Ang Bayang Naglaho

By GYJones

105K 6.5K 365

Sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari, ang mahigit limang daang mamamayan ng maliit na bayan sa Quezon Pr... More

Introduction
Prologue
Chapter 1: Si Andy Madrid, Isang Private Investigator
Chapter 2: Maverick P.I.
Chapter 3: Ang Kaso ng Mga Nawawalang Tao
Chapter 4: Bisita sa Dilim
Chapter 5: Ang Tinyente at ang Psychic
Chapter 6: Callejon
Chapter 7: Simula Ng Pagsaliksik
Chapter 8: Ang Simbahan
Chapter 9: Ang Simenteryo
Chapter 10: Mga Bolang Ilaw sa Gabi
Chapter 12: Silang mga Espiritu sa Simbahan
Chapter 13: Alien Blood
Chapter 14: Mga Ala-ala ni Andy
Chapter 15: Press Release
Chapter 16: Ilang Mga Pamamaalam
Chapter 17: Ang Mga Aliens
Chapter 18: Close Encounters
Chapter 19: Kuha Mula sa Camera
Chapter 20: To Arms!
Chapter 21: Battle Stations!
Chapter 22: Bala at Ilaw
Chapter 23: Mga Asong Ligaw
Chapter 24: Aftermath
Chapter 25: Finale
Chapter 26: Epilogue

Chapter 11: Kabaong ng mga Muling Nabuhay

3.2K 219 19
By GYJones

(I)

Tunog ng bakal sa bakal at tilapon ng lupa't putik habang inaangat ng tow truck gamit ang chainblock ang kabaong mula sa hukay. Sa kalangitan, may matatalas na sinag ng araw ang tumatama sa simenteryo. Kakaiba ang ihip ng hangin. Pawala-wala.

Sa kahilingan ni Andy ay nagrenta ang military ng tow truck mula sa karatig na bayan ng Daigdigan para hukayin ang kabaong ng labing siyam na katao—na ang mga bangkay ay nawawala—umano'y mga zombies na gumapang mula sa sarili nilang mga hukay.

Kasama ni Andy si Lieutenant Esguerra at anim pang mga sundalo na pawisan na sa paghuhukay gamit ang mga pala at piko. Ngayo'y kanilang ibinababa ang kabaong para itabi sa isa pang kabaong na nahukay na nila.

"Okay, alalay lang!" sigaw ni Esguerra. "Dahan-dahan!"

Nagtabi ang dalawang kabaong na kapuwa sarado pa ang mga takip. Tumayo sa tapat nito sina Andy at Esguerra.

"Sir, sigurado kayo dito?" tanong ng tinyente.

"O-oo," sagot ni Andy.

Hindi agad nakasagot si Andy, nakatitig sa lapida ng mga kabaong na kanilang hinukay kung saan nakasulat ang mga sumusunod:

FRANCISCO MADRID. Born January 30, 1930. Died December 7, 1989.

ROSARIO MADRID. Born March 4, 1931. Died July 13, 2006.

Ang nasabing mga kabaong ay sa ama't ina ni Andy.

Sumenyas ang tinyente sa mga sundalo.

"O, ano pang hinihintay n'yo? Buksan n'yo na!"

Nakaramdam ng kaba si Andy nang sinimulang buksan ang mga kabaong. Hindi pa niya ganap na natatanggap na kasama ang nanay at tatay niya sa kaso ng mga nawawalang mga bangkay.

Binuksan ang unang kabaong.

At nakita nilang wala itong laman.

Hindi ito ipinagtaka ni Andy. Ini-expect na niya ito.

"O itong isa naman," utos ni Esguerra.

Nang mabuksan ang ikalawang kabaong ay sabay-sabay silang napaatras. Sa loob ay may kalansay na ang kasuotan ay kulay puti.

"Sino ito, sir?" pagsilip ni Esguerra.

Taimtim na nakatingin si Andy. Pinipigilan ang bugso ng emosyon.

"Nanay ko," ang kanyang sagot.

Kahapon lamang ay nagpakita kay Andy ang multo ng kanyang ina sa nasabing simenteryo, ngayo'y ang kalansay naman nito ang kanyang pinagmamasdan. Nanumbalik kay Andy ang ala-ala ng kanyang yumaong ina. Ang mukha nito, ang boses...ang amoy...

Hinukay nila ang iba pang mga puntod. Ang dalawa sa kasunod ay pawang sa mag-asawa, at tulad ng sa kanina:

"Tama kayo, sir, nawawala ang bangkay ng lalaki habang naiwan ang sa babae," usal ni Lieutenant Esguerra.

Tumango si Andy. Nabubuo na ang mga teorya niya.

Napalingon sila nang sumigaw ang mga sundalo na nakapuwesto na sa isa pang puntod, handa na kanilang mga pala at piko. Ang tow truck ay nagmamaniobra na rin.

"Sir! Hukayin na ba namin ito?"

"Sabihin mo 'wag na," lingon ni Andy kay Esguerra. "Okay na. Nakuha ko na kailangan kong impormasyon."

Alam ni Andy na hukayin man nila ang ibang mga kabaong ay alam niyang wala na silang mahahanap na mga bangkay.

Sumenyas ang tinyente sa mga sundalo.

"Abort! Take 15!"

Sabay-sabay na ibinaba ng mga sundalo ang hawak na mga kagamitan at nagsipagpahinga. Tagaktak kanilang mga pawis. Mataas na ang araw kaya't nagsipagkubli sila sa lilim ng isang puno para uminom ng tubig at magyosi.

"Anong palagay n'yo, sir?" tanong ni Esguerra kay Andy.

"Puro bangkay ng mga lalaki ang nawawala, labing-pito," sabi ni Andy. "Nasa edad 57 to 58 years old nang mamatay. Kasama na tatay ko."

"Okay, so puro lalaki ang zombies..." muni ng tinyente.

Saglit na napatingin si Andy sa kanya. Sa lublob niya, tulad ni Laxamana, pati ang tinyente ay nasubsob na rin sa ideya na ang mga nawawalang bangkay ay mga skeleton na bumangon mula sa hukay. Mga zombies. Hindi rin naman niya masisi pagka't sa kanya mismo nanggaling ang ideyang iyon.

"Pero, anong pagkakapareho ng labing-pitong mga bangkay na ito? Magkakakilala ba sila?" patuloy ng tinyente.

"Maliit lang ang Callejon, halos lahat dito magkakakilala," sagot ni Andy.

"At bakit puro lalaki 'yung nawawala?" tanong pa ni Esguerra.

Napalingon sila nang magtawanan ang mga nagpapahingang sundalo sa may puno. Usapang hindi nila ganap na naririnig. Marahil nagpapalitan din ng mga kuro-kuro, marahil ay mga joke na ukol sa kababalaghang ito. Isang sundalo'y nagkukunwari pang zombie.

"Sir, may tungkol ba sa tatay n'yo na 'di n'yo alam?" tanong ni Esguerra kay Andy.

Kumunot-noo ng private investigator. Alam niyang may taglay na laman ang tanong na iyon. Nahuhuli na rin ng tinyente ang mga bagay-bagay. Mga isyung sensitibo. Matinik din ang tinyente, wari ni Andy.

"Hindi ko masabi," sagot ni Andy "Mabuti pa'y umuwi na muna tayo. Babalik pa tayo sa simbahan mamayang alas dos ng gabi."

Tumango si Esguerra pagkatapos ay bumaling sa direksyon ng mga sundalong nagpapahinga.

"Tapos na tayo dito!" sigaw niya.

Dismayado ang mga sundalo. Wala pa kasing 15 minutes at halatang nagkakasiyahan pa sila. Sinimulan nilang ibalik ang mga kabaong sa hukay at tabunang muli.

Nagpalingon-lingon si Andy sa paligid sa pagnanais na makitang muli ang multo ng kanyang ina, at makakuha ng karagdagang kasagutan. Marahil, makausap ito, makakuha ng mensahe na makakatulong para malutas ang mga misteryo.

Nguni't hindi ito nagpakita...at hindi na muli.

Sa kanyang pag-analisa, sa mga pruwebang nakita nila sa simenteryo, ay nabubuo na ang teorya ni Andy sa tutoong nangyari sa simenteryo. At na ito nga'y konektado sa nangyaring alien abduction. Nguni't nagdadalawang-isip siya kung kailangan niyang itong sabihin.

Pagka't malaki ang kinalaman nito sa kanya.

Matapos sa simenteryo ay agad na nagtungo sa War Room ng headquarters si Andy upang i-report kay Laxamana ang mga findings niya ukol sa pagkakakilanlan ng mga bangkay na nawawala sa mga hukay, na ang isa ay ang yumaong niyang ama.

"I need concrete answers, Andy," mariin na sabi ni Laxamana. "Bagay na makakatulong para mabigyang linaw ang nangyari sa mga mamamayan ng Callejon."

Nakatingin ang lahat kay Andy, inaantay ang kanyang sasabihin. Sina Laxamana, Jang-Mi, Lieutenant Esguerra, Corporal Diazon at ang iba pang mga miyembro ng task force.

"May good news at bad news ako," umpisa ni Andy. "Ang good news ay hindi mga zombies ang nawawalang mga bangkay..."

Masayang nagtanguan ang lahat.

"Well, that's a relief, at least wala tayong puproblemahing zombie outbreak," nakangiting pamewang ni Laxamana. "At ang bad news?"

"Ang bad news ay konektado pa rin sila sa alien abduction," sabi ni Andy. "Posibleng kasama ang mga bangkay sa mga kinuha ng aliens."

Sinundan agad iyon ng mga bulungan mula sa loob ng War Room. Ang mga miyembro ng task force, ang ibang mga imbestigador, mga experts at scientists ay nagpalitan ng kanya-kanyang mga kuro-kuro.

Ang mga aliens ang graverobbers?
Bakit nila kukunin ang mga bangkay?
Anong posibleng makukuha nila sa mga iyon?
Baka pag-e-experimentuhan din nila.
Sino-sinu ba iyong mga bangkay? Bakit sila?

Bakit sila? Iyon ang katanungan na tumatak sa isipan nina Andy, Laxamana, Jang-Mi, at Esguerra. Nilapitan ng colonel si Andy at nilapat ang kanyang kamay sa balikat nito.

"Are you sure about this, pare?" bulong ng opisyal. "Because if you are right, ibig sabihin ay kasama ang tatay mo sa mga bangkay na kinuha ng mga aliens."

Napabuntong-hininga si Andy.

"Bigyan mo pa ko ng konting panahon, Greg," sagot ng P.I. "Kailangan ko pang imbestigahan ito."

"Of course," intidi ng colonel. "Mabuti pa magpahinga ka na muna."

Tumango si Andy. Nagkatinginan sila ni Jang-Mi na ngumiti sa kanya.

"You will find answers soon, Andy," sabi ng Koreana.

(II)

Pasado alas-otso ng gabi. Naghahapunan sina Andy, Jang-Mi, Colonel Laxamana, Lieutenant Esguerra at Corporal Diazon sa loob ng Mess Hall na dating function room ng resort. Ito'y halintulad sa isang canteen na may mahabang istante ng mga pagkain na nasa stainless steel na mga serving tray. May iba pang miyembro ng task force ang naroroon, nakapila hawak kanilang stainless din na mga food tray. Ang pagkain nila'y luto ng military cook. Mechado, chopseuy, daing na bangus at Campbell soup. Masarap naman ang pagkakaluto. Sa isip nina Andy at Jang-Mi, ito'y improvement kumpara sa kanilang inalmusal.

Ganado ang pagkain nila at sila'y nasa kalagitnaan ng pag-uusap.

"Aliens...may proof ang aliens," sabi ni Laxamana. "Recorded sightings. Mga na-recover sa alien crash site mula Roswell, New Mexico."

"Area 51 sa Nevada, USA, sir," sabi ni Diazon habang in-adjust kanyang salamin sa mata. Ang tinutukoy ng corporal ay isang military base sa Amerika. Isa sa mga sikat na conspiracy theories ay doon daw sa loob ng isang aircraft hangar itinatago ng US Military ang na-recover nilang debris ng nag-crash na flying saucer. Kasama na ang labi ng mga dead aliens.

"That is correct," tango ni Laxamana. "In fact, once naging presidente ka ng Amerika, may full disclosure sa 'yo tungkol sa Area 51."

"Alam nila Bush ito? Ni Obama? Ni Trump? Ni Biden?" tanong ni Andy.

"Of course. May briefing. The works!" bulalas ng colonel.

"Pero, hindi lang aliens ang iniimbestigahan natin, 'di ba, sir? Mga multo rin?" tanong ni Diazon, sabay turo kay Jang-Mi. "Kaya tayo may psychic, 'di ba, sir? Para kausapin ang mga multo? You can talk to ghosts, right, Jang-Mi?"

Nagulat si Jang-Mi sa biglang atensyon sa kanya.

"Yes, I talk to ghosts," kanyang amin.

Sa kabilang mga mesa, nakikinig din sa kanila ang ibang mga miyembro ng task force. Ganoon din ang mga sundalong nagseserve ng pagkain, pati na ang cook. Nagaantay lang ng kuwento na madadala nila pabalik sa barracks.

"Kayo, sir, naniniwala ba kayo sa multo?" baling ni Diazon kay Andy.

"Para sa akin, may scientific na explanasyon ito," ang handang kasagutan ni Andy. "Guni-guni. Gawa-gawa lang ng utak. Nakikita mo ang mga bagay na gusto mong makita."

Napatingin sa kanya si Jang-Mi na may pagtataka.

"Sorry, Jang-Mi, but I still don't believe in ghosts," sabi ni Andy sa psychic.

Napangiti si Jang-Mi. Bagama't alam niya for a fact na nakita ni Andy ang multo ng kanyang ina sa simenteryo ay may paghanga pa rin ito sa private investigator sa matigas nitong paninindigan ukol sa paranormal.

"Oh. You will...soon," mulat na sabi ni Jang-Mi kay Andy. "When we go back to church, you will believe!"

"There's no such thing as ghosts!" iling ni Laxamana.

"Pero, sir, kayo ang nag-hire kay Jang-Mi 'di ba?" paalala ni Esguerra.

Napakamot ng ulo ang colonel, naalala niya na siya nga. "We're just exploring all angles with regards to the paranormal, okay?" aniya sa lahat.

Naputol ang usapan nila nang marinig ang putok ng baril mula sa labas. Agad silang nagtayuan at nagmadaling lumabas.

Galing ang putok mula sa guwardiyadong main gate kung saan madilim at napapaligiran ng malalagong puno't mga halamanan.

Nang dumating sila roon ay nadatnan nila na nagkukumpulan ang mga sundalong sentry sa may guardhouse. Hawak kanilang mga armalite at iniilawan ng flashlight ang kalye na pababa.

"Ano'ng nangyari?" tanong ni Laxamana.

"Si Torres, sir. May nakita daw siyang tao. Nag-warning shot siya," sabi ng isang sundalo.

"Nasan si Torres?" tanong ni Esguerra.

Saglit lang ay dumating si Private Torres kasama ang isa pang sundalo. Galing sila sa kalye sa labas ng gate. Pamilyar kina Andy at Jang-Mi si Torres. Siya na nagturo sa kanilang mga kuwarto noong pagdating nila.

"Torres! Sabihin mong nakita mo!" hikayat ng mga sundalo kay Torres.

Pinagpapawisan si Torres. Madiin ang hawak niya sa armalite.

"Doon sir, may nakita akong multo," turo ng sundalo sa madilim na bahagi ng kalye.

Pumutok sa galit si Colonel Laxamana.

"What the hell, soldier?" sigaw niya. "At nagconclude ka agad na multo ang nakita mo! Expert ka ba sa multo? May PHD ka ba sa Ghostology?!"

"N...n...n...no, sir," nauutal na sabi si Torres.

"Then don't tell me na multo nakita mo, unless sigurado ka na multo nakita mo!" sabi ni Laxamana.

"Ano bang nakita mo talaga, Torres?" ulit ni Esguerra.

Hindi tuloy alam ni Torres ang isasagot.

"La...lalaki, sir. Matanda na. Nakapamburol. Papalapit ng gate. Sinigawan ko na huminto't magpakilala. 'Di sumagot. Tapos sumugod papalapit sa akin, kaya nag-warning shot ako."

"Tapos?" tanong ni Esguerra.

Hindi makasagot si Torres. Alam niyang nakita niya. Pero, hindi niya alam kung paano sasabihin. Lumunok na lang siya at sa isip niya, bahala na.

"Eh, sir. Biglang nawala, sir."

"Clarify, soldier! Paanong nawala?" usisa ni Laxamana.

"N...nawala na lang nang basta."

Sa paligid, napakamot ng ulo ang ibang mga sundalo, either naniniwala sila o hindi, ay wala naman silang magagawa. Wala na ring masabi na sina Laxamana at Esguerra. Kilala naman nila si Torres, na ito'y matino at dependable na sundalo. Paano nila tiyak na masasabing nagsisinungaling ito?

At isa pa, ang mga sinabi ni Torres ay nagpapatibay lamang sa mga nai-report na ni Andy.

"Relieve n'yo muna si Torres," sabi na lang ni Laxamana.

"Torres, pahinga ka muna," utos ni Esguerra.

Tumango si Torres at inescortan ng ibang sundalo pabalik sa loob.

Naiwan sina Andy, Jang-Mi, Laxamana, at Esguerra na nakatingin sa kadiliman ng kalsada.

"Anong plano natin ngayon?" tanong ni Andy.

"Babalik tayo sa simbahan mamayang alas-dos," sabi ni Laxamana at tumingin kay Jang-Mi. "We go back to church, okay? Make us believe."

"Yes, believe. You will all believe," tingin ni Jang-Mi sa kanila, nag-pause muna bago sinabi, "We will perform séance."

Nagkatinginan sina Andy, Laxamana at Esguerra.

"Séance?" ulit ni Esguerra.

"Kakausapin natin angmga multo," sabi ni Andy.


NEXT CHAPTER: "Silang mga Espiritu sa Simbahan"

Continue Reading

You'll Also Like

20K 494 12
Rank #1 MULTO. Huwag magbasa kung mahina ang loob. Koleksyon ng mga orihinal na kuwentong multo sa probinsya at siyudad. #Featured #Multo #Tagalog #P...
218K 6.3K 31
Ang lahat ng pangyayari ay pawang tunay na karanasan ng totoong tao sa totoong lugar at pagkakataon. Ospital Karanasan ng isang ginang sa ospital mat...
30.7K 2.5K 29
Matapos ma-aksidente ng simpleng mangingisda na si Manuel, nakumbinse siya sa sarili na siya ang second coming ni Jesus Christ. At siya'y naghanap ng...
986K 8.6K 14
May maseselang parte at salita sa kwento. Kaya naman patnubay ng magulang ay kinakailangan. Lagi po tayong magdasal bago matulog. Dahil baka mamaya...