Good To You

By winglessbee

165K 5.9K 693

She's full of angst, who wears baggy clothes and despised high heels and dresses. She's the kind of girl who... More

GOOD TO YOU
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 64
CHAPTER 65
EPILOGUE

CHAPTER 63

1.3K 68 9
By winglessbee


Nanlaki ang mga mata ko at nag-iwas agad ako ng tingin. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko ng palihim pero hindi yun nakaligtas sa mapanuring mata ni Yanna.

"Why am I so happy seeing you like that Pam?" tanong nito. "Why are you nervous anyway?"

Huminga ako ng malalim saka pokerface na bumaling ulit sa kanya. Mukha siyang tuwang tuwa sa naging reaksyon ko at narealize ko na hinuhuli niya nga lang ako. Kingina. Kakasabi ko lang na dapat mag-ingat. Ang tanga ko. Badtrip!

"Anong nakita mo?" kalmadong tanong ko. 

Umangat ang kaliwang kilay habang hindi na naalis yung ngisi niya. "Pag sinabi ko ba, papatawarin mo na 'ko?"

Kumunot ang noo ko. Actually, hindi ko na magawang magalit sa kanya kahit na nagsinungaling siya. Masyado akong naooverwhelm sa lahat ng nalaman ko ngayong araw kaya wala na kong panahon magalit. Tumango na lang ako dahil tinatamad na 'kong magsalita. Sayang ang laway.

"You're really that eager to know huh? May idea ka ba?"

Pinaningkitan ko siya ng mga mata pero ang walanghiya, tumawa lang na akala mo napoposses. Pinanood ko lang siya hanggang sa maubos ang kaligayahan niya pero mukhang imposible yung mangyari kasi simula ng maging okay sila ni Raven, siya na yata yung pinakamaligayang tao sa mundo. Tsk.

"Sasagutin mo ba o tatawa ka na lang dyan? Kung hindi mo sasagutin, lumayas ka na lang sa kwarto ko," naiinis na sabi ko.

Ayoko pa naman sa lahat, yung pinaghihintay ako.

"Short tempered mo talaga. I really wonder what my cousin have seen in you"

Napairap ako. Ayan din ang tanong ko kaya hindi ako agad naniwala sa hampaslupang apa na yun. Hindi ko akalain na wala siyang taste palibhasa, wala rin naman akong taste kung tutuusin.

"Ang dami mo pang sinasabi," nasabi ko na lang.

Nag-indian sit siya saka nagpangalumbaba habang tinititigan ako. Hindi agad siya nagsalita pero kitang kita ko sa mga mata niya na may alam siya sakin na hindi ako aware.

"You like him, right?" sabi nito, finally.

Nag-iwas agad ako ng tingin. Hindi talaga ako marunong magsinungaling. Kingina. At hindi rin pala ako marunong magtago ng feelings! Ganun na ba talaga ako kaobvious? Kaya ba ganun na lang yung ngiti ni Cone kanina kasi alam niya rin?! Ugh! Hindi pwede! Hindi niya pwedeng malaman!

"C'mon Pam! You're so obvious kaya no! And im your best friend, you think you can hide something from me?"

I sighed in defeat. Bagsak ang balikat kong binagsak ang katawan ko sa kama saka pumikit. Buking na 'ko kaya aamin na lang ako. Hindi ko akalain na ganito pala kahirap to. Sana pala hindi ko na lang narealize para mas madaling itago at itanggi.

"Sobrang obvious ba?" pabulong na tanong ko.

Narinig ko siyang biglang tumili at inalog ang katawan ko. "Oh my gosh! Pam! Nakakainis ka! Gosh! I can't believe it!"

Napabangon ako bigla at pinandilatan siya ng mata. "Wag mong sabihing hinuhuli mo lang ako? Masasapak talaga kita Yanna!"

She gasped. "What? Of course not! I knew it na no. But I still can't believe that you really like him! Gosh Pam! Kailan pa?"

Napabuntong hininga na naman ako ng sobrang lalim. Hindi ako makasagot kasi hindi ako sigurado kung kailan 'to nagsimula pero sigurado ako na hindi lang pagkagusto yung nararamdaman ko, pero hindi ko siya itatama. Bahala siya sa buhay niya. Bakit ba kasi ganito pala kahirap to?

"Ewan ko"

"Pwede ba 'yon?" tanong nito na napakunot pa ang noo.

"Eh, hindi ko alam eh"

"Fine! Sungit. Sabihin mo na lang sakin kung ano yung napifeel mo everytime he's around?"

Tiningnan ko muna siya ng masama pero hindi siya natinag kaya napapikit na lang ako. Saglit munang katahimik bago ako nakapagdesisyon na magsalita. Tutal, nabuking na rin naman ako, itotodo ko na.

"Para akong palaging aatakihin sa puso," umpisa ko.

Narinig ko na naman siyang umirit, nakakaririndi! Kaya hindi ko na tinuloy pero hinampas niya ko sa braso at pwersahang pinatuloy yung kwento. Tsk.

"Gusto kitang sabunutan"

"Ako? Why me?" kunot noong tanong ni Yanna.

Tumingin ako sa kanya ng walang ekspresyon. "Tanungin mo sarili mo," sagot ko saka pumikit ulit.

I heard her laughed. Baliw na talaga tong isang to. Hindi na 'ko magugulat isang araw, sa mental hospital ko na to bibisitahin kasama yung jowa niya.

"Nainis ka sakin kasi akala mo talaga nagswitch na 'ko ng OTP?" tuwang-tuwa na tanong nito. "Now I get it kaya pala lagi kang nagwowalk out!"

"Manahimik ka na nga!" saway ko.

"No! I won't shut up. Ano pa? I want to know everything Pam!"

"Tss. Wala na!"

"Hindi ako naniniwala. Hhm, hulaan ko.. Gusto mo ring sabunutan si Ashley, right?"

Hindi ako sumagot. Obviously, gustong gusto ko kaya nga mas pinipili ko na lang na lumayo kesa manakit. Hindi ako napatol sa babae.
"Silence means yes! And eto pa. Gusto mo ring saktan si Trystan kasi akala mo member siya ng mga lalaking paasa at two-timer!"

Tumpak. Tsk! Isang malaking paasa  naman talaga ang lalaking yun kaya kahit alam ko na ang lahat, gusto ko pa rin siyang saktan. Nakakagigil!

"Silence means yes again! Best friend, it's confirmed. You really like him!" announced nito na para bang hindi ko alam.

Kung alam niya lang, baka hindi lang ganyan reaksyon niya.

Napailing na lang ako at hindi na nagsalita. Bahala siya diyan basta ako, medyo gumaan na yung pakiramdam ko kasi nashare ko na yung deepest and darkest secret ko kahit slight lang sa katotohanan.

Nahiga na rin siya sa tabi ko at tahimik lang kami hanggang sa magsalita ulit siya.

"Hindi talaga kaya ng bibig mong hindi bubuka no?" sarcastic na tanong ko.

Hinampas niya ko sa braso kaya sinamaan ko siyang tingin.

"Do you think magiging friends kayo ni Ashley?" tanong nito.

Nagsalubong ang kilay ko. Hindi sumagi sa isip ko yun dahil wala naman akong balak magwelcome ng bagong kaibigan. Masakit na nga sa ulo yung apat, iisipin ko pa bang magdagdag? No, thanks.

"Hindi ko na kailangan ng bago," diretsong sagot ko.

"Who knows?"

Umiling ako. Sabagay, yung tatlong mokong nga pinagpilitan sarili nila e. Pero duda ako kay Ashley.

"What if, sabihin ko sayong.. same kayo ng slight lang?"

Napatingin ako bigla sa kanya ng nagtataka. "Imposible. Hindi ako naniniwala," sabi ko.

Nginitian niya ko. "It's true! I've talked to her many times na and I was really surprised na hindi talaga siya ganun kamaldita. She's more like a serious type or she'd just changed. I don't know"

Umiling ako. Hindi ko naman siya kilala kaya ayoko na lang ako magreact. Hindi naman ako judgemental, medyo lang. Saka wala din naman akong alam sa totoong relasyon nila. Kainis lang, ang lakas magdemand ng hampaslupang apa na yun pero hindi naman siya nagpapaliwanag! Tss.

"Hindi ko pa rin sila gets tho"

"Sino?"

Lumingon sakin si Yanna saka nagbuntong-hininga. "Trystan and Ashley," sagot nito. "I don't really get Trystan. I understand Ashley pero yung ginagawa ni Trystan is too much. Don't you think so?"

"Wala akong naintindihan sa pinagsasabi mo"

Bumangon siya saka tumitig sakin. "Hindi pa niya sinasabi sayo?" nagtatakang tanong nito.

Napakunot ang noo ko kaya napailing siya at nahiga ulit.

"Ask him Pam. Pero I'm gonna warn you na kahit pinsan ko siya, if he ever hurt you, I won't think twice to hurt him thrice the pain he gave you"
"Baliw"

"Im serious! Im telling you, magmamakaawa yun sakin. Huh! I won't forget this day. That ungrateful guy!"

Napailing na lang ako ay napangiti. At least okay na ang puso ko, at medyo kumalma na. Ayoko na munang isipin yung kay Ashley at Cone. Sarili ko muna dapat at hindi ibang tao dahil ako ang kokontrol sa sarili ko para hindi ako matulad sa iba na nagiging tanga. Hindi ko hahayaang mangyari sakin yun!

Bumangon na 'ko at pumasok sa banyo para maligo ng mahimasmasan at mawash out ang stress ko sa katawan. Sinadya kong tagalan para mainip si Yanna at umalis na lang kasi gusto ko nang magpahinga, pero mukhang persistent si Yanna at wala pang balak umuwi at talagang nakangiti pa rin habang nakaindian sit sa kama ko at nagbabasa ng kung anong laman nung jar.

"Ano yan?" tanong ko habang tinuturo yung jar.

Nag-angat siya ng tingin sakin at mas lalong lumaki yung ngiti niya na ang creepy na tingnan.

"This is so sweet, Pam! Why didn't you tell me about these?" She shrieked.

"Paano ko sasabihin e hindi ko nga alam kung ano yan"

She rolled her eyes at pinakita sakin yung hawak niyang maliit na papel na mukha ng panda, "Alam mo, you're so dense talaga. This was written months ago at hindi ka man lang naghinala?" tanong niya nang may kasama pang pandidilat ng mga mata sakin.

"Pinagsasabi mo?"

"Oh my gosh! Poor Trystan!" sabi nito habang tumatawa, "He gave this to you, right?" tanong ulit niya.

Kumunot ang noo ko habang tinititigan yung jar na may lamang maliliit na mga mukha ng panda. Siguro? Siya lang naman yung siraulong bigay ng bigay ng kung anu-anong may mukha ng panda e.

"Saan mo ba nakuha yan?" tanong ko ulit nang hindi ko maalala kung akin nga ba yun, pero kung nandito sa kwarto ko, malamang sakin nga.

"Hindi mo talaga maalala?"

Umiling ako. Tao nga naman. Magtatanong ba ko kung alam ko?

Tiningnan niya muna ako nang matagal saka tumayo at ngumiti na parang may naisip na naman na bright idea. I can imagine a light bulb above her head. Tss. Ang pangit.

"Let me keep this," sabi nito.

I tilted my head at tumaas ang kilay ko. "Aanhin mo naman yan? Saka anong meron dyan?" tanong ko habang tinititigan yung jar.

Hindi ko talaga siya maalala, kingina. Nainlove lang ako nagkaamnesia na yata ako? Ang dami namang side effect! Hindi ko na talaga gusto to.

"Basta. Hindi mo pa naman nababasa 'to, right?"

Umiling ako bilang sagot saka tinuon na lang ang focus sa pagpapatuyo ng buhok. Pakielam ko ba sa mga mukha ng panda na yun? Hindi ko sila gusto, ang pangit kaya ng panda.

"Trystan would really beg me," bulong nito.

Napailing na lang ako. Hindi ko na talaga maintindihan kung anong pinaglalaban niya. Baka ako pa yata ang unang mapasok sa mental kesa sa kanya dahil sa mga siraulong nakakasama ko. Jusko.

Nagpaalam na siya sa wakas, pagkatapos ng monologue speech niya at lumabas ng kwarto dala dala yung jar na effort niya pang binalot sa hoodie na hiniram sa cabinet ko. Napailing na lang ulit ako. Ayoko nang mag-isip ng kahit ano ngayon at gusto ko na lang matulog. Kung ano man ang binabalak ni Yanna, bahala na siya. At kung ano man ang mangyayari sakin at sa selfish na puso kong fifty fifty na, bahala na rin. Basta alam ko, ayoko nito.

xxx

Maaga akong nagising kinabukasan at hindi na 'ko nagulat nang makita ko si Cone na nagluluto sa kusina. Medyo assuming na rin ako.

"Good morning, Kikay!" masiglang bati nito habang nagbabati ng itlog.

Hindi ko siya pinansin at diretso lang ako sa coffeemaker para magtimpla ng kape ang kaso, pinigilam ako ni Cone sa pagkuha ng cup at hinila paaupo sa silya.

"Ako na," sabi nito habang ngiting ngiti.

Nag-iwas agad ako ng tingin. Ang aga-aga, pinapakaba agad ako! Tsk.

Hindi pa rin ako umimik hanggang sa malapag niya yung kape ko bago nagpatuloy ulit sa pagluluto ng kung ano. Pinanood ko na lang siya. Hindi ako observant na tao pero hindi ko maiwasang obserbahan ang bawat galaw niya. Ano bang nagustuhan ko dito? Sa dami naman ng lalaki.

I sighed.

Humihigop ako ng kape nang matapos siya sa pagluluto at nilapag yung plato na may tatlong pancake sa harap ko.

"Eat.." utos nito.

Hindi ko siya pinansin na parang hindi naririnig. Naupo siya sa harap ko at nagpangalumbaba at hindi na inalis pa yung tingin sakin. Naramdaman ko yung pagrarumble ng kalamnan ko kaya nagkunwari na lang akong nageenjoy sa kape.

"Aga mong natulog kagabi, hinintay kita," biglang sabi nito.

"Sino may sabi sayong maghintay ka?" sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya.

"I will always wait for you," makahulugang sinabi nito.

I frowned at him pero nginitian na lang niya ko saka mas tinulak palapit sakin yung pancakes.

"Kain na, wag na wag mong isiping magdiet ha? Hindi bagay sayo," natatawang sabi nito.

Sinamaan ko siya ng tingin. Kapal ng mukha nito! Saka anong diet? Hindi uso sakin yun! Tsk.

Hindi ko siya pinansin at kumain na lang ako. Ramdam ko yung titig niya pero inisip ko na lang na multo lang siya at hindi ako takot sa multo hanggang sa maubos ko na yung kinakain ko. Tumayo ako ng walang sabi sabi at iniwan siya sa kusina. Pero hindi siya si Cone kung hindi siya magiging parang bibe na susunod sakin na akala mo ako yung inahin. Sa garden ako dumaretso at naupo sa gitna ng swing. Sinamaan ko na agad ng tingin si Cone para hindi na niya maisipang sumiksik pa sa gilid ko pero ang walanghiya, pinagpilitan talaga ang sarili. Tsk!

"Umuwi ka na nga sa inyo!" I hissed.

"Ayoko nga. Dito lang ako hanggang mamaya," sagot nito.

Umirap ako saka umusod palayo sa kanya. Kailangan ko ng personal space. Nagsisimula na namang tumambol ang puso ko. Kingina.

"Kikay.."

"Ilang beses kong sasabihin sayong hindi yan ang pangalan ko?!"

"But it suits you," nangingiting sagot nito.

I glared at him pero kagaya ng dati, mas lalo lang siyang ngumiti na para bang may nakakatuwa sa pagtingin ko ng masama sa kanya.

"Siraulo," I muttered.

"Nasisiraan ng ulo sa'yo," he countered.

"Ano?! Baliw ka na!"

"Baliw na baliw sa'yo"

Napasinghap ako at mabilis na tumayo at sinuntok ang braso niya. "Gago!" I hissed, griting my teeth and stormed inside the house.

Narinig ko pa yung paghagakpak niya ng tawa kaya mas lalo akong nainis. Siraulong hampaslupang apa. Bwisit siya! Bakit ba sa baliw na yun pa 'ko nagkagusto? Ugh!

"Oh, anak? Ang aga aga nakasimangot ka na agad? Nasaan si Trystan?"

Mas lalo akong napasimangot at natawa nan si Papa. He patted my head saka tumango na parang naiinitindihan niya. If I know, mas kampi yan sa hampaalupang apa yon.

"Inasar ka na naman no? Kayo talaga, ang sweet sweet niyo"

"Papa!"

Tumawa ulit to. "Joke lang! Masyado kang seryoso, tatanda kang dalaga niyan"

Umirap ako. Sino bang may sabing may balak akong mag-asawa? Tss.

"Imposible yan, Papa"

Napalingon ako sa nagsalita. Pinaningkitan ko ng mata si Cone na ngising ngisi habang papalapit samin.

Anong ibig nitang sabihin sa imposible? Ako ba talaga pinagloloko ng isang to? Pasalamat siya may feelings ako sa kanya kung hindi nasipa ko na siya palabas ng bahay.

"Imposible?" tanong ni Papa.

Cone nodded vigorously. Tumigil siya sa harap namin at hindi na nawala yung malaking ngiyi niya habang nakatitig sakin. Mayabang na nagpamulsa siya sa harap ko saka tumingin kay Papa.

"Hindi magiging matandang dalaga si Kikay hangga't nandito ako"

I frowned. Heto na naman yung malakas na kabog sa dibdib ko. Ayokong mag assume sa maaaring ibig niyang sabihin pero.. tangina lang. Umaasa ako! Syet! Fvck you Cone. Anong ginagawa mo sakin?!

Para akong nabato sa kinatatayuan ko nung binalik niya ang tingin sakin. His hooded eyes sparkled, kahit na nakangiti siya, hindi ko na makita yung humor doon. Mas lalo akong kinabahan sa titig niya. May riot na sa sikmura ko, buhay na buhay ang kalamnan ko.

"Liligawan ko na siya.. Papa," he said that made my knees went jelly.

Enough. Ayoko na.

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 148K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
4.1K 370 40
Oliveros Series #1 Kierre, a college Tourism student who only thinks about her studies, she just wanted to graduate peacefully. She has no interest...
1.1K 144 14
Pagmamahal ang nagbibigay kulay sa ating pamumuhay at baliw sa pag-ibig na siyang nagpapaaliw sa atin. Mga iba't ibang uri ng pagmamahal na matatamas...
10.7K 954 25
Nakamtan ang 2021 Wattys Awards Shortlist Pamilya ang pinaka-importante para sa 22-year-old aspiring screenwriter na si Lindsay, gagawin niya ang lah...