Heart of the Ocean

By DorchaLuna

19.1K 1.5K 214

Dalhin natin ang RaStro sa mundo ng karagatan... Parehong nalulubog sa kalungkutan sa pagkawala ng kanilang m... More

Palamuti
Speed and Light
Almost
Saved
Waves
When Our Eyes Meet
Roofdeck
Kakaibang Pasko
Everything is a First
Meet The Galuras
Ilusyon
Want, But Can't
Kaba
Jealous
The Truth
Movie Night
Storm
Coincidence
To The Rescue
Kaba
Hanging
Surprise
Unexpected
Pag-amin
Weight
Prepare
A Mission
Rescue Mission
Hope
Chase
Gun Fire
My Love Will Never Die
Countdown

Glaiza Galura

2.2K 88 17
By DorchaLuna

Glaiza Galura hates the ocean, but her career contradicts what she despise. Being a Marine Biologist. 

Limang taon na ang nakakaraan nang masawi ang pinakamahalagang tao sa kanyang buhay. Ang taong tinanggap siya at niyakap ang kanyang pagkatao. Taong ipinaglaban siya sa mga taong humuhusga sa kanya at mismong mga magulang niya. That lone person na tumulong sa kanya na tanggapin niya mismo ang kanyang sarili.

Si Sarah Kaye.

Girlfriend niya.

She was the most perfect girl for her. Smart. Witty. Down to earth. Kind heart. Ano pa ba ang mga adjectives na pwedeng idescribe sa kanyang pinakamamahal? 

They were enemies in highschool. Glaiza was miss sporty at si Sarah naman si miss popular. They are completely the opposite of each other na minsan ay nakakagawa si Glaiza ng mga bagay na ikinapapahiya ni Sarah, at gumaganti naman ang huli. One time napikon si Glaiza kay Sarah when the latter walked infront of her habang nagsspray ng kanyang pabango. Natalsikan ito sa mata kaya't nagrekalmo ito pero tinawanan lang siya ni Sarah. Kinabukasan, gumanti si Glaiza.

Sarah Kaye was their school's cheerleader captain at laban ng women's basketball. Bilang ang school nila ang host, nagpakitang gilas ang kanilang cheering squad. All of the cheerleaders' pompoms are laid sa isang mahabang lamesa na gagamitin sa second half ng laro. 

The first half of the game, nangunguna ang kalabang school. Nawawala ang konsentrayon ni Glaiza dahil sa tuwing papunta sa direksyon niya ang bola, sisigaw si Sarah Kaye. May mga pagkakatong hindi niya natatamaan ang bola dahil sa ginagawa ng cheerleading captain. 

First half was done. Muling lumabas ang cheering squad sa pangunguna ng kanilang captain. While skipping, isa-isang dinampot ng mga babaeng cheerleaders ang kanilang pompoms. Nang makatayo sa kanilang position, iniangat nila ang kanilang pompoms and shook it. Then muling nag-skip upang buuin ang isang formation kung saan bubuo sila ng isang malaking bilog na may tatlong layers ng mga lalaking magbubuhat. In the inner circle, bubuhatin sa gitna ang kanilang captain. Uupo siya sa balikat ng isang babae na nakapatong naman sa balikat ng isang lalaki. 

Habang hinahanda nila ang kanilang sarili, hindi mapakali si Sarah Kaye. Pakiramdam niya ang may mga gumagapang sa kanyang katawan. Nagbilang ang lalaking magbubuhat sa unang babae na sasampa sa kanyang balikat, Sarah Kaye tried to ignore that feeling dahil kailangan niyang ihanda ang sarili dahil siya na ang susunod na bubuhatin upang makapwesto sa balikat nang babaeng nakapwesto na sa balikat ng lalaki.

"Sarah, ready?" bulong ng isa pang lalaki sa kanyang kanan na magbubuhat sa kanya upang makaakyat. Tumango siya bilang sagot. 

Her heart beat was getting faster and faster. Ninenerbyos siya dahil ang mga gumagapang sa kanyang katawan ngayon ay tila kinakagat ang bawat sulok ng kanyang katawan. 

"Kaye?" tanong ng isang lalaki who was about to take her in his arms para buhatin.

"I...I can't do it. May parang gumagapang sa katawan ko," bulong nito.

The guy checked her exposed skin at nakita nito ang mgailan-ngilang langgam na gumagapang.

"Shit! Ang daming pulang langgam!" sambit nito na ikinagulat ng iba pang nakapaligid sa kanila. 

The formation started to fall. Ang ilang babaeng nasa pwesto na sa balikat ng iba pang cheerleader na lalaki ay nagkadahulog sa sahig habang ang iba ay lumalayo sa kanilang captain. Agad lumapit ang coach ng basketball team for the rescue. Hinila ang cheerleader captain patungo sa shower room.

Glaiza was silent pero sa kanyang isip ay nagdidiwang ito. Her plan worked. Pinagtatawanan ang kinaiinisang babae dahil para itong nagsasayaw sa gitna ng court na nagpapagpag ng katawan. Maging ang mga estudyanteng nanonood ng laban ay nagtawanan dahil sa nangyayaeri sa pinakapopular ng student sa buong campus.

That was in highshcool. Hindi akalain ni Glaiza na magiging schoolmate and, unfortunately, classmate in college. Pareho silang kumukuha ng BS Marine Biology. 

At first, hindi sila nagpapansinan dahil sa mga nangyari sa kanilang dalawa noong highschool. Ang pangti-trip at pagganti nila sa isa't isa. But when projects and group activities came, doon nila kapwa nakilala ang isa't isa. There are a lot of things na common sa kanilang dalawa, lalong lalo na ang love nila sa ocean. Ito ang naging bridge upang maging close sila. They spent more time together lalo na't ang group projects consist of two students and they always ended up together dahil na rin sa magkasunod ang kanilang last names. Galura at Gomez. At kung minsan naman na palabunutan ang pag-assign ng partner, nakikipagpalit sila.

It was an accident when they were in school fieldtrip. They were asked to gather organisms in the Candaba swamp in Pampanga. Overnight silang grupo and they decided na magrelax at magchill. Dahil ang isa nilang ka-grupo ay may bahay sa lugar na iyon, napagkasunduan nilang maginuman. Hindi man sanay uminom si Glaiza, umayon na rin ito upang makisama. They played a truth or dare game. 

"My turn!" sigaw ng isa nilang kaklase na meron na ring amats. The bottle circled for almost a minute dahil sa lakas ng pagpapa-ikot nito, at nang humito, nakaturo kay Glaiza ang bote.

"Ano na Galura? Truth or dare?" tanong ng nagpaikot. 

"Truth," sagot nito na namumungay na ang mata dahil sa tama ng alak.

"Sige, sige. Sino ang crush mo sa buong klase?"

"Ay ano ba yan. Secretong malupit, walang clue!" 

"Madaya!!!" sabay sabay na sigaw ng kanyang mga kagrupo, kasama si Sarah Kaye.

"Dare na nga lang,"

"Ako magde-dare para hindi makatanggi ang bestfriend ko," Sarah volunteered na nakaupo sa tabi lang ni Glaiza. Humarap naman ito sa kanyan. "I-kiss mo ako,"

"WOOOOH!!!! Galura, dare!!!"

It was fast. Swift. A split second. Tila kidlat na dumaan at natahimik ang lahat ng biglang hinalikan ni Glaiza ang kanyang katabi ng walang angal. Umalma ito when she was asked to tell kung sino ang crush niya, pero wala itong angal when Sarah asked her to kiss her. Hindi nila akalain na hahalikan niya ito. Pareho man silang babae at laro lang ang kanilang ginagawa, pero they never thought na hahalikan nga ni Glaiza ang kanilang kaklase. 

Sa sobrang katahimikan, halos maririnig na ang tibok ng puso ni Glaiza na nawala ata ang pagkalasing dahil sa kanyang ginawa. Siya man mismo ay nagulat nang dumampi ang kanyang labi sa labi ng babaeng dati ay worst enemy at ngayon ay lihim niyang mahal. Di man niya nasagot ang truth question, nahalikan naman niya ito and actions speaks louder than words. 

Sarah Kaye stood at dali-daling nilisan ang grupo. Agad namang sumunod si Glaiza upang magsorry at magpaliwanag. Before falling inlove with Sarah, they were friends after being enemies in highschool. Hindi na baleng hindi siya gusto nito, wag lang masira ang kanilang friendship dahil ayaw niyang iwasan siya nito at tuluyang mawala sa kanyang buhay.

"Sarah, please wait. I'm sorry!" sigaw nito na patuloy na hinahabol ang kanyang kaibigan. They are now running sa gitna ng Candaba swamp kung saan sila kumuha ng specimen. At dahil putikan at madulas ang pinakalupa ng kanilang tinatakbuhan, nadulas si Sarah hanggang sa mapaupo ito sa tubig at nabasa ang kalahati ng kanyang katawan. Binilisan lalo ni Glaiza ang kanyang pagtakbo upang itayo ito. "Are you hurt?" she asked worriedly ngunit pagtangis ang isinagot ng kanyang tinanong. "Sarah, I'm really sorry. I didn't mean to kiss you. Hindi ko sinasadya,"

"Bakit mo ako hinalika?" ganti nitong tanong in-between her sobs.

"Sarah...."

"Why?"

"Sarah..kasi...ano.."

"What?!" 

"I..."

"Pag hindi ka sumagot, iiwanan kita dito. Babalik ako ng Manila mag-isa,"

Glaiza was stunned. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin. If she tells the truth, maaaring iwasan na siya ng kanyang kaibigan. Alam niya sa sarili niya ang kanyang preference. She's a lesbian pero hindi niya pinagsasabi dahil alam niyang makakatanggap siya ng panghuhusga mula sa mga taong makikitid ang utak. She's still studying at maaaring makaapekto ito sa kanyang performance lalo na't she's enrolled in a catholic school. Maari siyang i-expelled. 

Sarah stood up again, about to leave but she stopped. Kilala niya si Glaiza at alam niyang hindi siya nito susundan. 

"Gusto kita, Cha. I'm inlove with you," mahinang sabi ni Sarah Kay pero daig pa nito ang sumigaw dahil dinig na dinig ito ni Glaiza. And when Sarah Kaye calls her Cha, it means may halo itong lambing. Siya ang nagbigay ng nickname na ito sa kanya and no one calls her Cha but Sarah Kaye.

Glaiza didn't expect the confession coming from Sarah Kaye. Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin pero nabuhayan ang kanyang dibdib. Inlove sa kanya ang babaeng kinai-inlove-an niya and it deserves something. Wordless but it means more than a thousand words. Tumayo si Glaiza and embraced Sarah Kaye from behind. 

That night they made it official. Wala silang pinagsabihan. Nang bumalik sila sa kanilang grupo, they explained na nagkapikunan lang sila at nadala ng alak, but they are okay.

They graduated with flying colors. They took masteral degrees hanggang sa maging lehitimong marine biologist sila. Pareho rin silang natanggap sa BFAR at nagpaassign sa Puerto Prinsesa. Malayo sa mga taong hindi gusto ang kanilang relasyon. Hindi naman tumutol ang kanilang mga magulang, hindi dahil sa hindi nila sila tanggap. Nagulat pa gna silang pareho dahil open minded ang kanilang mga magulang. Pumayag sila na maassign sa malayong lugar upang maging malaya sila. 

Kulang na lamang sa kanila ay kasal. They lived under one roof. Asikaso nila ang pangangailangan ng bawat isa although lie-low sila pagdating sa opisina, not because they are ashamed of their relationship, pero dahil nasa isang probinsiya sila at baka ma-shock ang local doon sa very sweet at intimate sila sa isa't isa.

March 8, 2012, araw na pinakahihintay ni Glaiza. Their 4th year anniversary. Umarkila ito ng yate bilang surpresa sa kanyang prinsesa. Everything was in place. The food was perfect for their candle light dinner. The floor scattered with red santan. Wala man itong bango, but its sweet nectar represents Glaiza's sweetness. 

The sound of the ocean waves as their background music. Sinalat niya ang isang pahabang kahon sa kanyang back pocket. Its still there. Every now and then ay kinakapa niya ito dahil ito ang nagpapakalma sa ninenerbyos niyang dibdib.

Tit tit... Tit tit...

Her phone alarmed sa oras na susunduin na niya ang kanyang mahal sa resort. Isa sa mga regalo niya ang pagpapa-spa ni Sarah Kaye. Masipag na marine biologist ang girlfriend and she needed a relaxation kaya't she ordered a full body massage.

Paalis na sana siya when her phone rings.

"Love, bakit tumawag ka pa? Susunduin na sana kita eh," she said when she answered her phone.

"I don't think makikita mo ako sa resort,"

"What? Bakit, nasaan ka ba?"

"Nasa dock. Outside the yacht,"

"What?!" dali-daling nagtungo sa docking side si Glaiza, dinig niya ang pagtawa ng kasintahan. Nakita nga niya ito sa dock. Sa paanan ng ramp na nilalakaran paakyat ng yate. Bumaba si Glaiza to meet the girl at niyakap ito.

"It's suppose to be a surprise," sambit nito.

"Everything that you do for me for the past for years is always a surprise. I love you, Cha," dinampian niya ng halik ang girlfriend sa kanyang pisngi.

"I love you, my star fish," gumanti ito ng halik sa kanyang noo. "Lets go," at inalalayan niyanang kasintahan paakyat ng yate.

The night was still young. Makikita pa ang pag-iba iba ng kulay ng kaulapan dahil sa papalubog na araw. The beautiful shade of blue, orange and yellow of the sunset was a killer view na lalong nagpa-intimate ng kanilang mood.

Sarah Kaye stopped walking at humarap sa dagat. The wind blew her long midnight black hair and the sea breeze brushed her nose. Huminga ito ng malalim ang let the salty breeze invade her thoughts. Four years na sila ni Glaiza, at tulad ng dagat, naging maalon ito dahil may mga taong napagmumulan nila ng selos. Lalo na si Glaiza na mas selosa kesa sa kanya. May makipagkilala lang na foreigner, nagaalburuto agad na halos nakikipag-away na. Napapahupa naman nito ang galit kapag siya ay naglambing na. Kinikilig din naman kasi siya lapag nagseselos ito. Indikasyon na mahal na mahal siya ng kanyang girlfriend at ganun din naman siya. Mahal na mahal niya si Glaiza.

"Cha," malambing nitong tawag na tinugon ng dalaga sa pag-yakap nito mula sa likuran. Kapwa sila nakatingin sa malawak na katubigan na nakukulayan ng kulay ng mga ulap. "I love you as high as the sky,"

"I love you as deep as the sea," sagot naman nito na humalik sa balikat ng katipan. "Halika na, lalamig ang pagkain natin. I cooked your favorite,"

"Ano? I have lots of favorite foods,"

"You have to see it," hinila nito si Sarah Kaye patungo sa likurang porch ng yate.

Sarah's heart melt sa romantic set up ng porch. The side of the ceiling hangs the raindrop lights, a round table for two with lit up scented candles sa gitna na napapalamutian ng pink roses. At sa ibabaw ng isang pinggan ay may single long stemmed white rose.

"Happy 4th wonderful year of loving you, my cute turtle," bati ni Glaiza Habang isinusuot ang kwintas.

"Wow, ang cute! Thanks baby shark. Sa resort ko na lang ibibigay yung gift ko sa'yo,"

"Kung anuman yun, thank you. You shouldn't have," she pushed Sarah Kaye around upang humarap sa kanya. "You are a gift to me. At lagi ko itong sinasabi sa'yo, I never thought na we will end up together knowing our very messy past,"

"But it was the past that I will treasure. Its a happy memory for us. I'm glad we were enemies before that turned sweetheart now,"

"Tara, kain na tayo. Nagugutom na ako, then later, desert naman," she quickly peck Sarah Kaye's lips.

"So naughty Ms. Galura,"

"Sa'yo lang Ms. Gomez," she lead her girlfriend sa upuan nito.

Glaiza was about to take her seat ng biglang umuga ng malakas ang yate dahilan upang magbagsakan ang mga baso sa lamesa.

"What was that?!" gulat na tanong ni Sarah na ikinatayo nito at agad lumapit sa railing ng yate. Sinilip ang tubig.

"Sarah, be careful," she was about to walk towards her girlfriend ng muling umuga ang yate kaya't nahulog si Sarah Kaye sa dagat. "SARAH!"

"Gla..." Sarah called after a loud splash pero hindi na nito natuloy ang pagtawag dahil lumubog ito sa dagat.

Glaiza ran pero hindi nito makita ang girlfriend. Fear crawled all over her body. May kadiliman na ang paligid na naiilawan lamang ng mga ilang ilaw ng yate na nakatutok sa tubig.

"GLAIZA!! HE..." lumutang si Sarah sa di kalayuan pero bigla rin agad lumubog na tila may humihila sa kanya sa ilalim ng dagat.

Glaiza jumped without a second thought. Sumisisid ito sa kabila ng madilim na dagat.

"SARAH!! SARAH!!" pagtawag niya ng umahon ito.

"GLAIZAAAA!"

"SARAH NASAAN KA?!" Glaiza swam sa direksyon kung saan nanggagaling ang sigaw ng kanyang girlfriend ngunit yun na ang huling sigaw na kanyang narinig.

Tuluyang nilisan na ng araw ang kanyang pwesto sa kalangitan. Walang buwan na pumalit upang bigyan ng liwanag ang madilim na gabi. Ang ilaw na nanggagaling sa yate ay hindi sapat upang ilawan ang may kalayuan distansya mula sa sasakyang pandagat. Ngunit hindi ito nakapagpigil kay Glaiza na hanapin ang babaeng kanyang mahal. Madali lang sa kanya ang lumangoy at sumisid dahil hindi naman maalon ngunit ang kawalan ng liwanag ang nagpahirap sa kanya lalo na't medyo malayo na siya sa yate.

"SARAAAAAH!!!"

"Glaiza? Ikaw ba yan?" isang maliit na bangka ang dumaan lulan ang dalawang lalaki. "Ano  ginagawa mo rito? Aba'y madilim na. Baka mapano ka dito," inilahad ng una ang kanyang braso upang abutin si Glaiza

"Mang Rogelio, si Sarah po nahulog sa yate. Tulungan ninyo akong hanapin siya," sagot naman nito habang inaangat ang katawan pasakay ng bangka.

"Paanong nahulog eh hindi naman maagos ngayong gabi?" tanong naman ng isa.

"Hindi ko rin po alam. Basta na lang po umuga ng malakas yung yate na parang may bumangga sa ilalim.  Dumungaw si Sarah tapos umuga ulit yung yate kaya nahulog siya. Ilang beaea siyang umahon at lumubog na parang may humihila sa kanya. Tumalon na rin po ako pero hindi ko siya makita. Please po, tulungan ninyo ako. Hanapin natin siya,"

"Naku anak, mahirap nang maghanap ng ganitong oras. Madilim na at walang buwan. Mababaw ang tubig. Pwede tayong mauntog sa mga bato sa ilalim. Ipagpabukas na lang natin. Iradyo natin sa marine rescue,"

"Hindi pwede, Mang Jaime! Si Sarah ang nahulog. Yung girlfriend ko! Kilala n'yo naman siya di ba? Alam n'yong mahal ko siya. Hindi ko siya pwedeng pabayaan," matigas nitong sabi na pinanlilisikan ng mata ang dalawa.

Likas na magalang at mabait ang dalawang marine biologist. Sa kabila ng kakaibang relasyon na meron silang dalawa, naging malapit sila sa mga tao. Tanggap nila ang kanilang relasyon, kaya't naiintindihan ng dalawang matanda ang pagpipilit nitong hanapin ang katipan.

"Kung ayaw ninyo akong tulungan, ako na lang mag-isa," agad na tumayo si Glaiza at akmang tatalon ngunit mabilis siyang pinigilan.

"Hija, hindi ligtas ang maghanap ka sa dilim. Iniisip lang namin ang kaligtasan mo,"

"Kaligtasan ko? Paano si Sarah? Paano ang kaligtasan niya? Kung hindi ninyo ako matutulungan, bitiwan ninyo ako!" nagpupumiglas ito pero mahigpit ang hawak sa kanya ng dalawang lalaki.

"Glaiza, patawarin mo ako. Pero ito lang ang makakapigil sa'yo," napahinto naman si Glaiza sa sinabi ni Mang Rogelio.
----------

Baka may magalit ha dahil iba ang gf ni Glaiza dito. Pero need po ito para sa drama ng kwento. Pero nadedo naman na eh kia siguro naman walang hadlang na magmahal ulit at ating bida. Yan eh kung gugustuhin pa niyang magmahal ulit.

Drop a line about this chap kung kaabang abang ba o kabash bash ba.. Hahahaha..

Continue Reading

You'll Also Like

224K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
343K 7.7K 33
Bored ako
1.2M 24K 56
just for fun
2K 113 58
"Kapag ba hindi tayo nagkita ulit, hahayaan mo ba ako na hanapin ka?"