WHITE [On-going]

By Akirst

275K 1.4K 74

They call White a 'HERO', but is White truly a Hero? More

Not a DETECTIVE, just a genius HACKER
Chapter One
Chapter Two
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven

Chapter Three

10.6K 286 20
By Akirst


Naglalakad patungong likod ng paaralan si Jaim. Alam nitong dito madalas nagkikita sina Winter at ang kaibigan nitong si Kalvin na tiga-kabilang syudad. Hindi man magkalapit ang tahanan ng dalawang binata ay hindi ito naging hadlang sa pagiging matalik nitong magkaibigan. Nakilala ni Jaim si Kalvin dahil sa kanyang tiyo na si Leo at sa kuya niya.

Si Kalvin ay may pagkakatulad kay Winter. Hindi pa man natatapos ang kanilang pag-aaral, marami nang kumikilala ng kanilang talino at talento at dahil dito, naging matunog na ang kanilang pangalan sa nakatataas kung kaya ay madalas na silang ipanapatawag upang sumali sa mga imbestigasyon. Sinasalang na sila sa totoong imbestigasyon upang mas mapabuti pa ang kanilang galing.

Papalapit na si Jaim sa malaking puno nang makita niya ang kuya niya at ang kaibigan nitong si Kalvin na mukhang may seryosong pinag-uusapan. Maraming beses nang napagsabihan si Jaim na huwag makikinig sa usapan ng iba ngunit hindi pa rin ata ito rumerehistro sa utak niya ang mga bilin.

"Akala ko ba hindi tayo pwedeng makisali sa imbestigasyon na 'yun?"

"Hindi ba't natanggap mo naman 'yung letter? Huwag mong sabihin na hindi mo pa nababasa 'yun kaya hindi mo alam? Kaya nga ako pumunta dito dahil akala ko ay alam mo na. Isang magandang oportunidad na 'to, Winter. Kapag pumirma na tayo ng kasunduan, mas mapapadali ang pagpasok natin sa team."

"Hindi ba't nagdadalawang-isip sila dahil wala silang tiwala sa atin at bata ang tingin sa atin?"

Malamang ay pinag-uusapan nila ang sulat na napasama sa mga love letters na nakuha ni Jaim sa kanilang mailbox. Isa pala talaga itong pribadong sulat na hindi basta-basta pwedeng basahin ng kung sino man.

"Muntik nang mabasa ni Jaim 'yung sulat na 'yun. Alam kong umiiwas sila sa internet pero hindi ba dapat maingat ang pagpapadala ng sulat?"

Nakasandal si Jaim sa malaking puno na malapit kila Winter habang ang mga braso ay naka-krus at ang mga mata niya ay nagbibigay ng malamig na mga tingin. Gusto niyang makinig, gusto niya pang may malaman kahit alam niyang hindi magandang asal iyon. Napatingala siya at nakita ang isang binata na nakatingin sa kanya.

'Isn't this easier? Makinig at may malaman nang hindi naghihirap?'

'Right? Everyone has secrets, including you. Wala naman tayo pakialam kung may makaalam, diba? May sikreto rin sila ngunit hindi sila marunong mag-ingat.'

Ang mga tinig na iyon ay tila mga taong nag-uusap sa loob niya. Kinukumbinsi na hindi naman sinasadya na makinig ng usapan ng iba lalo na't ng mga hindi marunong mag-ingat. Wala nang laban si Jaim sa sarili niya, wala na siyang paki kung mahuhuli man siya dahil alam niya kung paano gumawa ng magandang rason upang makaligtas sa mga ito.

Sa building C kung saan tanaw ang gate na pinagtatambayan nila Winter ay napatigil ang naglalakad na si Zike, ang isa pang kaibigan ni Jaim, nang matanaw ang dalawang binatang mukhang seryoso ang usapan. Napadako naman siya sa isang babaeng tila natatakpan ng puno kung kaya ay lumipat siya sa isang bintana kung saan natanaw niya ang kanyang kaibigang si Jaim na nakasandal sa malaking puno na nagtatabon sa kanya mula sa kanyang nakatatandang kapatid at sa kasama nito. Naka-krus ang mga braso at pasimpleng nakikinig sa dalawa na parang wala lang.

Napatingin sa pwesto niya si Jaim at nagtagpo ang kanilang mga mata. Nais man niyang umiwas sa mga tingin ng kaibigan ngunit tila may kakaiba sa mga tingin nito. Hindi ito ang normal na mga mata ni Jaim. Parang ibang Jaim ang nakikita niya. Matagal niya nang pinagmamasdan ang kaibigan, at alam niyang sa likod ng inosenteng mukha ni Jaim ay may nagtatagong isang katauhan na hindi niya malaman ngunit sa ilang taong pagkakaibigan ay ito ang unang pagkakataon na nagpakita ito nang ganitong ekspresyon.

"May nakuhang impormasyon na malapit sa paaralan na ito si White. Napakalapit lang pala niya ngunit bakit hindi siya mahuli-huli? Teka, doon na tayo sa inyo mag-usap at baka may makarinig."

Napasinghap si Zike nang nakitang kumurba ang gilid ng labi ni Jaim. Ngumisi ito nang ilang segundo at umalis sa pagkakasandal para puntahan na sina Winter upang kunin ang talagang pakay niya, ang kanyang laptop.

"Kuya." Nagulat silang pareho at sabay na napatingin sa kanya.

"Kanina ka pa diyan?" Tanong ni Kalvin.

Umiling lang siya. Alam niyang hindi niya talaga gusto ang magsinungaling sa harap ni Winter pero hinayaan niya na lang. Ngumiti siya sa dalawa. Nakatingin lang sa kanya ang dalawa.

"Kuya, laptop?"

"Jaim, may problema ba?"

Sa tanong ni Winter ay saglit nawala ang pagkakangiti ni Jaim. Pinalitan niya ito ng pagtataka. Napatingin mabuti si Kalvin ngunit hindi niya alam kung ano ang meron. Pareho nilang tiningnan si Winter dahil sa tanong nito. Umiling na lang ito at ngumiti. Kinuha niya na ang laptop at inabot sa kapatid niya.

Alam niyang kaya madalas dinadala ni Winter ang laptop na ibinili sa kanya nito nang kumita ito nang malaki ay dahil madalas itong gamitin ni Winter kapag mahaba ang free time nila at para mas mapadali kuhanin kung sakali mang mangailangan si Jaim. Ayon nga sa lahat ng nakapaligid sa kanila ay gagawin ni Winter ang lahat para sa kanyang kapatid. Alam nilang si Jaim lang ang pinakamahalang tao sa buhay ni Winter, at sa kanya lang umiikot ang mundo ng kanyang kapatid.

"'Wag kang masyadong magbabad sa internet ah? Sa susunod na magbabad ka, 'di ko na babalik 'yan." Tumango-tango lang si Jaim para hindi na rin humaba pa ang sermon ng kuya niya. Nagpaalam na siya upang bumalik sa mga kaibigan niya.

Palayo na siya nang marinig niya ang tanong ni Kalvin sa kapatid niya.

"Fan din ba siya ni White? May ganyang design din kasi 'yung flash drive ni ate."

Nakita nito ang flashdrive na nakasabit sa ID ni Jaim. Nagtaka lang si Winter dahil alam nitong hindi palabili ng mga mamahaling gamit ang kanyang kapatid.

Malapit na siya sa pasukan ng building C nang madaanan niya ang isang laboratory na may kalalabas lang na babae na akala ay hindi plinantsa ang damit sa gusot nito at tila nahugot ang dalawang butones nito sa taas ng blouse. Sa loob ng lab ay may isang guro na nakatayo habang nakasandal sa table, napatingin ito sa kanya at ngumiti, umalis na rin ito sa pwesto at tila itinuloy ang kaninang ginagawa pa.

"Hello sir, hindi po ba dumaan dito sa lab si sir Vielo at sir Abad? Kailangan po namin ng pirma nila para sa anniversary ng building na 'to." Ngiting bati niya sa guro. Tila hindi nito inaasahan ang pagdating ni Jaim kaya napabitaw ito sa hawak–hawak na decor.

"You really don't know how to knock, ms. Hybrid. Lagi ka na lang bigla-biglang pumapasok nang walang paalam. Mabuti na lang at close tayo, lagot ka sa ibang teachers kapag ginulat mo rin sila." Napatawa na lang si Jaim. Nerbyoso talaga ang kanyang guro kahit bata pa ito.

"They are not here. They have class, see them after class hours na lang."

"Ganun po ba? Bakit ito lang yung may decoration? Bakit yung iba simple lang?"

"Because this lab is special."

"Ah, that'why. Ay, oo nga pala sir Perm. Congrats sa exhibit niyo last week! Nag-enjoy ako, sobra."

"Thank you, ms. Hybrid. I hope you also learned a lot."

Hindi pa man natatapos ang usapan nila ay dumating si Zike. Naabutan niyang nagtatawanan ang dalawa at mukhang nalimutan na ni Jaim ang dalawa niyang kaibigan. Kumatok siya nang hindi pa rin napapansin ng dalawa ang presensiya ng binata.

"Ah, sir. Kunin ko po muna si Jaim."

Nagpaalam na sila at umalis. Tahimik na pinagmamasdan ni Zike ang dalaga. Napakaganda ng ngiti nito ngunit sa hindi malaman ay hindi ito natutuwa sa ngiting iyon.

"Anong ginagawa mo du'n?"

"Hinahanap ko sina sir Abad kay sir Acosta para magpapirma."

"Papirma kahit wala ka namang dalang document?"

"You're right! Oops? I forgot but I didn't notice that." Ngiting sagot nito. Napatigil si Jaim nang tumigil din si Zike. Nagtataka itong tiningnan ang binata dahil sa seryoso nitong titig sa kanya. Bumuntong-hininga lang si Zike at muling naglakad.

"Ano yung tingin mo? Wala akong gusto kay sir ah!" Napataas pa si Jaim ng dalawang kamay habang naglalakad patalikod para sabayan ang lakad nito habang nasa harap siya.

"Hindi ko maintindihan ang gusto mong mangyari."

"Gusto?"

"Nevermind. Hinahanap ka na nina Jia."

"Alam mo kasi, curious lang naman ako."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hm? You know that already. Why are you asking me?" Inosente niyang sabi habang may ngiti sa kanyang mga labi.

Napatigil sa paglalakad si Zike, dahilan para tumigil din si Jaim. Matagal silang nanahimik, naghihintay lamang si Jaim na magsalita ang kaibigan niya. Parang may gusto itong sabihin ngunit parang nag-iingat ito sa mga salitang nais niyang bitawan.

Sumandal sa pader si Jaim at tiningnan ang binata. Napatingin siyang mabuti kay Jaim at napansin ang lungkot ng mga mata ng dalaga, kahit may ngiti ang mga labi nito ay kapansin-pansin ang matinding emosyon ng mga mata nito. Ang lungkot, sobrang lungkot na parang pinaparamdam sa iyo ang kalungkutan sa loob ng mga matang iyon.

"Is there something wrong, Jaim? Kilala kita, matagal na tayong magkakilala. Tell me what's wrong so I can help you. I have ways to help you."

"Kilala? Sinasabi mo bang kilala mo ang nasa harap mo ngayon? So you're actually telling me that you know me. What is this? Why do I feel like I commited a sin?"

Ang kaninang nakangiti na Jaim ay tila napalitan ng ibang katauhan. Unti-unting nawala ang ngiti nito at walang buhay na tumingin kay Zike. Sapat na itong dahilan para manigas ang binata sa kanyang kinatatayuan.

"This is a cage, Zike."

Ang walang buhay na tonong ibinigay ni Jaim ay nagpatigil ng hininga ni Zike. Ang malamig na tonong binitawan ni Jaim ay isang klase ng tonong hindi mo nanaising marinig. Para bang ibang tao ang nasa harap niya. Hindi maintindihan ni Zike ang nais iparating ni Jaim, hindi nito alam ang ibig sabihin ng mga salitang binitawan ng kaibigan.

Muntikan nang matumba si Jaim sa hindi malaman na dahilan, mabuti na lamang ay nahawakan siya ni Zike. Napatingin si Jaim sa kaibigan niya.

"Zike?"

Pagbitaw ni Jaim ay nakita niya ang pamumutla ni Zike at parang hindi ito makapaniwala sa nangyari. Pagtingin niya kay Jaim ay parang wala lang nangyari. Normal na ito, nagbalik na ang kilala niyang Jaim. Ilang minuto silang tahimik at napansin ni Zike ang pagbabago muli ng eskpresyon ng dalaga ngunit hindi na ito katulad kanina kundi para itong may napagtanto.

Tiningnan ni Jaim si Zike. Mukhang umayos na ito at hindi na namumutla. Katulad niya ay umasta rin ito na parang walang nangyari. Sinusubukan nitong maging kalmado katulad ng lagi nitong kinikilos.

Katulad nila Jia at Ira, isa rin niyang matalik na kaibigan si Zike. Si Zike ang tipo na laging nasa paligid ni Jaim, lagi niyang nararamdaman na lagi lang nandyan ang binata para sa kanya. Hindi niya alam kung paano sila naging malapit sa isa't isa, basta na lang itong lumitaw ngunit nararamdaman niyang parang iba si Zike sa lahat at hindi niya alam kung paano ito naiiba.

"Isn't it amazing?" Biglang tanong ni Jaim. Hindi ito inaasahan ng binata ngunit alam niya sa sarili kung ano ang ibig sabihin ng tanong na iyon.

Nagpaalam na si Jaim para bumalik na kina Jia at Ira dahil baka magalit na ito sa kanya. Naiwang mag-isa si Zike, naging palaisipan sa kanya kung ano ang binabanggit ni Jaim. Marami itong binibitawang salita ngunit bibihira ang nakakaintindi ng mga ito.

"How did that happen?" Tanong niya kahit malayo na si Jaim. Napasandal siya sa kaninang sinasandalan ng dalaga at pinanood ang palayong kaibigan.

Continue Reading

You'll Also Like

564K 29.4K 78
(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their unique abilities, and go through a mysterio...
57M 2.3M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...
2025 By boss ni wawie

Science Fiction

642K 38.3K 51
⚠️TW: Violence, Depression She's Yuan Ignacio and she cares. A 20-year-old thrill seeking girl risks everything, even her own life, just to fulfill t...
3.3M 161K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...