Ang Dalawang Anino ni Satanas

By GYJones

199K 13.1K 1.4K

Nagbabalik ang team ng exorcist, psychic at parapsychologist upang makipagtuos mismo sa hari ng kadiliman--s... More

Introduction
Prologue
Chapter 1: Premiere Night
Chapter 2: Ang Kaso ni Don Villaromano
Chapter 3: Hannah's Date
Chapter 4: Sa Mansyon
Chapter 5: The Exorcist
Chapter 6: The Possessed
Chapter 8: To JHS!
Chapter 9: Symbols
Chapter 10: Ang Don
Chapter 11: Merry Satanic Christmas, Joe Mari
Chapter 12: Satan!
Chapter 13: It Comes And Goes
Chapter 14: In His Own Image
Chapter 15: Infiltrate!
Chapter 16: Ang Satanic Groupie, Jesus Fish at Si Emily Rose
Chapter 17: Black Nativity
Chapter 18: Ang Green Room
INTERMISSION
Chapter 19: The Deal
Chapter 20: Madaling Araw
Chapter 21: The Raid
Chapter 22: Caroling
Chapter 23: The Vessel
Chapter 24: The Twin Enigma
Chapter 25: Christmas
Chapter 26: Game Time!
Chapter 27: Pasko sa Mansion
Chapter 28: Ang Bahay na Itim
Chapter 29: The Ritual
Chapter 30: Rescue!
Chapter 31: Reunion
Chapter 32: Double Exorcism
Chapter 33: Hypnotism
Chapter 34: Satanists Attack!
Chapter 35: Finale
Epilogue
Chapter X
ACKNOWLEDGMENTS

Chapter 7: The Private Detective

4.8K 309 28
By GYJones

Tumawid ng EDSA tungo sa Buendia Avenue ang itim na van nila Miguel. Nag-stop over ito sa convenience store ng isang gasolinahan, at nagbabaan ang mga sakay nito at pumasok sa loob. Kasama ni Miguel ang pito pang mga kalalakihan, mga pawang nasa edad 18-25 years old, maliban sa pinuno nila na nasa kanyang 30s—isang skinhead na siyang pinakamaraming mga tattoo. Sa loob, nagsipagkuhanan sila ng mga alak sa freezer.

Maya-maya'y pumasok din sa loob ang 50-something na lalaking naka-leather jacket—ang driver ng kulay blue na pick-up truck na hindi nila namalayan ay sinundan pala sila. Dumiretso naman ang lalaki para kumuha ng coffee in can habang pasimpleng pinagmamasdan ang grupo nila Miguel. Pagsara niya ng freezer door ay nagkatinginan sila ng skinhead na lalaki na kumukuha naman ng beer. Tumalikod ang skinhead at nagtungo ng counter kung nasaan na ang kanyang mga kasama. Pumila ang may edarang lalaki sa likod ng grupo at kanyang mine-mental note ang nakikitang niyang mga tattoo ng grupo—mga tattoo ng ahas, bungo, at mga simbolong kakaiba.

Maingay ang mga miyembro ng grupo. Nagkukulitan. Nagaasaran. Pinapakinggang mabuti ng may edarang lalaki ang mga pangungusap nila. May mga pangalan siyang nahagip na kanyang tinandaan. Rommel. Pol. Stephen. Ang gusto niyang malaman ay ang pangalan ng skinhead na nakipagtitigan sa kanya dahil palagay niya'y siya'ng leader ng aniya'y gang na ito. Nguni't hindi iyon nabanggit.

"Anything else, sir?" sabi ng babaeng clerk ng convenience store. "Would you like to try 'yung bago naming flavor ng ice cream?"

"Mukha ba akong kumakain ng ice cream?" sabi ng may-edarang lalaki. "Bigyan mo na lang ako ng kaha ng Marlboro reds."

Nang masuklian ay nagmamadali siyang lumabas at nakita niyang nagsisipagsakayan na ang gang sa kanilang van. Agad din siyang sumakay sa kanyang pick-up truck para sundan sila.

Sa area ng Bangkal lumibot ang itim na van. Tinandaan ng 50-something na lalaki nang maigi ang mga kalsadang kanilang dinaanan: Dian...Faraday...Rockefeller...mga kalsada na ipinangalan sa mga heneral, hanggang sa napunta sila sa kalsada na may mahabang pader, kung saan may nabubulok na kulay pula na gate kung saan pumasok ang van. Pinarada ng lalaki ang kanyang pick-up truck sa may kalayuan. Kinuha niya sa bulsa ng kanyang leather jacket ang isang maliit na notebook at gamit ang lapis na nakasuksok sa spiral binding nito ay isinulat ang numero ng gate. Isinulat pa niya ang ibang mga detalye: ang numero ng plaka ng itim na van, ang modelo nito, kung ilan ang mga miyembro ng gang, ang hitsura nila, ang mga palatandaan sa kanilang mga katawan, at ang mga pangalang narinig niya.

Kasama ito sa kanyang trabaho, sa kanyang specialty.

Ang may edarang lalaki ay isang private investigator at ang sundan si Miguel at alamin ang kanyang mga activities ay parte ng kanyang trabaho. Saglit siyang na-distract nang may dumaang delivery truck ng gasul. Nagsindi siya ng sigarilyo at kinuha ang kanyang cellphone na lumang modelo na, pero sapat lamang sa kanyang pangangailangan. Dahil old school, ay hindi rin naman niya gamay ang mga hi-tech na gadgets. Hawak niya ang isang calling card at dinail ang numerong nakasaad doon—ang numero ng kanyang employer.

"Hello, Mr. Villaromano..." kanyang sabi sa cellphone. "Si Andy ito. Andy Madrid."

***

Upang alamin ang nangyayari sa kanyang anak na si Miguel, ay hindi lamang sina Jules, Hannah, at Father Markus ang hinire ni Don Carlos Villaromano, humingi rin siya ng services ng isang private investigator, isang nagngangalang Andy Madrid—isang batikang P.I. sa kanyang 50s at siyang nagmamay-ari ng blue na pick-up truck.

Ang specialty ni Andy Madrid ay missing persons. Marami na siyang na-solve na mga kaso ng mga nawawalang tao. Mga kinidnap. Mga naglayas. Mga asawang nag-awol para takasan ang kanilang mga asawa. May natural na kakayahan ang gurang na P.I. 75% ng mga kaso niya ay kanyang nalulutas. Ikanga, malakas ang pang-amoy niya. Kahit na sa kasuluk-sulukan ng Pinas, taga mo sa bato, matutunton sila ni Andy.

"Anong pangalan niya?" tanong ni Andy.

"His name's Miguel," sagot ni Don Carlos.

Noong isang linggo sila nagkita upang mag-usap—sa bar ng isang hotel sa Makati. Magkatapat sila ng upo at umorder si Don Carlos ng bote ng Johnnie Walker Blue Label. Alas-otso ng gabi at kalahating puno sa loob ng bar, karamihan ay mga foreigners.

"I want you to find out kung saan sila nagpupunta ng grupo niya," sabi ni Don Carlos, at kanyang inabot ang isang litrato kay Andy.

Tinignan ng private investigator ang litrato ni Miguel pagkatapos ay sinilid iyon sa bulsa ng kanyang leather jacket. Kinuha niyang bote ng Johnnie Walker at tinagayan ang sarili.

"Itong grupo niya..." umpisa ni Andy.

"Some sort of cult. Bunch of Satanists," ngitngit na sabi ni Don Carlos habang uminom ng whiskey. "They have these weird tattoos..."

"Anong klaseng mga tattoo?" tanong ni Andy.

"I don't know," taas balikat ng Don. "Some weird symbols," aniya at mukhang nairita sa tanong ng kausap. "Look, hindi ba it's your job to find out?"

Naramdaman ni Andy ang pagka-short-fused ng mayamang kliyente.

"Look, Mr. Villaromano," diin ni Andy. "Hindi ko naman sinabi na padaliin mong trabaho ko, pero, kailangan ko din ng lead para mabilis nating malutas ito."

Kumalma ang Don. "O...okay," mahina niyang sabi. "It's just...you know, it's just too stressing."

Tumagay ng whiskey ang Don, at para i-lighten ang mood ay umorder siya ng caviar. Impressed lang si Andy. Bagama't hindi pa siya nakakatikim ng caviar ay alam niya na isa ito sa pinakamahal na food delicacy, at kitang naging excited siyang masubukan ito.

"Do you need anything from me?" tanong ni Don Carlos.

"'Wag mo munang pag-drive-in si Miguel," sabi ni Andy. "Hayaan mong sunduin siya ng mga kasamahan niya para masundan ko sila na magkakasama."

Tumango ang Don at binanggit ang tungkol sa itim na Ford van. Sinulat ni Andy ang impormasyon sa kanyang maliit na notebook. Maya-maya'y tumunog ang i-phone ni Don Carlos at kanyang binasa ang text message.

"It's my wife, I need to go," pagtayo ng Don. "And don't worry about your fee..."

Hindi pinoproblema ni Don Carlos ang bayad, kung magkano man iyon ay hindi nagma-matter. Nagkamay sila at nagpaalam ang Don para umalis.

"Don Villaromano," pahabol ni Andy.

Lumingon pabalik ang Don, ina-anticipate na may importante pang sasabihin ang private investigator.

"Paano ito?" turo ni Andy sa Johnny Walker. Hindi pa nangangalahati ang bote ng alak.

"Take it. Bayad na 'yan," sabi ng Don bago tuluyang umalis.

Napangiti si Andy. Maya-maya'y dumating ang caviar. Tinikman iyon ni Andy at siya'y napataas ng kilay. Ito na ba 'yon? Aniya sa sarili. Hindi siya na-impress. Masarap pa ang aligue ng talangka. Dinampot ni Andy ang kanyang leather jacket at naglakad paalis ng bar dala ang bote ng Johnnie.

Isang linggo na ang lumipas nang sila ay mag-usap sa bar ng hotel. At ayon sa plinano nila ay sinundan nga ni Andy ang black na Ford van nila Miguel at dinala siya sa kasalukuyang kinalulugaran niya. Isang kalye sa may Bangkal. Isang mahabang pader na may pulang gate kung saan pumasok ang van. At matapos ispatin ang lugar ay tinawagan niya ang Don.

"Hello, Mr. Villaromano? Si Andy ito. Andy Madrid."

"Mr. Madrid," sagot ng kausap. "What do you have for me?"

Sinabi ni Andy kung nasasaan siya.

"Good," sagot lang ng Don. He knew well enough na i-pressure ang batikang private investigator, kung kaya't kuntento na siya sa nalaman for now. Kampante naman siya sa kakayahan ng P.I. pagka't well-recommended siya ng mga kakilala, kung kaya't naisipan niyang may ipagawa pa kay Andy na isang pang trabaho. "Mr. Madrid," aniya. "Kung willing ka, I have another job for you. Medyo mahihirapan ka, pero I'll make it your while."

"Konektado ba ito sa pinagagawa n'yo ngayon?" tanong ni Andy.

May konting hesitation si Don Carlos bago sumagot ng yes.

Na-intriga si Andy, pero para sa kanya trabaho ay trabaho at malaki ang bayad nito, kung kaya't walang pagdadalawang-isip siyang um-oo. Matapos ang tawag ay may inabot siya mula sa backseat ng pick-up—isang camera na may lente. Ibinaba niya nang bahagya ang car seat at sumandal. Binuksan niya ang coffee in can na binili niya sa convenience store at habang umiinom ay nakatuon ang mga mata niya sa gate habang hinintay niya ang muling paglabas ng grupo nila Miguel.

Makaraan ang ilang oras kung saan ilang beses na naka-idlip si Andy, ay narinig niyang bumukas ang bakal na gate. Sa dashboard clock ng pick-up ay alas-singko na ng hapon at mababa na ang araw. Kinuha ng P.I. ang kanyang camera at itinutok sa direksyon ng gate, at kinunan ng litrato ang taong nagbukas ng gate—isang lalaki na naka-sando lamang kaya't nahuli ng lente ang mga marka nito sa katawan—ang mga tattoo na sinasabi ni Don Carlos. Patuloy ang click ng camera hanggang sa naisara na muli ang gate at umandar paalis ang itim na van.

Muling sinundan ni Andy ang van. Habang nagmamaneho ay laman pa rin ng isip niya ang tungkol sa isang pang "job" na ibinigay sa kanya. Bukod sa pagimbestiga sa kultong kinabibilangan ni Miguel, ay may pinapahanap pa na tao si Don Carlos. Kung konektado naman ang dalawang trabaho ay hindi siya ganoong mahihirapan.

Pero,bakit parang bigla siyang nakakaramdam ng kaba? Wari niya'y may malalim pangpinanggagalingan ang kasong ito—na may itinatagong madilim na lihim si Don CarlosVillaromano.


NEXT CHAPTER: "To JHS!"

Continue Reading

You'll Also Like

537K 6.8K 26
A rumor had been spreading in Cody De Roxas' classroom, about a boy hidden in the past yet existing in the present. Now, how can Cody and his friends...
Ang Huling Pagsuko By GYJones

Historical Fiction

20.3K 1.7K 29
Dalawang sundalo, isang Pilipino at isang Hapon noong World War II ang na-stranded sa isang isla at kinailangang magtulungan para mabuhay. Fast-forwa...
1M 15.9K 113
Mga hindi pangkaraniwang kwento tungkol sa kababalaghan na hindi natin masyadong pinaniniwalaan, dito niyo lang matutuklasan. Ihanda na ang sariling...
6.1M 30K 6
[COMPLETED] Tagalog Vampire Story. PHYSCIAL BOOK IS NOW AVAILABLE ON SHOPEEEE. please search IMMAC or Magical Vampire Academy. Thank you to all MVA...