Stuck in the Moment (Stuck Se...

By NerdyIrel

16.8M 209K 42.4K

Meet Kathryn Bernardo, simple pero matalino unlike Daniel Padilla na playboy, heartthrob ng school and may pa... More

Stuck Series
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Epilogue
Author's Note
PUBLISHED BOOK

Chapter 28

266K 4.1K 895
By NerdyIrel

Waah. Sorry kung bitin yung chap 27! Super cliffhanger lang po talaga ako pa minsan-minsan esp. kapag medyo pagod ako.

TSAKA SINADYA KO PONG INISIN KAYO (joke. Promise joke lang) KASI SUPER MAIINIS KAYO ULIT DITO (Isang malaking joke ulit) Hahaha promise ko sa inyo, masasampal niyo na ko sa chap na ito dahil ......HAHAHA basahin niyo na lang bakit ko nasabi yun :D

Anyway, thanks to everyone na sinusubaybayan pa rin ang story na ito! I hope hanggang sa dulo ganun pa rin kayo! Haha. I LOVE ALL THE COMMENTS. Talagang you take time para mag-comment pa...super ang saya ko tuloy! Thanks talaga.

Oh sya! Ito na po ang continuation...Enjoy reading! Mhuah! <3


----------------------------


Chapter 28


Kathryn's POV


Hindi ko alam kung bakit ko naitanong kay Daniel yun kanina.

Ewan ko! Parang super naging interested ako na marinig yung sagot niya.

Na parang super important nung tanong ko sa kanya.


Pero yun nga lang...

Hindi niya nasagot.


Ang tagal niya bago magsalita...tapos nung magsasalita na siya,

Bigla naman dumating sila Zharm, Bea at Julia.

Tapos si DJ, sinundan na si Sofia.


"Huy! Kanina ka pa ganyan! Ano ba problema mo?" Bigla akong bumalik sa reality nung tinapik ako ni Julia.


Nandito kasi kami sa room, hinihintay ko lang matapos maligo si Bea para makaligo ako. 

Syempre, nagswimming kami kanina, kailangan ko na mag-freshen up.



"Wala. May naisip lang ako"

"Sis, is this about Daniel again?"


Kumunot noo ko dun. 

Manghuhula ba siya? Lagi niya na lang alam ang nasa utak ko.


"Hindi"


"Hay nako! Sa lahat ng pagsisinungalingan mo, wag na wag mong iisip na paniniwalaan kita diyan. We've been bestfriends for a decade, kilalang-kilala na natin ang isa't isa"


Napatingin ako kay Julia nung sinabi niya yun.

Tama siya! Bestfriend ko siya. Di ba dapat walang lihiman? 

Fine! Ishe-share ko na thoughts ko.


"Mali bang tanungin mo ang isang lalake kung gusto niya yung isang girl?"


Napatitig na lang siya sakin.

Siguro nagiisip...


*Tik tok. Tik tok*


After a couple of minutes, wala pa rin akong sagot na natatanggap.


"Okay sige, ibahin natin yung tanong ko. Kapag tinanong mo ang isang guy kung like niya ang isang girl and natagalan siya sumagot, anong meaning nun? Bakit ang tagal niya sumagot?"


"Teka lang sis, si DJ ba yung guy?" Tanong ni Juls.

"Basta"

"Hmmm...Alam mo, dalawa lang yan eh"

"Huh?Anong dalawa?"


"It's either ayaw niya malaman mo ang sagot niya or hindi niya pa sure kung ano yung isasagot niya"


"You mean parang hindi niya pa sure yung feelings niya dun sa girl?"

"Exactly. Pero kath, tinanong mo ba si DJ kung mahal ka niya?"


Nanlaki mata ko dun! Maka-jump into conclusions naman siya! Uber!


"Of course not"

"Well, sino yung girl?"


Sasabihin ko ba? Sasabihin ko? Fine.

Sinimulan ko na ang kwentuhan, dapat tapusin ko rin yun.


"Si Sofia"


Napatakip ng bibig si Julia tapos tumawa ng tumawa.


"Anong nakakatawa? Sis naman! Seryosong usapan tapos tatawa ka"

"Kasi baliw ka kath. Seriously? Bakit mo naman tinanong yun kay DJ? Alam mo na naman yung sagot dun!"


"Magtatanong ba ko kung alam ko na yung sagot? Julia naman!"

"It's pretty obvious na hindi gusto ni Daniel si Sofia. I mean, DUH! Capital D-U-H"

"Pano mo naman nasabi eh kung mag-care nga si DJ dun sa babaeng yun, lagpas earth ang peg"


"Kasi alam ko kung paano tumingin si DJ sa isang girl. Sabihin na natin na hindi ko pa siya ganun kakilala pero kahit sino naman, mako-compare yung tingin ni Daniel sayo at kay Sofia"


Alam niyo yung word na WHAT?

As in, hindi ko ma-gets yung sinasabi niya.


Siguro nga tumalsik yung utak ko kanina nung nag-jet ski kami kaya hindi ko maintindihan yung sinasabi niya.

Feeling ko kailangan ko pa ng translator.


"Kath! Wag mo nga isara yang utak mo sa sentence na 'walang something samin ni DJ' kasi sis, meron kayong something! Ang hirap i-explain sayo! Grabe"


"Something? Anong something?" Tanong ko kay Julia.


"See? Nagmamaang-maangan ka pa. Kathryn Chandria Manuel Bernardo, wala ka ba talagang nararamdaman over Daniel?"


"Inis" Mabilisan kong sagot pero nag-roll naman yung eyes niya.

"Kapag ba tumititig siya, walang anything kang nararamdaman?"

"Wala. Bwisit lang"

"Kapag may ginagawa siya for you? Ano nafi-feel mo?"

"Curiousity. Syempre, ano pa ba dapat?"


"Kapag niyayakap ka niya? Kahit ano wala? Kahit kilig man lang?"

Kilig? Ako? Kikiligin?


"Wala"


"Yan. Yan ang sinasabi ko. Nakafocus ang mind mo sa idea na ayaw niyo sa isa't isa even though hindi naman talaga. Ganyan din si Daniel. Ewan ba namin sa inyo, napaka-manhid niyo. Kaming friends niyo, nakikita na namin na you two like each other pero kayo hindi pa rin. Super nganga na kami dito promise"


"Julia, hindi nga namin gusto ang isa't isa. Trip lang ako ni DJ and puros away lang kami okay? Sometimes mabait siya, pero dahil nasa mood yun"


"Ewan ko sayo Kath. Basta ako, nandito lang ako para pilitin kang ma-realize ang feelings mo. Nandyan din sila Albie to do the same to Daniel. Gets?"


"Pipilitin talaga? Paano niyo mapipilit kung walang feelings?"

Biglang tumayo si Julia tapos hinawakan na niya ulo niya na parang nasakit na yun.


"KATH, HINDI KA BA NAGSESELOS KAPAG KASAMA NI DANIEL SI SOFIA? KAPAG MAY IBANG BABAE SIYANG KAYAKAP? KAHARUTAN? SERIOUSLY? WALANG DENY DENY SA ANSWER"


Nagseselos?

Paano ko malalaman yun?


Kahit kailan, wala naman akong naging boyfriend.

Kahit kailan, di naman ako na-inlove.


Wala pa kong experience sa mga ganyan!


Yung kanina na magkasama si Sofia at Daniel?

Yung niligtas ni DJ si Sofia from that bad guys and talagang nakita ko yung pagiging worried ni Daniel...


Niligtas na rin kasi ako ni Daniel dati sa may kanto pauwi sa bahay and nakita ko rin yung pagiging worried niya. Inisip ko lang naman na ganun ba talaga siya mag-care sa friends niya?Or kay Sofia lang? Sakin?


Aaminin ko, medyo iba yung feeling ko dun.

At hindi ko ma-explain yun.


Everytime na magkasama sila, bigla na lang akong naiinis or naiirita without a reason. 


Is that what you called selos? 

Parang hindi naman siguro.


"Hindi ko alam Julia! Hindi ko alam!" Sigaw ko sa kanya since sinigawan niya rin naman ako.

"Alamin mo, okay? Kaya mo yan"

"Baliw ka talaga! Pinasasakit mo ulo ko"


"Sinong nagpapasakit ng ulo mo Kath? Sapakin natin" Natawa ako ng todong-todo nung biglang sumulpot si Zharm galing labas.


"Parang bad mood ka yata" Sabi ni Julia. Umupo na si Zharm dun sa bed niya tapos sumimangot.

"WHY?" Sigaw namin ni Bestfriend.

"Girls, secret lang ah. Promise niyo muna!"

"Sure! Kami pa! Ano yun?"


"Muntik na!" Bitin naman yung sagot niya. Badtrip...

"Anong muntik na? Muntik ka na mamatay?" Tanong ni Julia, natawa tuloy ako dun.

"MUNTIK NA KAMI MAG-KISS NI DIEGO!!" Tapos tinakpan ni Zharm yung mukha niya.


O_O

Ano daw?


Nagkatinginan kami ni Julia...

Shemay.


May something going on between them na pala tapos wala man lang siyang sinasabi.

Ang alam ko, si Julia ang may ganun kay Albie pero NAUNA pa pala sila Diego at Zharm.


"ANO?" Halos napatalon kaming tatlo nung lumabas ng CR si Bea at sumigaw. 

Tapos na pala siya maligo. Nagpeace sign na lang siya tapos tumabi samin.


"Anyare? Bakit hindi natuloy?" Demanding kasi kami nila Julia ehh.. ^_^


"SI SOFIA NA MAARTE, MATARAY, MAYABANG AT MAHADERA NA AMOY IMBURNAL NA PINAGLIHI SA TAE NG KALABAW NA TSANAK NA MUKHANG KINAIN NG LUPA ANG DAHILAN!"


Gusto sana naming tatlo humalakhak kaso pinigilan talaga namin ng todong-todo. Galit na galit kasi siya.


"Anong kinalaman ni Sofia na maarte, mataray, mayabang at mahadera na amoy imburnal na pinaglihi sa tae ng kalabaw na tsanak na mukhang kinain ng lupa sa pinaguusapan natin? Don't tell me pinigilan kayo nun?" Tanong ni Julia.


This time, natawa na talaga kami super! Ang bilis kasi mag-memorize ni Julia. Biro mo, namemorize niya yung sinabi ni Zharm in correct order! HANEP!


"Bigla siyang dumaan, syempre titigil kami ni Diego. Narealize kasi naman yung gagawin namin. Tapos ito naman si Daniel, hinahabol si Sofia. Dalawang asungot diba? Hindi tuloy natuloy yung kiss!! UWEE!" Halatang super inis na inis si Z.


"Hinahabol ni DJ si Sofia?" Automatic kong tanong.

"Oo. Natakbo kasi si Sofia eh. Ewan ko dun sa dalawang yun...parang lovers na nagaway lang"


Napansin kong siniko ni Julia si Zharm.


"Ah kath, hindi naman parang lovers...ano lang...uhmmm" Tinignan ko lang si Z. Bakit parang kailangan niya pa baguhin yung sinabi niya kanina? Ano bang masama dun?


Natawa na lang ako sa reaction niya tapos tumayo na ko.

"Ano ba kayo! Wala yun. Teka, ligo muna ko"


Kinuha ko na yung mga damit ko at towel tapos naligo na ko.

Nagsuot lang ako ng t-shirt and shorts.


Paglabas ko nakita ko silang nakatingin dun sa glass wall. Nagtaka tuloy ako...


Ano kaya yung sinisilip nila doon?


Dahan-dahan akong pumunta sa likod nila at nakisilip din ako.

O_O


Si...Daniel at Sofia yun ahh.

Pero bakit sila magkayap?


Ang higpit pa ng pagkakayakap ni DJ dun sa babaeng yun.

Siguro bati na sila. Siguro sila na.


Hay nako! Pakielam ko ba dun sa dalawang yun!


Tahimik akong naglakad pabalik sa CR para kunwari palabas pa lang ako at wala akong nakita na kahit ano.


Sinadya kong lakasan yung pagsara ko nung pinto sa CR para malaman nila na lumabas na ko. Nakita kong dali-dali silang nagsibalikan sa kama nila.


"Kath, tara dinner na tayo sa baba. Nagyayaya ni sila Albie" Sabi ni Julia.


Wow.

Wala talaga silang plano sabihin sakin yun?

Well, di naman kasi importanteng malaman ko na magkayakap sila DJ at Sofia.


Tumungo na lang ako at pumunta na kami sa restaurant nung hotel. Dun kami sa may VIP room, umupo na kaming mga girls since nakaupo na rin sila Albie, Diego, Jake at Khalil. Si Zharm medyo umiiwas kay Diego...HAHAHA.


"Anong ginawa mo magdamag bestfriend?" Tanong sakin ni Khalil.

"Huh? Bakit?"

"Wala lang.Naku-curious lang ako"

"Ikaw muna" Tapos nag-smile ako sa kanya.

"Natulog lang ako"

"Ako rin" I lied. 


Syempre magtatampo siya kapag nalaman niya na buong araw nag-enjoy na kaming lahat tapos hindi man lang namin siya ininvite.


Nag-order na kaagad kami kahit na wala pa sila DJ at Sofia.

Mukhang matatagalan pa bago sila dumating...


Tawanan lang kami ng tawanan sa mga jokes na sinasabi nila Albie at Diego. Entertainer talaga namin yang dalawang yan! Tapos bigla kaming tumahimik nung pumasok sa kwarto sila Sofia.


Parehas pa silang nakangiti...

As usual tumabi sakin si DJ, nasa right niya si Sofia.


"Saan kayo galing?" Tanong ni Khalil. Napatingin tuloy ako sa kanya, kelan pa siya naging interested sa mga pinaggagagawa ni Daniel?


"Sa labas" Yun lang yung sinagot ni DJ tapos hindi niya pa tinignan si Khalil.


Naninibago talaga ako sa barkada. ANG TAHIMIK NILA!!

"Oh, bakit ganyan kayo makatingin? Kumain na nga kayo" Sabi ni Daniel.


Buti na lang at bumalik sa dati ang tropa. Nagjokes na ulit sila Albie at Diego.

After mag-dinner, nag-order si DJ ng desserts namin kaya tuwang-tuwa kami. Kwentuhan lang kami ng kwentuhan nung bigla kong napansin na nakatingin si Daniel sakin.


"Psst" Bulong niya.

"Ano?" Pagalit kong sagot sa kanya. Maingay naman sila eh, for sure hindi nila kami mapapansin ni DJ.


"Sungit mo yata. PMS?"

(-_-)


"Daniel alam mo yung feeling na wala ka na nga sa mood tapos may mangaasar pa sayo?"


Napangiti pa siya dun sa sagot ko. 

Seriously? Hilig niya talagang makitang bad trip ako.


Yumuko na lang ako tapos pumikit. Medyo inaantok kasi ako.


*****


"Sunod ka sakin" Nagulat ako nung biglang nagsalita si DJ then tumayo siya tapos lumabas na ng room.


Huh? Ano daw? Susunod sa kanya? At bakit?

Ano ako? Uto-uto? Bahala siya diyan.


"Bakit umalis yun?" Tanong sakin ni Bea.

"Malay ko. Bakit ba ako tinatanong niyo? Ako lang ba katabi ni DJ? Si Sofia baka alam"


Si Sofia tumingin lang sakin tapos kumain na ulit. Buti naman hindi siya nagsalita, baka upakan ko pa siya.


Ewan ko ba. Ang sama talaga ng mood ko tonight.

>_<


"Ouch kath naman. Sorry" Sabay ngiti ni Bea. Na-guilty tuloy ako...

"Wala yun"


Wala nang pumansin sakin after nun, alam kasi nila na wala ako sa mood.


Biglang nag-ring yung phone ko,


Daniel Sungit calling...


Bakit naman kailangan niya pa tumawag? Bakit hindi na lang siya bumalik dito?

Di ko na lang sinagot phone ko.


*Ring. Ring*


Daniel Sungit calling...


Di ba talaga siya titigil? GRRR!


"Guys teka lang, natawag kuya ko. Labas lang ako" Tumayo na ko tapos lumabas dun sa room.

Sinagot ko na yung call ni DJ. Alam ko naman maiinipin siya.


DJ: Sabi ko sundan mo ko, di mo naman ako sinunod.

Me: Sino ba may sabing dapat kita sundan? Slave mo ba ko? Hindi naman ah.

DJ: Bakit ba ang init ng dugo mo sakin ngayon?

Me: Di lang naman sayo okay?

DJ: Hindi okay yun...ay wait...KATH! BILIS! PUNTA KA DITO! BILIS!! AHHH


Halos mabingi ako nung bigla siyang sumigaw. Bakla?


Me: Bahala ka diyan.

DJ: Kath HELP!

Me: Help? Ang laki-laki mo na!

DJ: Bilisan mo na please!! Nandito ako sa gilid ng beach. BILIS!

Me: Hoy DJ---


*Toot toot*


Di ko na natuloy yung sinasabi ko. Bigla tuloy ako natakot dun sa mga sinabi niya. Rinig na rinig ko yung takot sa boses niya.


Kahit inis ako sa kanya, di ko naman kayang may mangyare na masama kay DJ. Kaibigan ko pa rin siya...


Tumakbo na ko kaagad papunta dun sa gilid ng beach. Dun sa may bato-bato...

Kumunot kaagad yung noo ko nung wala akong makitang Daniel Padilla dito. Wala ngang tao eh.


Diba resort ito? Bakit walang tao? Anong nangyayare?


"DJ!" Sigaw ko pero walang sumagot.

"DANIEL ANO BA!"


Bumalik ako sa hotel tapos super nagtaka na ko. Nawala lahat ng tao!


Ano ito? Prank? Nasan yung mga staffs dito? Yung guard?

Tumakbo ako papasok dun sa VIP Room pero wala na ang barkada.


Kinuha ko kaagad yung phone ko tapos tinawagan ko silang lahat pero kahit isa, walang sumagot.

O_O


Kinakaban na ko!

Parang nasa horror movie lang ako na bigla na lang nawala lahat ng tao.


Nag-inhale exhale muna ako para wag akong mag-panic.

Nilibot ko lahat ng rooms sa buong hotel pero walang tao kahit isa.


Lumabas ulit ako tapos napatigil ako.

Nakita ko kasi si Daniel na nakatayo sa harapan ko.

Nakatitig lang siya sakin.


"Anong nangyayare? Bakit walang tao dito?"

"Kath may sasabihin lang ako"


Bakit hindi niya pa sabihin ngayon?


"Ano yun?"

Lumapit siya sakin...


"Mahal na mahal----"


*****


Bigla na lang akong napamulat nung naramdaman kong may pumipitik nung braso ko. Teka ang gulo!


"Psst, natutulog ka na naman. Dinner time ngayon Kath, hindi sleeping time" Napalingon ako kay Daniel tapos kumunot yung noo ko.


Nasa loob ako nung VIP Room. Lahat sila natawa, nakain...


Huh? So you mean panaginip lahat yun? 

Yung part na lumabas si DJ dito sa room at pinasusunod ako? 

Yung nawala lahat ng tao? 


PANAGINIP KO LANG YUN!


"Bakit parang gulat na gulat ka yata? Ano bang nangyayare sayo kath?" Tanong ni Daniel.


Tinitigan ko lang siya.

Naalala ko bigla yung sinabi niya sa panaginip ko kanina.


'Mahal na mahal---'

Tapos hindi niya natuloy yun.

Shemay!!! Ano nga bang nangyayare sakin? Hanggang sa panaginip ko, ginugulo ni DJ!


"Wala. May napaginipan lang ako"


Tumawa lang siya tapos bigla siyang tumayo.


"Sunod ka sakin"


O_O

Ano ito? Dejavu?

Maglalakad na sana siya pero pinigilan ko siya.


"Wag na DJ. Ayoko" Bulong ko sa kanya.

Umupo din naman siya sa tabi ko tapos kumain na lang siya.


"Weird mo. Kanina inis ka tapos natulog ka bigla. Tapos ngayon ayaw mo ko lumayo sayo. Na-miss mo ako kaagad? ARAY!"


Paanong hindi siya maga-aray eh binatukan ko siya.


"Ikaw! Iba ka talaga manlambing noh? Nananakit" Asar niya ulit.

"Isa pa DJ! Masasapak na kita!"


"Ito naman, hindi mabiro. Halika nga dito, yakapin na lang kita" Yayakapin niya sana ako pero tinulak ko na siya kaagad palayo.


"Daniel ano ba!"

"Fine! Si Sofia na lang" Tapos niyakap niya si Sofia.


Tinignan pa ko ni Sofia at ngumiti sakin. FEELING MO NAIINGGIT AKO? LAMUNIN MO PA SI DJ, WALA AKONG PAKIELAM.


"Hoy Daniel, itigil mo nga" Sabi ni Julia.

"Tama! Pumunta na lang tayo sa bonfire party diyan sa labas" Sabi ni Bea tapos nagsitayuan na sila. 


Tumayo na lang din ako tapos naglakad na kami papunta sa may beach. Ang daming tao dun tapos may bonfire sa gitna. May mga nagsasayawan...nakain...nainom.


Di ko pa rin makalimutan yung panaginip ko. WORST dream ever.

Feeling ko nga nightmare yun.

T_T


Umupo na kami dun sa may bato-bato na nakapalibot dun sa apoy. 

Tapos binigyan kami nila Zharm nung stick na may marshmallow.


Kahit na may apoy sa tapat namin, nilalamig pa rin ako. Sheez. 

Sana pala nag-long sleeve ako. ANG LAMIG! MAHANGIN!


"Okay ka lang?" Tanong ni bestfriend.

"Medyo nilalamig lang ako"


Napansin kong tatanggalin ni Khalil yung jacket niya. Hala? Pano siya?

Pero bigla na lang akong nagulat nung binigay sakin ni DJ yung jacket niya.


"Di na, okay lang ako" Kumunot yung noo niya nung ibabalik ko na sa kanya yung jacket.

"Kath suotin mo na. Promise ko sayo mabango yan" Sabay nag-smile pa siya.

>_<

"Fine! Thank you"


Dahil nga sa hindi ko matiis yung lamig, sinuot ko na yung jacket niya.


Nakita kong tumayo si Sofia tapos nagsasayaw kasama nung iba dun sa gilid.

Habang kami, niro-roast yung marshmallow.


Kwentuhan lang ulit kami, yung mga things tungkol sa school and about us. May mga nakausap din kaming mga hindi namin kilala.


Tapos naramdaman ko si DJ, pinatong yung ulo niya sa right shoulder ko.


"Huy"

"Hmmm..."

Astig naman ng reply niya. Adik lang?


"Wag ka ngang ganyan. Mabigat ulo mo" Ginagalaw ko pa yung right shoulder ko para alisin niya yung ulo niya pero wa-effect. Di gumana yung ginawa ko.


"Inaantok na ko" Bulong ni Daniel.

"So? Eh di matulog ka na sa kwarto mo"


Tumingin ako sa paligid namin, buti na lang walang nakakakita samin. Si Khalil kasi, umalis muna saglit. Si Jake and Bea, nagtatawanan dun sa gilid. Si Albie at Julia naguusap while roasting the marshmallow tapos si Zharm and Diego wala. Nasan na yung dalawang yun?


Biglang tumayo si DJ tapos hinawakan niya kamay ko. Nag-start siyang maglakad na hila-hila ako.


"Huy ano ba! Ayoko pa umalis"

"Hatid mo lang ako sa room ko" Tapos inakbayan ako ng loko.


0_o


"Daniel ano ba!" Tinulak ko nga siya para lumayo-layo naman siya sakin pero inakbayan ako ulit. Tapos napansin kong nakapikit siyang naglalakad.


"Aish! Gumising ka nga! Di ka naman lasing para umacting na ganyan"

"Eh inaantok ako eh" Sabi niya pero hindi pa rin niya minulat yung mata niya, lakad lang kami ng lakad.


ANG KULIT! DAIG NIYA PA YUNG MGA MATATANDA SA KAKULITAN.

Tinanggal ko yung pagkakaakbay niya tapos hinila ko na siya papunta dun sa hotel. Pagdating dun, tinulak ko si DJ papasok ng elevator.


"Kaya mo na siguro pumunta sa room mo noh?"


Aalis na sana ako pabalik dun sa bonfire party nung bigla akong hinila ni DJ papasok ng elevator. Bago ako makapagsalita, sumara na yung elevator.

(-_-)


"Lakas ng trip mo" Angal ko sa kanya. BUSET!

"Di kita trip, na-miss lang kita" Seryoso pa mukha ko.

"Agad-agad? PBB Teens?"


"Na-miss nga kita. Ayaw mo maniwala? Lika dito" Tapos nanlaki mata ko nung bigla niya kong niyakap.


Tapos lumayo ako kaagad-agad sa kanya nung narinig kong bumukas yung elevator. Napatingin ako dun sa taas, nasa 3rd floor pa lang kami.

Di ko tuloy nasigawan si DJ kasi may pumasok na couple sa elevator. Assumed ko na, na sila dahil nakaakbay yung guy dun sa girl. Siguro mga 20 years old na silang dalawa.


Inakbayan ulit ako ni Daniel, ABA! Ginaya pa yung guy na katabi niya.

Tinanggal ko ULIT yung pagkakaakbay niya tapos tumingin ako kay Daniel then inirapan ko siya.


Bakit? Akala niya basta-basta ko na lang palalagpasin yung ginawa niya? Hintay lang siya! Kapag kaming dalawa na lang, papatayin ko na yan!


"Uy honey, tignan mo oh. Parang tayo lang dati..." Sabi nung girl.

"Oo nga noh, yung iniirapan mo pa ko nun tuwing umaakbay ako sayo"

"Pano ba naman kasi hindi pa tayo nun"

"Haha, pero at least kahit lagi kang galit sakin noon, tayo pa rin nagkatuluyan"


Tapos nag-ngitian sila.

Psh.

Kailangan ba nilang iparinig samin yung usapan nila? Hay nako!


Biglang bumukas ulit yung pinto nung elevator sa 7th floor. Sabay kami ni DJ na naglakad papunta sa room nilang boys.


Pagdating dun sa labas ng room, binatukan ko siya kaagad.


"Kanina ka pa nangbabatok kath, nakakahalata na ko" Buti naman nahalata mo! Shochsz!

"Kanina ka pa rin akbay ng akbay. Mukha ba kong patungan ng arms?"

"Kanina ka pa inis na inis sakin. Bakit ba?"

"Kanina ka pa lapit ng lapit sakin eh"

"Kanina ka pa layo ng layo sakin Kath"

"Kanina ka pa nangaasar DJ"


Parehas kaming nakakunot ang noo sa isa't isa.

"Bakit ka ba nagagalit? Ano ba ginawa ko?"


GINISING MO KO NUNG NANANAGINIP AKO! HINDI KO TULOY NARINIG YUNG DAPAT MONG SABIHIN SA PANAGINIP KO!


"Bakit ka ba nagtatanong DJ?"

"Eh bakit ba ayaw mo sagutin yung tanong ko?"


"Bakit ba gusto mong sagutin ko yung tanong mo?" Binalik ko lang sa kanya yung tanong niya.

Nag-sigh na lang siya.


"Weird mo. Tara na nga" Tapos pumasok siya dun sa room nila.


0_o

Hala? Hindi ako papasok diyan. ROOM nila yang mga boys at hindi ako boy kaya wala akong karapatan pumasok diyan.


Tumalikod na ko para bumalik sa bonfire party sa beach PERO super nagulat ULIT ako nung hinila ako ni DJ papasok dun sa kwarto nila. Nagpumiglas ako pero tawa lang siya ng tawa.


"Hoy ano ba!" Binitawan niya yung kamay ko tapos lumapit sakin, nag-step backward tuloy ako. Super lapit niya kasi sakin.


"Kath, matagal ko na gustong gawin toh" Tapos nag-step ulit siya papalapit sakin, nag-step backward ulit ako.


"Ang alin?"

"Ito" Tapos naglakad ulit siya, na-corner niya ko dun sa may pinto.


*Gulp*

As in super lapit na niya sakin.


"Daniel, itigil mo nga"

"Ayoko. Chance ko na toh" Sabi niya.

"Chance na ano?"


Tapos inilapit niya yung mukha niya sakin then tumingin siya sa lips ko.


Dug. Dug. Dug. Dug.


Yung tingin sakin ni Daniel, iba.

Yung parang gusto kong alisin yung tingin ko sa kanya pero hindi ko magawa.

Unti-unting lumapit yung mukha niya sakin...


Geeh.

Biglang naging blanko yung utak ko.


Hindi ko alam kung bakit ako pumikit. Basta bigla na lang akong pumikit.


1

2

3

4

5

6

7

8

9

10...


Bakit parang walang nangyare? 10 seconds na kong nakapikit.

Minulat ko yung mga mata ko tapos nakita ko si DJ na nakangiti at parang pigil na pigil yung tawa niya.


"Kath...talagang bang akala mo...alam no na" Pigil na pigil pa rin yung tawa niya.

"Anong alam ko na? Ano bang pinagsasasabi mo?"

"Bakit ka pumikit? Hahaha Akala mo hahalikan kita? HAHAHAHAHA"


O/////O

"ANO? HINDI"


Gosh kath! Bakit nga ba ko pumikit? Huhuhuhu


T_T

ISIP! ISIP NG DAHILAN KATH!


Tawa pa siya ng tawa. BWISIT!!


"Weh?? Sige nga, bakit ka pumikit?"

"Kasi hinihiling ko na panaginip lang ang lahat para maglaho ka sa harapan ko. DUH!"


Tumawa lang si DJ pero alam ko, hindi siya naniwala sakin.

Sorry naman kung hindi maganda yung palusot ko. Wala akong maisip eh!

Aish! Bakit ba kasi ako nandito sa loob ng kwarto nila DJ at si Daniel lang ang kasama ko?


Magsasalita sana ako kaso napansin kong wala na si Daniel sa harapan ko. Pumunta ako dun sa may pinto ng kitchen, nakabukas kasi. Nakita ko si DJ, nakaupo sa may counter.


"Okay sige, tumawa ka lang ng tumawa. Pwede na ba kong lumabas at bumalik sa bonfire party?"


Na-realize ko rin na hindi naman ako dapat magpaalam sa kanya. Kaso kapag bigla na lang akong lumabas, magagalit siya for sure. May attitude problem si DJ ehh..HEHEHE. Magagalit siya bigla bigla sa mga maliliit na bagay.


"Di pa" Simpleng-simple lang yung sagot niya. BWISIT!


"Teka nga, sino ka ba para sundin ko?" Ang sama na ng tingin ko sa kanya. Ang ibig sabihin nun, dapat umayos na yung mga sagot niya.


Bumaba si DJ from the counter tapos naglakad palapit sakin.


"Ako lang naman si DANIEL JOHN FORD PADILLA na owner ng tinatapakan mo ngayon" Tumingin siya sa floor sabay nag smirk sakin.


"TUSUKIN KO KAYA YANG LABI MO! KANINA KA PA NGITI NG NGITI. Kailangang ipamukha sakin na owner ka nitong resort? SO WHAT? Pakielam ko naman kung owner ka nitong resort DANIEL!"


"Kath, Kahit saan mang sulok ng resort na ito, AKIN. Now, pag hindi ka sumunod sakin, umuwi ka na" Tapos ngumiti siya ulit. Kung makapagsalita siya, parang ang dali dali lang nung sinasabi niya.


"Psh. Papalayasin mo ko? Ganun? Di pwede yan. Diba nagpromise ka kay kuya na alagaan ako?" Oo. Naalala ko yung sinabi ni kuya kay DJ.


"Pakielam ko sa kuya mo. Bakit? Bubugbugin ba ako nun? Tss. Baka kahit isang suntok, wala akong matanggap"


"Aish! Impakto ka! Napakayabang mo talaga! Pwede ba, kung may gusto kang asarin, ASARIN MO YUNG WILLING MAGPAASAR! Yan si Sofia, puntahan mo. Baka mamaya umiyak na naman"


"Wait lang. Bakit ba sa tuwing nagaaway tayo, dinadamay mo bestfriend ko?"

"Kasi siya naman talaga ang dapat mong kasama. Diba nga mahal ka nung tao? Bakit hindi mo pagbigyan?"

"Eh hindi ko naman mahal si Sofia"

"Bakit? Ako ba mahal mo? Diba hindi rin?"


Tumalikod na ko sa kanya dahil inis na inis na naman ako pero tumakbo siya sa harapan ko at hinarangan ako.


"Ano ito? Patintero? Tumabi ka nga DJ, ayokong makipaglaro"

"Sorry na! Di ko naman sinasadya na mainis ka sakin"

"Hindi mo sinasadya?"


"Oh sige na, inaasar talaga kita. Pano, kanina ka pa wala sa mood. Ang tahimik mo. Tinulugan mo pa ko kanina nung dinner"


Grabe.

Hindi niya pa rin makalimutan yung pagtulog ko kanina.


(-_-)

Alis!


Kada lakad ko, humahakbang din siya five times patalikod.


"Ayaw mo tumabi? Gusto mo ng sapak----"

*whoops*


Nagulat ako nung may natapakan akong balat ng saging at alam kong nadulas ako.

Pumikit na lang ako dahil alam kong babagsak na ko sa lupa.


......


Pero naramdaman kong may sumalo sakin and...


O_O


Nanlaki yung mga mata ko nung narealize kong nagdikit yung mga labi namin ni Daniel. As in, nagdikit for a second.


PLEASE TELL ME I'M DREAMING? PLEASE!


Nag-bite lips siya tapos nakatitig pa rin siya sakin.


"Okay ka lang?" Tanong niya.


OKAY? TINANONG MO PA KO KUNG OKAY AKO? 

NAGDIKIT NA YUNG LABI NATIN TAPOS TATANUNGIN MO KO KUNG OKAY LANG AKO?


>_<


Di pa nawawala sa isip ko yung arms niya na naka-wrapped sa bewang ko and yung position namin. 

ANG SAGWA!! Nakapatong ako sa kanya.


O/////O


Hindi ako makagaliw. Siguro dahil sa nawala siguro ako sa sarili ko. Hindi rin ako makapagsalita. SHOCKED pa rin ako sa nangyari.


Tapos bigla akong may narinig kaya bumalik ulit ako sa sarili ko.

Agad-agad akong tumayo tapos tumakbo na ko paalis.

Sa kakamadali kong lumabas sa room na ito, hindi ko nakita sila Khalil, Jake, Albie at Diego.

Nabangga ko tuloy si Diegs.


"Aray ko naman kath, okay ka lang?"

"Sorry Diego"


"Teka, bakit nandito ka?---" Di ko na siya pinatapos magsalita. Ayokong mag-explain.


Dali-dali na lang akong tumakbo papunta dun sa kwarto naming mga girls. For sure wala pa sila Zharm dito.


PERO mali ako. Nandito na sila sa loob ng room, mga nakaupo sa kama.

Di ko sila pinansin, dumiretso ako kaagad sa kama ko tapos tinabunan ko yung mukha ko ng unan.


Wala na ang first kiss ko! NINAKAW nung lintek na Daniel na yun! MALAGLAGAN SANA SIYA NG HOLLOW BLOCKS! AS IN NOW NA!! OR PWEDE RING MAKALUNOK SANA SIYA NG BOMBA PARA SUMABOG NA SIYA!


Gusto ko sana yung romantic ang magiging first kiss ko. Yung galing sa taong mahal ko. Sa first boyfriend ko...


Lahat ng mga yun, NAGLAHO ng parang bula!

Huhuhuhu.

T_T


Isinama pa ko ni DJ sa lists ng mga girls na nahalikan niya. Maisip ko pa lang yun, naiiyak na ko! I HATE THIS DAY! SUPER!!! WORST DAY EVER!


"UWEEEE!!!" Sigaw ko sa unan ko para hindi malakas yung pagsigaw ko!!


------------------------------


Oh diba? Sabi ko sa inyo, masasampal niyo ko? Sampal sa kilig? Hahaha. Kahit ako, kinilig while writing this. SULIT ba? Hahaha. Sana marami pa rin ang mag-comment at vote sa chapter na ito! Mhuah!

Continue Reading

You'll Also Like

2.3K 228 5
Paano kung ang kapalit ng pananatili ay ang iniingatan mong kalayaan, susugal ka kaya? Started: February 14, 2023 End: July 22, 2023 Under Revision:...
2.8M 94.5K 88
Book 2 of 10 Steps To Be A Lady. Read 10STBAL first before proceeding to this story.
14.9M 235K 75
PUBLISHED UNDER POP FICTION [Unlucky I'm In Love with My Best Friend sequel/book 2] BITTER CASANOVA. Kapag sinabing CASANOVA, babaero, mapaglaro sa p...
659K 14.7K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...