Chapter 4

98 6 0
                                    

PS! Rated spg to! hehehe konti lang wahaha Patnubay at gabay ni supremo ang kailangan. *Insert Supremo Ace*

Btw, ginawa ko ng romance to since doon naman tayo nakafocus e hehehehe ^^

~4~

Umuwi akong nakangiti at ganon din si Kib. Hindi ko alam kung ano ang meron sa amin ngayon, pero nasisiguro kong masaya kaming dalawa dahil sa mga nangyayari. Hindi ko man alam kung may gusto ba siya sakin o wala. Kung sure ba siya sa mga sinasabi niya sakin. Basta ang alam ko lang ay sweet siya at gustong-gusto ko ang mga ginagawa niyang pagpapakilig sa akin.

Nauna na siyang umakyat sa kwarto dahil nagpaiwan muna ako sa baba. Kakausapin ko si mama. Ikukuwento ko sa kanya ang nangyari dahil maging siya ay sabik na rin sa mga details ng Date kuno namin ni Kib. Letcheng mama to! Hindi man lang ako pinagpahinga. Pero keribels lang dahil gusto ko ring mailabas ang kilig dito sa aking dibdib.

"So ano nga ang nangyari? Give full details na! Tagal!" pabulong niyang sigaw sa akin. Ako naman ay nakatayo lang sa harap niya at nakahawak sa mesa habang umiinom ng tubig.

"Ma, shhh! Baka marinig niya tayo! Anukaba? 'Dun tayo sa kwarto mo, dali!" pabulong ko ding sigaw sa kanya at inilapag na ang basong wala ng laman. Dali-dali kong hinigit ang kamay ni mama papasok sa kwarto niya.

Ang kwarto niya kasi ay nasa baba lang habang ang kwarto ko at kwarto ni kuya ay nasa taas. Kaya layang-laya akong makakapagsigaw sa kwarto ni Mama.

Pagpasok pa lang namin sa kwarto niya ay agad siyang pumewesto ng higa sa kanyang kama. 'Yun bang parang magbarkada lang kami magkukwentuhan.

"Ano na? Dali! Excited nako!" parang siya pa ang kinikilig kumpara sa akin na pinananatiling kalmado ang buong sistema. Bago ako nagsalita ay naghalungkat muna ako ng pambahay sa mga gamit ni Mama. Naiinitan na kasi ako sa suot kong jeans.

"Ma? bakit ang laki na sa akin ng mga damit mo? Bago ba 'to? Jusmeyo!" natatawa kong sambit. Paano ba naman kasi ang lalaki na ng mga damit niya hindi tulad ng dati na magkasize lang kami. Isang kulay pastel pink na may tatak na sailormoon ang suot ko ngayon at isang black shorts.

"Letche ka namang bata ka e! Tagal magkwento! Dalian mo na!" nabobored niyang sambit at may pagulong-gulong effect pa. -_-

"Teka, ito na nga po e. Wag ka munang masyadong excited jan." asar ko bago tumabi sa kanya. Nakaupo lang ako habang siya naman ay nakadapa.

"Ganto kasi ang nangyari Ma....."

Kib's POV (lol, hindi ko alam kung paano maging si kuya kib so bear with what I can do hahaha lels.)

Kanina pa ako nakatingin sa may pinto at wala paring bakas ng babaeng 'yun ang dumadating. Siguro ay busy pa sa pakikipag-usap sa kanyang Mama. Hayy, bored na ako dito ah. Kanina ko pa gustong makipagkwentuhan sa kanya. Pero sa totoo lang, medjo naiilang at nahihiya pa ako sa kanya pero nilalakasan ko nalang ang loob ko dahil baka pagpinahalata kong nahihiya ako ay baka maging siya ay mahiya din. At mauwi pa sa walang pansinan ang sitwasyon.

Napatayo ako dahil sa sobrang pagkainip na nararamdaman ko. Napakainit ng katawan ko kaya naman ay tumapat ako sa electricfan at dun nag-isip. Iniisip ko kung nagets niya ba ang mga sinabi ko sa kanya kanina. Kung nagets niya ba ang ibig sabihin ng halik na 'yun. Sana lang ay ok dahil mukhang hindi.

Napailing ako ng maalala muli kung gaano kalambot ang labi niya. Hindi sa nandidiri ako ah, pero kasi kapag inaalala o naaalala ko parang may kung anong kiliti akong nararamdaman sa tiyan ko. Parang umiinit ang pisngi ko na ewan. Hindi ako babae para magblush. Pero parang nagb-blush na nga talaga ako. Hayy, mabuti nalang at wala si---.

Eyes Nose Lips (Knightinblack Fanfiction)Where stories live. Discover now