AUTHOR'S NOTE NA SANA BASAHIN:
Hi guys! Sana umabot kayo sa mismong sentence na ito dahil ibig sabihin nun ay binabasa niyo ang author's note ko :D May hihingiin lang ako na opinyon sa inyo about something.
So here it goes. I am planning to make a new story. Fantasy and mystery/thriller ang genre o category ng gagawin kong story. And I am sure, positively sure, na matatapos ko ang story na 'to not like the other love stories na sinubukan kong gawin. Why? Kasi hindi love story 'tong gagawin ko. Like I said, it's a fantasy/mystery/thriller story. So what I need from you guys is your opinion.
Itutuloy ko ba? O wag nalang? Please answer :)
-Onneechan
______________________________________________________________________
CHAPTER 14 - SOMEONE'S WATCHING
=x=x=x MAXWELL x=x=x=
"Uuwi na kaagad kayo?" tanong sa amin ni Julia. No, kay Alexander lang siya nakatingin. So si Alexander lang talaga ang gusto niya kausapin.
"Oo. Magdidilim na kasi. Salamat Julia." palabas na sana si Alexander nang pigilan siya Julia. Hintak siya nito at kiniss sa cheeks. Bakas naman ang gulat sa mukha ni Alexander. Hinawakan ko naman ang balikat ni Louisse kasi alam ko na susugurin niya si Julia.
"Bye Alex!" nakangiting sabi ni Julia at pasimpleng tinignan si Louisse. Nang-aasar ba talaga 'tong babaeng 'to?
Paglabas namin ng bahay nina Julia ay tumawag na kaagad kami ng taxi at sumakay. Magdidilim na. Bukas nalang namin itutuloy ang susunod sa mapa.
Binalot ng katahimikan ang loob ng taxi. Walang naimik. Nakita kong namumula si Louisse. Walang nagsasalita. Tinignan ko si Alexander at mukhang ayaw niyang magsalita. Kahit ako, ayoko magsalita. Baka kapag nagsalita ako ay baka saakin ilabas ni Louisse ang galit niya.
"That bitch." si Louisse mismo ang bumasag sa katahimikan. "Bakit ba nandito ka Alexander? Dapat nagpaiwan ka nalang sa Pink Woman na 'yon."
Tsk. Sana naman hindi sila dito mag-away.
"Ano bang problema mo? Bakit ba sa akin ka nagagalit?" nagtatakang tanong ni Alexander. Malapit na kami sa street namin.
"Halata naman kasi na inenjoy mo ang pagpapacute sayo nung babaeng yon," naiiritang sabi ni Louisse. Sinusulyapan kami ng taxi driver mula sa rear view mirror. Marahil ay nakikinig sa away ng dalawa kong kasama. Naalala ko tuloy si Rhianne. Kung nandito siguro siya ay baka sabay naming tinatawanan ang pag-aaway ng dalawa.
"Anong gusto mong gawin ko? Itulak siya palayo sa akin? Kung ginawa ko 'yon, malamang hindi natin makukuha ang answers tungkol sa nasunog na bahay na 'yon." sabi ni Alexander. "At ganoon lang talaga yata kafriendly si Julia. Friendly gestures lang 'yon Louisse."
"SO PINAGTATANGGOL MO PA SIYA?" sigaw ni Louisse. Pero iba ang kumuha ng atensyon ko. Madaming pulis at may ambulansya sa tapat ng bahay namin. Anong nangyari?
Tumingin ako kay Alexander at nakita kong nag-aaway parin silang dalawa.
"Alexander.. Louisse.." sabay silang tumingin sa akin.
"ANO?!" sabay nilang sigaw. Tinuro ko naman ang labas ng taxi. Tumigil na ang taxi malapit sa bahay namin. Nagsoften-up yung mukha nila. In an instant, tinigil nila ang pag-aaway. Nagbayad na kami sa driver at bumaba na ng taxi.
Nakahinga kami ng maluwag dahil hindi sa bahay namin nagkakagulo ang mga pulis. Kundi sa tapat ng bahay namin. Sa bahay nina Lola Mel at Ian Chavez.
"MAXWELL! ALEXANDER! LOUISSE!" sabay sabay kaming lumingon sa pamilyar na boses na tumawag sa amin. Nakita namin siyang tumakbo mula sa loob ng bahay nila Lola Mel.
"Detective Joan!" sabi ni Louisse nang makalapit na sa amin si Detective Joan. "Bakit po kayo nandito? Ano pong nangyari?"
Hinihingal na sinenyasan kami ni Detective Joan na sumunod sa kanya. Papasok kami ng bahay nila Lola Mel nang may pumigil sa amin na mga pulis. Sinabi naman ni Detective Joan na kasama niya kami.
Pagpasok namin sa loob ay nakita namin si Ian na nakaupo sa sofa. Naiyak. Tumingin siya sa amin at kitang kita sa mga mata niya ang galit.
"KAYO ANG MAY KASALANAN NITO!" sigaw niya. Napaatras si Louisse. Kami naman ni Alexander ay gulat lang na nakatayo sa harap ni Ian.
"A-Ano pong nangyari?" nanginginig na tanong ni Louisse kay Detective Joan.
"Umakyat tayo sa taas upang malaman ninyo." sabi ni Detective Joan. Nauna siyang umakyat sa hagdan. Sumunod si Ian at kami nina Alexander at Louisse. Pumasok kami sa isang kwarto. May dalawang pulis. Yung isa ay may kung anong pinipicturan sa kama.
Napako ang tingin ko sa kama. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Narinig ko ang nakakabinging sigaw ni Louisse. Narinig ko ang pag-iyak ni Ian. Para akong na-paralize. Tulala akong tinitignan ang bangkay sa harap ko.
"Nadatnan siya ni Ian na duguan diyan sa kama." narinig kong sabi ni Detective Joan pero hindi ko inalis ang tingin ko sa bangkay sa kama.
"As you can see.." lumapit si Detective Joan sa kama. "May malalim na hiwa siya sa leeg. Meron din sa wrists. Pero sa tingin ko, ang pinakapumatay sa kanya ay ang malaking butas sa chest. Tinanggalan siya ng puso."
Tinanggalan... tinanggalan ng puso. Walang puso ang bangkay. Gaya ng mga pusang nakita namin sa kwarto ni Rhianne noon.
"Iho, ikaw ba ang kamag-anak ng bangkay?" tanong ng pulis kay Ian. Di ko parin tinatanggal ang titig ko sa bangkay sa kama.
"O-Opo.." garalgal ang boses ni Ian.
"Ano ang buong pangalan niya at kaano-ano mo siya?" tanong ng pulis.
"Melissa Chavez. Lola ko po."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nakakabingi ang katahimikan.
Nakaupo kami sa sofa ng bahay namin nina Alexander at Louisse. Kasama namin si Ian. Pinapunta kami ni Detective Joan dito habang busy pa siya sa bahay nila Ian.
Puno ng pagdadalamhati ang muka ni Ian. Tulala siya. Hindi ko siya masisisi. Baka kapag kay Alexander o Louisse nangyari yun ay baka ganyan din ang itsura ko. Baka kapag kay Rhianne nangyari yun ay baka mamatay ako sa galit at kalungkutan.
Napatingin kami sa pinto nang pumasok na si Detective Joan. Wala na ang ingay ng mga pulis sa labas. Wala na rin ang ingay na mula sa ambulansya.
"Ian, dinala na sa Jupiter Hospital ang Lola Mel mo para sa isasagawang autopsy." sabi ni Detective Joan. "Pero mamaya ka na pupunta doon. Sasamahan ka namin papunta dun. May pag-uusapan muna tayo."
Umupo sa harap namin si Detective Joan. May nilabas siya na pulang papel mula sa bulsa niya. Nilapag niya 'yun sa harap namin. Pamilyar sa akin ang pulang papel na 'yon.
'You talk too much. You see too much. You know too much. Curiousity kills.
-Hanes'
___________________________________________________________________