Ang Dalawang Anino ni Satanas

By GYJones

199K 13.1K 1.4K

Nagbabalik ang team ng exorcist, psychic at parapsychologist upang makipagtuos mismo sa hari ng kadiliman--s... More

Introduction
Prologue
Chapter 2: Ang Kaso ni Don Villaromano
Chapter 3: Hannah's Date
Chapter 4: Sa Mansyon
Chapter 5: The Exorcist
Chapter 6: The Possessed
Chapter 7: The Private Detective
Chapter 8: To JHS!
Chapter 9: Symbols
Chapter 10: Ang Don
Chapter 11: Merry Satanic Christmas, Joe Mari
Chapter 12: Satan!
Chapter 13: It Comes And Goes
Chapter 14: In His Own Image
Chapter 15: Infiltrate!
Chapter 16: Ang Satanic Groupie, Jesus Fish at Si Emily Rose
Chapter 17: Black Nativity
Chapter 18: Ang Green Room
INTERMISSION
Chapter 19: The Deal
Chapter 20: Madaling Araw
Chapter 21: The Raid
Chapter 22: Caroling
Chapter 23: The Vessel
Chapter 24: The Twin Enigma
Chapter 25: Christmas
Chapter 26: Game Time!
Chapter 27: Pasko sa Mansion
Chapter 28: Ang Bahay na Itim
Chapter 29: The Ritual
Chapter 30: Rescue!
Chapter 31: Reunion
Chapter 32: Double Exorcism
Chapter 33: Hypnotism
Chapter 34: Satanists Attack!
Chapter 35: Finale
Epilogue
Chapter X
ACKNOWLEDGMENTS

Chapter 1: Premiere Night

6.3K 369 23
By GYJones

Alas-sais ng gabi. Kasalukuyang nagaganap ang isang documentary film festival ng U.P. Film Insititute. Karamihan sa mga dumalo ay either mga film students o mga horror movie fanatics. Naroon sila para panoorin ang isang documentary na may kinalaman sa demonic possession.

Padilim na ang kalangitan at naglabasan na ang mga sasakyan sa kalsada. Nagmamadali ang ilang mga estudyante na galing pa sa kanilang mga klase patungo ng U.P. theatre para makahabol sa palabas. Sa loob ng campus ay dinig ang busina ng mga kotse't jeepney. Pasalungat sa papalabas na mga sasakyan ay padating naman ang kulay itim na Pajero. Sakay nito ay sina Sonny Arteza at ang kanyang fiancée na si Karen, na kapuwa excited dumalo sa film fest. Si Sonny ay mayor ng Daigdigan, isang bayan sa Quezon Province.

"Doon tayo, Gerry," turo ni Mayor sa kanyang driver.

"Yes, sir," sagot ng manong na driver.

Pumarada sa tapat ng U.P. theatre ang Pajero at nagbabaan ang mga sakay nito. Suot ng 40-something na mayor ang patented niyang black leather jacket, na pinartneran niya ng jeans at leather shoes. Maputi siya't may hitsura, at malakas ang personality. May confidence sa pagiging isang public official. Isang self-proclaimed na people person. Malaki ang agwat ng edad niya kay Karen na nasa kanyang late 20's lamang at siya ring kanyang personal secretary. Mahaba ang kanyang buhok, long-legged at may taglay na sex appeal.

"Ang daming tao," masayang sabi ni Karen. Kita nila ang mahabang pila papasok ng teatro.

"Nice!" ngiti ni Mayor Arteza.

Excited lang ang alkalde sa kadahilanang isa sa mga featured films sa festival ay walang iba kundi ang pelikula na siya mismo ang nag-direk at nag-produce—ang documentary na pinamagatang Ang Batang Ipinanganak sa Haunted House. Kauna-unahang movie niya ito na ayon sa kanya ay binase sa tutoong pangyayari na naganap mismo sa kanyang bayan halos mag-iisang taon na ang lumipas.

Ito ay ang true-to-life na exorcism ng anim na taong batang babae na nagngangalang Berta na nangyari sa loob ng isang haunted house—ang Anlunan Residence, otherwise known as Ang Bahay na Bato, na pagmamay-ari rin ng mayor at isang tourist attraction sa kanyang lalawigan. Nakatakdang ipalabas ito ng 6:30 pm at ang magandang turnout ng mga attendess ay nangangahulugang narito sila para sa pelikula niya.

Hindi karaniwan na ma-invite sa ganitong event ang isang baguhang direktor, nguni't ang pelikula ni Mayor, although hindi magandang tinanggap ng mga critics ay may malaking cult following. Ayon sa ilang kritiko, ang documentary daw ay isang fake. Na ginamitan daw ng special effects at CGI. Mariing dineny naman ito ni Sonny.

Pagdating nina Mayor at Karen sa entrance ng U.P. theatre ay naroon na't nakaabang si Jules, na isang parapsychologist.

"Jules!" bati nila.

"Sonny...Karen," balik ni Jules at nagkamayan sila at beso.

Sa paligid nagsisipagpasukan na ang mga manonood.

May nagbago kay Jules nang huli nilang nakita. Bagama't suot nito'y tulad ng dati na rock shirt, courduroy pants at rubber shoes na Vans—'yung red, at eyeglasses na blue ang frame, ang kakaiba sa kanya ngayon ay ang kanyang hairstyle. Dati'y kulot at malagong semi-afro, ngayon ay semi-kalbo na. Malayo na ang hitsura niya dati na may pagka-nerd.

"My God!" sabi ni Karen. "New look! Loveeett!"

Napangiti si Jules.

"So, how are you?" tanong ni Mayor sa kanya, may genuine na saya na makita ang kaibigang parapsychologist.

"Okay, naman, Sonny," sagot ni Jules.

"Si Hannah?" mabilis na usisa ni Karen. "Ba't 'di mo kasama?"

Nagroll ng eyes si Jules. "Haynako, sorry daw, at hindi siya makakapunta. Believe it or not, may date siya."

Napataas ng kilay si Mayor Arteza, aniya sa sarili, nagbago man ng look si Jules, ay may bagay pa rin na nananatili sa personalidad nito. Nagliwanag naman ang mukha ni Karen sa ibinalita ni Jules. Naging close kasi sila ni Hannah na isang psychic.

"Really? Yes! Good for her!" tawa ni Karen.

Last year, nagkasama sina Mayor, Karen, Jules, Hannah at iba pa sa Anlunan Residence kung saan ang parapsychologist at psychic, kasama ang kaibigan nilang exorcist na nagngangalang Father Markus ay ang grupo na nag-perform ng exorcism na siyang paksa ng documentary.

"Well, there's still a next time," intindi ni Mayor. "And maybe, makasama na rin si Father."

"Let's go na inside, baka mag-start na," aya ni Karen.

As expected, puno ng tao ang movie theater ng U.P. Film Institute. Bukas pa ang mga ilaw dahil may mga humahabol pang mga estudyante. Pasado alas-sais ng gabi, at malamig ang aircon sa loob. I-nusher sa front row reserved seats sila Mayor ng isang estudyanteng organizer at sila ay naupo. Maya-maya'y umakyat ng stage ang nakasalamin na middle-aged na film professor na nakatali ang mahabang puting buhok.

"Good evening, everyone!" hudyat sa microphone ng professor, at ang mga estudyante na karamihan ay busy sa cellphone ay nagsipagtinginan. "Bago natin ipalabas ang featured documentary for tonight, I'd like to invite the filmmaker to say a few words."

Sumenyas ang professor kay Mayor habang nagpalakpakan ang mga manonood.

Tumayo si Mayor at umakyat ng stage. "Hello!" excited na bati ni Mayor sa ipinasang microphone sa kanya. "Thank you all for coming!"

Sa kanilang upuan, masaya sina Karen at Jules para sa kanya.

Bumuwelo muna si Mayor, konting emote bago sinimulan ang inihandang spiel. "Maraming nagsasabi na fake ang movie ko," aniya. "Pero, ipinangangako ng inyong lingkod, na ang mapapanood n'yo ay walang halong special effects. Lahat ng ito'y nangyari at na-witness ko mismo. Demonic possession is real! The devil is real!"

Sinabi niya ang mga iyon na tila ba nananakot, at nag-elicit ng mga ngiti mula sa audience.

"So, prepare yourselves...for the shock of your lives!" hudyat ni Mayor.

Lumapit ang professor at kinuha ang microphone habang bumaba si Mayor at bumalik sa kanyang upuan.

"Thank you, direk Sonny Arteza for that shall I say, enticing introduction," sabi ng professor.

Lubos na ikinasiya ni Mayor na matawag siyang "direk" at binigyan niya ng snappy salute ang professor.

"Okay, shall we?" senyas ng professor sa control room sa bandang likuran ng teatro.

Namatay ang mga ilaw at nagdilim sa loob. Masayang nagholding hands sina Mayor at Karen sa pagsisimula ng pelikula. Sa white screen, makikita ang title at opening credits.

Ang Batang Ipinanganak sa Haunted House

A film by Sonny Arteza.

Nagpalakpakan ang mga manonood habang tumumbad sa kanila ang opening shot ng isang Bahay na Bato.

***

Part ng documentary ay mga interviews na tinampukan din nina Jules, Hannah at Father Markus. Ang kaibahan lang sa pari ay hindi kita ang kanyang mukha hindi tulad nina Jules at Hannah, at siya'y nakaupo sa dilim at isa lamang silhuoette. Iyon at ang boses niya'y may "muffled" effect na tulad ng ginagawa sa mga taong nasa witness protection program. Kung bakit itinago ang katauhan ng pari na exorcist, ayon sa narrator, ay para raw sa kanyang kaligtasan mula sa kampon ng kadiliman na sa kasalukuyan daw ay hina-hunting siya para mag-exact ng revenge. Yes, medyo "campy" ang director's treatment, pero, ito rin ang appeal nito kaya siya nagkaroon ng cult following. Incidentally, ang nag-voice-over ng narration ay si Karen mismo.

Karamihan sa mga college students, partikular ang mga lalaki ay agad na nagka-crush sa "cute" na short-haired na rakistang psychic, na later on tinagurian nilang "Psy-Chick"—si Hannah ay maganda at kakaiba ang appeal. May ilan din namang nagka-crush sa naka-salamin at semi-afro na lalaking parapsychologist, na ngayo'y semi-kalbo na—si Jules.

May mga interviews din ng pamilyang Trajico, na ang 6-year old na bunsong anak na babaeng si Berta ay ang batang sinaniban. Bukod sa kanila, ay may mga testimonies din mula sa isang Brother Paul na tumulong sa exorcism, at ang hepe ng pulisya ng bayan ng Daigdigan. Bukod doon, ay may tungkol din sa history ng demonic possession at ng Anlunan Residence, mula sa construction nito noong 1920s hanggang sa Japanese occupation noong World War 2 kung saan ginawang himpilan ng mga hapon ang bahay. Mayroon ding segment na ipinakilala ang bayan ng Daigdigan, at subtle lang, ay naisingit pa ni Sonny Arteza ang mga accomplishments niya bilang Mayor, kanyang mga nagawang proyekto at mga programa.

Maroon ding mga video footages at audio recordings ng aktuwal na exorcism, na hiningan pa ng alkalde ng permiso sa Catholic church para maipakita. Nanginig sa takot ang audience sa kanilang mga natunghayan.

Pero sinave ni Sonny ang best scene sa kahuli-hulihan. At dito, hindi handa ang mga manonood sa kanilang natunghayan sa screen: sa madilim na kuwarto, ang possessed na si Berta ay nakalutang sa ere, at sa uluhan niya sa kisame, ay may parang ulap na may butas sa gitna, na ayon sa narraror ay isang portal papunta sa hell. Nakita rin nila ang paglitaw ng mga mahiwagang ilaw na ayon din sa narrator, ay mga apparition ng mga espiritu. All-in-all, ang ending ay masasabing unbelieveable.

Kaya't pagkatapos ipalabas ng pelikula ay marami ang hindi makapaniwala sa kanilang napanood. Lalo na ang skeptic na mga professors. Imposibleng walang special effects! anila. Para sa mga estudyante, tutoo man o hindi, sila'y naging instant fan ng pelikula at ng direktor, kaya't after ng end credits, ay hindi muna nag-alisan ang marami at nagpa-autograph pa at nagpa-selfie kay Mayor Arteza, at ito'y lubos na ikinasaya ng alkalde.

"Let's go and celebrate," aya ni Mayor pagkatapos. "Sagot ko."

"Yes!" bulalas ni Jules.

Makalabas ng teatro ay inabangan nila sa tapat ang pagdating ng Pajero ng Mayor. At doon ay may tumawag at lumapit sa kanila.

"Mayor Arteza..." sabi ng boses.

Paglingon nila'y nakaharap nila ang isang matangkad na lalaking naka-brown na jacket. Sa paligid, nagsisiuwian na ang mga estudyante, may sumasakay ng jeepney, at may mga naglalakad lamang.

"Yes?" nagtatakang sabi ni Mayor sa lalaki.

Wala silang ideya kung sino ito. Pero, isang tingin pa lamang sa husto nitong tindig at postura, ay alam nilang may kaya at may lahi.

"My name is Carlos Villaromano," sabi ng lalaki, "at kung tutoo ang documentary mo, I may need your help."

"Help?" nagtatakang ulit ni Mayor Arteza.

Tumango ang lalaki bago sinabi, "It's about my son..."

NEXT CHAPTER: "Ang Kaso ni Don Villaromano"

Continue Reading

You'll Also Like

1M 15.9K 113
Mga hindi pangkaraniwang kwento tungkol sa kababalaghan na hindi natin masyadong pinaniniwalaan, dito niyo lang matutuklasan. Ihanda na ang sariling...
56.9K 2.1K 11
Katulad ng kwento ni Cinderella ay ganoon din ang buhay ni CINDY. May evil stepmother at evil stepsister din siya. Meron din siyang prinsepe. Ngunit...
20.1M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
986K 8.6K 14
May maseselang parte at salita sa kwento. Kaya naman patnubay ng magulang ay kinakailangan. Lagi po tayong magdasal bago matulog. Dahil baka mamaya...