Ang Dalawang Anino ni Satanas

By GYJones

199K 13.1K 1.4K

Nagbabalik ang team ng exorcist, psychic at parapsychologist upang makipagtuos mismo sa hari ng kadiliman--s... More

Introduction
Prologue
Chapter 1: Premiere Night
Chapter 2: Ang Kaso ni Don Villaromano
Chapter 3: Hannah's Date
Chapter 4: Sa Mansyon
Chapter 6: The Possessed
Chapter 7: The Private Detective
Chapter 8: To JHS!
Chapter 9: Symbols
Chapter 10: Ang Don
Chapter 11: Merry Satanic Christmas, Joe Mari
Chapter 12: Satan!
Chapter 13: It Comes And Goes
Chapter 14: In His Own Image
Chapter 15: Infiltrate!
Chapter 16: Ang Satanic Groupie, Jesus Fish at Si Emily Rose
Chapter 17: Black Nativity
Chapter 18: Ang Green Room
INTERMISSION
Chapter 19: The Deal
Chapter 20: Madaling Araw
Chapter 21: The Raid
Chapter 22: Caroling
Chapter 23: The Vessel
Chapter 24: The Twin Enigma
Chapter 25: Christmas
Chapter 26: Game Time!
Chapter 27: Pasko sa Mansion
Chapter 28: Ang Bahay na Itim
Chapter 29: The Ritual
Chapter 30: Rescue!
Chapter 31: Reunion
Chapter 32: Double Exorcism
Chapter 33: Hypnotism
Chapter 34: Satanists Attack!
Chapter 35: Finale
Epilogue
Chapter X
ACKNOWLEDGMENTS

Chapter 5: The Exorcist

5K 343 29
By GYJones

Napagkasunduan nina Jules, Hannah at ni Don Carlos Villaromano na simulan ang exorcism ni Miguel sa nalalapit na Christmas break. May basement ang mansion kung saan tago at tahimik, bukod sa malalayo rin ang laktaw ng ibang mga bahay sa Forbes Park dahil sa naglalakihang mga lote, ay matatanghal nila ang exorcism doon ng walang istorbo. At ayon pa sa Don, karamihan din ng kanyang mga kapitbahay ay mga wala sa kanilang mga mansion tuwing kapaskuhan at nasa bakasyunan sa malalayong lugar. Mismo ang Don at kanyang pamilya ay magbabakasyon sana sa U.S., nguni't napilitan silang ikinansela dahil sa nangyayari sa kanilang anak.

Kinabukasan ng umaga ay bumalik sina Jules at Hannah para pagusapan ang mga detalye ng exorcism. Nasa loob sila ng malaking living room at nakaupo sa mahabang U-shape na sala set na kayang mag-accommodate ng 15 na mga katao. May carpet, fireplace, chandelier at mga mamahaling paintings sa walls. Hanga lang sina Jules at Hannah sa lawak ng kuwartong iyon at sa kanyang pagiging elegante. Sabi ni Hannah, 'yung area pa lamang ng sala set ay kasinlaki na ng kanyang apartment.

Tahimik sa loob ng bahay. Ayon kay Don Carlos ay natutulog pa si Miguel. Puyat daw ang binata dahil umaga na nakauwi, at in-assume niya na kasama na naman ang misteryoso niyang grupo na maari ngang isang kulto.

Nang ma-plano na nila ang lahat, isa na lamang ang main concern ng Don, at maging ng Doña, at ito'y ang kalidad ng pari o ng exorcist na magpe-perform ng exorcism. May mga nabasa na silang kuwento ng exorcism kung saan nag-fail ang ritual, at kung saan nasawi pa ang possessed. Dito mismo sa Pilipinas, ay may mga kaso na ng exorcism na nauwi sa trahedya.

In-assure naman nina Jules at Hannah na hindi mangyayari iyon, at minention ang matagumpay na exorcism ng batang si Berta sa Quezon Province.

"Napanood n'yo naman 'yung documentary, 'di ba, sir?" tanong ni Jules.

"Y...yes..." tango ni Don Carlos.

Napabuntong-hininga si Hannah. Nanghihinayang na sana nanood na lang siya ng pelikula kaysa nakipag-date. Nakasama pa sana niya sina Mayor Arteza at Karen.

"Itong Father Markus na sinasabi n'yo..." tingin ng Doña. "Magaling ba siya? Mapapagaling ba n'ya ba si Miguel?"

"Magaling is an understatement," sabi ni Jules.

"Wala pang dimonyo na nakaharap si Father na hindi niya tinalo," pagmamalaki ni Hannah, at sinimulang isa-isahin sa kanyang mga daliri ang pangalan ng mga dimonyo, "Si Berith...si Abaddon...si...Asmo..."

Nguni't agad siyang hininto ng Doña. "Please, let's not mention their names."

Bago pa maka-react si Hannah ay natahimik sila nang mag-flicker ang mga ilaw sa loob ng bahay at nag-swing ang chandelier. Saglit lamang ay bumalik na muli sa normal ang ilaw, nguni't sa gulat naman nila'y biglang dumagundong ang malakas na patugtog ng stereo. Napuno ang bahay sa tunog ng death metal music.

"Gising na si Miguel," sabi ni Don Carlos.

"We better go," paaalam ni Jules at paglingon niya kay Hannah ay masaya pa itong naghe-headbang. Napa-roll ng eyes ang parapsychologist at niyaya ang psychic na umalis.

"In fairness, okay ang sounds niya," sabi ni Hannah habang naglalakad sila ni Jules papunta sa nakaparada niyang Hi-Ace sa labas ng mansyon. Bago sila sumakay ay natanaw ni Jules si Miguel sa bintana ng kuwarto niya. Nakasilip sa likuran ng kurtina.

Nagkatitigan sila.

Pero ang nakita niya ay hindi ang galit at nagmumurang binata tulad ng unang engkuwentro nila ni Hannah sa kanya. Ang nakita niya ay isang nilalang na may desperasyon at takot sa mukha—at tingin na nagsasabing kailangan niya ng tulong nila.

Nagulat si Jules sa tunog ng busina at napalingon.

"Jules! Tara na!" sigaw ni Hannah mula sa sasakyan, may subo na ng yosi sa bibig.

Pagtingin muli ni Jules, ay wala na si Miguel sa bintana.

Kinambyo ni Hannah ang sasakyan at humarurot ito paalis.

***

Mabigat ang traffic sa EDSA sa may Cubao. Lalo na iyong patungo ng South. At pinalala pa ng banggaan ng isang pribadong SUV at taxi na nagkagitgitan sa ilalim ng fly-over. Nagtatalo ang dalawang driver sa gitna ng kalye. Busina ng mga naipit na sasakyan. May paparating pa na ambulansya na malakas ang sirena.

Mula sa nakaparadang Hi-Ace sa tapat ng bus station ay tanaw nina Jules at Hannah ang komusyon. Nahanapan nila iyon ng kaaliwan habang hinihintay ang pagdating ng bus na galing Tarlac. May take -out silang Mcdo na kinakain. Burger, fries at softdrinks.

"Uy Julius, siyanga pala, napa-encash mo na ba 'yung cheke?" tanong ni Hannah habang sumubo ng fries.

Napa-roll ng eyes si Jules habang humigop ng softdrinks. Inis lang siya kapag tinatawag siyang Julius ni Hannah. "Yes, nagwithdraw na rin ako ng panggastos natin," aniya.

"Pang-gas ko ha," ngiti ni Hannah.

Sa bangketa, nagkalat ang mga tao na paroon at parito. Kanya-kanyang ng pace ng pagmamadali sa kung saan man ang kanilang destinasyon—mga trabahador, estudyante at mangangalakal. Marami rin ang naka-istambay lang—mga street vendors ng mineral water, Cobra energy drink, at samu't-sari na mga biskwit. May mga biyahero na naka-abang sa sidewalk, kanilang mga bagahe sa kanilang mga paanan. Iba'y maleta. Iba naman'y mga bayong.

"Tingin mo madali lang itong mission natin?" pag-isip ni Hannah.

"'Di ko sure," kibit-balikat ni Jules. "Pero, 'di tulad ng dati, may advantage na tayo."

Ang tinutukoy na advantage ni Jules ay isang religious artifact na ginamit nila noong last mission, sa pagpapatalsik ng dimonyong si Berith kay Berta. Ang nasabing religious relic ay isang makapangyarihang rosaryo na pagmamay-ari dati ni San Lorenzo Ruiz, ang protomartyr ng Pilipinas.

"Yeah, secret weapon!" pag-cheer ni Hannah. "Talo natin agad ang dimonyo! Tapos kubra agad ng bayad!"

"For sure," ngiti ni Jules.

Napunta ang atensyon ng dalawa sa nagdatingang mga bus nang mag-GO ang traffic light. Ila'y lumagpas sa kanila at nasulyapan nila'ng mga nakasakay sa loob. Mga pagod na mukha ng mga pasahero at sa mga sarili'y minuni ang mga panahon na sila rin ay sumasakay ng bus, ang mga oras na nasayang sa biyahe, ang hassle kapag siksikan, ang amoy ng pawis, ang amoy ng mainit na mga hininga. Napailing si Hannah at nagpasalamat na kahit papaano'y may sasakyan siya bagama't luma ng modelo.

"O, baka eto na," sabi ni Jules.

May dumating na provincial airconditioned bus at pumasok sa terminal. Umayos sila ng upo at pinanood ang pagbukas ng pinto ng bus at pagbaba ng mga pasahero. Bata-matanda. Babae-lalake. Maliit at malake.

Sa kahuli-hulihan ay isang lalaki ang nag-kurus habang bumaba ng bus. Suot niya'y itim na jacket, slacks at casual shoes. May hitsura siya, maayos ang gupit at ahit, at dark ang features. Siya si Father Markus, ang ikatlo sa bumubuo sa JHS—ang grupo nila na eksperto sa paranormal, partikular sa exorcism. Dala ni Father Markus ang maliit na maleta, at kanyang bag na parang pang duktor na ang laman ay kanyang mga religious epektus—crucifix, holy water at iba pa.

Bumisina si Hannah at nakita sila ng pari at ito'y naglakad papunta sa kanila. Tinulak ng bukas ni Jules ang sliding door ng Hi-ace sa likuran at sumakay si Father Markus.

"Hi, Father!" masayang bati ni Hannah.

"Hannah...Jules..." kaswal na balik ng pari. Halatang napagod sa biyahe.

Nag-left signal si Hannah at tumuloy ang Hi-ace sa EDSA papunta ng Manila.

"Yes, JHS is back!" masayang hudyat ni Jules.

Napabuntong hininga si Father Markus. Hindi siya boto na tawagin ang grupo nila na JHS. Of course, nang magbotohan sa pangalan ay two against one in favor sa dalawa. JHS o Jesus Hominum Salvator ay Latin ng Jesus Savior of Mankind. Pamilyar na nakikita sa simbahang katoliko. Sa mga kasuotan ng mga pari at iba pa. Pero sa kasong ito, ang JHS ay acronym ng kanilang mga pangalan: Jules, Hannah at Sebastiano na siyang first name ng pari. May pina-design pa si Jules na logo. JHS, Paranormal and Exorcism Experts, na kanya pang ipina -copyright. At....

"May TIN number tayo?" sabi ni Hannah habang niliko ang Hi-Ace sa East Ave.

"Taxable tayo," sabi ni Jules, kumindat kay Hannah na may senyas pa sa kasama nilang pari sa likuran. "'Di tulad ng, alam mo na."

Nagtawanan sina Jules at Hannah. Sa likuran, napailing na lamang si Father Markus. Heto na naman tayo, ang nasa isip niya. Hindi naman siya nakalimutan nila Jules, at may tinake-out din silang McDo para sa kanya.

"Sa'n punta natin?" tanong ni Father Markus habang binuklat ang wrapper ng hamburger.

"'Di ba sabi mo, Father, bisitahin muna natin si Bishop Israel?" tingin ni Hannah sa rear-view mirror.

"Father ha, nagiging makakalimutin ka na," pagbiro ni Jules. "Baka sign of aging na 'yan."

Tawanan mula kina Jules at Hannah. Bagama't pumapalo na ng higit kuwarenta si Father Markus, ay naroroon pa rin ang taglay niyang kaguwapuhan. He's aging like fine wine, ikanga. Marami sa mga babaeng parokyano niya sa Tarlac ay nanghihinayang na bakit pa siya nagpari. May ilang nagsabi na hawig niya si Henry Cavill, kung kaya't lagi siyang tinutukso nina Jules at Hannah na superhero.

Sumandal sa kanyang upuan si Father Markus para ubusin ang kanyang McDo. Ang destinasyon nila'y sa Manila at ang sasadyain nila ay si Bishop Israel na siyang advisor nila at namamahala at nagsa-sanction ng kanilang mga exorcism. Napansin nina Jules at Hannah na tahimik ang pari.

"Don't worry, Father," sabi ni Jules. "May secret weapon tayo! Yakang-yaka natin ito!"

"Yeah, secret weapon!" ulit ni Hannah.

Ngumiti si Father Markus, bagama't pilit. Gusto niyang maki-share sa confidence ng dalawa pero may masama siyang pakiramdam sa kanyang sikmura. Pagka't ramdam niyang mabigat ang kaso ng demonic possession na kanilang hinaharap. Bago pa lumuwas mula sa Tarlac ay nagparamdam na sa kanya ang dimonyo. Na para bang alam na paparating na siya.

***

Huminto ang Hi-Ace sa isang up-and-down na bahay. Nasa area sila ng Manila Cathedral, sa mga hilera ng bahay na tirahan ng mga opisyal ng simbahan. Katam-tamang laki ang mga ito at magkakamukha. Nakita nilang may mga nakasabit na Christmas lights sa mga bintana ng bahay at sa entrance door ay may estatwa ni Santa Claus—'yung tipo na nagsasayaw at may tugtog.

"Hello, Santa," bati ni Hannah.

Pinagbuksan sila ni Arturo, may edarang lalaki na nagsisilbing butler ng bishop.

"Please, come in, the bishop is expecting you," sabi ng butler. Inglesero lang.

Pumasok sila at itinuro ni Arturo ang likod ng bahay—sa backyard garden kung saan naroon ang bishop. Inabutan nila itong nakaupo sa bakal na lawn chair, may teapot at mga teacups sa bilog na mesa katabi ng isang libro na kanyang binabasa. Suot ng bishop ay velvet na robe at trousers. Sa tabi, nakasandal sa isang upuan ang kanyang mga saklay. Halos isang taon na ang lumipas mula nang maaksidente siya sa sinasakyang Revo, at ngayon ay alalay sa kanyang kanang binti. Tatayo sana siya nang makita sina Father Markus, Jules at Hannah, pero, pinigilan siya ng mga bisita.

"Please, don't get up," sabi ni Father Markus.

Nanatiling nakaupo ang obispo.

"Good morning, Bishop!" bati nina Jules at Hannah.

"Tea?" alok ni Bishop Israel sa kanila. Kung natuloy itong tumayo ay matutunghayan na matangkad ito. 6-footer ang 60-something na kagalang-galang na obispo at isang Kastiloy.

Naupo ang tatlo katapat ng bishop at isa-isang binigyan ni Arturo ng teacups at sinalinan ng tsaa. Nag-thank you sila sa butler na tumalikod at umalis.

"How are you, Bishop?" tanong ni Father Markus.

"Getting better. My legs are getting stronger," tukoy ng obispo.

"Chilax lang, Bishop?" ngiti ni Hannah.

"And catching up on my reading," dugtong ng obispo at tinuro ang librong binabasa niya at pagkatapos humigop ng tea ay sinabi, "So, what do we have?" Alam naman niya ang sadya ng tatlo at ito'y may panibago silang kaso ng exorcism.

Binaba ni Father Markus ang kanyang tsaa. Binigyan na siya ng maikling background nila Jules habang nasa biyahe sila.

"18-year old na lalaki. Galing sa mayamang pamilya," ulat ng pari. "Angkan ng mga Villaromano. Nakatira sa Forbes Park."

"Oh," react ng obispo. Pamilyar sa kanya ang pangalan. "Allow me to ask my usual question, sigurado ba kayo na ang subject ay possessed?"

"Naramdaman ko mismo," sabi ni Hannah. "Nang hawakan niya ako."

"So you've already met him," tango ang bishop. "First? Second heirarchy?"

"Most probably," sabi ni Jules. "May hinala rin kami na baka may kinalaman sa Satanic worship."

"I see..." muni ni Bishop Israel at napaisip. Na-discuss na recently ang tungkol sa mga Satanic cults na lumalaganap sa lungsod sa kanyang meetings with the Catholic Bishops Conference.

"Posibleng connected ito sa mga nababalitang Satanic murders..." hayag ni Father Markus.

"Y-yes, it's possible," siryosong agree ng bishop.

"Excuse me," singit ni Hannah.

"Yes?"

"Pwede bang lagyan ng cream itong tsaa?" ngiwi ni Hannah. "Ampait kasi."

Napatingin sa kanya ang iba. Napa-roll ng eyes si Jules.

"Baka gusto mo ng juice na lang?" alok ni Bishop Israel.

Nagpa-cute ng eyes si Hannah. "Please, Bishop. Hindi ako masyado sa tsaa. Well, unless milktea siya na may flavor..."

Tinawag ng bishop si Arturo at pinakuha ng orange juice. Bumalik ang butler na may malaking tetra pack ng imported na orange juice at tatlong baso. Nanigurado na siya na baka gusto rin ng iba. Nagdala na rin siya ng ashtray dahil alam niyang iyon ang kasunod na hihilingin sa kanya.

"Thank you, Arturo," ngiti ni Hannah at nagsindi ng yosi.

Tumalikod ang butler at umalis na muli.

Pagatapos ay kinuwento pa nila sa bishop ang ibang detalye ng kaso. Kung saan at kailan gaganapin.

"I guess, we proceed as early as possible," mando ng obispo.

"Kailangan na ba natin ang artifact?" tanong ni Jules.

"Only when necessary," sabi ni Bishop Israel. "Assess the situation, kung tingin n'yo kailangan, I'll inform Archbishop Villasor."

Si Archbishop Villasor ay mas senior pa kay Bishop Israel at siyang safekeeper ng mga religious artifacts ng simbahang Katoliko.

Nagtanguan sina Father Markus, Jules at Hannah.

"Okay, let's do this," sabi ni Jules.

Nagsitayuan sila para umalis.

"Markus, wait," sabi ng bishop at pinauna niya sina Jules at Hannah.

Nang wala na ang dalawa:

"Kumusta ka, Father?" concerned na tanong ni Bishop Israel.

Nagalangan si Father Markus sa tanong pagka't may laman iyon.

"Maraming bagay ang na-resolve ng exorcism ng bata, Father Markus. Maraming ni-reveal ang demon na si Berith," sabi ni Bishop Israel.

May malungkot na tingin na binitawan ang pari pagka't alam na niya ang kasunod na sasabihin ng bishop.

"Hindi ko naitanong ito sa iyo noon," sabi ni Bishop Israel. "What about Sister Juanita?"

Ang tinutukoy niyang Sister Juanita ay isang madre na na-possessed ilang taon na ang nakakaraan, ng dimonyo ring si Berith. Hindi successful ang naging exorcism ni Father Markus at nauwi iyon sa pagpapakamatay ng madre. Muling naungkat ang tungkol sa madre noong exorcism ni Berta. Alam ni Bishop Israel na hanggang ngayon, ang nangyari kay Sister Juanita ay bumabagabag pa rin sa kunsiyesnya ng pari, at na ito'y ginagamit ng dimonyo laban sa kanya. Nagbigay siya ng babala na hindi nalalayong gamitin muli ito laban sa pari.

"Be careful, Markus," ani ng bishop. "Try to conquer this."

Napabuntong-hininga si Father Markus. Wala siyang nagawa noon para matulungan si Sister Juanita, at wala siyang magawa ngayon upang isalba ang kanyang kaluluwa. Ang tanging nasabi na lamang niya'y:

"She's in hell. She continues to burn in hell until eternity."

Atmalungkot siyang naglakad paalis.


NEXT CHAPTER: "The Possessed"

Continue Reading

You'll Also Like

130K 4.1K 34
(Mystery/Thriller: Rank #10 ) Ang lugar kung saan hinuhubog ang mga binatang gustong mapalalim ang paglilingkod Kay Kristo. Dito rin sa lugar na 'to...
5.7M 12.5K 5
Hindi kami santo.... Pero wala kaming sinasanto -- S.A.I.N.T.S. If they are trained to kill! Can they be also trained to love?
1M 15.9K 113
Mga hindi pangkaraniwang kwento tungkol sa kababalaghan na hindi natin masyadong pinaniniwalaan, dito niyo lang matutuklasan. Ihanda na ang sariling...
56.9K 2.1K 11
Katulad ng kwento ni Cinderella ay ganoon din ang buhay ni CINDY. May evil stepmother at evil stepsister din siya. Meron din siyang prinsepe. Ngunit...