Nagmamahal, Nakaraan

40 0 0
                                    


Ayoko na,
ng basag na damdamin,
bubuuin pagkatapos,
ako ang nakagapos.

Ayoko na,
Makakita ng katulad mo,
Tulad mong minahal ko,
Nakilala na hindi pa buo.

Kasalanan siguro ang magmahal,
Habang nasasaktan pa,
Sa sariling nakaraan.

Sinamahan ngunit iniwan din tulad ng nadanaan,

Winari mong ako'y pulis
O doktor,
Sa akin lumapit,
At kumapit,
Hinawakan ng mahigpit,
Bibitaw din naman,
Pagkatapos masaktan,
Sa sariling nakaraan.

Kay bilis,
umalis,
Nag-iwan ng
kutsilyong kay tulis,
Ngayon ang
pusong ito'y nabigla,
Natulala,
Natanga,
Sa ginawang,
Panglalamang,
Ng pusong sarado,
Siya naman ang buo,
Ako'y sira,
Grabeng panggagamit,
Kailan nabuko,
Ang sarili ko lang pala ang
niloloko,
Nakalimutan ko,
Iisa lang pala ang mundo,
Ginawa kong dalawa,
Naduling,
Humiling,
Sa iyong piling,
Kailanman ay ako lang pala ang nag-iilusyon,
Ang tibay ng aking pundasyon,
Sinira ng realisasyon,

Mahal kita ngunit tila nakaraan din na lang,

Mahal kita ngunit siya ang lamáng,

Siya lang pala, lamang.

IWhere stories live. Discover now