Territorio de los Hombres 2:...

By Vanessa_Manunulat

145K 3.4K 125

"No matter how much you hurt me, I don't think I can settle for any other man because I only want you." Balak... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9

Chapter 5

12.4K 328 10
By Vanessa_Manunulat



Hindi isang secretary kundi personal assistant ang labas ni Cher nang makalipat ng pinapasukan. Nang araw ding iyon ay nag-file siya ng formal resignation letter sa law firm at sumama kay Cholo. Para siyang nasa ipuipo. Parang may sariling isip ang kanyang mga binti na alam na kung saan pupunta.

Hindi siya na-transfer kundi nag-resign at lumipat ng trabaho. Isang malaking palaisipan kung bakit basta na lang siyang pumayag. Wala rin siyang makapang pagsisisi sa dibdib. Well, there was a reason. Two, actually. Cholo's eyes. Those eyes looked at her and in a snap; she was off to his turf.

At natuklasan nga niyang mayroon na palang secretary ang binata. Pero sinabi nitong kailangan nito ng personal assistant dahil kung saan-saan daw ito nagpupunta. Nalaman din niya nang mismong araw na iyon na pag-aari nito at ni Jose Maria ang JMPA, Incorporated, isang malaking construction firm.

Cher couldn't believe they were married for a night, at ngayon, boss na niya si Cholo. Sabihin mang na-demote siya, okay na rin dahil tumaas naman ang kanyang suweldo. She wondered how she would assist the man.

Laking pagtataka niya nang ang mesang ibigay sa kanya ni Cholo ay nasa loob mismo ng malaking opisina nito. Nang magtanong siya, ang sabi lang nito ay mas madali raw kung nandoon lang siya sa malapit. Nagbalik uli ang pagkailang niyang nawala noong isang gabi at naging dahilan para pakasalan niya ito.

Nang makita siya roon ni Jose Maria ay mukhang nabigla ang lalaki pero hindi na nagtanong pa. Mabait naman ito sa kanya, kasabay pa nga nilang nag-merienda ni Cholo.

"I travel a lot, Cher. And you're going with me everywhere I go," sabi ni Cholo nang hapong iyon. Naghahanda na siyang umuwi.

"Okay."

"So pack your things tonight because I'll be going to Territorio tomorrow."

"O-okay."

Nilapitan siya ni Cholo. "How are you feeling?"

"G-great."

Ngumiti ito. "Are you sure?"

"Y-yes." Palapit ito nang palapit sa kanya. Ayaw man ni Cher ay napapasinghap siya. Hanggang sa tuluyan nang makalapit si Cholo at ipatong ang maiinit na kamay sa kanyang baywang.

"Can you imagine what happened the other night?"

"Yeah," she replied nervously. Conscious na conscious siya sa init ng kamay nito sa kanyang baywang. "It was c-crazy."

"Was it really, hmm?" bulong nito sa bandang tainga niya. Nagtayuan yata ang lahat ng balahibo niya sa katawan.

"W-what are you doing, Cholo?"

"Trying to kiss you."

Napalunok na lang si Cher. The next moment, his lips were on hers for a tender kiss. Parang tumitikim lang ng ice cream ang pagdampi ng mga labi nito. She felt warm inside. Cholo kissed her that way for what seemed to her as an eternity. Then his kiss got fiery. Soon, he was caressing her backside. She did the same.

"Oh, wifey," he whispered.

Natigilan siya. "What?"

"Huh?"

"Don't go calling me 'wifey,'" she said nervously.

"Why not?" parang nananantiyang tanong nito.

"Because people might get other ideas."

"But you're my wifey."

"Were."

"S-sure. Anyway..." Tumalikod na si Cholo at nagpunta sa sariling mesa. "I will pick you up tomorrow. Say nine?"

"Sure."

"I'll see you tomorrow."

"Yeah, b-bye."

"Take care, wifey."

"Ugh!" Naitirik na lang ni Cher ang mga mata, saka lumabas ng opisina. Dinig niya ang tawa ni Cholo. And she smiled, too, despite herself. Wifey... Him calling her that didn't sound so bad. Not bad at all, truth to tell. So what was the matter with her?

NAGTANONG ang mommy ni Cher kung bakit daw lumipat siya ng trabaho nang hindi man lang nagsasabi sa mga ito. Pero wala na rin naman itong nagawa. Kung iyon daw ang gusto niya ay ayos na rin dito. Hindi naman maitago ng kanyang ama ang inis. Lilipat na lang din daw siya ng trabaho ay hindi pa sa negosyo nila. Nasa buy-and-sell business ng mga surplus equipment ang kanyang ama.

Nang sunduin siya ni Cholo ay ipinakilala niya ito sa mga magulang. Magalang na magalang naman ang lalaki. Mukha namang magaan ang loob ng kanyang mga magulang sa binata.

Masaya naman ang ilang oras na biyahe nila. Cholo was pleasant to be with. Nagkuwentuhan lang sila sa sasakyan. There was tension between them. Time and again, hahawakan nito ang kanyang kamay at pipisilin, parang may gustong sabihin. Pero malapit na sila sa destinasyon ay wala namang sinabi si Cholo.

Nang hindi makatiis ay nagtanong na si Cher nang direkta. Wala raw itong gustong sabihin. Nagkibit-balikat na lang siya.

Sa entrance ng Territorio ay may nakita siyang ilang babaeng may dalang placards: Territorio de los Hombres, salot ng Pakyit-pakyitan! Territorio de los Hombres, maninira ng kapaligiran! Territorio de los Hombres, teritoryo ng GAHAMAN!

Eksaktong limang kababaihan ang nandoon. Tatlo lang ang may dalang placards, ang dalawa naman ay parang nakikiusyoso lang. Ang nahuhulaan niyang leader ng maliit na grupo ay ang nagsasalita sa megaphone.

"What the hell is happening here?" tanong ni Cholo.

"Inirereklamo kayo?" tanong niya.

Hindi ito umimik at nilapitan ang guwardiya at kinausap. Mayamaya ay pumasok na rin sila sa loob. Sa hotel sila dumeretso. Nakasunod lang siya kay Cholo. Pumasok ito sa isang opisina at nakita niya roon si Burt. Tumawa ito nang makita sila ni Cholo.

"What's so funny?" hindi naiwasang itanong ni Cher. May mali ba sa damit niya?

"Nothing. You two just look so damn cute together. How's the honeymoon?"

Pinandilatan ito ni Cholo, nag-init naman ang mga pisngi niya. Mukhang tinutukso pa sila ni Burt sa naganap na kasalan na wala naman talagang iniwang public record. Sang-ayon sa batas, hindi sila kasal at hindi kailanman naikasal. But not to Burt it seemed. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng hiya.

"Alam mo na bang may mga nagra-rally sa labas?" pag-iiba ni Cholo ng usapan.

"Yup. Ang kulit-kulit n'ong Mildred Dimayuga. Kinausap ko na nga 'yon, ayaw tumigil ng kaka-rally. Aalis din 'yon mayamaya, nagpatawag na ako ng pulis. Pangalawang beses na nga 'yang rally niyang wala namang permit. 'Buti at nandito ka. May meeting mamaya. For now, why don't you two occupy the honeymoon suite?"

Muling nag-init ang mga pisngi ni Cher. Si Cholo naman ay astang bad trip na sa kaibigan at niyaya na siyang umalis kaagad. Hindi nito sinabi kung ano ang ginagawa nila roon. Wala siyang ideya. Lumabas na sila ng hotel at muling sumakay sa sasakyan nito. Nagpunta sila sa isang subdivision sa loob ng lugar.

Inihinto nito ang sasakyan sa ikalawang bahay mula sa gate.

"This is my house."

"Wow! It's big!"

"My mom lives here. Halika, ipapakilala kita sa kanya. We'll be staying here for a while. Masyadong mausisa ang inay, panay tango ka na lang sa kanya."

Pumasok na nga sila sa bahay. Moderno ang mga kagamitan sa loob. At nandoon nga ang sinasabi ni Cholo na inay nito. Matanda na ang babae. Mababakas sa hitsura nito na hindi naging madali ang buhay para dito. She looked very intelligent yet very sweet.

"Inay, si Cher po. Cher, ang inay ko," pakilala sa kanila ni Cholo.

"Magandang hapon po."

"Magandang hapon naman." Mukhang magiliw ang matanda. "Dito ba kayo magpapalipas ng gabi?"

"Opo, 'Nay."

"Mabuti at nang may makakuwentuhan naman ako rito. Ang ganda-ganda naman ng nobya ng anak ko. Halika't maupo ka muna. Cholo, sabihan mo nga si Lita na dalhan tayo ng maiinom."

Hindi na nagawang itama pa ni Cher ang sinabi ng matanda. Wala rin namang ginawa si Cholo para itama ang ina. Nang tingnan niya ang binata ay simpleng tango lang ang ibinigay nito sa kanya.

"Alam mo, ilang taon na rin akong nakatira dito pero ngayon lang nagpakilala ng babae sa akin ang anak ko. Alam mo, tuwang-tuwa ako ngayon."

And she didn't have the heart to correct the old woman. Ngumiti na lang siya, ngiting alanganin.

"Ikaw ba'y nahihiya? Naku, 'wag kang mahihiya rito sa amin, anak. Alam mo, masuwerte ka riyan kay Cholo. Napakabait na bata niyan. Lahat silang magkakaibigan ay mabait. Lalo na si Jose. Malaki ang utang-na-loob namin sa isang iyon."

"Ah," ang tanging nasabi ni Cher. Hindi niya malaman ang sasabihin. Bahagya siyang nailang nang mapansing nakatingin lang sa kanyang mukha ang matanda.

"Naku, pasensiya ka na, anak. Natutuwa lang ako. Ang ganda-ganda mo. Sana mabigyan ninyo agad ako ng apo kapag nakasal na kayo. Tiyak na napakaganda o napakaguwapo ng magiging apo ko." Nagniningning ang mga mata ng matanda.

Mabuti na lang at bumalik na sa sala si Cholo. Sinabi rin ng matanda sa anak ang lahat ng sinabi sa kanya. Tulad niya, wala ring nasabi si Cholo. Tumango lang ito nang tumango at gusto na niyang magtaka. Tama ba ang ginagawa nito? Kakausapin siguro niya ito mamaya. Hindi magandang umasa ang inay nito sa wala.

"Naku, masyado akong naaliw sa pagkukuwento sa inyo. Cholo, ipakita mo nga sa nobya mo ang tutuluyan niya."

"Opo."

Umakyat na nga sila sa kabahayan. Maraming kuwarto dahil napakalaki ng bahay. Tinanong na niya si Cholo. "Bakit hinayaan mong isipin ng inay mo na ganoon nga? Nahihiya naman akong kontrahin siya."

"Alam mo, excited na masyado ang inay na magkaapo. Kinukulit nga niya ako palagi," malayong sagot nito.

"Para namang mabibigyan natin siya?"

Tumigil ito sa paglalakad. "Bakit hindi?"

"Cholo! Sapakin kaya kita diyan?"

"Ito talaga, hindi na mabiro." Hinawakan pa siya nito sa braso. "Ang sa akin lang, ngayon lang naging ganyan kasaya ang inay. Pagbigyan na natin siya sa akala niya. Okay lang ba sa 'yo?"

"Pero—"

"It's an order."

"But—"

"One more but and I'll kiss you."

"Hindi naman kasi tama—" Hindi na nga pinakinggan ni Cholo ang sinabi niya at hinalikan na lang siya. Nakakarami na talaga ito, pero wala naman siyang makapang pagtanggi sa sarili.

Cholo was a very good kisser. Tuwing hahalikan siya nito ay nanghihina ang mga tuhod niya. Mula noon hanggang ngayon, hindi nagbabago ang epekto ng halik nito sa kanya.

"Cholo..."

"Oh, God, you're driving me crazy, wifey. But not here, not now. Inay might see us. Later, wifey, okay?"

"Shut up," sabi ni Cher, hiyang-hiya. Tama ba namang mag-schedule pa ito? And in the first place, why was he always kissing her? At bakit siya nito kinuha mula sa firm? Wala pa itong magandang paliwanag kundi kailangan daw nito ng assistant.

Iyon ba talaga ang dahilan? Kunsabagay, bakit naman magkakaroon pa ng ibang dahilan? Imposible namang dahil lang attracted si Cholo sa kanya. Alam niyang physically attracted ito sa kanya, that was much obvious, but that was not enough reason for her to expect something she knew she could never get. Not from him.

The fact that he cheated on her before remained. She was not good enough for him so he found another girl. Nagkataon pang best friend niya ang kinuha nito. Really, what was she doing there with Cholo? Dapat talaga ay galit pa siya rito. Pero hindi niya ito matanggihan. At wala na rin ang galit niya rito somehow. It was somewhat very frustrating yet she was enjoying every moment with him.

"Here's your room. Rest for a while."

"O-okay."

"Wifey," dugtong nito.

"Stop calling me that."

"I love the sound of it." He smiled.

She smiled back.

SAKSI si Cher sa meeting ng mga may-ari ng Territorio. Nakilala na niya ang lahat ng mga ito. Aliw na aliw siya sa panonood sa labing-isang nagguguwapuhang lalaki na nagdedebate. Iba-iba ang karakter ng lahat. Ang napansin lang niya, pinakamakulit si Jules, si Wulfredo naman ang pinakaseryoso.

Funny, noon ay obsessed siya kay Wulfredo. Now, she saw him only as Atty. Resplandor, one of Cholo's best friends. And looking at him talk, she realized she was never in love with him. She just saw him as a great man. Isang lalaking simbolo ng lahat ng hinahanap niya.

And another realization struck her. She was looking for a hero because of what Cholo did to her. He broke her heart four years ago. At mula nang mangyari iyon, nakita niya kay Wulfredo ang isang ideal na lalaking hindi tulad ni Cholo na pinaiyak lang siya.

Hindi na nagkaroon si Cher ng babaeng kaibigan dahil natakot na siyang maulit ang ginawa ni Rina. Panay mga pinsan niya ang binarkada. That way, mas sigurado siya sa loyalty ng mga ito. She got scared of building new friendly relationships with other people, kahit sa mga taga-firm. Mga lalaki ang binarkada niya para hindi maagaw kailanman ang magiging boyfriend niya.

Naging palaban siya, nawala ang sweetness. Palaging nasa subconscious mind niya na kailangan niyang protektahan ang lahat ng kanya. And the man responsible for all that ironically became her husband for one night. And now, she saw Cholo the way she did back when she was still so madly in love with him, back when he was still faithful. Fate really was a big joker.

Napabuntong-hininga tuloy si Cher habang nakatingin kay Wulfredo. Kung na-realize sana niya ang lahat ng iyon bago niya ito naisipang pikutin, malamang na wala siya ngayon sa meeting na iyon.

Napabaling siya kay Cholo. Nakatingin ito sa kanya, madilim ang mukha. Nagsalubong ang mga kilay nito at sumenyas na ituloy niya ang pagte-take down notes. Mukhang iritado ito. Naisip niyang baka dahil iyon sa problemang sinasabi ni Wulfredo.

Apparently, malaking problema ang babaeng nagngangalang "Mildred Dimayuga." Napaalis din pala ito pero nagbalik uli bago matapos ang araw. Nasa labas na naman nga ito kahit gabi na. Dalawa na lang daw ang kasama ng babae pero mukhang desididong magpatuloy sa pagra-rally.

It amused Cher that the group didn't want to put the woman behind bars by pressing more charges. Isa lang ang makulit na gustong ipakulong ang babae para daw wala nang maging problema—si Jules. Ang katwiran ng iba ay naaawa ang mga ito sa babae. Ang katwiran naman ni Jules ay palagi namang nakakapagpiyansa kaya huwag tigilan hanggang sa maubos ang pera nito at hindi na makapagpiyansa pa.

Sa huli ay nagkaroon ng botohan kung sino ang dapat umasikaso sa problema. Sa kakulitan ni Jules ay ito ang napili. Lihim na natawa si Cher nang tumanggi ito pero wala rin namang nagawa sa bandang huli. Nang matapos ang meeting ay nilapitan siya ni Wulfredo.

"Everything okay with your new job, Cher?"

"Yes. Is Jules okay?"

"Sus, 'yon pa? Bagay lang 'yon sa kanya. Pareho silang makulit ni Mildred."

"Why can't you just press more charges? Get a TRO."

"You've seen her, right?"

"Yes."

"She's so tiny. Kawawa naman. Besides, hindi naman siya nakukuha ng mga restraining order. Makulit nga kasi, female version ni Jules. Here's your boss. Mukhang mainit ang ulo. Good luck." Tinapik siya nito sa balikat, saka lumayo.

Nakangiting sinalubong ni Cher si Cholo. Hindi nito sinuklian ang ngiti niya.

"What's wrong?" tanong niya.

"Don't go flirting with Wulf while I'm around!" he hissed.

"I wasn't flirting. And what's it to you anyway?" Nainis siya.

"Just fix your stuff and let's go home. Remind me never to take you with me if Wulf's gonna be there." Magkasalubong na ang mga kilay ni Cholo, pakumpas-kumpas ang kamay, daig pa ang maestrong galit.

Mangangatwiran pa sana si Cher pero tinalikuran na siya nito. Ngitngit na ngitngit siya.

Continue Reading

You'll Also Like

259K 6.6K 20
"I feel tingly just holding your hand like this. Kitten, you make me melt." Jared Burt, supermodel extraordinaire, at tanging pantasya ni Fate. Noon...
10.7K 780 20
"You fill that empty spot in our lives, you complete me, and I can't help myself but to fall in love with you." Teaser: A Substitute Mother's Confess...
57K 1.3K 13
WEDDING GIRLS 23 - Alexandra - The Printer Umiikot ang araw-araw sa buhay ni Alexandra sa paggawa ng mga imbitasyon at pagbabasa ng libro. At kung p...
22.3K 1.2K 20
Matigas na matigas ang leeg ni Avery para lingunin si Jake, ang lalaking sinasabi ni Maia na makaka-partner niya sa trabaho. May feature assignment s...