Huling Himagsik

By KuyaDitalach

34.2K 2.2K 517

Highest Rank: #12 in Historical Fiction [January 23, 2018] "Kung papipiliin ako sa lalaking matalinung-matali... More

¡Disfruta leyendo! (Enjoy Reading!)
Tenkyu su mats!
Capítulo Uno
Capítulo Tres
Capítulo Cuatro
Capítulo Cinco
Capítulo Seis
Capítulo Siete
Capítulo Ocho
Capítulo Nueve
Capítulo Diez
Capítulo Once
Capítulo Doce
Capítulo Trece
Capítulo Catorce
Capítulo Quince
Capítulo Dieciséis
Capítulo Diecisiete
Capítulo Dieciocho
Capítulo Diecinueve
Capìtulo Veinte
Ćapitulo Veinte Uno
Ćapitulo Veinte Dos
Lawa ng Perlas
Author's Note
Author's Note

Capítulo Dos

1.6K 104 25
By KuyaDitalach

[Kabanata 2]

Kinusot kusot ko ang aking mata, para nakita ng ayos kung sino ba yung nasa picture, siguro yung asawa ni Dr. Jose Rizal dati, or kung sinumang babae noong unang panahon.

Laking gulat ko nang marealize ko na yung babae ay...
Ako?


Tinitigan ko ulit yung picture. Dahil iba talaga ang pakiramdam ko dun. Sobrang bigat ng dibdib ko, hindi ko alam kung bakit. Tsk Ilang segundo ko pa lang itong tinitingnan nang biglang namatay yung phone ni bunok! Waaah!

"Bakit namatay?!" Sigaw ko kay bunok. Dahil hindi talaga ako makapaniwala na kamukhang kamukha ko talaga sya. Wala naman akong natatandaan na may kapatid ako or kakambal na nasa ibang bansa or what. Nakaka triggered kasi magkamukha talaga kami, parang pinagbiyak na bunga. Pero bakit ganun? Iba yung suot nya? Bakit parang pang sinauna? Tsk! Di'ko alam gagawin ko!

"Duh, hindi pa yan lowbat. 87% pa yan nang pinahiram ko sayo." Mataray na sagot ni Khrisnna.

"Tingnan mo, lowbat na oh? Ayaw na mabuhay, parang drain ba drain na ang battery oh" sabay abot ng phone kay bunok.




"I-charge mo na agad daliii! Kailangan ko makita yon!" Sigaw ko pa sa kanya at hindi ako mapakali kasi hindi talaga alam ang gagawin ko.

"Hindi pa nga yan lowbat aba! Ang kulit neto" pagtataray pa ni Khrisnna.
Kukurutin ko na sana sya kaso naisip ko na sa kanya pala yung phone na hawak ko at baka kuhanin nya agad kapag kinurot ko sya. Kaya hinayaan ko na lang. Sobrang nacu-curious talaga ako, hindi ko alam kung bakit pero may iba akong naramdaman ng makita ko 'yon. Hindi lang sa nagulat ako pero nakaramdam ako ng ibang pakiramdam. Nasaktan ako at parang bumigat ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ganun ang naramdaman ko. Pero mas nangibabaw pa din yung gulat ko kesa sa lungkot na naramdaman ko.

Tumayo ako at kinuha ang charger.
Nakita ko naman na nagchacharge na yung phone at 0% na yung battery nito. Hindi ko na sinabi kay bunok na lowbat na talaga yung phone kasi baka makulitan na sya sa'ken at kuhanin na yung phone.

Hinintay ko na umabot sa 1% yung battery at agad na binuksan iyon. Habang nagbubukas yung phone, nakakaramdam ako ng kaba at lungkot. Myghad! Ang strange talaga! Hindi ko alam kung bakit ganito pero sobrang nahihiwagaan ako dun sa picture na 'yun. Tsk!

Agad kong pinindot yung Facebook app, at habang nagloloading ito ay mas lalong bumigat ang aking pakiramdam. Feeling ko, naramdaman ko na yung pakiramdam na ito noon. Pero hindi ko matandaan kung kailan. Hays

Sorry, something went wrong.
We're working on getting this fixed as soon as we can.

Go Back

What the... Seryoso? Bakit biglang nagloko yung facebook? Tsk! Wrong timing naman oh! Kung kailan ko kailangan saka naman nangyari to! Mark Zuckerberg please maawa ka naman sa tulad ko oh.
Nawala yung kaba ko at napalitan 'yon ng pagkadismaya. Pero inisip ko na lang na may bukas pa naman e. Kaya maghihintay na lang ako, sanay naman ako maghintay e. Haha

Napabuntong hininga na lang ako ng malalim habang nakahiga dito sa kama sa kwarto namin ni bunok.
2:06 am na, bukod sa hindi ako makatulog dahil sa nangyari kanina, napatingin ako doon sa bintana at pinagmasdan ang pagpatak ng ulan.
Gusto ko na matulog pero hindi naman ako dinadalaw ng antok.
Kinuha ko yung phone ko at nag facebook. Sinubukan kong hanapin yung picture na kanina pang hindi maalis sa isipan ko, pero hindi ko naman alam kung anong isesearch at hindi ko alam kung saan galing yung picture na yun.

Nagulat ako ng biglang nag vibrate yung phone ko. Nagchat si John.

"Why are you still awake? Maybe you're waiting for my chat. Right?"
Just now

Ang kapal talaga ng feslak nitong lalaki na'to. Hahaha hindi ko na lang sya rereplyan. Lumalakas na yung hangin e.

"By the way, see you sa school tommorow"
Just now

Oo nga pala, may pasok na kami bukas at makikita ko na naman si John. Jusko nakakatamad na pumasok pag yan yung makikita mo sa school hahahahaha minsan napapaisip na lang ako kung bakit may mga tao na sadyang tuwang tuwa kapag nakukulit nila tayo. Siguro dahil patago silang sumasaya kapag nakikita nilang ngumingiti tayo, or trip lang talaga nila. Sa dinami-dami naman ng tao sa mundo, ako pa yung napili ni John na asar-asarin.
Oo, pogi sya, maputi at parang badboy palagi yung dating kaya madaming girls ang nahuhumaling sa kanya. Pati nga yata boys e na-aattract sa kanya. HAHAHAHA pero wala naman akong pake sa kanya, kasi hindi naman ako interested sa kanya.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at nagsimula nang matulog...

"Nasaan ka na bes? Bilisan mo at kanina pa ako naghihintay dito." Nag text sa akin si Dianne.
Nakasakay ako ngayon sa jeep at papunta na sa school. Maaga kami pumasok ni Dianne kasi ugali namin na hindi nale-late kapag First day of school e hahaha

"Wait lang bes, natigilan yung mga sasakyan sa harap at likod nung makita yung ganda ko. Pati ba naman yung sasakyan e na-attract na rin sa'ken hahahaha"

"Basta bilisan mo hahaha nababaliw ka na naman" reply ni Dianne. Natatawa ako dito sa loob ng sasakyan. Napansin ko naman ang isang matandang lalaki na siguro ay nasa 60 years old na. Halatang matangkad sya kahit nakaupo, pero wala na syang buhok. Nalagas na siguro ang kanyang buhok dala na rin ng katandaan. Naka uniform sya ng pang professor dun sa school na pinapasukan ko. Medyo ang creepy lang kasi yung tingin nya ay
(Parang kilala kita look)

Ang tagal umusad ng mga sasakyan, hindi pa rin siguro nakaka move kn sa ganda ko hahaha kaya hindi sila maka move. Charot!
Nagvibrate yung phone ko at tiningnan kung sino yung nagtext.

"Bes ang tagal mo naman e, hays mauuna na ako kailangan ko pa hanapin room ko e. Nakasalubong ko si John kanina, sabi nya classmate mo daw sya at hihintayin ka nya sa labas ng room nyo. Kaya hindi ka na mahihirapan na maghanap kung saang room ka."

Ganun sa school namin e, sa First day of school mo pa lang malalaman kung ano ang room mo at kung sino ang mga classmates mo. Medyo mahirap pero kung tamad ka maghanap ng room mo, maghapon ka lang nakatambay sa labas kasi hindi ka na papapasukin.

"Hi manong Guard! Namiss mo ba ako?" Biro ko dun sa guard na nagbabantay sa harap ng gate ng school na pinapasukan ko. Close kami kasi palagi akong late noong nakaraang taon. Palagi akong nasusulat sa dun sa notebook nya kaya memorize na memorize na nya yung sulat, pati pirma ko hahahaha

"Medyo maaga ka ngayon ah? Pustahan tayo. Bukas late ka na naman" sabay tawa ni Manong Guard sa akin hahahaha nag smile na lang ako sa kanya at umalis na.
Inilibot ko ang mga mata ko at hindi ko makita si John.

"Ms. Angela?"

May lalaking nagsalita mula sa likuran ko. At nagulat ako nang makita kung sino ang lalaking iyon.
Si... Joh...

Charot!

Haha hindi si John yung nasa likod ko, kundi yung matandang professor na kanina pang nakatingin sa akin nung nasa sasakyan pa lang kami.

Teka sinusundan ba ako nito? Stalker ko ba sya? Bakit nya nalaman ang pangalan ko? Bakit ngayon ko lang sya nakita sa school na 'to?
Ang daming tanong sa aking isipan ngayon.

"P-paano nyo po nalaman ang name ko?" Tanong ko sa kanya. Hindi sya umimik ng ilang segundo at nakatitig lang sa'ken.

"Sumunod ka sa akin Ms. Santiago, may kailangan akong ipaliwanag sayo" nakangiting sagot nya sa'ken.
Medyo na weirduhan ako sa kanya kasi bukod sa alam nya ang pangalan ko, ay alam din nya ang apelyido ko. Ganun ba ako ka famous? Hahaha pero bakit hindi ako nakakaramdam ng kaba? Parang ang gaan gaan na ng pakiramdam ko sa kanya.

"Maupo ka Ms. Santiago, may ipapaliwanag ako sayo"
Nandito kami ngayon sa library at konti lang ang estudyante dahil first day of school pa lang naman.

"Pero sir, baka ma-late po ako sa First subject ko" sagot ko sa kanya, hindi ko alam kung anong ipapaliwanag nya. Siguro ipapaliwanag nito sa akin yung about sa mga Algebra, Physics at kung anu-ano pa. Hahaha

Hindi sya nagsalita at may kinuha sya sa bag nya.

"Ito ay isang album at nandito lahat ng pictures ng mga ninuno mo." Nakangiting sagot nya.

What?! Ninuno ko? Nababaliw na yata si Prof e hahabahaha Paano naman napunta sa kanya yung picture ng ninuno ko e hindi ko nga sya kilala? Hays. Siguro prank na naman 'to saken ni John. Tsk bwisit talaga yun.

"Hindi ito prank ni John hija at mas lalong hindi ako nababaliw" nakangiting sagot nya. At binuklat ang album na hawak nya.

What the... Paano nya nalaman yung iniisip ko? Paano? Hindi kaya aswang sya? o ermitanyo?

"Wag ka nga mag-isip ng ganyan Ms. Santiago haha hindi ako aswang. Okay?" Natatawa na sya at ako naman ay hindi makapaniwala dahil sa nangyayari.

Tsk. Sino ba to? Ang weird naman nya. Kung panaginip lang to sana gisingin na ako. Naiinis na ako at wala na ako sa mood makipag kulitan sa kanya. Late na ako.

"Don't worry, I'm your history Professor and history ang first subject kaya okay lang na ma-late ka kasi ako naman ang kasama mo." Patuloy pa nya at para na akong nabunutan nh tinik sa lalamunan. Wala naman akong dibdib e, kaya sa lalamunan na lang.

"N-nakakabasa po kayo ng isip ng tao?" Sa wakas! Nakapagtanong na din ako. Kahit na medyo kabado ako kasi hindi ko talaga alam kung bakit ganun sya sa'ken.

Hindi sya sumagot sa tanong ko at ipinakita ang isang picture na nakadikit sa album. Sobrang nagulat ako nung makita yung picture na yun na katulad na katulad ng picture sa facebook!

Yan yung picture na matagal ko nang hinahanap!

Bakit may picture sya na ganun? Saan nya kinuha 'yon? Tsk hindi ko alam kung anong gagawin ko, natigilan ako ng oras na 'yon, dahil may kakaiba talaga akong nararamdaman pag nakikita yung picture na yon.

************************

Reminder: Ang istoryang ito ay naglalaman ng karahasan. Patnubay ng magulay ay kailangan.

Continue Reading

You'll Also Like

79K 3.5K 46
Selene has always lived a luxurious life. A famous actress known as the nation's first love. Not until she traveled back in time during Spanish invas...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
32M 817K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
442K 19.5K 60
Died and reincarnated in the book she last read, Arisia hopes to live an interesting life unlike her previous boring one. What will be in it for her...