The Dominant CEO

By KaeJune

6.3M 104K 6.2K

Plain-looking Diana Garcia was never the type to turn heads, but her world is turned upside down when one dru... More

Introduction
Chapter 1: How It All Happened
Chapter 2: AfterShock
Chapter 3: Clueless
Chapter 4: Obvious Signs
Chapter 5: He Noticed
Chapter 7: Don't Give A Hint
Chapter 8: He's A Boss For A Reason
Chapter 9: Don't Make the Boss Mad
Chapter 10: Stop The Drama
Chapter 11: She's Pissed Off
Chapter 12: Still Upset
Chapter 13: A Little Joy
Chapter 14: Moment of Truth
Chapter 15: Mood Swing
Chapter 16: Complain
Chapter 17: Meet Up
Chapter 18: First Night
Chapter 19: Hardheaded
Chapter 20: Reasoned Out
Chapter 21: Shoot
Chapter 22: When He's Mad
Chapter 23: Test His Patience
Chapter 24: Falling Asleep
Chapter 25: Still Mad?
Chapter 26: Full Rage
Chapter 27: Finding the Suspect
Chapter 28: Tracking the Suspect
Chapter 29: Confirmed
Chapter 30: To The Rescue
Chapter 31: Babies No More
Chapter 32: Outsider
Chapter 33: His Secret Intention
Chapter 34: Curiosity Kills Her
Chapter 35: Realization
Chapter 36: Missing Him
Chapter 37: Apology
Chapter 38: Arrested & Freed
Chapter 39: Overwhelmed (Finale)
Epilogue

Chapter 6: Baby Bump

189K 3.1K 66
By KaeJune




"Dahan-dahan naman, bunts. Parang hindi ka nakakain ng isang linggo ha."

Ang sarap ng dina lang kare-kare ni Suzette. Kumakain kami ngayon sa pantry at parang mauubos ko na siya. Simula din na malaman niyang buntis ako ay lagi niya akong dinadalan ng pagkain at tinatawag na bunts (bantz) short for buntis.

Inirapan ko siya, "Ansarap kasi nito."

Natawa naman siya saka hinawakan ang ngayon ay may umbok ko ng tiyan, "Ayan baby ha, sobrang bait ni ninang 'di ba? Lagi kong dinadalan ng food ang mama mong patay gutom. Diba ako na ang the best ninang? Hindi kapa lumalabas niyan ha."

Kinuha ko ang kamay niya sa tiyan ko.

"Ikaw talaga kung anu-ano ang sinasabi mo sa anak ko. Pag yan nagmana sa kadaldalan mo.." hindi ko tinuloy ang sasabihin dahil tumaas ang isang kilay nito.

"Ano? Pag nagmana sakin anong gagawin mo?" Mataray na sabi kunwari. "Baka gusto mong hindi na kita dalhan ng pagkain."

Tumawa ako, "Ikaw naman hindi ka mabiro. Syempre okay lang mag mana sa 'yo. Basta dala ka lagi ng foods ha?"

"Asus pasalamat ka mahal kita. Nako sa susunod na magpabuntis ka, sana sa lalaking kayang ibigay yang mga paglilihi mo. Ako ang kawawa eh. Ako ang naging ama niyang inaanak ko."

Bigla akong nalungkot sa sinabi nito. Hindi ko naman ginusto ang mabuntis. Pero hindi ko naman pinagsisihan na meron akong munting anghel sa loob ko ngayon. Disgrasyada na ang itawag nila sa akin. Wala akong pakialam.

"Uy Diana. Sorry na. Hindi ko sinasadya. Hindi naman ako nagrereklamo. Gusto ko lang naman sumaya ka. Sorry." Tumango ako.

"Okay lang." sabi ko saka tumayo na. "Tara na. Ligpitin na natin to saka bumalik na sa trabaho. Marami pakong tatapusin."

Naging maingat ako sa mga sumunod na araw. Pero minsan hindi ko mapigilan na sumama ang pakiramdam ko kahit anong ingat ko. Dala na rin siguro ng pagbubuntis.

"Oh anak, papasok ka? Akala ko masama ang pakiramdam mo?"

Masama ang pakiramdam ko paggising ko kanina pero nawala naman agad yun. Ininom ko ang gamot na binigay ng doctor ko. Kaya nagpasya na lang akong pumasok. Sayang din naman kasi ang sweldo.

"Okay na po ako, mama."

"Sigurado ka? Nag aalala ako sa 'yo, anak. Magpahinga ka na lang muna."

Nginitian ko si mama saka hinalikan sa pisngi, "Wag kayong mag alala, mama. Okay lang ako. Pag sumama ang pakiramdam ko, uuwi ako agad. Mag iingat po ako."

"Sige, tumawag ka pag may kailangan ka."

"Opo." Nagpaalam na din ako kay papa. Sinamahan ako nito hanggang sa labas sa parahan ng jeep. Nag aalala kasi sila sakin.

Pagdating ko sa opisina ay agad akong sinalubong ni Suzette na may nag aalalang mukha.

"Anong problema? Bakit ganyan ang mukha mo?" Natatawang tanong ko sa kanya.

Napalitan ng pag aalala ang tawa ko nung mapansin kong mukhang seryoso si Suzette. Hindi kasi siya sumakay sa biro ko.

"Suzette, ano may problema ba?"

Tumango siya, "Nahahalata na nila. May alam na sila, Diana."

Napapailing ako, "Anong nahahalata nila?"

Nginuso nito ang tiyan ko, "Yang bata d'yan sa tiyan mo. Kumakalat ang chismis na buntis ka. Napapansin na nila ang unti-unting paglaki ng tiyan mo."

Napairap ako. Akala ko kung ano na. Yun lang naman pala. Hindi na ako nagulat na lumaki to kasi ilang linggo na rin ang nakalipas simula nung sabihin ko kay Suzette tungkol dito. At ngayon, tatlong buwan na itong tiyan ko sabi ng doctor nung nagpa check up ako nung isang araw. Natural na lalaki na ito.

"Akala ko kung ano na, Suzette. Natural na mahahalata nila kasi lumalaki na ang tiyan ko. Alam mo rin na wala naman akong planong itago ang pagbubuntis ko."

"Alam ko. Hayy." Sabi nito saka nahinga ng malalim. "Ayoko lang na masabihan ka nila ng masasamang salita."

"Ayoko rin naman pero hindi natin mapipigilan ang mga tao kung ano ang gusto nilang isipin. Handa na ako sa kung ano man ang sasabihin nila."

Tumango-tango si Suzette sa akin, "Sige basta nandito lang ako kung gusto mo ng mahingahan o kung naghahanap ka ng tulong makipag resbakan."

Natawa ako, "Loka. Wala akong balak makipag away."

Nagkatawanan kaming dalawa nung dumating si Ma'am Gretchen at hinarap ako.

"Diana, can you please report to my office?"

Tumango ako kay ma'am. Hinarap ko si Suzette para sumenyas na magpaalam at nakangiti lang itong tumango. Alam naman niya na mabait si ma'am at hindi ako nito papagalitan.

Pagdating namin sa loob ng office ni Ma'am Gretchen ay pinaupo ako nito sa upuan sa harapan ng mesa niya.

"I knew it, Diana. Nung umpisa yan na ang iniisip ko sa 'yo dahil lagi kang antok at nadadalas ang mood swings mo pero sabi ko impossible din kasi wala ka namang boyfriend. Pero tama nga talaga ako. Buntis ka."

Medyo nag lean ako sa mesa para makalapit kay ma'am, "Pasensya na po, ma'am. Hindi ko nasabi agad sainyo. Hindi niyo naman po siguro ako tatanggalin, 'di ba?"

Ngumiti ito saka napailing, "Ano kaba, hindi no. Saka wala namang batas na nakalagay na bawal mabuntis ang empleyado." Kinuha niya ang isang kamay ko saka sinakop ng palad niya, "Kahit hindi mo sabihin, alam kong hindi ka konportable pag usapan. Pero Diana, pag may kailangan ka, sabihin mo lang ha?"

Hindi ko maiwasan ma touched sa sinabi ni ma'am kaya napaluha pa ako. Pinunasan ko agad ito, "Pasensya na, ma'am. Hormones lang. thank you po." Parang ina ko na rin siya kaya naiintindihan ko kung concern siya sakin.

"Walang anuman. Hindi ko ba pwedeng malaman kung sino ang ama?"

Kahit na ayaw ko mag sinungaling sa boss ko ay kailangan. Lalo na at madalas sila mag usap ng boss namin. Ayoko na malaman niya kaya mas safe pag hindi niya alam. Makakatago naman ng sekreto si ma'am pero mabuti na ang wala siyang alam para hindi siya maipit kung sakaling may mangyari.

Napailing ako sabay ngiti, "Pasensya ka na, ma'am, pero gusto kong ilihim na lang ito."

"Naiintindihan ko." Tangong sagot nito.

Nag usap kami ni ma'am tungkol sa maternal leave ko kung sakali na lumaki na ang tiyan ko. With pay naman pala yun kaya lang hanggang 3 months lang ito. Kailangan ko na ulit bumalik sa trabaho pagkatapos. Okay naman sa akin yun kaysa mawalan ako ng babalikan.

Bumalik na ako sa desk ko pagkatapos. Nung uwian na ay nagmadali akong bumaba. Gusto ko na kasing makauwi na dahil gusto ko ng magpahinga at mahiga. Pero sa pagmamadali ko ay nakabunggo ako ng isang babae. Nahulog pa ang bag na bitbit nito sa sahig.

"Clumsy." Rinig kong sabi nito saka nagmadali naman akong pinulot ang bag niya saka inabot sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko ng mapag tanto kung sino ito. "Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo. Kilala mo ba ako? Gusto mong matanggal sa trabaho?"

Mabilis akong umiling, "H-Hindi po. Pasensya na po, ma'am. Nagmamadali lang kasi talaga ako. Hindi na po mauulit." Pagmamakaawa ko.

"Talagang hindi na mauulit dahil sa susunod na ulitin mo pa, masesesante ka na."

Napayuko ako. Wala naman akong karapatan na sumagot sa kanya. Kahit hindi naman makatwiran ang rason na sesesantihin ako ay hindi na lang ako nagsalita.

"You should better go now. I don't want to see your face again—!"

"What's happening here?"

Napaangat ako ng mukha at napatingin sa kakarating lang. Mas lalo akong kinabahan kaya napayuko na lang ako ulit at pinag saklob ang dalawang kamay ko habang nakatingin sa sapatos ko.

"Babe, good thing you're here. Your employee bumped into me. Nahulog ang purse ko saka tumama sa paa ko."

Napakunot ang noo ko. Kailan tumama sa paa niya? Sa sahig naman ah? Saka ang arte pala ng girlfriend ni sir Bryan. Ito ba ang sabi nilang iniyakan niya? Wala akong makitang espesyal sa babaeng ito. Ang arte magsalita.

"Diana."

Tila tumayo ang balahibo ko sa pagbigkas niya ng pangalan ko. P-Paano niya naalala ang pangalan ko? Nasanay akong 'miss' ang tawag niya sa akin pag nagkausap kami.

Dahan-dahan akong umangat ng ulo saka tiningnan siya. Pero mas nakuha ng pansin ko ang kamay ng babae na nakapulupot sa braso niya at hiniga ang ulo sa balikat ni sir.

"Diana." Tawag nito ulit sa akin na kinabaling ng attention ko sa kanya. Nagtama ang mga mata namin at agad akong nataranta nung makita ko ang concern sa mukha niya.

"S-Sir?"

"You can go now." Sabi nito sa akin. Tumango ako sa kanya.

"Sige po." Bumaling ako kay ma'am, "Sorry po ulit." Sabi ko saka tumalikod na.

"Babe, paalisin mo na lang siya agad? Wait, is she pregnant?"

Natigilan ako at napatigil sa paglakad. Binundol na naman ng kaba ang aking dibdib. Bakit kailangan niyang pansinin iyon?

"Diana, right?" Tanong niya na kinatango ko ng mahina. Sinabi nitong humarap ako kaya napilitan akong harapin sila.

Nakita ko ang pagpako ng mata nila sa tiyan ko lalo na ni Sir Bryan. May kung ano akong nakita sa mata niya. Panghihinayang? Hindi. Bakit naman siya manghihinayang 'di ba.

"Buntis ka pala. Sa susunod, mag ingat ka para hindi napapahamak yang baby mo." Sabi ni ma'am sa akin.

Tumango na lang ako, "O-Okay po."

"Ohh. Look at her, babe. She's having a baby. I know she's happy with her husband. Tayo kaya? Kailan tayo magkaka anak?" Lambing nito kay sir sabay dikit lalo ng katawan nito.

Tinanggal ni sir ang pagkakahawak ng isang kamay nito sa dibdib niya saka hinawakan na lang sa baba. Tumingin ito sa akin kaya napaiwas akong ng tingin.

"Go now." Sabi nito na may malamig na tono.

Ngayon, parang galit na naman ito. Bakit paiba-iba ang mood ng lalaking to? Parang siya ang buntis sa aming dalawa ah. Naaapektuhan din kaya ang mga daddy? Hmm.

"Sige po. Salamat ulit." Sabi ko saka binilisan ang paglakad paalis para hindi na nila ako ulit tawagin dahil malayo na ako.

Hindi na kasi tama ang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong hihimatayin sa kaba. Pero bakit ganun? Parang nakaramdam ako ng kirot nung tanungin ni ma'am kung kailan sila magkaka baby? Siguro masaya ang pamilya nila pag nagka anak sila. Hindi gaya sakin na mag isa na lamang na papalakihin ang anak ko.

May pumatak na namang mga luha sa mukha ko bago pa tuluyang makalabas ng building.

Continue Reading

You'll Also Like

160K 2.9K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
329K 2.2K 7
Miguel Hoffman is a man who is extremely successful with beautiful women. Because of his devilishly handsome face and his hot body he became a certif...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
756K 59.2K 62
Nicomaine Mendoza is a struggling student in need of additional income to finance her studies. She lands a job in Faulkerson Consulting as Girl Frida...