SUKIYAKI (COMPLETED)

By Gretisbored

373K 13.9K 1.5K

Siya si Filipa Natalia Ferrer o kilala sa palayaw niyang Pipay. Tubong Pampanga. Anak ng isang maralitang mag... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
EPILOGUE

CHAPTER SIXTEEN

9.1K 365 23
By Gretisbored

Kaaalis lang ni Kaito nang biglang dumating si Tita Chayong. Sa pintuan palang nagtutungayaw na ito sa pangalan ko. Nalunok ko tuloy ang kalahati ng bula ng toothpaste habang nagsesepilyo. Dali-dali akong nagmumog at inalam kung may sunog na naman. Binatukan niya ako sa pamimilosopa ko raw.

"Dumaan ba rito si Kaito?"

Nag-flash kaagad sa isipan ko ang ginawang pananantsing sa akin ng damuho. Nag-init tuloy ang pisngi ko, pero kailagan kong magmukhang hindi apektado.

"O-opo. Bakit po?"

"May iniwan ba siya?"

Opo. Bakas ng halik.

Kinutusan ko ang sarili sa kung anu-ano kong naisip. Tumikhim-tikhim ako para mawala ang kakaiba kong nararamdaman. Nainis ako sa katawan ko. Ba't gano'n? Pangalan palang ng hinayupak at nanginginig na ang buo kong kalamnan. Para maibsan ang kakaibang damdamin hinilot-hilot ko ang batok. Style ko na rin iyon para bahagyang yumuko at nang hindi magtama ang tingin namin ni Tita. Malakas kasi ang pang-amoy ng matandang ito, e.

"Filipa!" Sigaw niya sa akin. Napakurap-kurap ako.

"Tita naman, e! Nanggugulat naman kayo!"

"Ang sabi ko may iniwan ba siya sa iyo?"

"Dapat bang mag-iwan siya ng kung ano?"

Napakagat-labi si Tita Chayong. Hinawakan niya ako sa baba at pinaningkitan ng mga mata. Kinabahan ako. Susko! Mabubuking na yata ako!

"Magsabi ka nga ng totoo," sabi niya. Malumanay na ang tinig. Ganunpaman, nakakatakot pa rin. Mas nakakakaba nga ang tono niya.

"Pasensya na po. I-inaway ko na naman po, kaya hindi ko natanong kung ano ang sadya."

Napatirik bigla ang mga mata ni Tita Chayong at inis na inis na nagpapadyak sa harapan ko.

"Ba't mo na naman inaway? Kung magbago ang isipan no'n?" Lalong tumaas ang boses niya. Sa puntong ito parang frustrated na frustrated na siya. Napasalampak siya agad sa tatami. Naawa ako sa hitsura niya dahil mukhang mangiyak-ngiyak na.

"Hindi mo ba alam na walang-wala na tayong panggastos sa susunod na buwan? Iyang sweldo mo naman ay halos kasya lang sa iyo dahil mahigit sa kalahati'y napapadala mo sa inyo!"

Nasaktan ako. Para na rin kasing pinamumukha ni Tita na halos wala akong pakinabang sa kanya. Kahit totoo naman iyon, masakit pa rin ang dating. Pero wala naman akong magagawa. Kailangan din ng pamilya ko ang padala kong iyon. May sakit na TB ang tatay ko. Kailangan niya ng masustansyang pagkain. Bukod pa sa problema namin sa kanya, nag-aaral ang mga nakababata kong kapatid sa kolehiyo at lahat sila'y umaasa sa akin. Kaya nga ako nag-Japan dahil na rin sa kanila.

"Paano na lang kung bawiin ni Kaito ang pangako niyang hanapan niya ako ng bagong puwesto? Saan tayo pupulutin sa susunod na buwan? Sa dinami-dami ng dapat awayin bakit iyong taong tumutulong pa sa atin? Hindi ka talaga nag-iisip!"

Nanghagilap ito ng throw pillow sa likuran niya. Umatras na ako. Alam ko kasing babatuhin niya ako no'n, e. Bago niya magawa ang balak, tumunog ang phone niya. Excited niya itong sinagot. Makaraan ang ilang sandali, nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha. Tumayo ito bigla at basta na lang tumakbo palabas ng apartment. Pagbalik nito sa loob, maaliwalas na ang mukha at parang tumama pa sa lotto.

**********

"Ibang klase ka talaga ma-in love, pare," nakangising pangangantiyaw ni Akio habang tumutungga kami ng tig-isang bote ng malamig na malamig na San Miguel beer. Kami ang unang panauhin sa kabubukas na mise ni Chayong-san sa Minamikata.

"Tigilan mo ako. Wala ako sa mood makipagbiruan."

"Sino ba'ng maysabi na nagbibiro ako?"

Kumuha ako ng isang butil na mani at binato ko siya. Iniwas ng gunggong ang ulo at sinalo iyon ng bunganga. Shoot! Lalong lumawak ang ngisi niya nang nginunguya na ang mani. Gusto ko siyang batukan. Pero natigil ako nang bigla na lang nagbukas ang front door at niluwa no'n ang kanina ko pa hinahanap. Nakalugay ang lampas balikat niyang buhok. Hindi tulad ng mga kababayan niya, maitim ang tuwid na tuwid niyang buhok. Pagkamano sa tiyahin, tumuloy na ito sa likuran ng cash register.

"Hoy! Matunaw ang puwet niya!"

Tiningnan ko nang masama si Akio. Lalo itong tumawa.

"Grabe ka kasi makatingin sa pang-upo ni Ferruru-sensei. Kulang na lang ay hubaran mo na ang tao. Itago mo naman nang kaunti ang pagnanasa mo!"

Sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng mesa. Sumigaw ang hudas. Napatingin sa amin si Filipa. Nang magtama ang aming mga mata, I felt weird. Bigla akong naalinsangan sa paligid. Dapat nga nilalamig ako dahil bumaba na ang temperatura. Halos nine degrees na lang kahit autumn pa lang. Tsaka ni hindi pa gumagamit ng heater sa loob ng mise si Chayong-san. Pwede pa raw kasing tiisin ang lamig.

"Daijoubu desu ka? (Okay lang ba kayo?)" tanong sa amin ng malanding babae. Iyong laging lapit nang lapit sa amin kahit na pinapakitaan ko ng hindi maganda.

"We're fine," sagot ko sa malamig na boses sabay sulyap kay Filipa. Busy na siya sa pakikipag-usap sa iba pang Pinay na nandoon. Nainis ako. Heto't kandahaba ang leeg ko sa katitingin sa kanya, ni hindi man lang ako pinapansin ng bwisit. Ang nakakainis pa, tinatakpan ng malanding babae ang line of vision ko. Hindi ko tuloy makitang mabuti ang letseng babeng iyon.

"O, sa'n ka pupunta?" tanong ni Akio. Bigla na lang kasi akong tumayo.

Hindi na ako sumagot. Dumeretso na ako sa CR. Biglang umiba ang timpla ko nang makapasok sa loob. Pakiramdam ko naligaw ako sa pambabaeng toilet. Paano ba naman, puro pink ang paligid at ang bango. Tsinek ko nga uli ang signage sa labas. Nasa tamang CR naman ako.

Naghuhugas na ako ng kamay sa lababo nang biglang may sumigaw. Paglingon ko nakita ko si Filipa. Tila kagagaling lang din sa isa sa mga cubicles doon.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" naiinis niyang tanong sa akin.

"Alangan namang kumain. Ano kaya sa tingin mo?"

"In the ladies' room?!"

Nangunot ang noo ko. Ano ang pinagsasabi ng babaeng ito? Napatingingin ako sa kabuuan ng paligid. Bukod sa kulay rosas ang dingding, may kung anu-ano pang abubot na nakalagay sa dingding na pambabae. At nanlaki ang mga mata ko nang makakita ng shelf na mayroong napkins at tampons. Bigla akong napalabas ng pintuan at tiningnan for the nth time ang signage na nakadikit sa tabi ng pintuan. Gano'n din ang ginawa ni Filipa kaya nagbanggaan ang mga katawan namin. Nasagi nang bahagya ng siko ko ang malambot niyang dibdib. Lalo akong nag-init. Pero bago ko mabigyang-pansin ang nararamdaman halos maiyak sa frustration si Filipa. Nang mapatingin ako sa sanhi ng inis niya napangiti ako.

"See? Ako ang tama. Ikaw? Ano'ng ginagawa mo sa loob?" Nakahalukipkip na ako sa kanya ngayon. I was all smiles.

"O, ano'ng nangyayari rito?" tanong ni Chayong-san. Nasa harapan na namin ito. Narinig siguro ang sigaw ng maarte niyang pamangkin. Ang sama agad ng tingin niya sa akin. Pinagdudahan pa yata ako.

"Wala akong ginawa sa pamangkin n'yo. Siya nga sana ang may balak." Napamulagat sa narinig si Filipa. Pinandilatan niya ako.

"Dream on! Ang assuming nito!"

"Ano ba naman kasi ang pinagtitili mong babae ka?" naiinis na tanong ni Chayong-san sa pamangkin. Nakapamaywang na ito.

"Sino ang nagkabit ng signage na ito rito?" galit na ganting tanong ni Filipa sa kanya. Napatingin si Chayong-san sa signage at nagtaas ng kilay.

"Ako bakit?" tila proud pa niyang sagot.

"Tita naman, e! Bakit kanji characters pa? Pwede naman n'yong isulat na ladies' room o di kaya lagyan ng hugis babae na kulay pink, tapos! Hindi n'yo ba alam na hindi babae ang ibig sabihin ng sign na iyan?"

Nawala ang smugness sa mukha ni Chayong-san. Tumingin siya sa akin. Napangiti ako. Galit namang binaklas ni Filipa ang sign na otoko sa bandang pintuan at nilagay niya iyon sa kabilang pinto. Tapos kinuha niya roon ang totoong signage para sa ladies' room.

"No wonder, everything's pink inside," sabi ko.

Napakamot sa ulo niya ang matandang babae. Nakangisi na ang ibang mga Pinay nang bumalik ako sa mesa namin. Iyong klase ng ngisi na tila may alam silang something. I scowled at them.

"Binosohan mo raw si Ferreru-sensei?" pabulong na tanong sa akin ni Akio.

"What?! Sino naman ang maysabi niyan?"

"Aba'y umabot dito ang sigaw no'ng babae. Magtititili ba naman iyon kung wala kang ginawa? Ganoon ka na ba ka desperado? Hindi mo naman gawain ang manilip, a."

Pinaningkitan ko ng mga mata ang hudas na Akio.

"Teka, teka. Kung nanilip ka lang, hindi naman siguro maging ganoon ang reaksiyon ni Ferreru-sensei. Shit! Pinagtangkaan mo siya sa CR?!"

Nagulat ako. Hahampasin ko na sana sa ulo si Akio nang marinig kong halos napasinghap lahat ng tao sa paligid. They looked horrified. Narinig nila ang sinabi ni Akio!

"I didn't do anything!" sabi ko to no one in particular. Tinadyakan ko na sa ilalim ng mesa ang tatawa-tawang si Akio.

**********

"O, natingnan mo ba? Dali, magkuwento ka! Gaano ba kalaki? Anaconda ba o bulate?"

"Ate Roselda naman, e! Naniwala ka naman doon?" At galit kong tinapunan ng tingin ang mesa ng mga hinayupak. Hayun at tila naghaharutan pa ang mga bwisit. Gago talaga! Hindi ko alam na may pagka-kiss and tell siya! Ang yabang. Ni wala ngang ginawa, e. Teka. Ba't para naman akong dismayado na wala nga siyang ginawa sa loob ng CR kanina? Pinilig-pilig ko agad ang ulo para itaboy ang isiping iyon.

"Ayaw mong magkuwento dahil maliit? Okay lang iyan. Hindi naman ako maniniwala sa iyo kung sasabihin mong anaconda. Wala pa akong kakilalang Hapon na may malaking itits. Puro mga bulate iyan kahit gaano man kalaki ang kaha ng katawan."

Nag-init ang pisngi ko. Hindi na ako nagsalita. Sa halip ay tinalikuran ko na lamang ito. Hindi ko na yata kayang manatili pa sa lugar na iyon habang nandoon siya. Naiinis ako. Sa tuwing naaalala kong sinagi niya kanina ang dibdib ko, nanggigigil ako sa galit. Pakiramdam ko kasi'y sinadya ng hudas.

Hindi naman ako pinigilan ni Tita Chayong nang magpaalam akong mauuna na sa apartment namin. Nagbilin lang na mag-ingat ako dahil malayu-layo sa Hankyu Kita-Senri Station ang lugar namin. Kailangan ko pang lakarin ng sampong minuto. Buti nga kamo at iisang tren lang ang sasakyan ko mula sa bago niyang mise na malapit sa istasyon ng Hankyu Minamikata.

Naglalakad na ako papunta sa bago naming tirahan nang bigla na lang may humintong puting van sa tabi ng dinadaanan ko. May sumilip na mama at tinanong ako kung saan ako pupunta sa magalang na boses. Kinabahan ako agad. Mukha siyang disente pero ang weird namang magtanong ng ganoon sa isang babae sa disoras ng gabi. Hindi ako sumagot. Dali-dali akong naglakad. Paglingon ko, nakita ko siyang umibis ng sasakyan. Nakasuot na siya ngayon ng white facial mask na ginagamit ng karamihan kapag inuubo. Lalo akong ninerbiyos. Naglakad-takbo ako at ganoon din ang ginawa ng lalaki. Makaraan ang ilang segundo naramdaman ko ang paghablot niya sa braso ko. Napasigaw ako. Magsisisigaw pa sana ako, pero maagap niyang natakpan ng kamay ang bunganga ko. Pinagpawisan agad ako nang malapot. Pero kung gaano niya kabilis na nagawa lahat iyon, gano'n din niya kabilis akong binitawan. At nakita ko siya na napasubsob sa sementadong daan. Babangon pa uli sana ang mama pero may tumadyak na naman sa kanya. Nagpagulung-gulong siya sa semento.

"Kaito!" sigaw ko. Half in relief and half in shock.

Sinamantala ng mama ang pagkalingat ni Kaito. Dali-dali itong bumangon at tumakbo sa naghihintay na van. Pagakapasok nito sa loob, sumibad palayo ang sasakyan.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Kaito sa akin.

"O-oo," sagot ko sa mahinang tinig. Bigla akong nahiya. Tinarayan ko siya kanina sa mise ni Tita Chayong pero heto't utang ko na naman sa kanya ang kaligtasan ko.

"Sa susunod, huwag ka nang dumaan sa mise ng tiyahin mo. Dumeretso ka na rito mula sa klase mo sa school. Kita mong delikadong maglakad dito sa gabi."

"Safe naman dapat sa lugar na ito. Ewan ko ba kung bakit ito nangyari ngayon rito."

Napatingin siya sa akin na tila may gustong sabihin, pero he seemed to have changed his mind.

"Hindi ka nakasisiguro. Dapat kang mag-ingat."

Yumuko ako sa kanya nang bahagya at nagpasalamat. Nakatingin lang siya sa akin. Bago pa siya makapagsalita, dali-dali na akong naglakad palayo. Kahit hindi ko lingunin, naramdaman ko ang pagbuntot niya. Hindi na ako nagreklamo pa. Mas nanaig ang takot kong balikan ako ng mama kaysa sa naramdaman kong pagkaasiwa.

Nang nasa tapat na kami ng building namin, hinarap ko siya at nagpasalamat uli bago pumasok sa elevator. Sumunod pa rin siya.

"Safe na ako rito. Nandito na ako sa amin."

Hindi siya nagsalita. Akala ko ihahatid lang niya ako hanggang sa pintuan ng unit namin, pero pumasok pa talaga ang damuho. The moment we got inside, sinambilat niya ako at biglang kinuyumos ng halik sa labi.

"Ano ba!" reklamo ko pa sana, pero nalunod iyon sa mapusok niyang halik.

Naramdaman ko na lang na nakalutang na ang mga paa ko't nakalingkis ang mga hita sa baywang niya. Diniin niya ang likuran ko sa nakalapat na pinto habang hinihimas-himas ang magkabila kong hita. Narinig ko siyang napaungol. Natigil ang pagbabayo ko sa dibdib niya nang maramdaman ko ang matigas na bukol na kinikiskis-kiskis niya sa sugpungan ng mga hita ko. Ako naman ngayon ang napaungol. May naramdaman akong mamasa-masang lumabas sa ano ko at tila nawalan ako ng hiya. Ako na mismo ang kumiskis ng ano ko sa namumukol sa kanyang harapan. Napasinghap siya at dahan-dahan niya akong binaba.

"Fvck!" tila galit niyang wika sa mahinang tinig. Dahan-dahan niyang dinilat ang namumungay na mga mata at tiningnan ako nang masama. "Mag-lock ka ng pinto."

Pagkasabi n'yon dali-dali niyang binuksan ang pinto at walang lingon-likod na lumabas ng unit namin. Galit na galit ako. Tila naisahan na naman ako.

Continue Reading

You'll Also Like

4.9K 80 41
When you love, maraming circumstances kung saan you decide on taking chances. Chances kung saan magiging masaya ka, or o mananakit ka ng iba. Sabi ng...
157K 6.2K 79
A sole survivor of a plane crash was told by a fortune teller to find a certain woman and marry her in order to escape an impending death. *unedited*
503K 19K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...