Business and Pleasure (COMPLE...

By CadyLorenzanaPhr

2.7M 40K 1.7K

Manang si Candida Iceliana o Ice kung tawagin ng mga nakakilala sa kanya. Pinalaki siya ng Lola na konserbati... More

Writer's Note:
Will, The Playboy Businessman
Ice, The Romance Writer
Liam and The Stranger
Hotdog and the Ostrich egg
Three (Malicious) Muskeeters
The Boss and The Secretary
Candice
Breaking Rules, Bolder Ice
First Kiss
In the now
Confused Will
Let's Meet
Phone S*x (SPG)
End Chat
Kinky Kris Kringle
A Night To Remember
Sir Will
Hot Christmas Day
Surrendered (SPG)
Trouble
The Reaction
Restless
Dry Humping (Medyo SPG)
Morning S*x (SPG)
At The Warehouse
At The Beach (SPG)
At The Office (SPG)
Distraction
Will's Secret
Unforgivable
The Truth
Tied (SPG)
Morning Session (SPG)
The Visitor
Sabotage
Sorry, not sorry
The Punishment (SPG)
Thank You!

Revealed

69.1K 1K 32
By CadyLorenzanaPhr

"WHAT are you doing, Tito Liam?"

Mula sa kinauupuan ay muntik nang maibagsak ni Will ang nasa kandungan na laptop. Kinagat niya ang kanyang labi, pinilit na alisin ang ngiwi dahil sa disappointment na pumasok sa kalooban niya nang makita ang pamangkin na lumapit sa kanya. Hindi man niya gusto, kinailangan niya rin na ibaba ang screen ng kanyang laptop. Marunong ng magbasa ang anim na taong gulang niyang pamangkin na si Winona. Kapag nabasa nito ang mga hindi nararapat para sa edad nitong isinusulat niya sa pamamagitan ng kanyang laptop ay malaki ang tsansa na maalala nito iyon. Nasa stage na ito na curious sa lahat ng bagay. Siguradong malilintikan siya kapag humingi ito ng paliwanag kapag nabasa nito ang mga sinusulat niya.

"Just...that." nginitian ni Will si Winona. Pinalapit niya ito sa kanya. Niyakap at hinalikan. "Happy Birthday, princess."

Nagpasalamat ang munting prinsesa ng kanilang pamilya. Pero hindi pa rin naalis ang curiousity nito. Tumingin ito sa laptop niya. "You're working, Tito?"

"No. You do know I don't work at home. Lalo na at birthday mo pa. May inaasikaso lang akong personal matters."

Hindi ako magaling magsinungaling, pamangkin. So please stop your curiousity! Wika ni Will sa loob-loob niya.

"Personal matters like?" hindi pa rin nagpapigil si Winona.

"Personal matters na hindi naman ganoon kaimportante at bawal mong malaman." Nginitian niya ito, trying to ease her and take away her curiousity. Nagpalit rin siya ng topic. "Nasaan na ang playmates mo?"

"Pinaalis ko na po. Sabi po kasi ni Mommy, kaya ka nagla-laptop dahil nabo-bored ka. Hindi daw po kasi kita inaasikaso."

"Oh... ako talaga ang paborito mong Tito, ha?" hinalik-halikan niya ang pamangkin.

"Of course! Wala naman siyang choice, eh." Wika ng tila may ESP na kapatid niyang si Patricia. Nakalapit na rin ito sa kanya.

Nang mamatay ang ina ni Will pitong taon na ang nakakaraan, ang nakatatandang kapatid niyang si Patricia at ang ngayon na pamilya nito ang tinuturing na lamang niyang pamilya. Not his father...not of course him.

Iniwan na sila ng kanyang ama. Simula nang mag-resign ito sa Limitations, sumama na ito sa babae nito, ang dating sekretarya. Simula noon, wala na siyang pakialam rito. Ganoon rin naman ito sa kanya. Ni hinayaan na nga lamang nitong pamunuan niya ang Limitations na ito ang dating presidente. Pero kung may maganda man na idinulot ang ginawa nito, iyon na siguro iyon. Dahil sa kanya, hindi nasayang ang Limitations---ang kompanyang minana pa ng ama sa Lolo niya. Dahil sa kanya, mas gumanda pa ang Limitations.

Nag-iisang kapatid lamang ni Will si Patricia. Pero kahit mas matanda ito sa kanya, hinayaan nitong siya ang mamuno sa Limitations. Mas may alam siya sa business dahil business management graduate siya samantalang ito ay fashion design. Nag-aral pa ito sa ibang bansa para roon. Hindi naman nito gustong sayangin nito iyon para pamahalaan ang isang business na hindi nito passion. Ni isang beses ay wala siyang nakuhang pakikialam rito sa pamamahala niya ng Limitations. Kahit isang beses ay hindi man lang siya nito nagtangkang tanungin tungkol roon o kahit ang bisitahin siya sa opisina. Wala itong pakialam sa business ng pamilya dahil mayroon rin itong sariling business. Nagmamay-ari ito ng sikat na fashion boutique na ngayon ay may limang branches na sa mga sikat na mall sa Pilipinas.

"Hey," Bati ni Will sa kapatid. Hinalikan niya ito sa pisngi upang dagdag bati. Tinapik naman niya sa balikat ang asawa nitong si David. "Hindi na busy?"

"Hindi naman talaga kami busy dahil may organizers ang party ni Winona."

"Really? Ang akala ko ay busy kayo sa party---"

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo? Ni hindi mo nga kami pinansin noong una kang dumating. Tumingin ka lang kay Winona, nang makita mo na busy siya sa mga playmates niya ay umupo ka na lang dito. Binuksan ang laptop mo, engrossed na engrossed sa ginagawa mo. Ano ba kasi 'yan, Liam?" tanong ni Patricia sa kanya na ginamit pa ang kanyang nickname na tanging pamilya lamang niya ang gumagamit.

Ngiting pilit---iyon ang ibinigay ni Will sa kapatid. Maaari naman niyang sabihin kay Patricia ang ginagawa pero ano ang iisipin nito?

"Fine. I'm busy with a girl." Pag-amin na ni Will.

Kumunot ang noo ni Patricia. "A girl? Nakikipag-communicate ka sa kanya gamit ang laptop? Wala ba siyang phone number or---"

"Sa internet ko siya nakilala."

"So? Hindi ka ba puwedeng gumamit ng cell phone mo para makausap siya? Like applications---"

"Sa web lang gumagana ang chat site. Hindi ako sanay gumamit ng web sa cell phone."

"Chat site? Nakilala mo siya sa isang chat site? Seryoso ka ba talaga, baby Liam?" tatawa-tawang wika ni Patricia.

Inaasahan na ni Will ang magiging reaksyon ng kapatid. Alam niya sa sarili na tila bumaba na ang personalidad niya. Pumayag siya sa isang sex chat. At sa mga nakaraang linggo, nag-stick na lamang siya roon. But then, iba ang dating sa kanya ng ginagawang iyon. It made him feel horny as hell.

Kaya gagawin niya ang lahat para magkita rin sila ng babaeng ito. Will had a feeling that if he doesn't find his way to that girl's pussy soon, it will be near to killing his self. Kaya iyon siya, hindi man dapat niya ginagawa sa isang children's party ay napilitan siya. Kinukumbinsi niya pa rin si Candice na makipagkita sa kanya.

"Alam mo na kapag pagod ako, ang pakikipag-chat ang solusyon ko."

"Hapon pa lang. Pagod ka na agad? Hmmm... 'Wag mong sabihin na hooked ka sa babaeng iyan? Girlfriend mo na siya?"

Nanlaki ang mga mata ni Winona. "May girlfriend ka na, Tito Liam? Magkaka-Tita na ako? Magkakapinsan na ako?"

You wish, Baby. Ginulo lamang ni Will ang buhok ng pamangkin. "Matagal pa, princess..."

Nalukot ang mukha ng pamangkin. "Bakit po matagal pa?"

"Dahil hindi pa kami nagkikita." Shit! So ano ang gusto mong palabasin, William Gasan? Na kapag nagkita kayo ni Candice ay seseryosohin mo siya?

Of course not. Wika ng isang bahagi ng isip niya. Lahat ng pagka-hook niya kay Candice ay dahil lamang sa ginagawa nilang dalawa. He was just horny. He wanted sex...

Ito rin ang outlet niya ng lahat ng sexual inhibitions niya sa sekretaryang si Ice...

Hindi bago kay Will ang makipag-sex chat. Kapag hindi niya trip lumabas para mambabae, sa bahay na lang niya ginagawa iyon. Nakikipagkilala siya sa iba't ibang babae sa internet. Mostly ay Americans at Europeans ang nakikilala niya. Nag-e-enjoy naman siya. Magaling ang mga ito at masasabi niyang mas natuto pa siya sa dirty talk dahil sa mga ito. But Candice also known as Stranger in World Chatters intrigued him. Kakaiba ito sa mga babaeng nakilala niya. Mukhang inosente ito. Hindi siya mahilig sa mga ganoong babae---walang experience. Yet...hindi niya matanggihan si Candice. Lumalakas ang imagination niya kapag kausap ito.

Iniisip ni Will na kaya ganoon ay dahil naalala niya rito si Ice. Pareho ang mga ito ng ugali. Inosente pero nagsisimulang mamuhay ng hindi sa pagdaan ng mga araw. Simula rin nang simulan niya ang roleplay sex chat nila...palagi niyang naiisip na ito ay si Ice. Ito ang sekretarya niya. Iyong feeling man lamang na kahit sa chat ay naggagawa niyang angkinin ito. Dahil kay Candice, nagagawa niyang ilabas kahit papaano ang sexual frustration sa kanyang forbidden secretary. Pero sa pagdaan ng mga araw, ang isipin na makausap niya lamang ito, ang nasa kabilang linya lamang ito ay nagbibigay sa kanya ng kakaibang damdamin.

Gusto na niyang makilala ito. Kung si Ice man ito o hindi...he wanted to fuck her. Ganoon na katindi ang nararamdaman niya rito.

"So may balak ka na makipagkita sa kanya. Must be really serious." Ang bayaw niyang si David na ang nagsalita.

Tumango-tango si Patricia. "Ikuwento mo naman siya sa amin 'o? Paano ka niya nakuha at---"

Tumingin si Will sa pamangkin ni Winona. "If you let me, the story would not do good for your kid."

"Oh..." wika ni Patricia. Hinawakan nito ang anak. "Baby, naalala ko tinatawag ka ni Yaya kanina. Puwede mo na raw buksan ang gifts mo."

Nagliwanag ang mukha ni Winona. "Okay! I'll go with Yaya na."

Sinadya ni Patricia ang pagpapaalis sa bata para intrigahin siya!

Napaungol si Will. Napakatsismosa ng kapatid niya! Pero masisisi rin ba niya ito? Matagal na siya nitong pinu-pursue na mag-asawa na. Hindi raw nito gusto ang ginagawa niya sa buhay. Gusto nitong magseryoso na siya sa isang babae at iwanan na ang magulo niyang buhay bilang playboy.

"So what's her name?"

Ano pa ang silbi ng pagsisinungaling? Alam rin naman niya na hindi papayag ang kapatid na hindi niya sabihin rito ang lahat. "Candice."

"Hmmm... Sounds familiar." Wika ni Patricia na nagbigay ng kilabot sa kanya. Familiar? Paano?

"May kakilala kang Candice?"

Tumawa si David. "For sure its Candice Swanepoel. Her favorite Victoria Secret Model."

Inirapan ni Patricia ang asawa. "Hindi lang naman fashion ang hilig ko."

Itinaas ni David ang kamay. "All right. Mahilig ka rin sa books. Pero anong connect?"

"Mayroong connection. May kakilala akong Candice. She's actually a writer."

Nabuhay ang curiousity ni Will. Totoo ang sinabi ni David. Mahilig ang kapatid niya sa mga libro. Hilig nitong magbasa ng mga romance pocketbooks---lalo na ang mga published locally. Marami itong koleksiyon noon.

"Pilipino ba siya?"

"Yep. Writer siya sa LRP. Gusto mo na makita ang picture? Bihira siyang magpakita sa mga tao. May pagkamahiyain kasi siya. Pero I am one of the very lucky person to meet her sa iisang beses na book signing na pinuntahan niya."

Kumabog nang malakas ang puso ni Will. Hindi pangkaraniwan na pangalan ang Candice para sa isang Filipina. Kung iyon nga ang totoong pangalan ni Stranger sa World Chatters. Puwedeng nickname lang nito iyon. O isang alias...or kung mas papaboran siya, iyon ang ginagamit na pen name ng babae.

Kung sakali...hindi na siya mahihirapan na makipagkita kay Candice.

"Let me see her photo..."

Hindi na nag-alinlangan pa si Patricia. Inilabas nito ang cell phone. Ipinakita nito ang picture ng kilala nitong writer.

Tinakasan ng kulay ang mukha ni Will.

"Iceliana..."

Kumunot ang noo ni Patricia. "Mukhang kilala mo naman pala siya, ah?"

"S-sekretarya ko 'yan."

"Oh... Kaya pala. Pero oo nga. Balita ko ay hindi na siya full-time writer ngayon dahil nagkaroon na siya ng day job. What a coincidence na sa Limitations pala siya nagtatrabaho!"

Halos hindi na narinig ni Will ang mga sumunod na sinabi ng kanyang kapatid. Masyado siyang nagulantang sa nalaman.

Alam naman niya na bago maging sekretarya niya si Ice ay nagtatrabaho ito bilang isang writer. Hindi nga lamang niya masyadong binigyan ng pansin iyon noon. Ginawa rin nitong confidential ang kompanya kung saan ito nagsusulat dati. Ang tanging mahalaga lamang sa kanya noon ay ang magkaroon ng maayos na sekretarya. Nagmamadali na rin siya noon kaya hindi na siya naging choosy pa sa mga nag-apply. Nagtiwala rin siya sa HR Manager na may magandang background ang babae.

Pero ngayon...marami pang gustong malaman si Will kay Ice. Her pen name was Candice. Pero masyado lang ba talaga siyang binabagabag ni Candice para isipin na si Ice ito? Na hindi lang niya gustong i-imagine noong wala pa siyang alam na ang Candice na ka-chat niya ay pagbuhusan niya ng lahat ng sexual frustrations niya kay Ice?

Liam: I always imagine how to have an office sex 'cause well, I have not experienced it. Ano sa tingin mo? Magandang theme ba iyon?

Stranger: Yeah. Sure. Bakit hindi?

Liam: Okay... so we were in the office. I am your boss and you are---"

Stranger: Secretary.

Liam: You are my very sexy secretary. With big soft boobs.

Stranger: Yeah.

Liam: Nahuli kita na nilalaro ang dibdib mo. Nagulat ka. Na-out of balance ka. You fell in me.

Stranger: And I fell my face between your thighs.

Naalala ni Will ang unang beses na ginawa niya ang pakikipag-sex chat kay Candice. Sinimulan niya ang lahat sa pangyayaring bumagabag sa kanya---ang unang beses niyang nakita itong gumagawa ng kamunduhan at na-out of balance ito nang mahuli niya. At ang sagot nito ay kapareho ng nangyari nga talaga kay Ice noon.

Sinabi nito na ito ang unang beses nitong makipag-sex chat. Kaya posible ba na maisip nga ni Candice na ganoon ang mangyayari? Ang mag-respond ito ng ganoon?

At ang pulang damit...hindi ba at ang unang beses na nagpalit anyo si Ice ay pulang dress ang suot nito? Ang palagi nilang pinag-uusapan ni Candice na suot nito sa roleplay sex chat nila.

Maaaring coincidence lamang ang lahat. Pero...malaki ang tsansa na kaya ito nakasagot ng ganoon ay dahil mismo sa totoong karanasan nito. At ang boses nito. Coincidence din ban a kahawig ng boses ni Ice si Candice? Naisip niya na parang kaboses rin ito ng totoong sekretarya niya noong tinawagan niya ito. Pero inisip niyang masyado lamang siyang nilalamon ng sexual frustrations niya kay Ice noon kaya naging pamilyar ang boses. In-enjoy na lamang niya ang lahat kaya hindi na siya nagtanong.

Namula si Will. Sa mga nalaman, mas tumaas pa ang eagerness niya na makilala kung sino mismo ang Candice na kausap. And as eagerness arises, hindi nagpahuli ang kanyang Mr. Libido.

Continue Reading

You'll Also Like

11.9M 203K 38
STATUS: COMPLETED SOON TO BE PUBLISHED UNDER GOOD SAMARITES BOOKSHOP WARNING: Old Version. This story contains wrong grammars and R18 scenes. Some ch...
71K 3.4K 31
Apoy. Mainit. Maliwanag. Pinagkakaguluhan ng mga gamu-gamo. Ngunit tinutupok ang bawat nadadaanan at abo na lamang kung iiwan. Ganitong ituring ni Me...
7.3K 96 7
Lauren Palomares - isang simpleng babaeng may simpleng mga pangarap at nabubuhay sa simpleng mga bagay. She is already contented with everything she...
2.6M 50.3K 36
Lex became a heartless woman-hater playboy since the day his soon-to-bride left him without any reason. That woman inflicted a big part of his heart...