Sa mundong ito ako'y isinilang,
Damdamin ay nagdidiwang,
Sayo'y nagsusumamo,
Parang tigreng umaamo,
Panahon ay mabilis,
'Pag timbre ng huni ay numipis,
Emosyon ay labis-labis,
Hinanaing ay nililitis,
Problema'y nawawaglas,
Bigla-bigla ng nagwawakas,
Hatid mo ay bakas,
Kasiyaha'y hindi makakatakas,
Sa aking pangarap,
Abutin na ang ulap,
Lipad ng nota sa mga alapaap,
Masasambot din at malalasap.