The Enigma of Erald

By AkoSiIbarra

3.5M 91.8K 36K

Meet Erald Castell, an aspiring evil mastermind who ironically joins the legendary QED Club. Cover art by IAM... More

CHAPTER ONE: Pilot
CHAPTER TWO: Dilemma of the QED Club
CHAPTER THREE: East Versus West
CHAPTER FOUR: Start With A Bang!
CHAPTER FIVE: End With A Pak!
CHAPTER SIX: Just As Planned
CHAPTER SEVEN: The Higher Castellan
CHAPTER NINE: Smoke 'Em Out!
CHAPTER TEN: "High Tower"
CHAPTER ELEVEN: Black and White
CHAPTER TWELVE: Paint It Black
CHAPTER THIRTEEN: An Unusual Request
CHAPTER FOURTEEN: Eraldian Stratagem
CHAPTER FIFTEEN: Turn the Tables
CHAPTER SIXTEEN: Clock is Ticking
CHAPTER SEVENTEEN: Ghost from Four Years Ago
CHAPTER EIGHTEEN: Two Villains
CHAPTER NINETEEN: Restore Factory Settings
CHAPTER TWENTY: Third Person
CHAPTER TWENTY-ONE: Brewing Chaos
CHAPTER TWENTY-TWO: Prelude to War
CHAPTER TWENTY-THREE: The Stage is Set
CHAPTER TWENTY-FOUR: QED versus K-OS
CHAPTER TWENTY-FIVE: Scandal in Clark High
CHAPTER TWENTY-SIX: The Verdict
CHAPTER TWENTY-SEVEN: Snap
CHAPTER TWENTY-EIGHT: Man With A Plan
CHAPTER TWENTY-NINE: War of the Castles
CHAPTER THIRTY: Withdrawal
EPILOGUE: Mr. President

CHAPTER EIGHT: Deduction Show

103K 3K 1.2K
By AkoSiIbarra

ERALD

KUNG NAKAMAMATAY ang pagkabagot, malamang ay sumakabilang-buhay na ako.

Pakiramdam ko, isa akong halaman na naghihintay masikatan ng araw sa gitna ng tag-ulan. Ngunit kahit gaano katagal ako maghintay, hindi dumarating ang liwanag na magbibigay-buhay sa 'kin.

This was the situation in the QED Club. Days have passed since the club fair, but not a single student went to our clubroom for consultation. How could we be the problem-solvers if there were no problems to solve? Sino nga ba naman kami para pagsumbungan ng mga problema nila?

Bukas pa rin ang club para sa mga estudyanteng interesadong magpa-member. Pero hanggang ngayon, walang naglalakas-loob na mag-apply. Mas pipiliin siguro nilang sumali sa boring na Modern Literature Club o maki-join sa fanatics ng Cosplay Community kaysa sa amin.

Hindi ko rin sila masisisi. Who would want to join a detective group anyway? Kung iisipin, iilan lang talaga ang may utak sa school na 'to. Detective work requires critical thinking, and sadly, most students here lack that requirement.

Kasabay kong pumasok sa clubroom si Clyde. Unlike our first walking together scene, hindi na niya ako tinangkang kausapin pa. He got the message apparently. Obvious naman siguro na ayaw ko siyang nakakasabay na pumunta rito. Baka isipan ng mga classmate namin na instant mag-bestfriend na kami.

Did he look at himself on the mirror before leaving his house? Para kasing dinaanan ng bagyo ang buhok niya sa sobrang gulo nito. Kung magkaka-Christmas party kami sa club, reregaluhan ko siya ng hand mirror at suklay.

As usual, binati kami ni Charlotte sa kanyang abot-tengang ngiti at masigla pero minsa'y nakakairitang boses. I would still prefer calling her "Madam President," but she requested to change how I addressed her. Nakapuwesto ang upuan niya sa gitna ng mahabang mesa. Hindi na rin bago sa paningin kong makita siyang nagsusulat sa notebook pati ang camera na nakapatong katabi nito.

Pagkaupo namin ni Clyde sa magkabilang dulo ng mesa, iniabot sa 'kin ni Charlotte ang kulay pulang Moleskin notebook at sinabing, "While I was away earlier, someone entered our clubroom and left that on the table. There's also a note saying that he will return later. Mukhang may client na tayo!"

Client? Sa wakas, matapos ang ilang araw ng tagtuyot, may naligaw na sa balwarte namin. Pero bakit niya ibinibigay sa 'kin 'to?

"In the meantime, can you deduce the identity of the owner based on the contents of that notebook? Subukan mo rin, Clyde."

Bago ko buksan, napangiti ako't napasulyap sa lalaking abalang-abala sa pagbabasa. May naisip akong ideya. "Tama, bakit hindi tayo magkaroon ng deduction showdown, Clyde? Imbes na kung ano-ano 'yang ginagawa mo na hindi related sa club natin."

It wasn't that difficult to get his attention. Ibinaba niya ang hawak na libro at iniangat ang tingin sa akin. Nagliwanag ang lente ng kanyang salamin. "Parang patalim ang mga utak natin na kailangang hasain sa pamamagitan ng pagbabasa. I have to stock my memory palace with valuable knowledge."

"Isa bang palusot 'yan para hindi mo tanggapin ang hamon ko?" pabalang kong tanong. Kung ano-ano pa ang sinabi ng lalaking 'to. "Natatakot ka ba na baka matalo kita?"

He shook his head slowly. "On the contrary, gusto kong malaman kung gaano ka kagaling sa deductions. I have known you for employing dirty tactics."

"Gusto ko ring makita kung uubra 'yang memory palace mo laban sa 'kin."

"You might regret the day you underestimated me," he smiled.

Tingin sa 'kin, tingin kay Clyde. Parang nanonood ng tennis match si Charlotte sa bilis ng palitan namin ng lalaking hinamon ko. Just sit back and watch. Papakainin ko ng alikabok ang mayabang na 'to maya-maya.

"That's a good idea, don't you think?" she asked. Nagningning na parang kislap ng bituin ang mga mata niya. "Dapat may mga session tayo tulad nito para mahasa ang deduction skills natin!"

Natin? Ni wala pa akong nakikitang patunay na may kakayahang gumamit ng deductive method itong si Charlotte. She was only here because she pushed for the revival of this club. If I were the president, I would have rejected her application.

But she wasn't my concern. I focused my attention on the notebook at hand. Mapapansin sa cover nito ang dalawang letra: JS na isinulat gamit ang kulay itim na pen.I skimmed through some pages and observed the handwriting that was almost intelligible.

Despite the poor writing, nagawa ko pa ring basahin ang ilang pangalan tulad ng "Aguinaldo," "Dr. Oronce" at "Sir Barrera." May ilan ding direct quotations ang nakasulat sa tabi ng mga 'to at mukhang ang pinag-uusapan ay tungkol sa aksidenteng pagkahulog ng isang babae sa hagdan. Pero ayon kay Sir Barrera, tinitingnan nila kung may foul play na nangyari.

Hindi ko naiwasang mapangisi habang nakatitig sa salitang "prexy" sa tabi ng "Aguinaldo." Pasensya na, Clyde, mukhang makakabawi na ako sa pagkatalo ko sa 'yo noon.

"The owner of this notebook is a man," I said, closing the notebook and raising it. "Base sa mga nakasulat dito, isa siyang mystery writer na gumagawa ng senaryo para sa kanyang kuwento. He probably wanted to consult us if the trick he's going to write is effective."

Without any warning, I threw the notebook at Clyde. Sinadya kong ipinatama ito sa mukha niya. But his reflexes were quick so his hand managed to catch it. Sayang!

"How did you determine the owner's gender?" tanong niya bago buksan ang notebook. He seemed to not have been amazed by my deduction.

"Tingnan mo kung gaano kapangit ang sulat niya. Most men that I know have poor handwriting. Ang handwriting ng mga babae ay kadalasan mas maayos." I was actually speaking based on experience. Hindi kasi gano'n kagandahan ang sulat ko.

Napahawak siya sa bridge ng kanyang salamin. "At ang pagiging mystery writer niya?"

"Kung babasahin mo ang mga direct quotation, mapapansin mong pinag-uusapan ng mga character - sina Aguinaldo, Dr. Oronce at Sir Barrera - ang isang aksidente kung saan namatay ang isang babae. A foul play was suspected. Hindi ba't ganyan ang senaryo sa mystery stories? Kapag una, akala mo aksidente. 'Yon pala, murder ang nangyari."

Nang nakita ko siyang napatango, kumpirmado na ang panalo ko. Napapikit pa nga siya e, mukhang iiyak anumang sandali mula ngayon. Gano'n ba talaga kasakit ang matalo?

Ha-ha-ha! Ano ka ngayon, Clyde? Aaminin mo na bang mas superior ang aking deduction skills kumpara sa 'yo? Where was the memory palace you proudly boast about? Gumuho na ba o nawala ng parang bula dahil ilusyon mo lang 'yon? Magsalita ka, uy!

Ilang beses na kumurap ang mga mata ni Charlotte habang hinihintay ang tugon ng kalaban ko. Teka, baka nakatulog na siya sa sobrang kahihiyan sa pagkatalo niya.

"Interesting deductions..." Unti-unting iminulat ni Clyde ang kanyang mga mata at nakangiting tumingin sa 'kin. "Ang kaso, mali lahat ng sinabi mo."

Ang ngiting gusto kong burahin mula sa kanyang mukha, muli na naman niyang ipinagmayabang. In the face of defeat, he wouldn't just surrender. Ang akala ko'y na-checkmate ko na itong si apat na mata.

"The notebook's owner is woman." Siya naman ang nagtaas niya sa hawak niyang notebook. Binuksan niya ito sa pahina kung saan mababasa ang notes. "Tama, may mga lalaking mas magulo ang handwriting kumpara sa mga babae. But that's not a proven fact. Moreso, if you consider the nature of her job, you would understand why her penmanship was hardly readable."

Pareho kaming nakatitig ni Charlotte sa kanya, nakikinig sa pangontra niya sa aking magaling na deductions. Saan niya hinuhugot ang lakas ng loob at kapal ng mukha para sabihing mali ko? How hard was it for him to accept he's beaten by me?

"The names written here... don't they ring a bell on you?" tanong niya sabay turo sa nakasulat na "Aguinaldo."

I shrugged my shoulders. "Bakit? Mga pangalan ba 'yan ng mga artista? Gaya ng sinabi ko, mga character 'yan para sa kanyang mystery story."

Lalo pang lumawak ang kanyang ngiti, tila mas naging sigurado siya na tama ang kanyang iniisip. Napalunok tuloy ako ng laway. There's always an uneasy feeling whenever I see that wide smile. Mauulit na naman ba ang nangyari dati kung saan nautakan niya ako?

"Ang mga direct quotation na nabasa mo ay hindi para sa isang mystery story." He tried to remain humble while countering my deductions. "These quotes will be used in writing a news article. The owner of this notebook is one of Clark Clarion's news writers."

Ang Clark Clarion ay ang official student publication ng Clark High. Regularly printed on a weekly basis, they served as the source of news and gossips in the school. Kasama ito sa mandatory fee na kailangang bayaran tuwing enrollment kaya nakakatanggap kami ng copies nito every Monday.

Ang pinagtatakahan ko lang, saan nakuha nitong si Clyde ang ideyang 'yon?

"I wonder why you do not recognize the names written here," he went on. "They are prominent personalities in the school. Agnes Aguinaldo is the High School Supreme Student Council president, Dr. Gwyneth Oronce is the director of the Office of Student Affairs and Sir Bruno Barrera is the director of the Office of Campus Security."

Lumingon sa akin si Charlotte, bahagyang kumunot ang kanyang noo at naningkit ang mga mata. "Do you really not know who those people are?"

Tumingin ako palayo para iwasang sumagot. Kung hindi sinabi ni Clyde, hindi ko malalaman kung sino-sino sila. Kailangan ko bang i-memorize kung ano ang pangalan ng student council president para matiwasay akong makapag-aral sa Clark High? E ano ngayon kung malalaman kong si Aguinaldo ang kataas-taasang pinuno ng student body? Would my student life here change?

Kung hindi kinakailangan, hindi ako gagawa ng isang bagay na hindi ko papakinabangan. Wala akong mapapala sa mga pangalan nila kaya mabuti kung hindi ko bigyang pansin o kaya'y kalimutan na lang. Why should I exert effort in the first place?

"Pangit ang handwriting niya rito dahil mabilis niyang isinulat ang mga sinabi ng kanyang interviewee," dagdag ni Clyde, sabay itinuro ang pahinang may sinabing mahabang linya si Aguinaldo.

That's another explanation, but I still liked mine.

He continued. "At ang clincher sa deduction na news writer ang nakaiwan nito ay ang salitang 'prexy.' In headline writing, journalists prefer to use the short variant of a word. For example, they write 'tilt' instead of 'competition' because the former would take up less space."

"At anong ibig sabihin ng prexy?"

"President. Kaya kung napansin mo, nakasulat ito sa tabi ng Aguinaldo."

Napapalakpak dala ng pagkamangha si Charlotte. Kanina pa niya maiging tinititigan itong si apat na mata habang ipinapaliwanag ang kanyang deduction. "Wow! I didn't know you're quite knowledgeable about journalism."

Itinuro ni Clyde ang kanyang sentido. Here he goes. "These pieces of information are saved in my memory place. In-access ko kanina ang internal storage ko para i-recall kung saan ko nabasa ang mga familiar na salitang nandito."

'Yon ba ang dahilan kaya napapikit siya kanina? I thought he was about to turn into a crybaby.

"And if my hunch is correct, our client's name is Jessica Sotto," walang pakundangan niyang inanunsyo sa amin. "Sa mga news writer ng Clarion, tanging siya ang may initials na JS."

Kung isang video game ang deduction showdown namin, parang "cheat" ang memory palace niya. Kahit puno ng mga walang kakwenta-kwentang bagay ang kanyang hard drive, may silbi rin pala ito.

Teka, teka, inaamin ko na bang talo ako at mas superior ang kakayahan niya kaysa sa 'kin? That would be a disgrace on my part!

"Any rebuttals, Erald?" tanong ni Charlotte matapos niya kaming kuhanan ng litrato ni Clyde. This four-eyed guy won her over. "O tinatanggap mo na ang pagkatalo mo? For me, his deductions seem to be more believable than yours."

"Wala. Basta naniniwala pa rin akong mystery writer ang may-ari ng notebook." Pinili kong panindigan ang mga deduction ko kahit na mas may sense ang paliwanag ni Clyde. Hindi kayang tanggapin ng pride ko na natalo ulit ako ni apat na mata.

Ganito ba talaga ang kapalaran ng mga kontrabida? Laging natatalo sa mga bida?

"There's no way we can determine who's right until the owner of this notebook makes an appearance here," dagdag ko. Mas mabuti kung mali kaming pareho kaysa lumabas na tama ang mga ipinunto ni Clyde. "Kaya huwag muna tayong manghusga kung sino ang nagwagi sa showdown na 'to."

At ang taong magbibigay-liwanag sa misteryong nasa likod ng naiwang notebook ay mukhang nandito na. May kumatok kasi ng tatlong beses sa pinto bago ito bumukas.

Tumuloy ang isang babaeng hanggang balikat ang haba ng itim na buhok. Kapansin-pansin ang seryosong ekspresyon ng kanyang payat na mukha pati ang malalalim na eyebags ng mga kulay abo niyang mata.

What caught my eye was the ID card hanging around her neck. Kahit isa o dalawang metro ang pagitan naming dalawa, kitang-kita ko ang kanyang 2x2 photo at ang salitang "MEDIA" na naka-bold ang mga letra.

Kung ang babaeng 'to ang client namin, walang duda na tama ang mga deduction ni Clyde.

"Welcome to the QED Club! How can we help you?" Parang bibong empleyado sa isang fast food chain itong si Charlotte sa kanyang pagbati. Baka nasubukan na niyang mag-part time job doon?

"I'm Jessica Sotto, news writer from Clark Clarion," our visitor introduced herself. Tumingin ako palayo at napapikit nang marinig ang kanyang pangalan pati ang organisasyong kinabibilangan niya. "I wanna refer to you the case of spying in our publication."

Inilapit ni Charlotte sa aking tenga ang kanyang bibig at bumulong, "Is it right for me to say na 1-0 ang score?"

Kainis. I lost again.

q.e.d.

Continue Reading

You'll Also Like

55.6M 1.7M 53
Having enhanced senses cannot help one earn a living. A useless special ability--or at least, that's what Shia Sheridan believes. But when she is cau...
6.1M 204K 110
AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'yo. Malay mo, ngayon na pala ang oras mo...
29.1K 2.1K 22
Everybody knows Quintus Zamora as a monster. Sabi ng iba, para daw siyang hindi nakakaramdam ng sakit kahit pa nakikipagbasag-ulo, at talaga namang h...
KAHIMANAWARI By talesofdemi

Mystery / Thriller

1.7M 67.5K 44
When Saru finds out about her twin sister's mysterious suicide, she assumes her sister's identity to uncover the truth. ***** Saru Sumiyaya...