Heart Held Captive

By AaliyahLeeXXI

68K 2.6K 1.1K

Love... My idea of love was a mixture of tragedy and beauty. I could still remember how my true parents both... More

Heart Held Captive
Teaser
﹏๑✿ ・:*:・PROLOGUE ・:*:・✿๑﹏
~✿*1*✿~
~✿*2*✿~
~✿*3*✿~
~✿*4*✿~
~✿*5*✿~
IMPORTANT ANNOUNCEMENT!
~✿*6*✿~
~✿*7*✿~
~✿*8*✿~
~✿*9*✿~
~✿*10*✿~
~✿*11*✿~
~✿*12*✿~
~✿*13*✿~
~✿*14*✿~
~✿*15*✿~
~✿*16*✿~
~✿*17*✿~
~✿*18*✿~
~✿*19*✿~
~✿*20*✿~
~✿*21*✿~
~✿*23*✿~
~✿*24*✿~
~✿*25*✿~
~✿*26*✿~
~✿*27*✿~
~✿*28*✿~
~✿*29*✿~

~✿*22*✿~

1.8K 90 28
By AaliyahLeeXXI

﹏๑✿ ・:*:・♥ ・:*:・✿๑﹏

"I love you."

Those three words kept echoing in my mind since Katheryne uttered them last night.

I turned my head to her while she was sleeping heavily beside me on my bed. When we came back home very early this morning after eating breakfast there in the woods, we just took a bath together in the tub and she immediately went back to sleep.

In contrary to her, ako naman yung hindi makatulog dahil sa kaiisip dun sa sinabi niya. She said she loved me. I couldn't believe how this woman was able to fall for me after everything that I did to her.

Now this was making me even more confused than the past weeks. These weird emotions that I was feeling since I got to be with her for the past more than two months were getting out of hand. They were almost killing me, torturing my mind vigorously. They were stressing me out because I knew that it would ruin everything that we had planned. Yet I couldn't ignore the fact that I was enjoying myself being with her.

I heard her moaned in her sleep and snuggled even more closer to my body while embracing me. "Ryder..." she sighed softly.

"Dāmn girl. What are you doing to me? Am I feeling the same way for you already?"

I rolled to my side and embraced her body also. I closed my eyes and tried to relax my mind. Unconsciously, I fell asleep while still thinking about her.

I just woke up when I heard my phone ringing. Bumangon ako. Bihira na akong makatanggap ng mga tawag so this call might be very important.

I frowned when I saw Jonas' name registered on the screen of my phone. I immediately grabbed it from the bedside table. "Jonas?"

"Tangina, Ryder! Kanina pa kita kinokontak pero ngayon lang ako nakakonekta!"

Kinabahan agad ako mula pa lang sa tono ng boses niya. "Why?"

"Umalis na kayo ni Katheryne diyan! The authorities are already on their way there!"

"What?!" Napababa ako mula sa kama at isinuksok sa pantalon ko yung baril ko na mabilis kong kinuha mula sa drawer ng bedside table ko. Tumakbo ako papunta sa porch dahil nagpuputol-putol yung tawag. "How did they know that we're here?"

"Hindi ko rin alam! Napansin ko lang na nagmamadaling nagpunta sa police station sina Lance Monteverde at Jeremy Monteverde kaninang madaling-araw kasama yung isang French private investigator. And just earlier this morning, nakita ko na yung mga pulis na naghahanda kasama yung dalawang Monteverde kaya kinutuban na 'ko—"

"Jonas?" Napatingin ako sa screen ng cellphone ko at nakita kong naputol na yung tawag. "Būllshīt!" I hissed under my breath and took a glance at Katheryne on the bed while trying to contact Jonas again. Pero nang hindi ko na magawa dahil halos wala akong masagap na signal ay tumakbo na ako palabas ng kwarto at bumaba sa hagdan.

Hindi ko alam kung bakit kinabahan na lang ako bigla nang ganito. Parang bigla akong nakaramdam ng takot but not with the possibility that the authorities might catch and arrest me for capturing Katheryne and holding her captive here for more than two months.

Katheryne's face suddenly entered my thought.

"Būllshīt!"

Saktong pagkababa ko ng hagdan ay nagulat pa ako nang biglang kumalabog pabukas yung front door. I was waiting for the policemen to came in. Nakahinga lang ako nang maluwag nang si Jonas yung biglang pumasok.

"Faster, Rye! Pakiramdam ko malapit na sila rito!"

I hurriedly ran towards my office and took my laptop. Mabilis kong ibinigay kay Jonas yun. "Bring this to the helicopter and start the engine right away. Babalik lang ako sa taas. I'll wake Katheryne up."

Hindi ko na siya nilingon pa at nagtatatakbo na agad ako paakyat sa taas. I ran straight to my room and went to the bed. "Katheryne! Katheryne, wake up!" I shook her body. "Wake up, princess!"

She opened her eyes and smiled at me. "Hey, what time is—"

"Get up! Aalis tayo rito. We're going somewhere else."

Her brows furrowed confusedly. "Agad-agad? Bakit?" She sat up. "Sige, mag-eempake lang ako."

"No need. I'll just buy you new clothes. Tara na. Bumaba na tayo." I helped her got off the bed and quickly pulled her hand towards the door.

"Teka lang. Bakit ba nagmamadali ka masyado?"

Hindi ko na siya sinagot. Bumaba na kami sa hagdan. I pulled her towards the direction of the kitchen pero hindi pa man kami nakakalayo ay may bumungad nang pulis sa front door at tinutukan kami ng baril.

"Aaaaay!" gulat na sigaw ni Katheryne sa tabi ko.

I immediately pulled my gun from my belt and aimed it on the policeman pero bago pa ako makapagpaputok ay may nauna na sa akin. Napasigaw ulit si Katheryne at hinila ko na agad siya.

"Rye, mauna na kayo sa helicopter!" sigaw ni Jonas sa likod namin bago kami nakarinig ng sunud-sunod na putukan pa ng mga baril.

"Duck your head, princess," utos ko kay Katheryne na tili na nang tili dahil sa takot.

Sinunod din naman niya ako bago kami nagtatatakbo papunta sa kitchen kasunod si Jonas sa likod namin.

~✿*♡*✿~

Nalilito ako sa mga nangyayari habang tumatakbo kaming tatlo nina Ryder at Jonas. Nanginginig yung mga tuhod ko dahil sa takot dun sa putukan ng mga baril na narinig ko. Nagulat pa nga ako na nandito pala si Jonas. May mga pulis din. That was when I'd figured out that the authorities might already found where Ryder was hiding me.

Pagkalabas namin sa pinto ng kitchen ay nagtatakbo na kami papunta sa direksiyon ng helicopter sa likod ng bahay.

Nakarinig na naman ako ng putok ng baril kaya napapikit ako habang sumisigaw.

"Please don't shoot! You might hit my daughter!"

"Katie!"

Parang biglang huminto yung mundo ko nang marinig ko yung mga boses na yun. My head automatically turned to look back and I stopped running when I saw Daddy and Kuya Jemie surrounded with some policemen.

My eyes instantly blurred with tears. "Daddy. Kuya," bulong ko bago sunud-sunod na tumulo yung mga luha ko. Hindi ko na nagawang pansinin yung mga pulis na nakatutok yung mga baril dito sa direksiyon namin. Napunta na kina Daddy at Kuya yung atensiyon ko at halos gusto ko nang tumakbo palapit sa kanila para yakapin sila.

"Please let go of the girl now and just surrender yourselves to us peacefully," sabi nung isang pulis na nakatutok pa rin yung baril sa amin.

"No!" Humarang agad ako sa harap ni Ryder. "Please don't shoot. Please don't shoot them."

"Katie, what the hell are you doing?!" galit na sigaw ni Daddy sa akin.

"Katie," I heard Ryder's pleading voice behind me and tightened his hold against my hand.

"Let go of my daughter now, you bastard!" I heard Daddy shouted.

"Let's go, Katie," Ryder said again.

Bigla na akong nalito. Hindi ko na alam ngayon kung kanino ko gustong sumama. I wanted to run to my father and to my brother but I didn't want to leave Ryder either. Triple na rin yung takot na nararamdaman ko ngayon dahil baka magkabarilan at may masaktan sa aming lahat.

"Let's go, Katie," Ryder repeated.

"Daddy, I'm going to fix this. Hayaan n'yo muna ako ngayon, please? Please just let us go," pakiusap ko kaya nakita ko yung biglang kalituhan sa mukha niya.

"Katie, what the hell are talking about?!" Daddy shouted again angrily.

"I just need to do something first, Daddy. Please," pakiusap ko pa rin pero nanlaki yung mga mata ko nang makita ko si Kuya na humugot ng baril mula sa sinturon niya at galit na galit na itinutok yung baril sa gawi namin.

"KUYA!!!"

Napasigaw at nanginig ako nang husto nang makarinig ulit ako ng putok ng baril matapos itutok ni Ryder yung baril niya kay Kuya pero nailagan agad iyon ni Kuya. "KUYAAAA!!!" I screamed worriedly before Ryder pulled my hand again and started running.

Nakarinig ulit ako ng putukan ng mga baril kaya napapikit ako habang sumisigaw sa takot habang hila-hila pa rin ni Ryder yung kamay ko habang tumatakbo kami.

"STOP SHOOTING!!! YOU MIGHT HIT MY DAUGHTER!!!"

"Sorry, Daddy. I'm so sorry," umiiyak na sabi ko habang tumatakbo.

Narating namin nang buhay yung helicopter at mabilis na sumakay doon. Nakasunod naman agad si Jonas sa amin bago pinalipad ni Ryder yung helicopter.

Pigil ko pa rin yung hininga ko dahil kahit nakaangat na kami sa lupa at palipad na ay nakakarinig pa rin ako ng putok ng mga baril. Nakahinga lang ako nang maluwag nang makalipad na kami at palayo na mula sa lugar na yun.

"Tangina!" sigaw ni Jonas sa upuan sa likod namin.

Napalingon ako sa kanya at nanlaki yung mga mata ko nang makita kong may dugo yung isang manggas ng t-shirt na suot niya. "Jonas, may tama ka!" tarantang sabi ko.

He tried to smile at me kahit bakas sa mukha niya yung iniindang sakit. "Malayo sa bituka to."

"Ryder, kailangan natin siyang dalhin sa ospital!"

~✿*♡*✿~

"AAAAAAAAAAHHH!!! SHIIIIIIIIIIIIIT!!! AAAAAAAAAAHHHHH!!!"

Napangiwi ako habang natatakot at ninenerbiyos sa naririnig kong mga sigaw ni Jonas mula sa kusina. Imbes kasi na sa ospital kami dumiretso ay sa isang bundok kami nag-landing tapos lumipat kami sa isang kotse at nagbiyahe sandali papunta sa isang isolated na bahay na nasa bundok na yun pa rin.

Mukhang ito ang Plan B nina Ryder sakaling malaman ng mga pulis na doon ako sa gubat itinatago. At ngayon nga ay nasa kusina yung dalawa at si Ryder ang nagtatanggal ng bala mula sa braso ni Jonas. Pakiramdam ko ay nanghihilakbot ako habang naiisip ko yung ginagawa nila.

Umupo ako sa sofa at sumandal bago hinilot-hilot yung sintido ko. Sumasakit yung ulo ko dahil sa mga nangyari. Hindi ko alam kung tama ba yung desisyon ko na kay Ryder sumama imbes na sa daddy at kuya ko. Nakita ko naman sa mga mata ni Ryder kanina na wala siyang balak na saktan ako if ever man na piliin kong kina Daddy sumama. He could have used me as a hostage against those policemen but he didn't do that. Instead, kusa akong sumama sa kanya. At siguradong nalilito na rin sina Daddy ngayon at malamang sa galit na galit na siya sa akin dahil sa ginawa ko.

"Magpapahinga muna 'ko."

Napadilat ako nang marinig kong yung sinabi na yun ni Jonas. Nakita kong may benda na yung braso niya at putlang-putla yung buong mukha niya, malamang dahil sa sakit nang alisin ni Ryder yung bala na tumama sa kanya kahit walang anesthesia.

"Hindi ba natin siya dadalhin sa ospital? Baka mamaya ma-infect pa yung sugat niya at infection pa yung ikamatay niya," sabi ko kay Ryder.

"Bruce is already on his way here. Siya na ang bahala kay Jonas pagdating niya." He turned back to Jonas. "Salamat. Alam kong pinain mo yung buhay mo kanina para sa amin."

"Tss! Wala yun. Kung hindi naman dahil din sa 'yo, matagal na sana kong patay ngayon. Tumatanaw lang ako ng utang na loob para sa lahat ng itinulong mo sa akin at sa nanay at mga kapatid ko." Binalingan ako ni Jonas. "Paano, Katheryne, I'll just rest inside the room."

Tumango ako sa kanya. "Thank you so much, Jonas. I really appreciate what you did."

Pagkaalis ni Jonas ay lumapit si Ryder sa akin. He squatted on the floor in front of me and took my hand. "How are you? You look pale."

"Pale? Buti nga pale lang ako at hindi nag-pass out dahil sa mga nangyari kanina. Ikaw ba naman ang paulit-ulit na paputukan ng baril at akala mo katapusan na ng buhay mo, di ka ba hihimatayin sa takot? Buti nakaalis pa tayo nang buhay dun." Tumulo yung mga luha ko nang maalala ko ulit sina Daddy at Kuya. "Bakit mo ginawa yun? You almost shot my brother."

"Kung hindi ko ginawa yun, ako na yung babarilin niya."

"Kahit na!"

"Okay lang sa 'yo na mabaril ako? I thought you said you love me?"

Tuluyan na akong napaiyak. Nagtatalo yung isip ko kung sino ba yung mas matimbang sa puso ko. "Wala akong gustong mapahamak sa kahit na sino sa inyo. Pero kapatid ko pa rin yung muntik mo nang tamaan kanina, Ryder."

He sighed before he reached his hand and caressed my cheek. "I'm sorry. Hindi mo rin maalis sa akin na isipin na baka ikaw yung tamaan ng bala na yun sa pagbaril niya. It's just my protective instinct which kicked in."

Napahinto ako sa pag-iyak at napatitig sa mga mata niya. Sa pagkakakilala ko kay Ryder, hindi siya yung tipo ng tao na hihingi basta-basta ng paumanhin sa ibang tao kahit na meron o wala man siyang kasalanan. But right now, I could see the sincerity of what he said in his eyes. It made my heart throbbed again faster with the overwhelming thought that he really cared for me.

Yumuko ako at yumakap sa kanya. "Thank you, Ryder."

﹏๑✿ ・:*:・♥ ・:*:・✿๑﹏

w◆020817-u◆12.30.17

Continue Reading

You'll Also Like

284K 10.4K 53
Anhay Sharma:- Cold business tycoon who is only sweet for his family. He is handsome as hell but loves to stay away from love life. His female employ...
256K 18.6K 22
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...
922K 26.7K 43
Athena is trying to adjust in her newfound freedom but she is forcefully ripped away from it. But sometimes bad things happen for better!
318K 9.6K 78
(Fixed/Fan-TL) Top idol group Stardust, whose members disappear like dust. The group that used to have seven members ends with four members... "Is...