The Royal Queen [Completed]

By SweetDevilishAngel

78.6K 1.7K 293

It's been three years she's sleeping, and now that she's awake. What will happen? Disclaimer: This story is w... More

The Royal Queen
CAST [EDITED: 2019]
Chapter 1: The Awake
Chapter 2: She Remembers
Chapter 4: Live
Chapter 5: The Beginning
Chapter 6: She's Back
Chapter 7: To Our Home
Chapter 8: Welcome Home
Chapter 9: Born To Be A Fighter
Chapter 10: Her Plan
Chapter 11: Worried
Chapter 12: Inherited Disease
Chapter 13: Rare Disease
Chapter 14: Baby
Chapter 15: Pregnant
Chapter 16: Only Plan
Chapter 17: Right Thing
Chapter 18: Peace
Chapter 19: Falling
Chapter 20: Letter
Chapter 21: Elyn Fortunando
Chapter 22: I Do
Chapter 23: Results
Chapter 24: Missing
Chapter 25: The Royals
Chapter 26: Revelation
Chapter 27: Heart Transplant
Chapter 28: Truculence
Chapter 29: Plea
Chapter 30: A Day To Remember
Epilogue
TRQ Special Chapter
TRQ Special Chapter 2

Chapter 3: Hug

2.7K 64 5
By SweetDevilishAngel

JENELLE'S POV

Sa sobrang aga kong nagising, hindi muna ako kumilos, alas-kuwatro palang ng umaga at gising na gising na ang diwa ko. Hindi ko nga rin alam kung bakit. Basta pagkagising ko, natulala nalang ako sa kisame.

Nang mag-ala-singko na, nagsimula na ako mag-ayos ng sarili at natapos ako mag-a-ala-sais na. Itinali ko ang buhok ko ng pa-ikot sa tuktok bago lumabas ng kuwarto.

"Morning, Elle," bati ni Ate Jesh saakin.

Ngumiti ako at umupo sa harapan ng hapagkainan. May pancakes na niluto si Ate Jesh at fried rice at hotdog. Pagkatapos kong kumain, inihatid niya ako sa baba at naglakad naman ako papasok sa school dahil medyo maaga pa naman. Balak pa ngang i-hatid ako ni Ate Jesh pero nahalata kong kulang pa ito sa tulog kaya napag-isip kong maglakad na lang.

Nang makarating ako sa classroom ko, tahimik ang lahat ng estudyante, hindi naman sobrang tahimik pero sapat na. Umupo ako sa kinauupuan ko kahapon at ilang minuto lang ay pumasok na ang guro namin.

"Good morning," bati nito sa salitang hapon.

"Good morning," sabay-sabay na bati namin pabalik.

"Today, we will having a group debate, topic? It's about love." At lahat ng tao ay naghiyawan.

"I will divide you into four groups then I'll give you the topic that is regarding about love."

Lahat kami ay napabaling sa pintuan ng bumukas ito. "Sorry, we're late." Halos tumulo ang laway ko sa pagkakagulat.

Bakit sila andito? Hindi ba dapat sa edad namin College na sila? Ow fuck it.

"No worries, you may take your sits."

Kaagad naman pumasok si Cath, Max and Coreen. Hindi ko alam kung bakit kaklase ko sila at ang iba ay hindi, alam na kaya nila? Ofcourse, they do. Palihim na umikot ang mata ko bago ito pinirmi sa harapan.

"Group one leader, Mr. Tanaka. Group two, Ms. Saito, group three Mr. Akagi and last group, Ms. Fernandez."

Halos gumuho ang mundo ko ng marinig ang pangalan ko. The hell is this? Isa sa pinaka-ayaw ko ay maging leader. Masiyadong mabigat na gawain 'yon at mas lalong binigat kung pabigat mga kasama mo.

Para sa makakasama namin sa grupo, nagcount one to four nalang. 28 kaming lahat-lahat kaya sa isang grupo mayroong anim na miyembro, bale pito lahat-lahat kasama ang leader.

Nagbunutan kami kung anong klaseng 'love' na topic. Akala ko friends, family, romantic at self love. Pero ibang type pala ng love. Selfish or selfless love tapos bumunot pa ulit kami kung positive side or negative side. Hindi ko alam kung para saan ito, hindi ako aware na kasama pala ito sa pinag-aaralan. Well, what I can do? Ilang taon akong wala para tutukan ito.

Paano pa kaya ang ZIS?

Akala ko simpleng class debate lang ito, pero hindi pala! Whole campus debate ito. Bukas kami mag pre-present at hindi ko alam kung kakayanin ko ba 'yon.

Ikinalat na rin ito sa buong campus, kasama pala ito sa orientation, I mean kapag first week of school. Sa ngayon, breaktime muna namin. Abala ako sa paglalaro ng games sa cellphone ko ng may huminto sa harapan ko.

Nag-angat ako ng tingin at napakunot ng noo ng makita si Trev. "Anong ginagawa mo rito?" kunot-noong tanong ko.

"Mag-aaral ako rito." Umikot ang mata ko at itinutok ang paningin ko sa nilalaro ko. Piano Tiles.

Makaluma man, pero nakaka-adik kasi. Wala rin naman akong planong sabayan ang mga laro ngayon, lalo na't hindi naman talaga ako mahilig maglaro ng online games, except dito sa piano tiles.

"Elle?" Sumulyap ako rito at tinaasan ng kilay. "Ayaw mo bang andito ako?"

Ow shit! Mali!

Halos ma-ibato ko ang cellphone ko at tinignan siya. "What?" naiinis na tanong ko.

Kita ko ang paglunok nito. "A-ayaw mo ba ako rito?"

Pinaningkitan ko ito ng mata. "Bawal ang mga kagaya mo rito, Trev," walang emosyong usal ko.

Kumunot ang noo nito. "H-huh?"

Inabot ko ang cellphone ko at inilagay sa bag ko at tsaka tumayo. "Don't follow me," mariing usal ko bago umalis.

Nang makalabas ako sa cafetria, nilingon ko muli siya. Good boy. Hindi ito sumunod, bagkus umupo ito sa kina-uupuan ko kanina. Tumalikod na ako at tinungo ang susunod na klase ko.

"Ay! Putangina!" bulalas ko ng biglang may humila saakin.

"Huy---!" Nanlaki ang mata ko ng makita si Ford at kahit labag sa kalooban ko, pinaikot ko ang kamay niya at sinikmuraan.

"Sorry!" aniya ko at nagmamadaling umalis doon.

'Hindi pa ngayon, Ford. 'Wag muna ngayon.'

NATAPOS ANG klase na si Ford lang ang nasa isip ko. I miss him so much, pero hindi ako puwedeng maging marupok ngayon. Hindi pa sapat ang tatlong taon saakin, lalo na't sa tatlong taon na 'yon, tulog ako. Hindi ko man alam ang nangyare sa tatlong taon ang nakalipas, pero panigurado akong wala silang pahinga mahanap lang ako.

I feel so love.

Pagkatapos ko gumawa ng takdang-aralin sa library, umuwi na rin ako at kaagad kong tinanong si Ate Jesh tungkol sa debateng gaganapin. At napag-alaman kong every year daw 'yon, last year ang topic ay about Depression, hindi ko alam kung paano 'yon naging topic sa debatehan pero hindi ko na inalam.

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko at hinayaan ang utak kong lumipad sa kung saan-saan, hanggang sa marinig ko ang boses ni Ate Jesh na sa labas lang ng kuwarto ko. Tumayo ako at inilapit ang tenga ko sa pinto. Makiki-chismis ako.

Hinuha ko, may kausap ito sa telepono niya dahil kaming dalawa lang naman dito, unless may nakikita siya na hindi ko nakikita. "You need to find her! Kahit na! Kapatid pa rin ito ni Trev!" Kumunot ang noo ko sa naririnig ko.

Kapatid ni Trev? "Si Kae?" mahinang usal ko.

"I don't care kung siya ang nagkulong sa sarili niyang kapatid! Find her bago pa madagdagan kasalanan niya sa Council!"

Lumayo ako sa pinto ng kuwarto ko at lumapit sa laptop na bagong bili ko. Binuksan ko ito at sinimulan ko na magtipa ng kung ano-ano. Ilang minuto lang ay lumabas na ang iba't ibang number at tinitigan ko lang ito. How can I contact him?

Umawang ang labi ko nang may mapagtantong bagay. Mabilis kong binura ang site na pinuntahan ko at kinuha ang dating cellphone ko. Kinuha ko ang simcard ko at sinalpak sa laptop. Then here it goes!

Detective Echard Romes

Isang ngiti ang sumilay sa labi ko bago nagtipa ng mensahe at ilang segundo lang ay nakatanggap ako ng mensahs galing sakaniya. So hindi pa siya nagbabago ng number niya?

From: Detective Echard Romes
Elle? May signal diyaan sa ilalim ng lupa?

At ngayon ko lang ginusto makapatay ng tao. Mukha ba akong patay? Nawala lang ako, pero hindi ako nilibing!

Napalabi ako at sinimulan ng i-locate kung asaan si Kae sa tulong ni Detective Echard. Maraming tinanong saakin si Detective Echard na hindi ko sinagot, masiyado akong na-curious kung asaan si Trev at anong kulong na sinasabi ni Ate Jeshrine?

"I found her," seryosong usal ko pagkalipas ng isang oras.

FORD'S POV

"I'll forget about our heartbreaking past, because that's not healthy for a relationship."

"I, Jenelle Marie Zermenia Cruz Fernandez, giving my full trust and my whole heart and mind to Ace Ford Ferrer."

"Ford, I want you to be the happiest man in this world everynight, everymorning and every afternoon, I am saying yes to you, and I'm accepting your offer as your soon-to-be-wife and a girlfriend, I love you."

"Happy birthday, my king."

MARIIN AKONG napapikit ng maalala na naman ang gano'ng klaseng ala-ala na parang patalim saakin pusong durog na durog na. Napakalapit ko sakaniya kanina, hawak ko na siya, pero bakit ang layo-layo pa rin niya?

Hinayaan kong tumulo ng tumulo ang luha ko at matuyo ito sa pisngi ko. Miski ata pagpunas ng sariling luha hindi ko na magawa, sobrang hirap na makitang para wala ka sa mundo niya. Na para hindi ka niya pinangakuan na babalik siya.

Sabagay, hindi naman gano'n kabilis bumalik ang isang taong walang ma-alala miski isa sa mga memorya niyo sa nakaraan. Pero paano naman 'yung mga iniwan?

Hindi pa ba sapat ang tatlong taon na paghihirap namin, at kailangan mo kaming subukan ng subukan?

Nakakatanga. Tuwing nakikita ko siya ramdam ko ang pagbuo ng puso ko pero pagkabasag din nito sa tuwing makikita kong hindi niya ako maalala. Gusto ko nalang maglaho bigla, tapos pasok ako sa puso niya.

"Para kang bata." Napa-angat ako ng tingin kay Jack na may hawak na bote ng alak.

Umupo ito sa tabi ko at ginaya ang posisyon ko na nakababad ang paa ko sa malamig na tubig ng swimming pool. "Oh, alak." Inabot ko ang isang bote at tinungga ito.

Napatingin ako kay Jack matapos kong ubusin ang isang bote sa isang lagukan. "Ba't ka tumatawa?" kunot-noong tanong ko.

"You're funny." Umiling-iling pa ito sa sobrang tuwa.

Suminghap ako ng hangin at isinawalang bahala ang presensya ng katabi ko, hanggang sa tumigil na ito sa kakatawa at bumalik na muli sa pagkaseryoso. "Hindi pa naman siya patay, bakit iniiyakan mo kaagad?"

Napayuko ako at nagsimula na naman maging emosyonal. "Hindi pa nga.... pero 'yung mga ala-ala namin patay na...."

Naramdaman ko ang pagtapik ni Jack sa balikat ko. Para tuloy akong babae sa ginagawa niya, pero wala na akong pake. "Edi buhayin mo. Buhayin niyo yung mga ala-ala niyo ulit, wala namang pumipigil sa'yo."

Inismiran ko ito at sinamaan ng tingin. "You know what, Ford? Hindi namamatay basta-basta ang mga ala-ala, maaring naibaon mo na ito sa pinaka-dulo ng utak mo o ilalim ng lupang pinaglibingan ng ala-ala niyo, pero lagi lang 'yan andiyaan." Itinuro nito ang sariling puso. "Choice mo nalang kung bubuhayin mo ulit sa pamamagitan ng pagbalik o hahayaang itong mga ala-ala mismo ang humatak sa'yo pabalik."

"Sabi nga, endure the pain in order to enjoy the gain," aniya nito.

Namayani ang katahimikan saaming dalawa hanggang sa basagin niya muli. "Kung ako sa'yo, kumilos ka na. Balita ko 'yung kasama ni Elle kanina Trev ang pangalan, may gusto raw 'yon mula pagkabata at na-inggit sa'yo ng malaman na kayo na ng kaniyang Reyna. Sabi rin ni James, siya 'yung kumuha kay Jenelle mula sa'yo, kaso hindi lang si Elle ata nakuha niya." Kumunot ang noo ko.

"What?" tanong ko. Ngumisi ito na mas ikinataka ko at ng humalakhak ito, alam ko na ang sasabihin nito.

"Bukod kay Elle, nakuha niya rin 'yung puso mong bitbit ni Jenelle, kaya ayan, mukha ka tuloy broken-hearted.... ay hindi pala! Heartless ka na! Sama ka na sa grupo nila Ate Jade!" At bago ko pa ito mapukpok ng bote sa ulo, tumakbo na ito palayo saakin.

"Gago...." bulong ko at pinanood ang paglisan niya.

Endure the pain, enjoy the gain. That sucks, but I'll try it anyways. Basta ba sa huli, si Jenelle ang premyo ko sa pagtitiis ng sakit na ito.

Sa loob ng tatlong taon, para kaming magkakapatid na iniwan ng isang Ina, kahit sa totoo masiyado na kaming malaki para sa gano'ng drama. Jenelle is our baby, we treasure her like how much she treasure us. At ngayong wala siya, lantang gulay nalang kami.

Baka totoong, binuhay kami para kay Jenelle at sa tatlong taon na wala siya, para kaming binawian ng buhay at bumalik muli ng makita siya. Kaso, may kasama na siyang iba.

Wala kami sa tamang pag-iisip ngayon, si Jack lang ata. Ewan ko lang sa nobya niyang si Rainne. Ngayon na nakita na namin ang matagal naming hinahanap, gusto namin gumawa ng kilos para mabawi siya pero para kaming nakakadena at ang hirap kumilos. Lalo na't walang kasiguraduhan na kilala niya kami.

"Damn it, bakit gan'to siya kahirap abutin?" wala sa sariling usal ko.

JENELLE'S POV

Sumapit ang umaga na wala akong tulog. Bangag ako at halata sa mukha ko ang pagka-antok, mabuti nalang at may class debate kami. Ipinaintindi na rin saamin na class debate muna bago mag section debate, ayun 'yung nanalo sa bawat section ng class debate. Then each year debate, tapos malalaman na kung sino ang magkakagrupo para representative ng school sa Univerity Debate.

Nakakalito.

Binigyan kami ng tatlong oras upang pag-usapan ang topic namin. Mabuti nalang at marunong magtagalog ang mga kagrupo ko. At dahil ako ang group leader, wala akong magawa kun'di pakinggan ang mga opinyon nila about sa topic. I picked selfish love and positive side about it. Sa group one naman ay selfish love tapos negative side, sa group two, selfless love at negative side, then group three selfless love and its positive side.

Pagkatapos ng tatlong oras, class debate started. Cath and Coreen are part of group two while Max on the other side is part of group one. Nauna ang grupo ko, group 4 at ang group 1 sa class debate. Bukod sa guro namin na naatasan sa mga ganito, may kasama pa itong dalawang guro.

"We will start in selfish love, the negagive side, group 1?" Our teacher utter.

Reo Tanaka, the leader of group 1 smiled genuinely. "Selfish love has its own negative side, and that is, you are being insensitive on your surroundings. Because of your selfishness, you forgot those people around you and hurt them unconciously, why would you let them get attached to you, when you'll still choose being selfish to everyone?"

"Selfish love, the positive side?"

Napatingin ako saaming guro bago tinitigan si Reo. "Selfish love isn't that bad, Mr. Tanaka. It's not about you being insensitive on your surroundings. It's about you, knowing your selfworth by being selfish. Letting them see who and what you are. Being selfish isn't that bad, unless you look on its negative side."

"How can you be sure that you won't hurt those people just being selfish, Ms. Fernandez?"

Ngumisi ako. "And how can you be sure that selfish love will hurt everyone around you?"

"It is proven and tested in some relationship," maangas na sagot ng kagrupo nito.

I licked my lips and glance at my groupmates. "If it's proven and tested, why I can't hear anyone getting mad on their partners for being selfish? Instead they feel more love learning that their partners being selfish when it comes to them."

"Maybe you've been isolated for years that you're not even aware on your surroundings, that selfish love is another way for lovers to hurt each other."

"Like what I've said, Mr. Tanaka, selfish love won't hurt you unless you are not yet ready to commit to your partner who's showing selfishness. Therefore, selfish love has its own positive side, but it's your choice to see it or close your eyes and pretend to be blind to have a reason to get away from your lover's arms."

Okay? So, saan na ito patutunguhan? Miski ako nalilito na. Ayaw ko sa nabunot ko kasi kahit kailan, hindi tama maging selfish, pero hindi rin naman nakakasakit iyon, unless ayun ang gusto mong makita. But you know, selfishness has its own right place, either negative or positive.

Our group won and group two won in terms of selfless love. Ngayon naman, nakatulala lang ako. Prinoproseso ang mga pangyayari. Isa sa pinaka-ayoko ay ang debate. Malawak ang pag-iisip ko at weaknesses ko ang pumili ng isang panig para lang sa grades.

Alam ko kung ano ang kaya ko. Pero nakaka-ubos kaya ng utak minsan ang debate lalo na kung napunta ka sa panig na taliwas sa gusto mo. Hindi ko nga alam kung bakit kami nanalo, eh sa kung tutuusin mas on-point ang sagot nina Reo Tanaka ke'sa saamin na halos pinaikot-ikot lang namin.

Mahirap ang topic, at dapat din silang maghirap. Hindi puwedeng kami lang 'no, damay-damah 'to. Pumasok ako para mag-aral hindi para ipaglaban ang panig sa isang debatehan, ayos sana kung ang audience lang ako or class debate lang. Pero hindi! At ngayon na nanalo kami. Mas lalo akong mapapagod kaka-isip ng tamang salita maipanalo lamang ang panig namin.

Which is not what I want.

Pero, my own self is too compentetive na ayaw magpatalo kahit dito lang! Jusko! Sana ang premyo, isang buwan na pahinga. Parang sinampal ako ng tadhana at ginising mula sa malalim na pagkakatulog, para ipa-alam na tama na ang tulog ko, kailangan ko na muli mapagod at kumilos.

Tsk, nababaliw na ako.

At pagkatapos ng class debate, nagkaroon lang kami ng dalawang oras ng breaktime at nagsimula na muli ang panibagong debate pero ngayon, bawat section naman. Types of love nama, like friendship, family, romantic and self-love. Hindi ko alam kung anong gagawin doon pero ang napili namin ay family love. Kung dapat ba o hindi dapat mahalin ang pamilya pagkatapos malaman ang sikretong maaaring magpabago sa buhay mo.

Like tf? This debate is useless!

Nakasimangot lang ako sa buong breaktime namin at ng tapos na ang breaktime, we headed to school theatre room. Sa totoo lang, building ito at sa bawat palapag ay may apat na theatre room. Gan'to pala ako kayaman para magpagawa ng sariling building ng theatre room?

Love for family, would you still love them after knowing they hide an important thing/s in your life?

"Tss.... nonsense," mahinang usal ko.

"Pft!" Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko ang natatawang mukha ni Cath.

Tinaasan ko ito ng kilay bago tumalikod muli. "Did you hear her, Coreen? Nonsense raw itong debate, when in the first place, siya nagrule nito rito."

Umikot ang mata ko sa narinig ko. Fine! Ako may pakana ng debateng gan'to. Gusto ko lang naman malaman kung malawak ang pag-iisip nila at kung kaya nilang intindihin ang topic kahit pa on-the-spot ibinigay.

I didn't know that all this time, the topic that they gave is nonsense.

Ilang oras kami tumagal doon at natapos sa amin ang debate. I said, yes. I would still love them after knowing they hide things that is important to me.

"Why?" anang ng kabilang grupo. "They lied, and they might repeat it, you should take it as a lesson."

See? Everything is useless, even the topic. We all know love is hard to define, at sinong tanga na magta-topic ng love para sa debate?

Nakakasira ng ulo! Miski 'what is love' nga hindi masagot ng maayos dahil ang hirap sagutin, tapos ito pa kaya.

"Mm," tango ko. "They may be lied, but that doesn't mean my love will vanish that easily after they lied. My love will not change, but maybe my trust to them. I would still love them despite the fact they hide something important to me, they won't hide it if there's no reason behind it. And I believe, everything happens for a reason."

MARAHAS AKONG napabuntong-hininga. Lutang na ako. Walang pumapasok sa utak ko pagkatapos ng debate. Lahat ng topic ay walang kuwenta kaya itong utak ko, nawala narin ng gana magfunction.

"Hi!" Mula sa librong binabasa ko, nag-angat ako ng tingin.

"I'm Catherine Marqueza!" magiliw na usal nito.

"I know," tugon ko at ibinalik ang mata sa librong binabasa ko.

"I bought you a water and waffles." Isinara ko ang libro at binalingan siya.

"I hate noisy people, Ms. Marqueza." Bumalantay ang pagkahiya at ang sakit sa mukha nito.

"S-sorry."

Kaagad akong natauhan ng marinig ang pagkabasag ng boses nito. "I hate noisy, but you're an excemption," mabilis na bawi ko at nag-iwas ng tingin.

Binuksan ko muli ang libro ko, hindi para magbasa kun'di para pakiramdaman siya. "A-aalis na lang ako," mahinang usal nito.

Marahas akong napabuntong-hininga at nag-angat ng tingin sakaniya. Naka-yuko ito at handa ng umalis. "Teka!" Huminto ito at gulat akong nilingon.

I miss you, Cath. "Y-yung pagkain ko?" kanda-utal-utal na saad ko.

Sumilay ang ngisi sa labi nito at inabot saakin ang inumin at ang paper bag na naglalaman ng apat na waffles. "Salamat," aniya ko at bahagyang ngumiti.

Lumawak ang pagkakangiti nito at hindi na ako nagulat ng dambahin niya ako ng mainit na yakap. "E-elle...." basag ang tinig nito dahilan upang mahirapan ako huminga.

"Come back to us now.... we need you...."

I will but not now.

"Huh?" maang-maangan ko.

Mahina itong humikbi at sa pagkakataong iyon, hindi ko na pinigilan ang sarili ko sa pagyakap sakaniya. "Stop crying...."

"I will.... basta ba, basta ba--- b-balik ka na...."

Hindi ako sumagot, nagmaang-maangan na walang alam sa sinasabi nito at sa hindi kalayuan, kita ko ang gulat sa mukha ni Rainne.

Continue Reading

You'll Also Like

56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
263K 6.6K 52
Akisha is a five years old kid! Masayahin, sweet, cheerful but it's all change noong nakita nyang pinatay mama nya pinangako nya na she will REVENGE...
394K 9.7K 50
Who must be The Real Long Lost Pureblood Princess? Wanna know mind if you read this one Strictly Duplicity and Plagiarism is a Crime All Rights Reser...
193K 4.6K 69
"Dance with me?" He asked I smiled Let me dance with another devil. --- Started: December 26, 2015 Revamped: December 25, 2017 Finished: November...