Chapter 8

11.6K 279 4
                                    



"Can we talk?"

Ayaw tumingin ni Cher sa mukha ni Cholo. Ilang ulit na siya nitong niloko. Tama na. Tapos na ang lahat ng iyon. Pinuntahan pa siya nito ngayon sa opisina at sa showroom ng negosyo ng kanyang ama. Pasado alas-singko na. Nakauwi na ang kanyang ama kanina pa. Pinapasok ng guwardiya ang binata sa pag-aakalang kakilala siguro niya. Hindi naman kasi sila istrikto sa mga bisita.

Nagpasya siyang doon na magtrabaho. But she realized she must ask for help from her family first. Mukhang natuwa ang kanyang mga magulang sa pasya niya. As a matter of fact, kasisimula pa lang niya ay nagsa-suggest na ang kanyang ama na magretiro at siya ang pamahalain sa negosyo.

Kung may magandang nangyari sa lahat, iyon ay ang paglalapit ng loob nilang mag-ama. Cher realized her father was not that insensitive. Pareho silang may kasalanan kaya nagkalayo ang loob nila sa mga lumipas na taon.

At dahil maayos naman ang lagay niya sa ngayon, wala siyang balak na mamroblema na naman. As far as she was concerned, her relationship with Cholo was a big joke, and it was over.

"I don't think I wanna hear what you have to say," sabi niya.

"We have to talk."

"What for?"

"Bakit ka umalis na lang basta?"

"Because you cheated on me again."

"No. I was—"

"Enough. I don't have to listen to this." Naglakad na si Cher papunta sa kanyang kotse. Nakasunod naman si Cholo sa kanya.

"We have to talk. I have to tell you something important."

"Like what?"

"Like we're still married."

Natigagal siya. "What a-are you t-talking about?" tanong niya nang makabawi.

"We've been married all along."

"That's not true."

"Yes, it is. You can check it yourself. I didn't go to the judge that morning I was supposed to."

Kusang tumaas ang kamay ni Cher sa pisngi nito. "How could you?! And you didn't even tell me? I want an annulment!"

"No can do."

Napaawang ang mga labi niya. "At bakit?!" tanong niya nang makabawi.

"I want to stay married to you."

"Well, I don't want to. I hate you. The very sight of you disgusts me."

Yumuko si Cholo. "I know. But I'm sorry, I can't give you the annulment."

"Then I would file it myself. Asshole!" singhal niya, saka nagmamadaling sumakay sa kotse.

She cried while driving home. She felt so defenseless and so mad.

NASA opisina ng isang abogado si Cher nang umagang iyon. Magtatanong siya kung paano ang magiging sistema ng annulment. Dumating sa oras ang abogado. Isa ito sa mga pinakamagaling pagdating sa mga annulment cases.

Ipinaliwanag nito ang proseso. Naunawaan niyang hindi magiging madali ang lahat. At nalula siya nang sabihin nito ang acceptance fee pa lang. Puwede siyang makakuha ng ganoong pera sa kanyang ama, ang problema lang, ano ang idadahilan niya?

Territorio de los Hombres 2: Pociolo AlmendraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon