Eyes Nose Lips (Knightinblack...

נכתב על ידי Kyligms

2.4K 92 10

We all know that famous author named KNIGHTINBLACK. We all know his stories but what we do not know about him... עוד

Please Read!!!
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
NOT AN UPDATE! PLEASE READ!
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22/Epilogue

Chapter 18

42 1 0
נכתב על ידי Kyligms

"I'm sorry." muli kong giit. Inalis niya ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang mga pisngi ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata kong namumugto na.

"You don't have to. I'm sorry kung kailangan mong sarilinin ang problemang ito." giit niya. Pinunasan niya ang mga luha kong bunga ng sakit dito sa dibdib ko.

"Ang boses mo ang nagpapalakas sa katawan ko. Ang mga yakap mo ang dahilan kung bakit patuloy akong nabubuhay sa mundong ito. Kaya kung mawawala ka ay hindi ko makakaya kaya natakot akong sabihin sayo. Natakot akong baka magalit ka at isuko mo ako." pagpapaliwanag ko. It hurts saying those last words. Bakit ba kasi kailangan pang mangyari ito? Kung kailan naman nagmamahalan na kami ng totoo.

"Hinding-hindi mangyayari ang iniisip mo. Ipaglalaban kita sa kahit na sino pang tao. Sa kahit ano pang problema. Hinding-hindi ako bibitaw kasi mahal na mahal kita." he kissed me at habang sinusuklian ko ang mga halik na iyon ay patuloy na bumubuhos ang mga luha ko.

After we talked, we ended up leaving the house again. Tulog na si Papa kaya naman kumatok ako sa kwarto nila at naabutang gising pa si Mama. I told her na kailangan kong magpahangin at mag-isip kaya ilalabas muna ako ni kib. She said yes pero pinag-iingat parin kami.

"Ano, pumayag ba?" tanong sa akin ni Kib habang nakasandal sa kotse ni papa. I nodded at tsaka ngumiti ng tipid. Naglakad ako papuntang passengers seat at sumunod naman siya't binuksan ang pinto para makasakay ako.

Napangiti ako ng hawakan niya ang braso ko't kasabay 'non ang pag-ayos niya sa jacket na suot ko. "Wag kang manlalamig ah? I'll always keep you warm." giit niya na nagpatigil sa pagtibok ng puso ko. It somehow means something even more than what he said.

He kissed me on the forehead at tsaka na ako tuluyang pumasok. Nagdrive kami around town at kitang-kita ko kung gaano kaganda ang city of chicago. Ngayon ko lang naappreciate ang ganda nito ngayong gabi dahil bihira lang naman ako palabasin ni Papa. Pakiramdam ko nga ay bumalik ako sa pagiging bata dahil palaging nakalock sa bahay.

"Kamusta na ang pakiramdam mo? may sumasakit pa ba sayo?" tanong sa akin ni kib habang diretsong nakatingin sa kalsada.

"Okay naman ako, Love. Uhm I can't really tell kung may masakit ba." sagot ko na lamang dahil pinapakiramdam ko ang sarili ko. Totoo ngang hindi ko masabi kong may masakit ba sa katawan ko maliban sa puso ko. Parang mas nangingibabaw ang sakit dito kaya siguro natatabunan ang physical na sakit. Nagpapasalamat nga ako sa diyos dahil hindi na ako minsan nilalabasan ng sobrang daming pasa. Paisa-isa nalang o minsan tatlo, dalawa. I really want to over come this illness.

"How come?" naguguluhan niyang tanong sa akin at napasulyap pa ng saglit at tsaka muling ibinalik sa daan ang tingin.

"I can't explain but I'm really thankful." ngumiti ako sa kanya kahit pa hindi siya nakatingin sa akin. Mas lalo akong lumapit sa kanya na busy sa pagd-drive at tsaka ipinatong ang ulo oo sa balikat niya at niyakap siya.

"Saan ba ang punta natin? I didn't know na kabisado mo pala ang Chicago." natatawa kong asar sa kanya.

"Syempre ako pa ba? Nandiyan si Google, e." biro niya rin kaya naman sabay kaming natawa sa kacornihan niya.

Nagulat ako ng bigla niyang iliko ang kotse papunta sa isang bangin. Sisigaw na sana ako ng bigla niyang ihinto.

"Ano ka ba? Hahaha!" tawa niya sa akin dahil nakapikit na ako ngayon habang nakayakap sa kanya ng mahigpit.

"Letche ka! Akala ko itatalon mo 'tong kotse sa bangin, e. Huhuhu!" kunwaring naiiyak ko. Sobrang kaba ang naramdaman ko ah. Kainis talaga 'tong lalaking 'to!

"Tara na." yaya niya sa akin at nauna ng bumaba. Gaya kanina ay pinagbuksan niya ulit ako ng pinto. Hawak kamay kaming naglakad papalapit sa isang bench malapit sa dulo ng cliff. May harang din naman ang cliff na ito at may mga nakaikot na fairy lights na ngayon ko lang din napansin.

"Wow." napanganga ako ng makita ko ang nasa ibaba 'nong cliff na 'yun. Kitang-kita namin ang mga naglalakihang buildings dito sa chicago. At napakaraming ilaw. Ang sarap tingnan!

"Sabi na e." bulong niya dahilan para mapalingon ako sa kanya habang nakakunot ang noo.

Bago pa man ako makapagtanong ay inunahan niya na ako. "Alam ko kasing na-a-amaze ka sa mga ganitong eksena. The little things in life amazes you the most right?" nakangiti niyang tanong sa akin. Niyakap ko siya at tsaka inamoy ang paborito niyang pabango.

"I love you." I mumble but enough for him to hear. Natawa pa siya at tsaka niyakap rin ako.

"I love you too." he answered back that made my heart skipped a beat again. Hanggang ngayon talaga ay pakiramdam ko'y nasa isa akong panaginip. Panaginip na ayaw ko ng magising pa.

We stayed in that position for a bit. May dala pala siyang pagkain at nakalagay sa likuran ng kotse. Pizza, cokes and more. Tuwang-tuwa pa nga ako e at parang maliit na bata na nasisiyahan.

"Are you happy?" he asked out of nowhere. Napatingin na naman ako sa kanga habang nginunguya ang pizza.

"Of course. Anywhere with you is always the  happiest." sagot ko sa kanya at muling nagpatuloy sa pagkain. Ginulo na lamang niya ang buhok ko at tumahimik habang kumakain.

Maya-maya'y nagtaka ako dahil wala na siyang kibo. Busy kasi akong nakatingin sa naglalakihang buildings habang kumakain kaya hindi ko na napansin pa ang ginagawa niya.

Tiningnan ko siya at gulat ang sumalubong sa akin ng makita siyang titig na titig sa akin habang may seryosong mukha. Ano na naman 'yan?! huhuhu.

"Love?" tawag niya sa akin.

"Hmm?" I answered.

"Will you marry me?" he asked me pero mukhang nabingi ako dun kaya hindi ako makasagot. Nanlalaki ang mga mata kong natitig lang sa kanya.

"H-huh?" parang timang na tanong ko sa kanya. He giggled at kasabay nito ay ang pagluhod niya sa harapan ko at tsaka inilabas ang isang singsing.

"Y/N? Love? Will you marry me?" tanong niyang muli at sa pagkakataong ito, rinig na rinig na ng puso't isip ko. Naramdaman ko ang unti-unting pagpatak ng mga luha sa mga mata ko at kasabay nito ang pagkurba ng isang matamis na ngiti sa aking mga labi.

"Yes!" sagot ko sa kanya dahilan para mapangiti siya ng sobrang laki at mapaluha. Isinuot niya sa akin ang singsing na iyon at gulat akong napatingin sa kanya ng bigla siyang sumigaw.

"Yes!! She said yes!!" sigaw siya ng sigaw at dahil iyon sa sobrang saya. Tumayo rin ako at tsaka siya niyakap.

"Thank you for making me the most happiest man in the world." he whispered in my ears. Mas lalo akong napangiti at wala akong maramdaman kundi saya. Ang kaninang lungkot at sakit na nararamdaman ko ay napalitan ng saya. Para bang napawi ng sayang ito ang lahat ng bigat na pinapasan ko.

"I love you so much." dagdag niya pa at tsaka lumayo sa pagkakayap sa akin. Hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ko at tsaka ipinaglapit ang mga labi namin. Ramdam na ramdam ko ang diin at tamis ng halik na ibinibigay niya. Na para bang ibinubuhos niya ang pagmamahal niya sa halik na iyon. Nang maubusan kami ng hangin ay sandali kaming tumigil sa paghahalikan at parehas na ngumit sa isa't-isa. Ipinagpatong niya ang mga noo namin.

"I love you too soo much, R******. My Knight In Black." pagbanggit ko sa tunay niyang pangalan.


Pagkatapos ng gabing iyon pakiramdam ko ay mas lalo akong lumakas. Nawala ang sakit na nararamdaman ko at parang buhay na buhay ang katawan ko. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa tao.
Isinabi ko rin kay mama at wala siyang nagawa kundi ang supportahan kami. Hindi pa namin magawang isabi kay Papa. Naghahanap pa ako ng tamang tyempo.

Iniwan ko si Kib sa bahay dahil mahimbing pa ang tulog niya. Kailangan ko kasing kausapin si Jhonas at ipapaalam ko rin sa kanya ang engagement ko kay Kib.

"Yow!" bati niya sa akon na para bang super good mood siya. Natawa naman ako sa inasal niya dahil parang noong nakaraan lang ay sobrang tinatarayan ko siya.

"Goodmorning." bati ko sa kanya pabalik. Dito sa park ulit kami nagkita dahil mas malapit at nagjogging rin ako ng saglit. I need exercise e.

"Ano pala ang gusto mong sabihin?" tanong niya habang idinuduyan ng malakas ang sarili sa swing.

"I'm engaged." tipid kong sagot at napatigil naman kaagad siya. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"What? Really? Halaaa! Kanino? Wala naman dito ang boyfriend mo ah! Ibig bang sabihin niyan... Halaaa!" oa niyang sambit at parang baklang nagcramping.

"Tungaks! Hindi noh! Not in your wildest dream." inirapan ko siya at sabay tawa.

"Aray grabe ka naman!" muli siyang bumalik sa pagduduyan.

"So niyaya ka ng magpakasal 'nong boyfriend mo?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako at ngumit dahil parang nangyayari muli ngayon ang nangyari kagabi. Ang hirap kalimutan at kinikilig ako!!

"Oo. Nandito siya." tipid ko paring sagot dahil ngayon ko lang naramdaman ang sobrang kilig. Kagabi kasi medjo lang dahil sobrang saya ang nararamdaman ko at natabunan kaya naging maria clara!

"Weh? Bakit hindi mo siya ipakilala sakin?" slang na naman niyang sambit. Para siyang bakla!

"Walang tyempo e. Tsaka Bes..." pagbibitin ko at tsaka tumingin sa kanya ng seryoso. Mahinahon na siya at hindi na dumuduyan kaya naman nakatingin kami sa isa't-isa.

" Oh?"

"Kahit anong mangyari, huwag na huwag kang papayag na matuloy ang kasal ah?" giit ko sa kanya. Ngumit siya at tumango.

"Oo naman, bes. Sus Yun lang ba?"

"Hindi meron pa." natatawa kong sambit.

"Oh?"

"Best man ka sa kasal namin ah?"

"Shoreee!!" sigaw niya kaya naman sabay kaming natawa sa kalukuhan niya. Ang lalim kasi ng boses niya tapos 'yung accent niya pang american talaga kaya matatawa ka ng bongga kapag nagj-joke siya. Umaasa talaga akong hindi matutuloy ang fixed marriage naming dalawa.

Jhonas's POV

Matapos ang usapan namin ni Y/N kanina ay agad akong dumiretso sa office ni Daddy dito sa bahay. I have to tell him to cancel the marriage. Seeing my bestfriend so happy about her engagement is so heart warming. Halatang-halata na masaya siya sa boyfriend niya ngayon at halata ring mahal na mahal niya ito. That's why I can't let her happiness fade away.
Matagal-tagal din kaming hindi nagkita and honestly, I missed her so much.

"What is it that you want to tell me? Hurry up, Son. I got a lot of things to finish." seryosong sambit ni Daddy at hindi manlang ako tinitingnan dahil focused na focused parin siya sa laptop niya.

"Dad, please cancel my engagement to Y/N." I saud directly that made his attention land on me. He closed his lapto at tsaka ipinagdikit ang mga kamay niya. As if he's thinking so deep.

"Bakit? May problema ba?" tanong niya sa akin. Naupo ako sa harap ng table niya. Medjo kinakabahan ako dahil ngayon lang ako susuway kay daddy. I'm an only son at kailangan kong sundin lahat ng sinasabi niya at pinagapagawa niya but not this time.

"Y/N's inlove with someone else. I can'g marry her. I can't see her everyday crying because of me." malungkot kong sambit. Napayuko pa ako dahil totoo ang sinabi ko. I can't bear to look at her unhappy.

"Are you inlove with her?" wala sa sariling tanong ni Daddy dahilan para matigilan ako.

"No. I'm not Dad." tipid kong sambit pero ang totoo ay Oo. Nang muli ko siyang makita ay parang muling bumalik ang nararamdaman ko sa kanya years ago. Noong super close pa kami at hindi pa kami nagkakahiwalay. I promised myself back then na kapag bumalik ako sa pinas ay yayayain ko na siyang magpakasal pero iba na ngayon. She found someone better than me. Someone that made her world happy. And I know I can't replace that person in her heart.

"Alam ba ng Papa niya na ayaw niyabg ituloy ang kasal?" muling tanong ni Daddy.

"Yes, Dad and ataw pumayag ni Tito because nahihiya siya sayo. Dahil iniisip niya na baka masira ang friendship ninyong dalawa. Dad, I'm begging you to cancel the engagement. Just for me." sambit ko at umaasang papayag siya.

"Okay then, I'll talk to Y/N's father tomorrow and we'll figure this out. Go to sleep now." giit niya dahilan para mapangiti ako at mapayakap sa kanya.

"Thanks dad." nagpaalam na ako sa kanya matapos ang usapan namin. I hurried to my room para itext si Y/N.

I admit, nasasaktan ako dahil hindi na matutuloy ang kasal pero in some way may nararamdaman parin akong saya dahil sa kahit papano ay may nagawa ako sa babaeng mahal ko.


To be Continued ^*^

Thank You for Reading hehe!

A/N: Shocks! Malapit na ang Christmas noh? Pero hindi ko feel :<< bat ganto :<< miss ko lang ata si kib HAHAHAHA! Charot lang. Salamat pala sa mga patuloy na sumusubaybay sa istoryang ito! Kahit kaonti kayo I really appreciate your presense  hahaha! naks presence. Guys may favor lang ako, magcomment kayo dito and please let me know kung ano ang comment niyo sa storing 'to. Positive or negative comment will do! lablots :*

המשך קריאה

You'll Also Like

31K 847 12
Completed.. Who is she? Wanna know her? Read this..
84.1K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
349K 4.6K 18
Si Coleen Montecillo ay isang dalaga na may isang pangarap, ang maging sila ng kaniyang super duper ultimate crush na si Leigh Hudson. Grade 3 pa lan...
224K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...