Heart of the Ocean

By DorchaLuna

19.1K 1.5K 214

Dalhin natin ang RaStro sa mundo ng karagatan... Parehong nalulubog sa kalungkutan sa pagkawala ng kanilang m... More

Glaiza Galura
Speed and Light
Almost
Saved
Waves
When Our Eyes Meet
Roofdeck
Kakaibang Pasko
Everything is a First
Meet The Galuras
Ilusyon
Want, But Can't
Kaba
Jealous
The Truth
Movie Night
Storm
Coincidence
To The Rescue
Kaba
Hanging
Surprise
Unexpected
Pag-amin
Weight
Prepare
A Mission
Rescue Mission
Hope
Chase
Gun Fire
My Love Will Never Die
Countdown

Palamuti

1K 77 11
By DorchaLuna

"Umiiyak ka nanaman,"

"Naalala ko kasi ang kapatid ko "

"Ayan ka nanaman. Matagal nang wala si Akwano. Akala ko nalagpasan mo na yan,"

"Hindi ganun kadali yun. Kaming dalawa na lang ang magkasama. Pero iniwanan din niya ako,"

Sa hindi kalayuang isla kung saan may mga panahong nawawala ito lalo na't mataas ang level ng tubig, dalawang nilalang ng dagat ang nakaupo sa isang malaking bato. Mahaba ang kanilang mga buhok, maamo at may magandang mukha, balingkinitang katawan at.... may buntot ng isda instead na pares ng mga binti at paa.

Sa mga tao, ang tawag sa kanila ay mga sirena. Pero para sa mga nilalang na ito, Daragano ang tawag nila sa kanilang mga sarili, na ang ibig sabihin ay anak ng karagatan.

Ang kapatid ni Akwano na si Rina ay ilang taon nang nagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang kapatid. Dahil sa kakaibang ideolohiya nito tungkol sa mga tao, naging tampulan ito ng galit ng kanyang mga katulad na Daragano. Para sa kanya, hindi lahat ng mga taga-lupa ay masasama kahit pa ang mga kauri nito ang dahilan ng pagkamatay ng kanilang mga magulang na namatay dahil sa mga mangingisdang gumagamit ng dinamita. Inililigtas ng kanyang ina ang ibang mga lamang-dagat nang may mga mangingisdang naghagis ng mga dinamita. Naipit ang buntot ng ina sa mga nabasag na coral kaya't hindi agad ito nakaalis. Sumaklolo ang ama nila Rina at Akwano ngunit nang maialis ang naipit na buntot ng asawa, napalibutan sila ng mga dinamita hanggang sa nasabugan sila nito at namatay. They were about to be hauled ng lambat pero nakita sila ng ibang Daragano na nangangalaga ng kanilang katahimikan kaya't pinunit nila ang lambat upang kuhain ang kanilang walang buhay na katawan upang ibalik sa kanilang tahanan.

Ikinalungkot ng mga Daragano ang nangyari, dahilan upang lalo silang mapoot sa mga tao, lalong lalo na sa mga mangingisda. Ngunit hindi si Akwano. Fascinated siya sa mga tao, sa kanilang pamumuhay, kagamitan at teknolohiya. Lihim niya itong pinag-aaralan at kahit mahigpit na ipinagbabawal ng kanilang lider at hukbo na pumunta malapit sa pampang ang kanilang mga kauri, nagpupunta pa rin si Akwano.

"Tahan na, Rina. Tahan na," pigil ni Saraya, kaibigang matalik at kaisa-isang Daragano na itinuturing na pamilya ni Rina.

Kipkip ni Rina ang isang bagay na hawak ng kanyang kapatid bago ito pumanaw. Isang makintab na palamuti na nakita nitong hawak ni Akwano nang ibalik ang kanyang walang buhay na katawan sa kanilang kweba sa malalim na parte ng dagat.

"Hindi mawawala ang pangungulila ko sa pamilya ko. Nag-iisa na lang ako,"

"Ano ka ba, nandito pa ako. Nandito kami ng pamilya ko. Hindi ba't inaampon ka na nga ni ina at ni ama. Kami na ang pamilya mo. Magkapatid na tayo,"

"Alam ko at maraming salamat sa inyo, sa pagkupkop ninyo sa akin,"

"Halika na. Bumalik na tayo sa atin. Hinahanap na tayo malamang nina ama at ina. Bawal pa naman tayong umahon. Baka may makakita pa sa atin dito,"

Centuries ago, may isang isla sa parte ng Mindanao na pinagiisipang local na bersyon ng Altlantis City. Tinawag ang islang ito bilang San Juan, located at the northeast tip of Mindanao. Isa rin itong vanishing island na lumulubog at lilitaw kapag mataas ang tubig dagat. Makailang ulit sa bawat centuries na nagdaan, sa pabago-bagong edisyon ng pagimprinta ng mapa ng Pilipinas na hindi naisasama ang isla, not until the 18th century na muling isinama ang San Juan island sa mapa dahil muli itong lumitaw.

Sa pinakamalalim na parte ng karagatan, parteng hindi makakayang abutin ng pinakabagong kagamitang pangsisid, naninirahan ang mga nilalang na mamamayan ng karagatan. Para sa mga tao, ang kanilang uri ay kathang isip. Mga istoryang kinagigiliwan ng mga bata na napapanood sa tv at nababasa sa mga fairytales. At kahit ilang beses pang may makakita sa kanila, there was no trace that can lead to prove their existence.

Ang mga sirena.

Si Rina ang pinakamaganda sa lahat. Maamo ang kanyang mukha at ang kanyang buntot na nagiiba-iba ang kulay kapag masisinagan ng araw na nagmumula sa ibabaw ng dagat. Halos kinaiinggitan siya ng mga babaeng sirena dahil very rare sa kanila ang ganung klaseng buntot. At dahil sa anking kagandahan, maraming mga lalaking Daragano ang sinusuyo siya upang maging kabiyak. Wala siyang pinatulan at ni isa wala siyang nagustuhan. Hindi niya alam kung bakit pero wala talagang makapagpatibok ng kanyang puso.

"Nanggaling kayo sa taas, noh?" tanong ng isang lalaking sirena na hinarangan ang magkaibigan sa pasukan ng kanilang kweba.

"Wala kang pakialam. Tumabi ka nga, Miroy," sambit ni Saraya na nilanguyan si Miroy at sinadyang tamaan ang balikat nito upang tumabi.

"Rina, ipapahamak ka lang niyang kaibigan mo,"

"Alam nating pareho na hindi iyan magagawa ng kapatid ko," sagot naman ni Rina.

"Kapatid? Patay na ang kapatid mo. Wala na si Akwano. Nag-iisa ka na lang sa buhay. Pero kung tatanggapin mo ang pag-ibig ko, wala ka nang hahanapin pa. Poprotektahan kita. Aalalagaan kita. Mamahalin kita habangbuhay,"

"Hoy Miroy, tigil-tigilan mo si Rina. Hindi man kami magkadugo, kapatid ang turingan namin. At anong ipapahamak ko siya? Baka ikaw ang mapahamak pag hindi mo tinigilan si Rina. Ipapalapa kita sa alaga kong igat (eel),"

"Baka kainin ko pa yang igat mo. Makaalis na nga. Rina, pag-isipan mo ang inaalok ko. At hangga't hindi ka kinakasal, aasa akong pipiliin mo ako," umalis papasok sa entrada ng kweba.

Isa lamang si Miroy sa mga kalalakihang Daragano na nais kunin ang exclusive na pagtingin ni Rina. Kahit ilang beses niyang sabihin na ayaw nitong mag-asawa, pinipilit pa rin siya ng mga ito. Pero may batas sa kanilang mundo. Ang sirena, babae man o lalaki, na walang kasintahan, ang kanilang pinuno ang mamimili para sa kanila. Sa ayaw nila't sa hindi, tatanggapin nila ang Daraganong pinili ng kanilang  pinuno. Ito ang kanilang paraan para lalong dumami ang kanilang lahi.

Walang hari o reyna sa kanilang lahi, pinuno lang ang meron para mapangalagaan ang kaayusan at katahimikan. Ang batas ng pagpipili ng mapapangasawa ay napagkasunduan ng lahat ng nakatatanda sa kanila.

Binigyan si Rina ng sariling niyang silid sa tahanan nila Saraya. Mas gusto sana nila na magkasama sila sa iisang kwarto pero hindi daw ito magandang tignan lalo na't malalaki na sila.

Tahimik ang paligid. Tulad ng mga nakaraang gabi sa loob ng mahabang panahon na nagiisa si Rina sa kanyang kwarto, hirap pa rin siyang dalawin ng antok. Hawak-hawak pa rin niya ang palamuting hawak ng kapatid. Hindi niya alam kung saan ito nanggaling dahil walang ganitong kagamitan si Akwano. Dahil alam niyang mahilig tumakas ang kapatid patungo sa pampang, maaaring nakuha niya ito doon at ibibigay sa kanya. Siya kasi ang mahilig sa magaganda at makikinang na bagay. Mula sa kanyang gamit, kinuha niya sa isang sulok ang isang malaking kabibe na taguan niya ng mga makikintab na bagay na koleksyon niya. Nakukuha niya ito sa mga koral na nahuhulog ng mga taong sumisisid sa karagatan. Siya man ay may lihim na pagtakas pero hindi siya kayulad ng kapatid na umaabot sa pampang. Kinuha niya ang isang perlas na kuwintas at ikinabit ang palamuti. Mahalaga sa kanya ang kuwintas na 'yon dahil gawa iyon ng kanyang ina at ibinigay ng kanyang ama. Tumakbo sa memorya niya ang masasayang araw ng kanyang pamilya. Pangiti-ngiti siya at parang naririnig pa niya ang malalaks nilang tawanan habang naghahabulan sa paglangoy. Yun ang mga panahong hindi pa nasisira ang magagandang koral sa dati nilang lugar. Hindi na namalayan ni Rina na nakatulog na siya.

"Kapatid ko, patawarin mo ako sa pagiwan ko sa'yo. Wag kang mamuhi sa mga nilalang sa ibabaw ng lupa. Wala silang kasalanan. Hindi sila ang kumitil sa aking buhay...."

"Akwano... Sino? Sinong kumitil sa'yo?"

"Isang pakiusap kapatid ko. Hanapin mo ang taong nagmamay-ari ng palamuti,"

"Sino siya? At sino ang may kasalanan sa pagpanaw mo?"

"Hanapin mo ang may-ari, Rina. At pagkaingatan mo ang palamuting iyan. Napakahalaga niyan para sa'yo at sa nagmamay-ari niyan,"

"Akwano... Kapatid ko..."

"Rina! Rina! Gising! Nananaginip ka,"

Nagmulat ang mga mata ni Rina at tila hinahabol ang kanyang hininga. Napaginipan niya ang kapatid at may pabor na hinihingi sa kanya.

"Dumalaw ba sa iyong panaginip si Akwano?"

"Oo at ang sabi niya wala taw kasalanan ang mga tao sa kanyang pagpanaw. May hinihingi pa siyang pabor. Yung palamuti..." tinignan niya ang kanyang kamay pero wala na rito ang palamuting sinasabi ng kanyang kapatid.

Nag-panic si Rina. Ang alam niya ay hawak niya ang palamuti hanggang sa siya'y makatulog.

"Anong hinahanap mo?" tanong ni Saraya ng lumangoy paalis ng higaang bato si Rina. Hinanap sa bawat sulok ang palamuti.

"Yung palamuting nakuha ko sa kamay ni Akwano. May hinihingi siyang pabor na ibigay ko daw yin sa may-ari. Na hanapin ko raw ang taong yun,"

"Di ba't yan yung nasa kwintas na suot mo?"

Napahawak si Rina sa kanyang leeg at nasalat niya ang kuwistas at palamuting nakasabit dito. Napahinga siya ng maluwag. Akala niya'y nawala na ang palamuti.

"Wag mong sabihin na hahanapin mo nga ang may-ari niyan?"

"Humihingi ng pabor si Akwano mula sa kabilang-buhay,"

"Rina, nananaginip ka lang. At kapag hinanap mo ang taong yun, kakailanganin mong magtungo sa mundo ng mga tao. Sa lupa. Ipinagbabawal yan. Mapaparusahan ka ng mga Paruho. At isa pa. Tao. Tao ang may-ari niyang palamuti. Delikado sila. Masasama sila,"

Ang Paruho ay kunseho ng mga matatanda na nagpapalakad ng kanilang lipunan.

"Hindi lahat ng tao ay masasama. Napatunayan yan ni Akwano,"

"At mga tao rin ang pumatay sa mga magulang mo," sa sinabing iyo ng kaibigan, natahimik si Rina.

Totoo sa sinabi ni Saraya, tao ang may kasalanan sa pagkawala ng kanilang mga magulang. Ang dahilan kaya't naging ulila silang magkapatid, at marahil ang dahilan kaya't nagiisa siya ngayon. Pero sinabi ni Akwano sa kanyang panaginip na hindi kasalanan ng mga tao ang kanyang pagpanaw.

"Ang mabuti pa, magpahinga ka na ulit. Babalik na ako sa aking silid. Sana wag kang magpadala sa panaginip mo, Rina. Ikapapahamak mo lang kung susundin mo ang sinabi ni Akwano," payo ng kaibigan bago pa ito tuluyang umalis.

Litong-lito si Rina. Ang mundo ng mga sumakabilang buhay ay isang karagatang walang hanggan, ayon sa kanilang paniniwala. Malinaw na malinaw ang malinis at kulay asul na tubig. Iyon daw ang dahilan kaya't ang kulay ng dagat sa mundo ay kulay asul dahil reflection iyon ng mundo ng mga yumao. Doon nagtungo ang espiritu ng kanyang kapatid at mga magulang. 
Isa pang nakapag-palito sa kanya ay ang sinabi ni Akwano na mahalaga sa kanya at sa nagmamay-ari nito ang palamuti. Paanong magiging mahalaga sa kanya ito? Kung hindi dahil sa ito ang hawak ng kanyang kapatid, bale-wala ito sa kanya. Magiging koleksyon lamang ito dahil sa kinang nito. Isang bagay na ilalagay niya lang sa kanyang taguang kabibe.

Dapat nga ba niyang hanapin ang may-ari nito? Paano kung isang masamang tao ang may-ari? Paano kung saktan siya ito? Paano kung ikulong siya at malaman na isa siyang anak ng dagat? Kung magiging mitsa ng buhau niya ang palamuting ito, paano ito magiging mahalaga sa kanya?

----------

Sencia na po sa cover pic na ginamit ko. Wala kasi along makitang pic ni Rhian na pwede sa anggulo ng katawan ng mermaid. And I'm not professional in picture editing. I was once pero laptop at adobo, este adobe photoshop ang gamit ko. Hindi celphone app.

Maraming salamat sa pagbabasa ng chapter na ito. Ok lang kahit walang magvote or magcomment. But seeing your votes and comments lets me lnow na may nagbabasa pala ng imahinasyon ko.

Thanks ulit.

Continue Reading

You'll Also Like

154K 8.8K 95
Inspired by: Gokusen [BOOK 01] Ginamit lang kita para makaganti sa kapatid mong traydor. I use you like a toy. Started Date: October 03, 2020 End: Ju...
260K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
3.5K 102 25
One school. Two groups. Eight students. With different personalities. Attitudes. And hidden feelings. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanf...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...