Good To You

By winglessbee

165K 5.9K 692

She's full of angst, who wears baggy clothes and despised high heels and dresses. She's the kind of girl who... More

GOOD TO YOU
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 65
EPILOGUE

CHAPTER 64

1.2K 63 5
By winglessbee

Umalingawngaw ang tawa ni Papa sa sala. Napakuyom ako ng mga palad at napapikit ng mariin dahil sa nararamdaman ko. Tangina lang.

"Totoo na ba talaga yan?!" Masayang tanong niya.

Kitang kita ko ang dahan dahan na pagtango ni Cone. Hindi ko na hinintay pa yung sasabihin ulit ni Papa at mabilis na 'kong umakyat sa hagdan para magkulong sa kwarto. Pero hindi pa rin naawat si Papa dahil narinig ko ulit yung malakas na tawa niya na parang tuwang-tuwa siya sa nangyayari. 

I clicked my tongue.

Sa pagkakaalam ko, walang tatay ang natutuwa kapag may manliligaw na ang anak niya. Napailing ako. Nilock ko yung pinto ng kwarto saka nahiga sa kama at tumitig sa kisame.

Liligawanan na daw niya 'ko.

Napakahawak ako sa dibdib ko. Eto na naman yung kabog sa puso ko. Seriously. Kailan ba 'to mapapagod? Atsaka, sinabi lang naman niya na manliligaw siya pero bakit ganito ang reaksyon ko? As if ako yung manliligaw at sinagot niya agad ako. Nakakaloka!

Huminga ako nang malalim at nagtaklob ng unan sa mukha. Ang hirap ng ganito. Kung alam ko lang edi sana napigilan at naagapan ko na bago lumala. Jusko. Hindi ko alam na ganito pala magmahal. Nakakabaliw. Ni hindi ako sigurado sa kanya. Nakakapuyat, nakakawalang ganang kumain mag-isip. Hindi sya maganda sa kalusugan kaya sana may lunas pa to.

xx

"Himala, napadpad ka yata rito? What do you need?" Tanong ni Yanna pagkapasok ko sa kwarto niya.

Hindi ako nakatulog nang maayos kakaisip kaya naman maaga akong umalis ng bahay at nagpunta kina Yanna. Pinaningkita ko siya ng mga mata nang mapansin ko agad yung librong hawak niya. "Hindi mo yata hawak ngayon ang cellphone mo?"  Tanong ko imbis na sagutin yung tanong niya.

I saw her rolled her eyes, "I love reading! Masama ba?"

Umiling na lang ako at hindi na siya pinatulan kahit hindi kapani-paniwala yung sinabi niya. Ako pa bang lolokohin niya? Pinaka ayaw niya ngang magpunta sa bookstore tapos bigla na lang siyang magbabasa?

"Nasaan na yung jar na kinuha mo sa kwarto ko?" Tanong ko pagkaupo ko sa gilid ng kama niya.

She quickly closed the book she pretended reading and focused her attention on me while grinning widely. Pinaningkitan ko siya ng mga mga habang sinasalubong ang mga tingin niya na akala mo may sinabi akong bagay na hindi niya inakalang lalabas sa bibig ko.

"Why'd you ask?"

I frowned. "Masama bang itanong kung nasaan ang gamit ko?"

She rolled her eyes but grinned nevertheless. Ang sarap lang dukutin ng mga mata niya.

"Now, it's yours. Akala ko ba ayaw mo sa mga panda? Why got curious all of a sudden?"

Napailing ako saka tumayo. Sayang lang ang effort ko sa pagpunta dito, wala rin naman pala akong mapapala.

"Where are you going?" Tanong niya.

"Uuwi na, wala kang kwenta kausap." Sagot ko saka mabilis na lumabas ng kwarto niya.

I heard her chuckled pero hindi ko na lang pinansin. Baliw na talaga ang isang yun. Tuloy- tuloy lang ako sa pagbaba ng hagdan hanggang sa makasalubong ko si Tita Britanny sa pinaka dulo.

"O, Pam. Uuwi ka na?" tanong niya.

I nodded and just smiled as answer.

"Dito ka muna, pupunta dito ang Kuya ko"

"Po?" Nagtatakang tanong ko.

Anong kinalaman ko sa Kuya niya?

Bigla siyang tumawa na mas nagpakunot sa noo ko. Ngayon, hindi na 'ko magtataka kung bakit ganun si Yanna. Like mother, like daughter. Wala naman kasing nakakatawa sa tanong ko dahil hindi ko pa naman nami-meet ang buong angkan nila. Tss.

"He's bringing his family. Join us since you're going to be part of it soon." She continued, grinning.

I politely declined the offer at halos tumakbo na ako palabas ng bahay nila after marinig yung sinabi niya. Sino ba namang hindi kakabahan kapag sinabing magiging part ka ng family? Jusko. Aatakin yata ako sa puso kahit wala akong sakit sa puso!

Umiling ako ng umiling para lang maaalis lahat ng gumuhulo sa utak ko. Halos mahilo na nga ako kaya tumigil na 'ko. Linagpasan ko yung bahay namin at nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa playground. Tirik pa ang araw kaya walang mga batang naglalaro.

Naghanap ako nang mapupwestuhan pero bago pa man ako makarating sa malaking puno, may biglang tumawag sa atensyon ko.

I was going to ignore it but the voice didn't stop calling out my name. Malay ko bang ako yung tinatawag? Aware naman ako na maraming Pamela sa mundo.

"Pamela Reyes-Perkins!"

My steps halted instantly. Heto na naman yung malakas na kabog ng puso ko na parang naging automatic na kapag may mga ganyang pangyayari. Kingina. Hindi pa nga ako kumakalma!

I took a deep breath and exhaled loudly. Dahan-dahan akong lumingon sa direksyon nang pinanggalingan ng boses at gusto ko na lang tumakbo pabalik sa bahay. Hindi pa kasi ako prepared! Leche.

Gusto ko muna ng break. Kahit isang araw lang at baka sakaling makaisip na 'ko ng lunas sa puso ko.

"Hinahanap mo ba 'ko? Sorry, may pinaggawa kasi si Dad," ngising-ngisi na sabi niya nang makalapit siya sakin habang nakapmulsa. 

Mabilis akong nag-iwas ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa malaking puno pero napatigil ako ng hatakin niya ko sa braso papunta sa swing na pinanggalingan niya. 

"Suplada mo talaga pero ayos lang," narinig kong bulong niya. 

Hindi na lang ako umimik at kunwaring walang narinig habang nakatitig lang ako sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa braso ko. Ayoko ng hinahawakan ako but the warm of his palm against my skin somehow, felt strangely relaxing.

Pinaupo niya 'ko sa swing at puwesto siya sa likuran ko at dahan-dahan akong itinulak. Hindi ako nagreklamo at hinayaan lang siya dahil alam kong wala rin naman akong magagawa at magsasayang lang ako ng laway kung susubukan kong magprotesta.

I was trying to calm my heart and silently prayed na matapos na 'to dahil nahihirapan akong magpanggap na walang nararamdaman sa kanya. I was not used to this kind of feeling na parang bawat araw nagiging intense lalo na kapag nakikita ko siya, habang yung doubt unti-unting nilalamon ng pakiramdam na yun at natatakot ako na baka hindi na 'ko makaalis pa.

Ayoko non. Ayokong magaya sa iba na hinayaang mahulog ang sarili.para lang umiyak at masaktan.

"My family's coming here later," sabi niya. "And they wished to see you."

"Pinagsasabi mo?"

"Troy misses you.."

Bahagya akong tumango ako. Miss ko ba din naman yung batang yun pero ngayong may feelings na 'ko sa Kuya niya, hindi ko na yatang magpakita lalong lalo ba sa mga magulang nila. Ano na lang ang sasabihin nila?! At ni hindi nga ajo sigurado kung seryoso o napipilitan lang ang isang to. 

"Pero hindi kita ipapakita sa kanila Kikay," dagdag nito saka huminto sa pagtulak sakin sa swing at pumunta sa monkey bar.

Kunot-noo ko siyang sinundan ng tingin.  "Ano?" naguguluhang tanong ko.

"I won't let my family see you, even if you want to," sagot niya na nagpahinto saglit ng tibok ng puso ko.

I was not that naive in terms of relationship. Nagbabasa ako ng libro at ilan sa mga nabasa ko ay mayroon halong romance at shits. I know meeting a family is on next level. Meaning, seryoso talaga. So, kung ganyan yung sinabi niya.. Ibig sabihin tama ang hinala ko na napipilitan lang siya. Siguro nakulitan na siya kay Papa. Sino pa bang mamimilit sa kanya kundi ang Papa ko lang naman. Tsk.

Pumikit ako at huminga ng malalim. Hindi ko alam na ganito pala kasakit kapag makumpirma na yung gusto kong kumpirmahin. At kahit ayoko mang aminin, umasa ako. Kingina lang.

Tumayo ako at dahan dahang naglakad papunta sa monkey bar kung nasaan siya. Mabilis siyang tumalikod sakin kaya hindi niya nakita kung gaano kasama ang tingin ko sa kanya. Gusto ko siyang pagsusuntukin.

Tumigil ako sa harap niya habang tinitingnan siya ng masama pero nawala lahat ng sasabihin ko nang bigla siyang nagpatihulog patalikod habang nakasabit ang mga binti niya sa bars.

Biglang nabaling ang tingin ko sa kwintas niya na nahulog sa bandang labi niya. At kitang-kita ko ang pagslow motion ng pagangat ng magkabilang gilid ng labi niya.

"Nabasa mo?" he asked. "I've been wearing this for so long now but I haven't seen you wearing yours,"

"Wala akong ganyan," mabilis na sagot ko.

Mas lalo siyang nagngising aso sa sinabi ko, "I gave you one. Pair 'tong pinagawa ko. Magkabaliktad lang para hindi mo mahalata," he chuckled but groaned eventually at umayos na ng upo sa ibabaw ng monkey bar habang ngising-ngisi pa rin. "I'm that crazy for you Pam, kahit hindi pa ako aware."

I want to clutch my chest and scold it to stop beating fast. I have to remind myself that he's not serious. Na wala siyang balak ipakita ako pamilya niya. Hindi ako katulad ng ibang babae na mabilis mauto dahil sa matatamis na salita.

"Wala akong alam sa pinagsasabi mo. Wag mo na ngang bilugin ang ulo ko. Tumigil ka na." Sabi ko saka siya tinalukuran at humakbang palayo.

"Wait! Ah--"

Hindi ko na sana siya lilingunin kung hindi lang dahil sa malakas na galabog na narinig ko. Parang biglang huminto na naman yung tibok ng puso ko nung makita ko si Cone na nakasalampak na sa sahig at hindi gumagalaw. My eyes widened as I gasped, horrified.

"Cone!" Sigaw ko saka mabilis na tumakbo pabalik sa kanya. "Syet. Cone!" Mabilis kong pinasadahan ang buong mukha niya at kinapkap yung ulo niya kung may dugo.

My hands were shaking and im on the verge of tears when I felt a warm touched my upper arm. 

"I knew it. You care for me," ngising-ngisi na sabi niya.

Yung kaba at takot ko parang bulang biglang nawala at napalitan ng galit. Bigla ring umatras yung luha ko habang sinasamaan ko siya ng tingin. Kitang-kita ko yung pagningning ng mga mata niya na parang tuwang-tuwa pa siya sa itsura ko, kaya naman buong pwersa ko siyang tinulak na dahilan para sumubsob siya sa lupa. Gustong-gusto kong ingudngod ang pagmumukha niya sa lupa hanggang sa manghiram siya ng mukha sa aso. Tangina lang.

Ayoko sa lahat yung pinagtritripan ako, e!

Mabilis akong tumayo at iniwan na lang siya nang tuluyan nang walang lingon-likod hangga't nakakapagpigil pa 'ko. Tangina! Never akong kinabahan ng ganon tapos niloloko lang pala ako! Kung hindi ko lang siya mahal, hindi na 'ko nakapagpigil at mabilis ko na siyang nakaladkad sa kalsadang gago siya! Kingina.

"Pam!" Narinig kong sigaw niya pero hindi ko siya pinansin at mas binilisan ko pa yung lakad ko. "I'm sorry! Pam!"

I scoffed. Tumigil ako sa paghakbang at tumingin sa kanya. Hindi ko na lang pinansin yung itsura at dinaan na lang siya sa sama ng tingin.

I had enough.

Kung akala niya maloloko pa niya ko, pwes nagkakamali siya. Feelings lang naman 'to na pwedeng mawala anytime. Hindi ko kailangan ng love, at lalong hindi ko kailangan ng lalaki.

"I'm sorry. Sinubukan ko lang naman kung mag-aalala ka," sabi niya habang papalapit sakin.

Pinanliitan ko siya ng mga mata, "Hindi ako manhid, Cone. Kaya pwede ba tigilan mo na kung anuman ang binabalak mo, hindi ako nakikipaglaro sayo," sabi ko at mabilis na 'kong tumakbo hanggang sa makauwi ako ng bahay at nagkulong na lang sa kwarto.

xxxxx

A/N: Last chapter na next at pag-iisipan ko kung may epilogue 😊 Thankyou for waiting!

Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 172K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
256 51 21
LIFE ARC SERIES #1 COMPLETED. "On the verge of giving up. May was adopted by a household that treated her as their own. She felt like she belongs to...
11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
336K 4.9K 23
Isang kasunduan sa pagitan ni Jocas Española at ng ina ni Josef Malavega ang dahilan ng kanilang kasal. Dalawang taong sinubukang mamuhay nang matiwa...