Huling Himagsik

By KuyaDitalach

34.3K 2.2K 517

Highest Rank: #12 in Historical Fiction [January 23, 2018] "Kung papipiliin ako sa lalaking matalinung-matali... More

¡Disfruta leyendo! (Enjoy Reading!)
Tenkyu su mats!
Capítulo Uno
Capítulo Dos
Capítulo Tres
Capítulo Cuatro
Capítulo Seis
Capítulo Siete
Capítulo Ocho
Capítulo Nueve
Capítulo Diez
Capítulo Once
Capítulo Doce
Capítulo Trece
Capítulo Catorce
Capítulo Quince
Capítulo Dieciséis
Capítulo Diecisiete
Capítulo Dieciocho
Capítulo Diecinueve
Capìtulo Veinte
Ćapitulo Veinte Uno
Ćapitulo Veinte Dos
Lawa ng Perlas
Author's Note
Author's Note

Capítulo Cinco

1.2K 114 7
By KuyaDitalach

[Kabanata 5]

Teka? Babae na naka baro't saya? Wait! Nasa sinaunang panahon na ako? Sa panahon kung saan ko babaguhin ang tadhana at pipigilan ang pagkamatay ng Family ni Angelita Anastacio?

Sa pagkakataong ito, sobrang kinabahan ako. Hindi ko alam ang gagawin dahil wala naman akong alam sa mga ganito.

Myghad!

"¿Cómo te sientes ahora? Nuestra madre está muy preocupada por ti."
(How do you feel now? Our mother is very worried about you.)

Patuloy pa nung magandang babae na pumasok sa room ko, at halatang nag-alala talaga sya sakin. Maputi sya at matangkad. Yung parang pang Ms. Universe? Haha ang ganda din ng mga mata nya lalo na ang kilay nito. Huhu kakainggit. Kilay is life na din pala yung mga babae noong panahong ito. At mahahalata mo talaga na sya ay mayaman dahil sa ganda ng kanyang tindig at porma.

"Angelita?" Natauhan ako ng bigla syang nagsalita ulit. Kanina pa pala nya akong tinatanong.
Myghad! Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko maintindihan yung sinabi nya, nasa Pilipinas ba talaga ako? Tsk!

"Hmm.. I don't know what you're talking about." Sabay ngiti sa kanya ng malaki. Haha siguro naman marunong sya mag-english. Hindi ko talaga alam isasagot ko eh!

"¿Sabes hablar inglés? ¿Dónde aprendiste eso?" (Do you know how to speak English? Where did you learn that?) Patuloy na tanong nung babae habang nakangiti, at mukhang hindi makapaniwala na nakapagsalita ako ng english.
Hays. Hindi talaga ako titigilan ng babaeng 'to e.

Magtatanong na dapat ulit sya nang biglang may pumasok na lalaki.

Si... Sir Luke?! Yes! Buti naman at nandito na sya. Akala ko paduduguin na ng babaeng to ang ilong ko dahil sa pagsasalita ng ibang language!

Nakasuot sya ngayon ng puting barong tagalog at sa tingin ko ay mayaman din sya sa panahong ito.

"Hi Sir Luke!" Masayang bati ko sa kanya. Gusto ko nang paalisin yung babae na 'to dito. Kung anu-ano na ang pinagsasabi e. Pero baka ma-offend naman sya kapag sinabihan ko sya ng umalis kasi hindi ko sya maintindihan.

Tumingin lang si Sir Luke sa akin at ngumiti, saka pumunta sa harap ng babae na kumakausap sa akin kanina.

"El doctor dijo, la memoria de Angelita desaparecerá temporalmente."
(Doctor said, Angelita's memory has temporarily disappear.)
Kinakausap ni Sir Luke ngayon yung babae. Hindi ko naman naintindihan yung sinabi ni Sir Luke pero nakita ko na nagulat yung babae. Napahawak sya sa bibig nito at naluha.

"Estoy preocupado por la situación de Angelita ahora. Rezaría para que su recuperación hubiera mejorado."
(I'm worried about Angelita's situation now. I would pray that her recovery would have improved)
Naiiyak na sagot nung babae kay Sir Luke. Ewan ko ba, magka anu-ano ba sila? Tatay ba nya si Sir at pinapagalitan yung babae?
Hays! Mukhang sira ako dito na parang nanunuod ng Korean Novela na walang subtittle! Hays

"Eso es bueno. ¿Puedo pedirte que salgas por un momento? Quiero hablar con mi sobrino en privado."
(That's good. Can I ask you to come out for a moment? I want to talk to my nephew privately.)
Tumango naman yung babae, at agad na lumabas. Siguro ay tapos na syang pagalitan ni Sir Luke.
Pagkalabas nung babae ay agad na tumingin sa akin si Sir Luke at nilapitan ako.

"Angelita? Ayos ka na ba? Nandito na tayo sa sinaunang panahon. Ika-16 ng Agosto ngayon dito, taong 1891."
Haaaaays! Sa wakas! May nagsalita rin ng tagalog. Muntikan na akong ma nosebleed doon sa usapan nila kanina. Waaah!

"Ang babaeng kumausap sayo kanina ay ang iyong nakatatandang kapatid na si Antonia. Sa panahong ito, ikaw muna ang pansamantalang Angelita Anastacio." Patuloy pa nya. So ibig sabihin, ang pangalan ko sa panahong ito ay Angelita? Grabe naman yun. Ang ganda ko, tapos pang matanda yung pangalan huhuhu.
Natawa naman si Sir Luke. At naalala ko na nababasa nga pala nya ang nasa utak ko!

"Nga pala, dapat hindi mo ako tinawag na Sir Luke kanina noong nandito ang iyong Ate Antonia.
Palagi mong tatandaan na magkaiba ang panahong 2018 sa 1891. Kung kaya't magbabago rin ang sa atin"
Napatango tango naman ako at alam kong marami pa akong kailangang malaman mula sa kanya.

"Sa panahong ito, ako ang iyong Tiyo Lucas. Kapatid ko ang iyong ina"

"At dahil alam ko na wala kang alam na kahit ano sa history, at hindi mo din alam kung anong mga bagay ang meron dito sa panahong ito, kung kaya't sinabi ko na lang sa mga kapatid at magulang mo na nawala ang iyong ala-ala" patuloy pa nya. Buti naman at naisip yon ni Sir Lu.. Oopss! Tiyo Lucas pala.

"Pero nasaan po ngayon ang totoong Angelita?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Kasi imposible na magkapalit kami ng kaluluwa, dahil sa panahon na 2018 si Angela ay patay na.

"Ang totoong Angelita, ay patay na"
Lumapit sa akin si Tiyo Lucas, at hinawakan ang aking noo.
Pagkahawak nya sa aking noo ay may isang ala-ala na pumasok sa aking isipan.

"Linggo ngayon at papunta na ang buong pamilya Anastacio sa isang simbahan sa San Alfonso upang dumalo sa misa. Nasa unahang kalesa nakasakay ang mag-asawang Romulo at Josefa, habang sa kasunod naman na kalesa nakasakay ang tatlong magkakapatid, nasa kanang dulo ng bahagi ng kalesa nakaupo si Antonia habang si Angelita naman ay nasa kaliwang bahagi. At ang bunso nilang kapatid ay nasa gitna. Hindi naman nakasama ang isa pang kapatid na lalaki nina Angelita sapagkat abala sya pakikipag pulong sa Gobernador Heneral ng San Alfonso na si Don Mariano Alfonso.
Walang pintuan ang kalesa kung kaya't tanaw na tanaw ni Angelita ang magagandang tanawin. Habang nasa byahe sila, ay nakakita si Almira ng makulay na paru-paro sa tapat ni Angelita. Pinilit na inabot ni Almira yung paru-paro upang hulihin ito. At hindi nya sinasadyang nakabig si Angelita, na naging dahilan ng pagkahulog nito. Nahulog si Angelita at hindi sinasadyang nadaanan sya ng gulong ng kalesang sinasakyan nya. Nabagok ang kanyang ulo at nawalan sya ng malay"

Grabe naman yung nangyari kay Angelita. Tsk. Lagot sa'ken yang Almira na yan. Nang dahil sa kanya kaya nandito ako ngayon sa hospital. Hays!

"Pero ang nangyaring iyon ay nakasulat sa tadhana. Ang lahat ng mangyayari sa iyo sa hinaharap ay alam ko na dahil alam ko ang iyong tadhana" Patuloy pa ni Tiyo Lucas. So alam na nya yung mangyayari sa'ken mamaya? Alam na din nya yung mangyayari sa'ken bukas at sa susunod na linggo, at mga buwan? Grabeeee!

"Naguguluhan po ako Sir Luc... Tiyo Lucas, akala ko po ba ay namatay si Angelita noong Agosto 1892, pero August 1891 pa lang po ngayon diba?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Naalala ko yung sinabi nya sa akin na
si Angelita at ang kanyang pamilya ay namatay dahil sa Garote, napagbintangan sila na nagnanakaw ng pera ng pamahalaan.

"Noong nahulog ang totoong Angelita sa kalesang sinasakyan nya ay hindi agad sya namatay. Namatay sya noong dinala sya sa hospital sa dami ng dugo na nawala sa kanya. Noong binawian sya ng buhay ay sinundo sya ng kanyang anghel at ipinalit ang kaluluwa mo sa katawan nya. Kung kaya't ang akala ng mga tao ay si Angelita ay nawalan lamang ng malay. Pero ang totoo ay ibang kaluluwa na ang nananahan ngayon sa katawan ni Angelita." Tugon nya sa akin at umo-o na lang ako bilang response.
Hindi ko alam, pero magkahalong takot, at excitement ang naramdaman ko ng mga oras na yun. Dahil sabi ni Tiyo Lucas noong nasa library kami ng school, na ang pamilya Anastacio daw ang pinaka mayaman sa bayan ng San Luis. Na e-excite ako na maranasan ang maging buhay mayaman. Waaaah! Hahaha

"Tama na ang pag-iisip ng kung anu-ano Angela, sa halip ay ipahinga mo na lang iyan. Dahil bukas ay uuwi na tayo, sinabi ko din sa iyong ama at ina na hindi mo pa sila maalala kung kaya't hindi mo pa gusto na dumalaw sila dito. Bukas ka na lang nila susunduin" patuloy pa ni Tiyo Lucas at lumabas na sa kwarto ko. Ipinikit ko na ang aking mata, at nagsimula nang matulog.

"La condición de la dama está bien. Puedes llevar a la chica a casa"
(The condition of the lady is fine. You can take the girl back home)

Umaga na pala, at nagising ako dahil sa dalawang lalaki na nag-uusap sa tabi ko. Hindi ko alam kung anong oras na dahil wala naman akong orasan. Tsk! Wala din yung phone ko! Hindi yata ako makaka survive pag ganito! Waaaaahh! I kennat!
Nakita ko naman na lumabas na yung doctor, kaya natulog ulit ako.

Nagising ulit ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, nakabukas na pala yung bintana dito sa room na to. Hindi ko rin namalayan na nakaidlip pala ako nung umalis yung doctor kanina.

Pagmulat ko ng aking mata ay nakita ko ang isang lalaki na nakasandal sa upuan ko. Myghad! Ang pogi nya kyaaaaah! Natutulog sya ngayon at nakaupo sya sa harap ko. Tinitigan kong mabuti yung mukha nya.

Ang ganda ng hugis ng mukha nya, at ang ganda ng kulay ng mata nya, tapos medyo chinito pa sya. Waaahhhh! Matangos din ang kanyang ilong at halatang halata ang ganda ng adams apple nya. Ugh! Maganda rin ang katawan nya at mahahalata mo ito kahit pa sya ay nakasuot ng itim na coat, yung katawan na parang nag g-gym? Ugh!

Lumapit ako sa kanya

"May pogi na pala sa panahong ito. Ugh!" Sabi ko sa kanya. Kasi ang pogi naman talaga e! Sobrang puti nya at mahahalata mo na may lahi talaga syang Kastila.

Bigla akong napatigil nang makita na namulat ang kanyang mata, at tumawa ito.

What the...Narinig nya ba yung sinabi ko? Myghad Angela! Baka kung anong isipin ng lalaking 'to. Tsk!
Sobrang kinakabahan talaga ako, nakakahiya yung ginawa ko

*******************

Reminder: Wag nyo pong kakalimutan na i-vote at magcomment. Salamat! :)

Continue Reading

You'll Also Like

248K 11.3K 39
After dying unexpectedly from a traffic accident, Aria woke up inside the body of Cassia Clorance; the villainess of the famous novel she just finish...
402K 17K 40
Aksidenteng napunta sa panahon ng 1941 si Euphie Encarnacion matapos niyang sundan ang isang babae sa gitna ng ulan. At dahil nag-iisa lang siya sa...
4.8M 191K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...
124K 4.4K 58
Sarina Sandoval is a woman from the modern world, she is an aspiring chef from the Blue House. At a young age she achieve her dreams to be a great ch...