Ang Dalawang Anino ni Satanas

By GYJones

199K 13.1K 1.4K

Nagbabalik ang team ng exorcist, psychic at parapsychologist upang makipagtuos mismo sa hari ng kadiliman--s... More

Introduction
Prologue
Chapter 1: Premiere Night
Chapter 2: Ang Kaso ni Don Villaromano
Chapter 4: Sa Mansyon
Chapter 5: The Exorcist
Chapter 6: The Possessed
Chapter 7: The Private Detective
Chapter 8: To JHS!
Chapter 9: Symbols
Chapter 10: Ang Don
Chapter 11: Merry Satanic Christmas, Joe Mari
Chapter 12: Satan!
Chapter 13: It Comes And Goes
Chapter 14: In His Own Image
Chapter 15: Infiltrate!
Chapter 16: Ang Satanic Groupie, Jesus Fish at Si Emily Rose
Chapter 17: Black Nativity
Chapter 18: Ang Green Room
INTERMISSION
Chapter 19: The Deal
Chapter 20: Madaling Araw
Chapter 21: The Raid
Chapter 22: Caroling
Chapter 23: The Vessel
Chapter 24: The Twin Enigma
Chapter 25: Christmas
Chapter 26: Game Time!
Chapter 27: Pasko sa Mansion
Chapter 28: Ang Bahay na Itim
Chapter 29: The Ritual
Chapter 30: Rescue!
Chapter 31: Reunion
Chapter 32: Double Exorcism
Chapter 33: Hypnotism
Chapter 34: Satanists Attack!
Chapter 35: Finale
Epilogue
Chapter X
ACKNOWLEDGMENTS

Chapter 3: Hannah's Date

5.1K 335 115
By GYJones

Noong nasa documentary film festival sa U.P. sina Jules, Mayor at Karen ay kasalukuyang nasa isang date naman si Hannah, ang psychic na kaibigan ni Jules.

Usually, ang suot ng psychic ay rock tees, jeans at Chucks, nguni't sa date na ito'y nakaninibagong naka-black dress siya with matching low-heeled shoes. May hairclip pa ang kanyang buhok na boy-cut at simple ang make-up niya. Walang heavy eyeliner na pang Goth. Kung makikita lang siya ni Jules, ay tiyak na katakot-takot na pang-aasar ang gagawin nito sa ayos ni Hannah na "girl na girl."

Ang rason ng make-over? Ito'y pagka't ang ka-date niya ay isang drummer na nagngangalang Dean, na nakilala niya sa isang gig. Agad na nabighani si Dean kay Hannah at kinuha ang cellphone number niya, and after 3 days, ay tinawagan siya nito at niyaya na mag-date. Excited lang si Hannah pagka't weakness niya ang mga cute drummer na mahaba ang buhok at tisoy. Na-imagine na nga niya na sila na ni Dean at kasama na siya sa mga tours ng banda, at sa sasakyan pa niyang lumang modelong Hi-ace sila nakasakay, at siya ang driver. Magka-holding hands pagka't rock ballad ang tumutugtog sa car stereo, nakatingin sa walang hangganang provincial road.

Nasa isang fancy bar and restaurant sila sa Greenbelt Makati na mahal pero hindi naman sobrang mahal. Tipong afford ng mga bagong suweldong nag-o-opisina sa Makati. As usual, puno sa restobar na may kadiliman, pero sinuwerte sina Hannah at Dean na makakuha ng table-for-two sa isang madilim na sulok na may candle light pa. Perfect ang setting at on the onset ay okay ang pinatutunguhan ng date nila.

"So, sinong mga bands ang pinapakinggan mo?" tanong ni Hannah.

Nakangiting nag-isip si Dean at lumabas pa ang dimples niya. Nakatali ang hair niya sa likod in a way na nakalabas ang kanyang mga tenga at may naiwan na bangs sa magkabila pababa ng kanyang pisngi. Sa kabutihang-palad ay hindi siya naka man-bun, dahil turn-off si Hannah sa mga naka-man-bun. May inorder silang nachos na nasa malaking bowl at natatabunan ng magkahalong cheese at salsa. Ang drinks nila ay draft beer na nasa mataas na mga mug.

"White Stripes...Arctic Monkeys... Favorite ko ang Soundgarden..." sabi ni Dean.

"Really?" ngiti ni Hannah, at aniya sa sarili, My God, gusto niya ang Soundgarden, love na ata ito.

Nakatitig lamang si Hannah kay Dean kaya't hindi niya napansin na may cheese sa side ng lips niya sa pagkain ng nachos, at ito'y winipe away ng ka-date gamit ang tissue. Namula si Hannah sa kilig. Dalawang beses pa itong naulit, ang huli ay sinadya na niyang iwan ang keso sa labi. Ito, at minental note niyang mga similarities nila sa music. Trip din nila ang Pearl Jam, Alice in Chains, Nirvana, Audioslave, Rage Against the Machine, at Radiohead. At ayaw nila sa Emo Bands, bukod lamang sa bandang Brand New. So far, compatible sila pagdating sa music, at mahalaga ito para kay Hannah. Music is life ang isa sa mga motto niya sa buhay. Sa sobrang compatible ng sounds nila, parang gusto na nga niyang magka-baby kay Dean.

"Ano naman ang "happy song" mo?" tanong ni Hannah.

Nagaalangan na sumagot si Dean.

"Sige na, go," hikayat ni Hannah. "Hindi kita ija-judge."

"Umm, Third Eye Blind, Semi-Charmed Life," sabi ni Dean sabay inom ng beer.

Nanlaking mga mata ni Hannah. "What the fuck?!"

Napalagok ng marami si Dean. Oops. Mali ata nasabi niya, pero sa gulat niya'y biglang masayang kumanta si Hannah ng lyrics ng Semi-Charmed Life. Sumabay ang drummer sa pagkanta at nagpalitan pa sila ng mga linya.

Nagpause sila saglit, nagkatinginan at sabay na nag:

Doo doo doo, doo doo doo doo...

Naglingunan ang ibang mga customers dahil bagama't maingay sa loob, ay dinig ang duet nila. Ang iba'y napapa-doo doo doo rin.

"Fuck! 'Yan din ang happy song ko! Yeah, Third Eye Blind!" aliw na bulalas ni Hannah.

Masaya silang nag-toast ng beer mugs. By now ay medyo tipsy na ang dalawa dahil nasa ikalawang giant beer mug na sila na halos katumbas na ng tatlong regular size na bote.

"Speaking of," umpisa ni Dean. "Sabi nga pala sa akin ay may third eye ka daw?"

Medyo na caught-of-guard si Hannah sa tanong. Well, naisip niya, since balak naman na niyang magka-anak kay Dean ay nararapat lamang na malaman nito ang ilang mga bagay-bagay tungkol sa kanya.

"Since 6 years old ako," admit ng psychic.

"Wow!" mulat ni Dean. "Para ka palang may super powers!"

Napakunot-noo si Hannah, parang narinig na niya dati ang komentong iyon.

"So, madalas kang makakita ng multo?" may interes na tanong ng drummer.

Nagtaas-balikat si Hannah. "Well, oo."

Tapos ay hinawakan siya ni Dean sa kamay. Kinilig si Hannah at nanlambot ang katawan, lalo na't nakatitig si Dean sa kanya with those brown eyes.

"Alam mo, gift 'yan ni God," sabi ni Dean.

Biglang napataas ng kilay ni Hannah. Ano daw? Aniya sa sarili. Lalo na't ang kasunod na tanong ng drummer ay, "Religious ka ba?"

Hindi alam ni Hannah ang isasagot, nakaramdam siya ng pagka-weird sa pinatutunguhan ng usapan.

"Dapat sumama ka sa akin, sa church ko," sabi ni Dean.

"Church mo?" may almang sabi ni Hannah.

"Sa God is Love Christian Movement," siryosong sabi ni Dean. "May commune kami sa Antipolo."

At ang reaction ni Hannah? Agad niyang hinugot ang kanyang kamay sa pagkakahawak ng drummer. "What the fuck?!" ang maanghang niyang reply.

Hindi agad nag-react negatively si Dean, thinking na last time na nag-What the fuck? si Hannah ay 'yun pala'y pareho sila ng gusto.

Pero not this time.

Bigla na lamang tumayo si Hannah at nag-walk out.

***

Sa labas ng restobar, nagmamadaling naglalakad paalis si Hannah at muntik pang mabangga ang mga taong nakasalubong niya. Humahabol si Dean sa may likuran.

"Hannah, wait!" sigaw ng drummer. Pero pinigilan siya ng maskuladong bouncer pagka't hindi pa pala bayad ang kanilang bill. Dire-diretso naman si Hannah, may disappointment sa mukha at hindi na lumingon pabalik.

Nguni't bakit?

Ang reason, at ito'y iilan lamang ang nakakaalam, kasama na sina Jules at Father Markus, ay dahil may hindi magandang kinagisnan si Hannah noong kabataan niya.

Twelve years old si Hannah nang mamatay ng cancer ang kanyang ama. After lamang ng 8 months ay nakapagasawa ang kanyang ina ng isang leader ng isang Christian congregation daw. Dinala silang mag-ina ng lalaki sa commune nito sa Benguet kung saan sila nanirahan at naging mga miyembro ng Christian group na isa palang kulto. Hindi naman rehilyoso ang ina ni Hannah, nguni't sa impluwensiya ng kanyang pangalawang asawa ay nagbago ito, naging deboto to the point of fanaticism.

Isa sa mga insane practices ng kulto ng kanyang step-father ay magtanghal ng orgies. Nakita ni Hannah ang ina niya na willing na nakipagtalik sa iba't-ibang lalaki sa iisang kuwarto. Para sa Diyos, sabi ng step-father. Ang pinaka-nakakahindik na gawain nila ay ipunin ang mga semen ng lalaki at gawing ostiya bilang offering sa Diyos. Ayon sa kanila, ito raw ay galing pa sa sinaunang turo ng Gnostic scriptures, dating back to 4 A.D., at kahalintulad ng mga Manicheans sa ancient Persia.

Kaya't pagsapit ni Hannah ng kanyang ika-16th birthday, ay in-offer mismo siya ng kanyang ina sa kanyang step-father para makatalik. Para sa Diyos, ulit ng kanyang ina. Nguni't, nang naiwan sila sa kuwarto at si Hannah ay handa nang hubaran ng damit ng kanyang step-father ay kanya itong tinuhod sa ari. Tumakas si Hannah at nakahingi ng saklolo sa dumaraang kotse ng pulis at dinala siya ng mga ito sa pangangalaga ng mga madre sa isang kumbento, kung saan siya prinotektahan. Sa tulong din ng mga sisters, si Hannah ay ipinadala sa Manila para mag-aral at magsimula ng panibagong buhay. Two years sa college ay nabalitaan ni Hannah na nasunog ang tinitirahang commune ng kanyang ina't step-father at naulat na sila'y namatay. The rest for now, is history.

Mula sa restobar, nilakad ni Hannah ang Greenbelt parking kung saan naroon ang kanyang Hi-ace. Nanghihinayang lang sa itinakbo ng kanyang date. Okay naman si Dean, pero, may pait pa rin ang kanyang karanasan. Hindi pa siya ready.

Bago i-start ang makina ay nag-ring ang cellphone niya.

"Hello, Hannah?" sabi ni Jules sa kabilang linya. "May bagong mission tayo."

"Mission?" ulit ni Hannah.

"Wait, kumusta pala muna ang date?" tanong ni Jules.

Umiling si Hannah. "Huwag mo nang tanungin..."

Maririnig ang tawa ni Jules mula sa phone.

"Fuck you, Jules," sabi ni Hannah sabay pihit ng ignition key at nag-drive paalis. "Ano na naman itong bagong mission natin?" walang gana niyang tanong. "Sa bukid na naman? Ang bayad na naman ay kalabaw?"

"On the contrary, mayaman ito," masayang sabi ni Jules. "Nag-advance na nga ng 200k."

Biglang napaapak sa preno si Hannah. Bumusina ang sasakyan sa likuran niya pagka't muntik na siyang matumbok nito. Nagpatuloy si Hannah sa pagd-drive, ngayo'y ang ngiti ay abot hanggang tenga. Hindi man maganda ang pagtatapos ng date niya, at least paparating naman ay sangkatutak na datung. Tinanong niya kung sino ang na-possess.

"Isang 18-year old na lalaki," sabi ni Jules. "At mukhang involved ang Satanic cult."

Mulingnapa-preno si Hannah. Dinig muli ang malalakas na busina sa likuran niya, atsiya'y napailing at napasabi ng, "Shit, kulto na naman?"


NEXT CHAPTER: "Sa Mansyon"


Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 30.2K 56
Malaki ang paniniwala ko na hindi naman masamang mangopya. Pero unti-unting nagbago ang paniniwala kong iyon nang unti-unti ring nabago ang buhay ko...
9.3M 391K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...
Ang Huling Pagsuko By GYJones

Historical Fiction

20.3K 1.7K 29
Dalawang sundalo, isang Pilipino at isang Hapon noong World War II ang na-stranded sa isang isla at kinailangang magtulungan para mabuhay. Fast-forwa...
30.6K 2.5K 29
Matapos ma-aksidente ng simpleng mangingisda na si Manuel, nakumbinse siya sa sarili na siya ang second coming ni Jesus Christ. At siya'y naghanap ng...