Don't Wanna Cry • MEANIE

By Wonhwa10001

5.1K 471 170

{Al1 series #1} "When the half of me is gone how can i live as one" "Us in the different system, another form... More

00
01
02
03
04
05
Not An Update
06
07
08
09
Not An Update
11
12
Thanks! (edited)
13
14
15
16
17
MEANIE IS SAILING!!!!!!!
18
19
Ideal Cut in Manila
20
21

10

182 15 16
By Wonhwa10001

Mingyu's

Pag gising ko nakita ko si hyung naka-upo sa upuan malapit sakin, nagbabasa "hyung" mahinang tawag ko sakanya

Mabilis niyang isinara yung libro niya saka mas nilapit yung upuan niya sa kama "okay ka na ba? May masakit ba sayo? Anong gusto mong kainin?" Hinawakan niya yung braso ko "medyo mainit ka pa rin, teka babasain ko lang ulit to" kinuha niya yung bimpo sa noo ko at nagsimula ng tumayo.

Pinigilan ko siya "hindi na hyung medyo okay na ko. Salamat" nginitian ko siya

"Wag mo na ulit hahayaan ang sarili mong magkasakit" - Wonwoo

"Opo hyung"

Tinggal niya yung kamay kong naka-hawak sakanya "Kukuha lang ako ng makakain mo, kanina ko pa narinig bumukas yung pinto sa kwarto nila eomma sigurado nakapagluto na yun"

"Sasabay na lang ako sayo bumaba, kaya ko naman na tumayo" pinilit kong tumayo kahit medyo nanghihina pa ko

"Kaya palang tumayo ah" paninita ni hyung

"Kaya ko naman talaga"

"Ewan ko sayo" tinulungan na niya kong tumayo. Palakad na sana kami palabas ng bigla akong natigilan "may problema ba?"

"Nahihiya akong humarap kala Shinwoo eomma"

"Bakit?" Naka-kunot noong tanong niya

"Kasi di na nga nila ako pinauwi para di ako maulan, pero eto ako ngayon may sakit baka magalit sila"

"Alam mong hindi ganun sila eomma kaya tigilan mo pag iisip ng ganyan" - Wonwoo

"Pero-" di ko natuloy yung sasabihin ko kasi bigla may kumatok sa pinto

"Kuya Wonwoo? Kuya Mingyu? Gising na po ba kayo?" Rinig kong sabi ni Kyuki mula sa labas. Bilib na talaga ako kay hyung kasi naturuan niya si Kyuki na kumatok muna bago pumasok sa kwarto ng iba

"We're awake. You can come in baby" - Wonwoo

Pagbukas pa lang ni Kyuki ng pinto bumungad na agad samin yung ngiti niya "good morning po!" Sabi niya habang tumatakbo palapit samin. Yumakap siya sa hita ni hyung "good morning kuya Wonwoo!", yumakap din siya sa hita ko "good morning kuya Mingyu!" Kumalas siya "why do you look so pale kuya Mingyu?"

"May sakit ako kaya wag ka munang lumapit sakin, baka mahawa ka"

"I'll just take a lot of vitamins so i won't get sick" sabi ni Kyuki, hinawakan niya yung kamay ko "let's eat na po"

"Kyu mauna ka na sa baba susunod kami" sabi ni hyung

"Okay po" binitawan niya yung kamay ko saka tumakbo palabas ng kwarto

"Sasabay na ko sayo sa pag uwi mamaya- Wonwoo

Napa-tingin ako bigla kay hyung pagkasabi niya nun "hindi na kaya ko naman ng umuwi mag isa"

"Anong kaya? Hindi ka pa nga ganong magaling" naka-kunot noong sabi ni hyung

"Kaya ko na nga sabi. Ang galing kaya ng taga-alaga ko"

"Wag mo kong binobola, una hindi mo pa nga sabi kaya, pangalawa pano ka uuwi mag isa eh bumili ka kagabi ng cheeseburger kaya bawas na yang pamasahe mo, at pangatlo pagkatapos mo mag-wala kaninang madaling araw kasi sabi mo may naka-tingin sayo pano ka makakatulog mag isa mamaya sige nga" natigilan ako sa sinabi niya kasi totoo lahat yun

"Pero nangako ka kay Kyuki na maglalaro kayo ngayong araw, ayoko namang dahil sakin malungkot si Kyuki" nawala yung pagkaka-kunot ng noo ni hyung dahil sa sinabi ko "nakalimutan mo yung pangako mo sa baby mo no?"

"Pero-" - Wonwoo

"Magiging okay lang ako hyung. Pauutangin mo naman ako ng pamasahe diba? Tsaka minsan mo na nga lang makasama kapatid mo kaya dapat lubusin mo na"

"Hindi" - Wonwoo

Ako naman ngayon ang nangunot ang noo dahil sa kanya "anong hindi?"

"Hindi ka uuwi mag isa, dito ka muna ulit para sabay tayong uuwi bukas" - Wonwoo

"Hyung naman-"

"Mingyu isa" - Wonwoo

"Pero kasi-"

"Tatlo, hindi ako marunong pag bilang pag eto umabot ng lima sinasabi ko sayo" - Wonwoo

"Okay nga-"

"Lim-" - Wonwoo

"Oo na nga!" Napa-oo ako ng wala sa oras, kasi naman pag nagsimula na siyang mag bilang nakakatakot na

"Papayag ka rin naman pala pinatagal mo pa, halika na iniintay na tayo sa baba" lumakad na siya papuntang pinto at binuksan ito sabay lingon sakin. Nanghihina pa rin yung katawan ko kaya medyo mabagal ako mag lakad, lumapit sakin si hyung kinuha niya yung kanang kamay ko saka pinatong sa balikat niya "tamo hindi ka nga makapaglakad ng ayos tas gusto mo umuwi mag isa"

"Tama na hyung pumayag na nga ko diba?" Hindi na siya nag salita, nilagay niya yung kaliwang kamay niya sa bewang ko saka nag simulang mag lakad "bat ba pakiramdam ko ako talaga bottom dito?" Bulong ko sa sarili ko

"What?" Biglang tanong ni hyung

Nanlaki yung mata ko mukhang narinig niya ko "w-wala sabi ko gutom na ko"




Nakarating na kami ni hyung sa dining area "good morning po" bati ko sa mga magulang ni hyung

Lumapit sakin Shinwoo eomma hinawakan niya yung noo ko "may sakit ka raw sabi ni Kyuki, okay ka na ba? Gusto mo ba magpatawag ako ng doctor?"

"Nako hindi na po, lagnat lang naman po to"

"Sigurado ka ah? Basta pag may sumakit sayo magsabi ka kaagad" - Shinwoo eomma


Nasa sala kaming tatlo nila hyung ngayon, si Kyuki naka-upo sa lapag habang nanonood ng t.v si hyung katabi ko sa sofa nagbabasa nanaman ng libro. Umalis ang mga magulang ni hyung nagka-problema daw kasi sa isa mga branch ng restaurant nila dahil sa bagyo kaya pinuntahan nila

"Kyuki! I have a new Seventeen photo card!" Sigaw ni Aki na kapapasok lang naka-sunod naman sa kanya si Soonyoung. Napansin ako ni Aki kaya lumapit siya sakin para mag fist pump "Mingyu hyung bakit nandito ka?"

"Dumadalaw lang"

"Ah okay" sabi niya sabay lapit kay Kyuki para ipakita yung mga photo card niya

"Siguro may galit talaga sakin yang batang yan, ikaw tinatawag na hyung pero ako hanggang ngayon Wonwoo pa rin ang tawag niya" reklamo ni hyung habang nakatingin kay Aki

"Hindi naman siguro hyung"

"O kaya naturuan ng magaling niyang Soonyoung hyung" - Wonwoo

"Oy hala bat nadadamay pangalan ko dyan?" Sabi ni Soonyoung hyung pagkalapit niya samin "Mingyu nandito ka lang pala halos mabaliw na si Seungcheol kahapon kakahanap sayo, may lagnat ka pa rin ba?"

"Medyo okay na ko ngayon magaling mag alaga si Wonwoo hyung eh"

"Syempre ako nagturo dyan" pagmamayabang ni Soonyoung

"Sino nag sabing ikaw nagturo sakin?" - Wonwoo

"Bakit hindi ba? Ako kaya ang tinawagan mo kaninang madaling araw" - Soonyoung

"Wala akong maalalang ginawa ko yun" - Wonwoo

"Wow ha? Ni hindi ka nga nag thank you sakin" - Soonyoung

"Tama na mag aaway nanaman kayo eh" sermon ko sakanilang dalawa

"Si Wonwoo ang sabihan mo wag ako, ako nga palaging inaaway niyan hmmp" sabi ni Soonyoung sabay walkout papunta dun sa dalawang bata. Nakipaglaro na lang siya dun sa dalawa habang ako pinapanood lang sila, gustuhin ko man sumali sakanila kaso hindi pwede baka mahawa lang yung mga bata sakin.

Nilingon ko si Wonwoo hyung nakita kong humikab nanaman siya mukhang hindi siya nakatulog dahil sakin "hyung matulog ka na kaya muna?"

"Hindi ako inaantok" sabi niya, pero kita sa mga mata niya na pinipilit na lang niyang wag makatulog

"Lol sabihin mo yan sa mata mong malapit ng pumikit"

"Hindi nga sabi ako inaantok" - Wonwoo

"Edi hindi kung hindi" ang tigas talaga ng ulo niya

Habang pinapanood kong maglaro sila Kyuki naramdaman ko ang biglang pag bigat ng balikat ko, paglingon ko nakita ko si hyung nakasandal sakin habang tulog napangiti ako bigla hindi daw inaantok, inayos ko yung pagkakasandal niya sa balikat ko at inalis yung salamin niya, pinagmamasdan ko lang yung mukha niya habang natutulog dadating kaya yung araw na makakaamin ako sayo?

🎶 Uri majimagi eonjeilji
Alji moshadeorado
Haengyeo museun iri saenggyeoseo
Boji moshadeorado

Naege gidae gidae gidae
Naege gidae gidae gidae
Naege gidae gidae gidae
Naege gidae 🎶

Kumunot ang noo ko nung bigla na lang ako may narinig na tumutugtog, tumingin ako sa gawi ni Soonyoung hyung "ay sorry napindot lang" sabi niya saka in-off yung kanta

"Pag si hyung nagising" banta ko sakanya

"Ayiieee concern siya" pangaasar ni Soonyoung "Naege gidae gidae gidae"

"Shhh" saway ko

Tinawanan lang niya ko



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Meet Kyuki & Aki

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 33.2K 29
Luke and Aviona - A romance that blosssomed in a society where a governor cannot love the daughter of a prostitute. R18 Adult content
2.1K 176 1
Sa dami nang ating pinagkapareho, dito rin ba, magka-tugma tayo?
818K 4.7K 21
what if kung magkaroon ka ng sex maker. o yung nagsex kayo pero hindi mo siya kilala? paano kung mabuntis ka? paano mo malalaman kung sino ang ama?
269K 14.3K 92
A laptop. Some ice cream dates. An unlikely romance. **** Let's Just Talk An Epistolary Talk Series #3