Chapter 45----
(Sooyoung's POV)
Napansin ko na parang ang formal ata ng damit ni Sehun.
"Sehun, bakit parang ang formal mo ata ngayon?"
"Ahh ehh sorry hindi ko pa nasabi sayo--"
Nag park muna siya saglit ---- lumabas kaming dalawa sa kotse.
"Ano? dito lang tayo?"
"Ahm Soo--"- sabi niya habang may binubunot sa bulsa niya
Parang hindi siya mapakali nang biglang---- he kneel down and---- and---
"Ms. Sooyoung Choi! Gusto kita dalhin sa altar at gawing Ms. Oh! Will you be mine? forever? Will you be my WIFE?"- sabi niya sabay pakita sa akibn nung ring.
Napanganga lang ako, I am so surprise--- Napaluha na naman ako----
"Yes Sehun, I want to be with you forever T^T"
"YES! YES"
Napatalon siya sa saya---
"sige tara na pumasok ka na."
"Huh? saan tayo pupunta?"
"Basta tara na---"
Pinastart na niya yung kotse at nahinto kami sa isang simbahan na may wedding arrangement---
"Teka? bakit tayo nandito? akala ko ba lalayo tayo sa kasal ko?"
"Ayaw mo paring eh kasal kahit ako na yung groom mo?"
Napatulala na naman ako--- hinawakan niya yung kamay ko tapos sabay kaming tumakbo sa loob ng simbahan.
"Hindi ko nabanggit nasa loob na yung parents mo, pati si Taeyang--"
"What? pumayag sila?"
"Hindi ko nga alam kung bakit umayaw si Taeyang eh, yung dad mo alam na rin ito--"
Kinakaban ako na masaya, ewan ko ba hindi ko na alam kung ano ba itong nararamdaman ko T^T grabe ang saya saya ko. Sinimulan na yung wedding at yung dad ko pa ang naghatid sa akin sa altar--- this is so unexpected T^T parang lahat ng panaginip ko nagkatotoo lahat at ang gwapo pa ng magiging husband ko T^T wala na akong mahihiling pa, thank you Lord for letting this thing to happen.