The Princess with her Fairies

By TulloEricaMae

226K 5.1K 395

This story is just a fiction. Gawa gawa lang ng author. So please, respect my opinion. No *description* about... More

Chapter 1: [Mr. Sungit]
Chapter 2: [Make-Over]
Chapter 3: [New Day, New Me.]
Chapter 4: [My Princess]
Chapter 5: [Prince and Princess]
Chapter 6: [Is it mutual?]
Chapter 7: [Short Update]
Chapter 8: [Text, Tweets, Deal]
Chapter 9: [Babe<3]
Chapter 10: [Back Hug]
Chapter 11: [First Kiss]
Chapter 12: [Date]
Chapter 13: [First Sunday]
Chapter 14: [Moving Closer]
Chapter 15: [Five roses]
Chapter 16: [Takaw]
Chapter 17: [Carrie]
Chapter 18: [The Buzz]
Chapter 19: [Kaira and Miguel]
Chapter 20: [Marlo and Anne]
Chapter 21: [Ariane and JD]
Chapter 22: [Aly and Chris]
Chapter 23: [Patrick and Andrea]
Chapter 24: [Erica and Gab]
Chapter 25: [Starbucks]
Chapter 26: [I feel special today]
Chapter 27: [I'll make her feel special today]
Chapter 28: [Rooftop]
Chapter 29: [Forevermore]
Chapter 30: [UP Aguman]
Chapter 31: [Last 2 days]
Chapter 32: [Last Day.. but.. where are you my prince?]
Chapter 33: [End]
Chapter 34: [14 letters, 15 roses]
Chapter 36: [untitled]
Chapter 37: [All is well]
Chapter 38: [THE WAY LOVE GOES]
Chapter 39: [Parents over Dennice]
Chapter 40: [Disaster]
Chapter 41: "Pabayaan niyo naman akong magdesisyon para sa sarili ko..."
Chapter 42: Shrt Pdt. :)
Chapter 43: "Sundan mo yang tibok ng puso mo anak. Mag-isip ka ng mabuti."
Chapter 44: "Ma, Dad, si Viniel po, boyfriend ko."
Chapter 45 -thelastchapter-: "Let us congratulate, the new engaged couple!"

Chapter 35: [Truth or Dare]

3.1K 81 9
By TulloEricaMae

*VINIEL'S POV*

Napakasaya ko ngayon. Dahil nasabi ko na sa taong mahal ko na mahal na mahal ko siya. At lalo pang dumagdag ang pagkasaya ko dahil mahal din pala ako ng babaeng matagal ko ng pinapangarap. Corny ba? Sorry, ganyan talaga kapag nagmamahal. Wala sa vocabulary mo ang salitang CORNY.

Nandito pa din kami sa hall, kumakain kasama ang barkada. Nagsama sama kami sa iisang table, at siyempre magkakatabi ang magkaka-partners.

"Anong oras na pala?" tanong ng babaeng ngayon ay talagang akin na.

"4:45pm na. Bakit?" -Laken

"Ha? 4:45 na? Agad agad? PEE BEE BEE TEENS?!" -Erica

"Oo nga, ganun ba katagal yung pagsuyo sayo ni Viniel? Grabe ah." -Aly

"Sus, inggit ka lang Aly. Pabayaan mo, kapag sinuyo kita mas matagal pa diyan." -Chris

"AYIEEEEEE!" sabay sabay na sabi ng barkada.

"Nako, Chris! Kung alam mo lang. Kung alam mo lang!" -Anne

"KUNG ALAM MO LANG, CHRIS! KUNG ALAM MO LANG!" sabay sabay na sabi ng KLAPS except kay Aly na sobrang pula na. Kami namang mga boys, walang kaalam alam.

"Eh ano ba kasi yun?" -Arvin

"Gusto niyo ba talagang malaman?" -Laken

"Oo, gustong gusto siyempre. Lalo na si Chris, siyempre! Di ba pare?" -Miguel

"Ako nanaman?" -Chris

"Malamang, ikaw involve dito! Shunga ka?" -JD

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." sabay sabay na tawa ng barkada.

"Sige, maglalaro tayo ng Truth or Dare mamaya. Nang magkaalaman na." -Kaira

"SIGE, CALL!" sabay sabay na sabi naming mga boys.

Binilisan namin ang pagkain namin. After 30 minutes, tapos na kami. Pumasok na kami sa resthouse naming tatlong magkakapatid. Para ding resthouse nila Mama, pero mas malaki yung samin.

Tatlong kwarto, Arcade Room, Music Room, Dining Room, Kitchen atyaka Sala. Para na ngang ideal house ng bawat teens eh. Pero resthouse lang talaga para saming tatlong magkakapatid.

"Saan tayo maglalaro ng Truth Or Dare?" -Marlo

"Sa Music Room na lang tayo. Ayos lang ba sa inyo?"

"Oo naman, kahit saan. Kahit sa kitchen pa tayo, ayos lang." -Chris

"MAG-ISA MO!" sabay sabay na sigaw ng barkada sa mukha ni Chris. Kung nakikita niyo lang yung mukha ni Chris ngayon. Hahahahahaha. Priceless!

Pumasok na kami sa Music Room. Nagdala na ako ng bote dahil panigurado gagamitin namin.

"Start na tayo?"

"Game na." -Dennice

"Marlo, ikaw na mag-ikot ng bote." 

Inikot ni Marlo ang bote, at tumapat ito kay Miguel.

"Truth? Or Dare?" -Marlo

"Dare. Hahahahaha. Dalian mo, tagal." -Miguel

"Sige, kiss mo kili kili ni Kaira. Hahahahahahahaha." -Marlo

"Ang daming pwedeng ikiss, kili kili pa?! Marlo naman." -Miguel

"Bakit? Mahal mo naman si Kaira di ba? Eh bakit kili kili lang di mo mahalikan? Haha." -Marlo

"Mabango naman kili kili ko! Sus, Miguel. Kung ayaw mo di wag!" -Kaira

"Ayan, galit na. Tsk."

"Ito na nga, ikikiss ko na eh. Taas mo na." -Miguel

Tinaas na ni Kaira yung kamay niya. Tapos kiniss na Miguel yung kili kili ni Kaira.

"Babe, ba't basa? Hahahahahaha." -Miguel

Binatukan naman ni Kaira si Miguel nun. Tapos si Miguel inakbayan si Kaira.

"Tama na yan, ikot mo na yung bote." -Anne

Inikot ni Miguel ang bote at tumapat ito kay Marlo.

"Humanda ka sa'kin Pare. Dare or Dare?" -Miguel

"Ulul. Bakit walang truth? Ginagago mo ba ako?" -Marlo

"Truth or Dare? Hahahahahaha." -Miguel

"Truth." sabi ni Marlo sabay belat kay Miguel.

"Ang daya mo. Sige na nga." -Miguel

"Ako magtatanong, ako na lang." -Dennice

"Oo na, sige ikaw na. Sabi mo eh. Sige na. Ikaw na! Ikaw na!" -Miguel

Si Kaira binatukan nanaman si Miguel. Loko kasi eh.

"Ano na tanong mo Dennice?" -Marlo

"Paano kung hindi dumating si Anne sa buhay mo? Ano sa tingin mo yung sitwasyon mo ngayon?" -Dennice

"Thank you for that wonderful question. Hahahaha." -Marlo

Binatukan ni Anne si Marlo.

"Baby, sagutin mo na lang. Dami pa satsat." -Anne

"Excited? Excited? PEE BEE BEE TEENS?" -Marlo

"Lul."

"Sige na. Ito na nga. Kung wala si Anne sa buhay ko ngayon, hindi ko kayo makikilala. Kung hindi ko nakilala si Anne, siguro wala akong ibang ginawa kundi mambabae, mambisyo. In short, si Anne ang dahilan ng pagbabago ng buhay ko." -Marlo

"Naks! Taray ng sagot. Pang Mr. Pogi. Hahahahahahahaha." -JD

Inikot na ni Marlo yung bote at tumutok naman ito kay Chris.

"Truth or Dare?" -Marlo

"Truth." -Chris

"Gaano mo ba kamahal ang kaibigan namin, Chris?" -Ariane

"Mahal ko siya as if gagawin ko ang lahat makamit ko lang yung matamis na "Oo" niya sa akin sa panliligaw ko. Hindi ko ba alam diyan sa kaibigan niyo, ang manhid. Sa sobrang manhid, baka hindi niya ramdam kung gaano ko siya kamahal at kung gaano ako kaseryoso sa kanya." -Chris

"Excuse me, hindi ako manhid. Baka ikaw." -Aly

"What do you mean?" -Chris

"Wala, basta. You'll know it soon." -Aly

Inikot na ni Chris ang bote at tumapat ito kay Ariane.

"Truth or Dare?" -Chris

"Truth." -Ariane

"May pag-asa pa ba kayo ni JD?" -Laken

"Meron, kung mapapatunayan niyang hindi niya talaga ako niloko." -Ariane

"Matagal ko ng gustong patunayan, hindi mo lang ako binigyan ng chance." -JD

Natahimik na lang si Ariane. Kung alam lang ng babaeng to, ang reason. Baka ngayon, masaya silang dalawa ni JD. Inikot na ni Ariane ang bote at tumapat ito kay Anne.

"Truth or Dare?" -Ariane

"Dare." -Anne

"Kiss mo leeg ni Marlo. Hahahahaha." -Miguel

"Sus, yun lang?" -Anne

"Di mo naman pinahirap si Anne, lagi niya ata ginagawa kay Marlo yan eh. Haha." -Laken

"Sira ulo. Di ah!" -Anne

Hinalikan na ni Anne ang leeg ni Marlo at inikot na ang bote. Tumapat ang bote kay Kaira.

"Truth or Dare?" -Anne

"Truth." -Kaira

"Paano kung nambabae si Miguel? Anong gagawin mo?" -Anne

"Una, sasampalin ko siya. Tapos huhubaran ko, babalatan ko ng buhay. Kukuha ako ng asin, ilalatag ko sa kama. Tapos ipapagulong gulong ko siya sa kama. After nun, papaliguan ko siya ng muriatic acid. Tapos huhukay ako sa may bakuran namin, tapos ililibing ko siya dun. Ganun lang naman, mabait naman ako eh." -Kaira

"WOAAAAAAAAAAAAAAAAAAH." sabi ng barkada.

"Wag ka ng mambabae, Miguel." -Arvin

"Kung ako sayo, tol. Hindi ako titingin sa ibang babae." -Viniel

"Di ko naman gagawin yun noh. Takot ko lang dyan kay Kaira." -Miguel

Inikot na ni Kaira ang bote at tumapat naman ito sa akin.

"Truth or Dare?" -Kaira

"Dare."

"Kiss mo sa lips si Dennice. Smack lang." -Kaira

"Ayoko. Nirerespeto ko siya. Iba na lang. Kahit ano wag lang yan."

"Hinde, ok lang." -Dennice

"Sigurado ka?" 

Nagulat ako sa sinabi ni Dennice. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko naman kasi ineexpect yun eh.

"Oo, smack lang naman eh." -Dennice

Lumapit na ako kay Dennice. Nilapit ko na ang mukha ko sa mukha niya. At biniglang hinalikan siya sa labi. Agad naman akong bumitaw dahil smack lang ang usapan. Pero nung ginawa ko yun, at natapos kong ginawa. Lumakas ang tibok ng puso ko. Para bang damang dama ko yung pagmamahal niya sa akin. Ewan ko ba. Nababakla nanaman ako.

Inikot ko na ang bote at tumapat ito kay Ate Laken.

"Truth or Dare?"

"Truth. Ayusin mo Viniel, sisipain kita." -Laken

"Mahal mo ba si Vince?"

"Lol. Nagpapatawa ka ba? I totally moved on. Strong ata to. Hindi ko pinagaaksayahan ng oras ang isang taong manloloko. He's not important." -Laken

"Naks, yan si Laken. Laken the strong!" -Erica

"Sira ka! Hahahahah." -Laken

"Ikot mo na, Bes!" -Arvin

Inikot na ni Ate Laken ang bote at tumapat ito kay Gab.

"Truth or Dare?" -Laken

"Dare." -Gab

"Inuutusan kita na sabihin yung gusto mong sabihin kay Erica sa harapan naming lahat ng barkada." -Laken

"Ok, sige. Yun lang ba?" -Gab

"Yeah, yun lang." -Laken

"Gusto kong kausapin si Erica, about sa pag-alis ko." -Gab

Nakita kong sumimangot si Ate Erica dahil ayaw na ayaw niyang napag uusapan about dito.

"Kinausap na ako ni Mama na kailangan ko na daw bumalik ng Guam dahil magsstart na ang klase namin. Sa Monday na ang balik ko ng Guam." -Gab

Nakita kong naluluha na si Ate Erica. Kitang kita sa mata niya na luhang luha na siya.

"Pero dahil sa isang rason.." -Gab

"ANONG RASON!?" sabi naming barkada except kay Ate Erica.

"Dahil kailangan kong mag-stay para sa babaeng mahal ko, pinakiusapan ko si Mama na kung pwede dito na lang ako mag-aral at tumira sa Pilipinas. 'Tyaka na lang ako babalik doon kapag napatunayan ko na yung babaeng mahal ko, ay akin na talaga." -Gab

Nakita ko namang nagliwanag yung mukha ni Ate Erica.

"Naks, Pare. Ang swerte naman nung babaeng yun." -JD

"SOBRANG SWERTE!!" sabi nung KLAPS except kay Ate Erica.

"Kung ako lang yung babaeng yun, SASAGUTIN NA KITA GAB." -Laken

"OO NGA!!!" -Klaps 

Halata namang si Ate Erica ang pinariringgan nila. Sobrang pula na ng mukha ng Ate ko. Grabe.

"Gab, ikot mo na yung bote." -Erica

Inikot ni Gab ang bote at sakto namang natapat kay Ate Erica.

"Truth or Dare?" -Gab

"Truth." -Erica

"Chance mo na yan Gab!" -Arvin

"Erica, mahal mo din ba ako?" -Gab

"AMIN NA, GIRL!!" -Klaps

"Oo, mahal na mahal Gab. Nung una pa lang. Pero natatakot ako na maging tayo dahil takot ako sa long distance relationship. Dahil baka hindi mag work out. Pero ngayon, naisipan ko na hindi na dapat kita pakawalan. Kaya nga.." -Erica

"Kaya nga ano?" kaming mga boys.

"Sinasagot na kita." -Erica

"Talaga?" -Gab

"Oo." -Erica

"So, tayo na?" -Gab

"Ay, hinde! Kami na Gab. Kami na!" -Patrick

Niyakap naman ni Gab si Ate. Halatang ang saya nilang parehas. Sa wakas, umamin na din si Ate Erica. Pakunware pa, bibigay din pala.

"Oh, tama na yan! Spin the bottle na!" -Andrea

Inikot ni Ate Erica ang bote at tumapat ito kay Patrick.

"Truth or Dare?" -Erica

"Truth." -Patrick

"Dahil konti na lang ang hindi pa natatong. Itong tanong ko para sa inyong dalawa ni Andrea ah." -Erica

"Sige." Andrea at Patrick

"May pag-asa bang maging kayo?" -Erica

Nagkatinginan ang dalawa at sabay sinabing.. "MERON."

"Una pa lang kasi, iba na ang tingin ko kay Drea. Kaya sa pang-aasar ko na lang dinadaan para mapansin niya ako." -Patrick

"Sus, Klaps alam niyo naman na una pa lang gusto ko na yan." -Andrea

"Nanliligaw ka na ba Patrick?" -JD

"Oo naman, brad." -Patrick

"Kailan mo balak sagutin?" -Ariane

"SOON." -Andrea

"Wag niyo ng iikot yung bote, ako na. I volunteer. May gusto akong sabihin at ipaliwanag kay Ariane." -JD

"Sige Pare, go ahead."

"Yan, yung babaeng nakita mo sa mall kasama ko. Hindi ko babae yun. Kaibigan yun ng anak ng Mama ko. Napag utusan lang akong samahan siya sa Mall. Eh sakto yung babaeng yun may gusto pala sa akin. Kaya dikit ng dikit, sumakto naman na nakita mong nakakapit siya sa akin. Hindi mo ako pinabayaang magpaliwanag, nakipagbreak ka sa akin. Pinabayaan kita dahil baka you need space. Pero hindi ko kinayang mag move on, kasi hanggang ngayon mahal pa rin kita." -JD

Nakita kong naluluha si Ariane. Dahil siguro alam niya na mali nga ang ginawa niya dahil hindi niya pinabayaang magtapat si Viniel. Tumayo si Ariane at pumunta kay JD sabay niyakap ito.

"Sana dati pa kita hinayaang magpaliwanag. Sorry babe." -Ariane

"Huh? Babe? Babe agad?" -Andrea

"So tayo na ulit Babe?" -JD

"Nakipagbreak ako sayo literally pero hindi ka naalis sa puso't isipan ko. Mahal na mahal kita." -Ariane

"Mahal na mahal din kita, Babe." -JD

"Sino ng next?" -Patrick

"Si Arvin na lang. Tanungin niyo na." -Miguel

"Sige, Arvin. May feelings ka ba kay Laken?" -Aly

"Uy, gagu. Haha." -Laken

"Wala, bestfriend lang talaga turing ko sa kanya." -Arvin

"Eh pano kung in the end kayo talaga dapat?" -Chris

"E di kami talaga. Kakalabanin ko pa ba ang destiny? Di ba bes?" -Arvin

"O-oo nga naman. Next na!" -Laken

"Ikaw naman Aly. Dare ang sayo." -Kaira

"Osige, ano yun?" -Aly

"Kiss mo sa right cheek si Chris kung wala kang feelings for him. At sa left naman kung mutual ang feelings mo para sa kanya." -Ariane

"Sige." -Aly

Nagulat si Chris dahil ang left cheek niya ang hinalikan ni Aly.

"So ibig sabihin?" -Chris

"Yes, i like you. I really do." -Aly

"PEE BEE BEE TEENS?!" -barkada

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHA." -barkada

"So, tayo na?" -Chris

"Lol. NO. But soon. Maybe." -Aly

"Sige, I'll wait. Soon to be Mrs. Sinahon." -Chris

"Mrs. agad?" -Aly

"PEE BEE BEE TEENS?!" -barkada

At tawanan nanaman kami.

"Guys, may ipagtatapat kami ni Viniel sa inyo." -Dennice

Alam ko na kung ano to. Kinakabahan ako, dahil baka magalit ang barkada.

"ANO YUN?" -barkada

"Ngayon lang talaga kami naging official na mag boyfriend-girlfriend ni Viniel." -Dennice

"Ha? What? What do you mean?" -Ariane

"Sa deal nagsimula ang lahat." -Viniel

"Does that mean na niloko niyo kami?" -Kaira

"Pinagkatiwalaan namin kayong dalawa tapos fake lang pala?" -Andrea

"Lahat ng efforts namin ginawa namin para sa relationship niyo pero deal lang pala ang lahat?" -Laken

"Sorry, hindi naman namin alam na magagalit kayo." -Viniel

"Yun na nga eh. Hindi niyo inisip kung anong mararamdaman namin. Pinagkatiwalaan namin kayo." -Aly

"Tapos ganun ganun na lang? Basta basta na lang?" -Anne

"All this time Viniel. Pinagmukha mo kaming tanga. Pati ikaw Dennice. Bakit hindi niyo man lang agad sinabi? Kaibigan niyo kame, pero niloko niyo kame. Lalo ka na Viniel, kapatid mo ako. Ate mo kame pero nagsinungaling ka samen." -Erica

Ang mga boys, wala ng sinabi. Hinabol na lang nila ang mga members ng KLAPS na isa isang nag-alisan kanina.

"Kasalanan ko ang lahat ng ito."

"No, hindi. Wala kang kasalanan. Maayos din natin to." -Dennice

Ang mga taong mahahalaga sa buhay namin ng girlfriend ko, galit dahil sa pesteng deal na yan.

Vote and Comment! :)

Intereact with me on Twitter: @TulloEricaMae

Continue Reading

You'll Also Like

187K 3.9K 35
Clarisse Anne Mendez - "Not Just an Ordinary Lost Princess" She is not what you think she is -smoopy
126K 2.8K 37
Sa isang iglap, at titig sa aking mga mata, napunta akong muli sa lugar na aking pinanggalingan. At sa lugar kung saan, natagpuan ko ang aking mahal...
5.9K 364 55
ASTRID ELEANOR is born to be a slayer, she chases the evil creatures called "aswang." She can smell, hear nor see them even in the dark.
32.6K 1.2K 20
Handa ka na bang harapin ang kanyang malupit na paghihiganti?