis at maikling kumot lamang ang tumatakip sa katawan niya. Nakakahiya iyon!

"Don't worry about it. Kailangan mong mabigyan ng medical attention at---"

"Magtataka ang mga Doctor." Naiiyak ng wika niya. Gusto niya ang nangyari sa kanila ni Will. Pero ang ganitong klaseng parusa?

Lord naman. Lahat na lang ba ng magaganda, may kapalit pa rin? Hindi niyo po ba talaga gusto si Will kaysa sa akin?

Nagmura si Will. "Paano mo naisip 'yan samantalang parang nasa binggit ka na ng kamatayan sa itsura mo ngayon?"

"Maaaring maisip nila na nag-sex tayo at...God, anong iisipin ng mga nurse?" naka-boxer shorts pa rin si Will. Bakat na bakat ang pagkalalaki nito sa suot nito.

"Let them think what they want! Ang isipin mo ngayon ay ang kaligtasan mo!" mataas ang boses ni Will pero ramdam niyang kinakabahan nito. Naramdaman niya ang panginginig sa boses nito.

Dinaluhan na sila ng mga Doctors at nurses. Kinausap ng isang Doctor si Will. Sa kabila ng pagdalo sa kanya ng isang Doctor at pag-examine sa kanya ng mga nurses, mas itinuon pa ni Ice ang pansin kayna Will at sa Doctor na kausap nito. Narinig niya ang usapan.

"Anong nangyari?"

"We had sex and that's it!" halos isigaw pa ni Will.

Grabe ang lalaking ito! Walang kahihiyan. Nasa isip-isip ni Ice. Narinig rin ng ibang nurse ang sinagot ni Will. Malisyosang tinignan siya ng mga ito saka humagikgik.

"It was her first time. Ano bang nangyayari sa kanya, Doc? Bawal ba sa kanya ang sex? May mga ganoon bang pangyayari? Masyado ko ba siyang pinagod kaya ganoon? Pero bakit ang pula-pula niya? Damn it! I'm scared as hell."

"May sakit ka ba?"

"Hell no! Kakalabas lang ng mga blood tests ko, which I usually do every six months. I don't have any disease. I swear!" parang napaka-defensive ng sagot ni Will.

Napaubo ang Doctor. "What kind of materials did you use when you did, ah, it, ah, the sex?" may pag-aalinlangan ang boses ng Doctor.

"Nothing extra-ordinary. But we did use condom, of course. Hindi ko pa kayang magkaroon ng anak."

"Latex?"

Hindi na muli narinig ni Ice ang boses ni Will at ng Doctor na kausap nito. Siguro ay bahagyang lumayo na ang mga ito sa kanya. O sadyang pinahihirapan na siya ng mga nangyayari sa kanya kaya lumalabo na ang senses niya.

Nang bumalik ang Doctor ay nag-anunsiyo ito. "Allergic reaction."

Kung anu-anong procedure na ginawa sa kanya ng mga nurses at ng mga Doctor. Mayroong itinurok sa kanya. Pinagamit rin siya ng nebulizer. Hindi naman nagtagal ay naramdaman niyang gumaan na ang pakiramdam niya. Hindi na siya ganoong hirap sa kanyang paghinga. Nawala na rin ang pag-iinit ng katawan niya. Tumalab kaagad ang mga procedures na ginawa ng mga medical staffs.

Dinaluhan siya ni Will. Ipinaliwanag sa kanila ng Doctor ang nangyari.

"Anaphylaxis. Isa itong life-threatening type ng allergic reaction. Malala ang kondisyon na ito at kagaya ng nakita natin sa pasyente, it involves the whole body. Difficulty in breathing, skin redness, kagaya ng mga naranasan mo ay ilan lamang sa mga symptoms ng allergic reaction na ito. Mabuti na lang at naisipan na dalhin kaagad sa ospital ang pasyente. This is a severe disorder. It can be fatal if without a prompt treatment."

"Allergic reaction. Pero saan?" tanong ni Ice.

"It was the latex condom. Iyon ang observation namin. Puwede kayong pumunta sa allergist para makasigurado. But as far as I know, wala naman kasing allergy sa sex, na siyang ginawa niyo bago mangyari ito. Mayroong mga babaeng allergy sa seminal fluid ng partner nila, pero dahil nga gumamit kayo ng condom, how could it be?"

"Kung ganoon... puwede muli kaming umulit?" nakagat ni Ice ang ibabang labi nang mapagtanto ang tinanong niya. "I'm sorry---"

Ngumisi ang Doctor. "It's okay. Kailangan rin naman talaga nating magtanong para lumawak ang ating kaalaman. At para na rin sa sake mo. And to answer your question, yes, you can do it again. Pero dahil allergic ka sa latex condom, hindi ka na puwedeng gamitan ng ganoon."

Tumingin si Ice sa namumulang si Will. "I didn't know, okay?"

"Hindi naman kita sinisisi. Pero paano tayo---"

Hinalikan ni Will ang ulo niya. "Maraming uri ng contraceptions, my witch."

"Oh..."

Nakakaloko pa rin ang ngiti ng Doctor. Na-amuse ito sa pag-uugali niya. "There are non-latex condoms. Puwede niyong gamitin iyon sa susunod na round niyo."

Tumango-tango si Ice. Pagkatapos ng ilan pang hindi na ganoon kaimportanteng paliwanag ng Doctor ay binigyan na rin sila nito ng clearance para lumabas. Nang makalabas ay nakahinga nang maluwag si Ice.

Thank you Lord, for giving me another life...so I can have another round. Napahagikgik si Ice sa isip. Mabuti na lamang at hindi naman talaga tungkol sa sex ang dahilan ng nangyari sa kanya. They should just change the material...

Halos buhatin muli siya ni Will palabas ng ospital. Naramdaman niya ang pag-aalala at pagpapahalaga nito sa kanya. Ingat na ingat ito sa kanya. Pero nang makarating sila sa kotse, naramdaman niya ang panlalamig nito. Hindi ito nagsalita...at napansin niyang magulo ang mukha nito.

Pero masisisi ba ni Ice si Will? Samantalang nakakahiya ang pinagdaanan nilang dalawa. Nakakahiya ang pinagdaanan nito dahil sa kanya, dahil sa allergic reaction niya.

Mali si Ice. Sa pinagdaanan ni Will sa kanya, hindi na siya magkakaroon ng nahihiling na second round. Turn off na malamang ito sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 28.7K 64
(Mature Content ) Lindsay Lagdameo was a thirty-four year old widow. Sabi niya sa sarili niya, wala na siyang balak pang bumuo ng pamilya. Tatlong...
70.2K 777 11
Si ugly duckling, likes roleplaying sex. Kasi insecure sya. Until gawin ng ex ng ate niya ang lahat to make her feel Bare and Beautiful (WALA KO MAIS...
1.4M 29.7K 27
Eight Evil Torturer Book 7 @MyJaff WARNING: SPG Falcon Chui "Loving the Miss Anti-Social. A night to remember."
511K 11.5K 35
LOVE AFFAIR BOOK 3 Si Deviree Shantal o Ruby Montero. Isang makapangyarihang babae na nagtatago sa katauhan bilang si Deviree. Punong puno ng pagkamu...