Stuck in the Moment (Stuck Se...

By NerdyIrel

16.8M 209K 42.4K

Meet Kathryn Bernardo, simple pero matalino unlike Daniel Padilla na playboy, heartthrob ng school and may pa... More

Stuck Series
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Epilogue
Author's Note
PUBLISHED BOOK

Chapter 25

270K 3.3K 316
By NerdyIrel

Chapter 25


Kathryn's POV


Pagdating sa tapat ng bahay, tumingin ako kay DJ.


"Daniel, papasok ka ba or hihintayin mo na ko dito?"

"Sasama na lang ako" Tapos bumaba na siya ng kotse niya. Ang bilis niya talaga mag-desisyon. (-_-)


Pagbaba ko ng kotse, nakita kong binuksan kaagad ni Kuya yung gate.

Tapos nanlaki mata niya.


"Ano yan joke?" Sabi niya.


"Hoy grabe ka! Di ka man lang natuwa na ako ang NANALO!" Di ko pa kasi tinanggal yung crown. Yung kay Daniel, kanina pa wala sa kanya.


"Weee! Joke lang sis! Congratulations" Sabay yumakap sakin si Kuya. Ngumiti siya sakin tapos napansin niya si DJ na nakatayo sa likod ko.


"Uy dude, panalo ka rin?"

Malamang. Magbabasa din kasi ng sash.


"Yup" Sabi na lang ni Daniel pero yung mukha niya, halatang parehas kami ng naisip.

"Congrats. Teka lang kath, akala ko ba maga-outing kayo ng barkada niyo? Bakit si Daniel lang kasama mo?"


"Magkikita-kita na lang kami dun. Sinamahan lang ako ni DJ kunin yung mga damit ko tsaka hindi pwedeng nakagown akong pumunta dun. Iiwan ko rin syempre yung mga damit na ginamit ko kanina"


Pumasok na kaming tatlo sa loob ng bahay.


"Tutulog na ko Kath. Bilis-bilisan mo naman. Si mama wala pa pero ila-lock ko na lang yung pinto. May susi naman yun" Biro ni Kuya.


"Wala pa? Saan ba siya pumunta?" Tanong ko habang naglalakad kaming tatlo paakyat sa hagdanan.


"Di naman sinabi"


Simula nung namatay si papa, lagi na lang ganyan si mama. May aasikasuhin daw...

Feeling ko tuloy, nagta-trabaho siya. Pero sabi naman niya hindi. Ay ewan!


"Bababa lang ako saglit" Sabi ni Kuya tapos nawala na siya.


Binuksan ko na yung kwarto ko tapos pumasok na ko. Si Daniel naiwan sa labas ng kwarto ko.


"Huy, pwede ka pumasok kung gusto mo" Sigaw ko.


Dahil nga nakaimpake na ko, kinuha ko na lang yung bag ko. Ay shemay, naiwan ko pala yung iPod ko sa terrace. 


Dali-dali akong pumunta dun.

Pagharap ko, napasigaw ako.


"AHH!---" Tinakpan naman kaagad ni DJ yung bibig ko. Shemay. Para namang big deal yung pagsigaw ko. Si Kuya lang naman ang nandito sa bahay.


"Gabi na, nasigaw ka pa. Ano ba nangyari?" Nagkamot siya ng ulo niya. Oo nga noh! Hehehe (^_^)V


"Ikaw! Nagulat ako sayo! Sumunod ka pala, hindi ko man lang naramdaman. Ang tahi-tahimik mong maglakad"


Tumawa siya dun sa sinabi ko. Para naman kasi talaga siyang multo maglakad.

"Alam mo delikado itong terrace mo"

"Huh? Bakit naman?"


"Tignan mo yan, may puno sa gilid. Pwedeng-pwede umakyat yung mga magnanakaw diyan tapos diretso dito sa terrace mo. Kahit ako, kaya kong kayatin yan"


"Whatever, tara na nga. Baka mainip yung mga yun"


Bumalik na kami sa kwarto. Si DJ kinuha na yung mga bag ko, ilalagay niya na daw sa compartment ng car niya. Tapos ako, nagbihis na ko sa CR ko. Naghilamos na rin ako para matanggal yung make-up sa mukha ko.


Nag-red na spaghetti at white shorts lang ako tapos Vans yung shoes ko pero syempre may dala akong slippers sa bag ko. Simple lang ang sinuot ko dahil pagdating rin naman kasi namin dun, sure ako na matutulog kaagad ako.


"Sige kuya, goodnight. Alis na kami" Sabi ko sa kanya nung nakita ko siyang nakaupo sa sofa.


"Mag-ingat kayo dun" Tapos hinug niya ko. Aww. Ang sweet talaga ng kuya ko. Kahit na lagi akong inaasar niyan, alam ko mahal na mahal niya ko! Nung namatay si papa, hindi niya talaga ako pinabayaan, ganun na rin si mama.


Paglabas namin ng gate, nagsalita ulit si kuya.


"Daniel, alagaan mo si bunso ha" Sabi ni Kuya kay DJ. Si Daniel naman, tumungo lang tapos pumasok na sa kotse niya. 


Sumunod na rin ako sa kanya. Nag-drive na siya kaagad.


"San ba yung resort mo?"

"Sa Batangas" Sagot niya.

"Saan dun?" 


Ang lawak kaya ng Batangas. Malay ko ba kung sa Lipa, Bauan or Mabini. Madami kayang lugar doon! Syempre, ite-text ko pa kay mama at kuya kung saan para hindi sila ganun magalala.


"Sa Anilao" Ahhh. Okay. Dun pala.


Di na kami nagusap pagkatapos nun. Pinakinggan na lang namin yung music.

After ng ilang minutes, Nag-stop over kami sa may gasolinahan saglit tapos akala ko magda-drive na ulit siya pero pinark niya yung kotse sa gilid.


"Kain muna tayo, gutom ka na diba?"


Aww. Di niya talaga nakalimutan yun. Ako ngang gutom na gutom, nakalimot pero siya!!!


"Yup, tara" Bumaba na kami sa car niya tapos naglakad na kami. Medyo kumunot noo ko nung pinagtitinginan kami ng tao. 


Bakit? Anong meron? Wala na naman kaming sash at crown. Di naman kami nagho-holding hands. May space naman kami. Bakit sila nakatingin?


"Jollibee, Mcdo, KFC, Chowking, Mang Inasal..." Binabasa niya lang lahat ng nakikita niya. Tapos bigla ko siyang hinila sa Jollibee.


"Bakit dito?" Tanong niya habang tumatawa pa siya.


Yung mga tao sa loob ng Jollibee, tinignan kami. Hala! Ako lang ba nakakapansin nito? Di ba napansin yun ni Daniel?


"HUY! Kausap kita Kathryn Bernardo!"


Napatingin ako bigla kay Daniel.


"Ano? May sinasabi ka?" Sabi ko sa kanya. Sa kakatingin ko sa mga tao, hindi ko namalayan na kinakausap na pala ako ni DJ.


"Bakit ba wala ka sa wisyo ngayon? Ganyan ka ba talaga kapag madaling-araw?"

"Siguro. Pero hindi naman yun dahilan kung bakit hindi kita narinig. Pinagtitinginan kasi tayo ng tao"


Kumunot noo ni Daniel tapos tumingin siya sa paligid.

"Bwisit. Sabi na nga ba eh. Hanggang dito ba naman...." Bulong niya sa sarili niya.


Hala. Ano kayang meaning niya dun? Gusto ko sana siya tanungin kaso hindi ako sure kung tama narinig ko. Sobrang hina kasi ng boses niya. Kahit na super curious ako, nanahimik na lang ako. Medyo pagod na rin kasi ako.


"Wait nga, ano ba yung tinatanong mo kanina?" Napatingin sakin si Daniel nung nagsalita ako.

"Sabi ko bakit dito sa Jollibee tayo kakain?"

"Bucket meal gusto ko ehh"

"Baliw ka ba Kath? Dalawa lang kaya tayo"

"Gutom nga ako DJ. Kaya kong ubusin yan"


Tumawa lang siya pero nagorder din naman kami.


Habang kumakain kami, nagkatingin kami ni DJ tapos sabay din kami tumawa.

Gutom na gutom kasi talaga kami. Parang mga patay gutom lang.


Usap lang kami ng usap. Different topics yung pinagusapan namin, merong tungkol sa event kanina, sa mga gagawin sa resort, sa school, sa mga tao sa paligid namin, yung baklang naka-shorts at tank top, yung tinderang nagdo-dougie, yung babaeng mukhang aswang. Kung ano-ano talaga! Tawa nga kami ng tawa!


Pero bigla akong napatigil nung may nag-flash na camera sa mukha ni DJ. Napapikit siya dahil dun.

Pagtingin ko sa glass ng Jollibee sa likod ko, nakita ko yung mga tao. May mga hawak silang cameras and camcorders. Tapos lahat may ID.


Nagulat ako nung biglang tumayo si DJ tapos hinawakan na niya kamay ko at hinila ako.

O_O


"Takpan mo mukha mo" Ginawa ko naman yung sinabi niya. Since mahaba buhok ko, yumuko na lang ako para matakpan ng buhok ko yung mukha ko.


Tumatakbo lang kami palabas ng Jollibee while people are watching us. Yung mga taong may camera, tumatakbo rin papunta samin. Nagmadali kaming parehas na pumasok sa kotse ni Daniel tapos nagdrive na siya kaagad.


Hingal na hingal ako right now pero kinaya ko talaga magsalita.


"DJ, Ano yun? Bakit ba bigla na lang tayo tumakbo? And bakit nila tayo kinukunan ng pictures?"

"Media yun kath. Nalaman nila na nagstop over tayo at dahil nga tumagal tayo dun, naabutan nila tayo"

"Media?" Hala. Di naman ako artista ah.


"Antok ka na talaga siguro. Kanina ka pa ganyan. Syempre, may media. Sikat ako. Anak ako ng isang actress at lalakeng kasama sa top ten richest people in the world" Sabi niya. Wow. Top ten! Grabe.


Processing pa utak ko bago ko naintindihan sinabi niya.


"Ah. So damay ka na talaga sa kanila? I mean sa popularity ng parents mo"

"Matagal na. Kaya nga maraming nakakakilala sakin eh"


Pumikit na ko kasi antok na talaga ako. Minulat ko rin naman kaagad mata ko nung naramdaman kong bumilis lalo ang takbo ng kotse ni DJ.


"Bakit ka ba nagmamadali?" Tanong ko. Kahit naka-seat belt ako, feeling ko tatalsik ako. Sanay na ko na mabilis siyang mag-drive pero nakakatakot ngayon. Highway kasi ito eh.


Napansin kong tingin siya ng tingin sa mga side mirrors ng car niya. Parang hindi siya mapakali.


"Kath, tignan mo yung mga black SUV na yun" Tumingin ako sa likod tapos nakita ko yung mga sinasabi ni DJ. Limang SUV yata yun.


"Wag mong sabihin na sila yun" Dahan-dahan pa yung pagkakasabi ko. Ano sila? Desperado? Stalker?


"Masanay ka na. Tsk. Bwisit naman! Kapag gwapo talaga, sinusundan"

Grabe lang. Hanggang sa mga ganitong sitwasyon, nagagawa niya pang magbiro.


"Ano yan? Hanggang sa resort susundan nila tayo?!"


"Kaya nga bwisit! Hindi nila pwede malaman kung saan tayo magii-stay. Hindi rin nila pwede mapicturan yang mukha mo. Ayokong guluhin ka nila. Buti nga kanina, nakatalikod ka sa kanila, ako lang napicturan at yang likod mo"


"Nakakainis! So ano na? Anong plano mo?" Okay sige. Ako yung nagpa-panic.

"Basta. Ano...ililigaw natin sila"

"Pano? Kaya mo?"

"Ako pa!" Yung tono ng boses niya, parang obvious na obvious na kaya niya.


Di na ko pumikit para matulog ulit. Paano ako makakatulog kung alam kong may nahabol samin? Grabe.


"Teka lang, may license ka ba?" Napatingin sakin si DJ. Yung mukha niya seryoso.

"HAHAHAHA...Kath...HAHAHA...at ngayon mo lang talaga naisip yan...HAHAHA. Ilang beses ka na ba nakasakay sa kotse ko?" Ang lakas niya pa tumawa.

"Heh! Ewan ko sayo! Sagutin mo na lang tanong ko!"

"Wala"


O_O

"Imba ka! Hahaha ano yan? Trololol face? Hahaha" Asar niya nung hindi ako nakasagot.


"BWISIT ka DJ! Meron or wala?"

"Wala nga. Makulit? Paulit-ulit?"

"Eh bakit ka nagda-drive? Ang bilis mo pa magdrive! Wala ka naman palang license!"


"Kath! Banggag ka na siguro. Antok plus Pagod plus Gutom yan. SYEMPRE may student's license ako. Kaya nga marami akong kotse. Di naman ako bibilan ni papa ng cars kung wala akong license diba?"


Oo nga noh. Siguro nga, banggag na ko. Di mo rin naman ako masisisi. Anong oras na ba? 2:00 am na.


Tingin ako ng tingin sa likod, nakasunod pa rin naman sila samin ni DJ. Wala ba silang ibang magawa? Alam kong trabaho nila yan pero kailangan manggulo?


Ang bilis na ni DJ mag-drive ngayon. Tapos nagulat ako nung sa LIPA siya pumunta.


"Ililigaw natin sila? Baka tayo maligaw nito" Sabi ko.

"Kath, uso kumalma. Kanina ka pa worried na worried. Ang tagal ko ng pabalik-balik dito. Alam ko na pasikot-sikot dito"


Kung saan-saang street nag-drive si Daniel hanggang sa onti na lang yung nakakasunod. Feeling ko nga, paikot-ikot lang kami dito sa subdivision.


Tapos nung tumingin ako ulit sa likod, wala ng nakasunod. Nag-drive na si DJ palabas nung subdivision.


"Wala na sila" Sabi niya.

"Sige na. Tara na, gusto ko na matulog"


T_T

Kanina pa dapat kami nandun kung hindi lang dahil sa mga bwiset na yun.

Tahimik lang si Daniel nag-drive. Ako naman, pumikit na.


Daniel's POV


Nakakainis lang. Napicturan ako ng media sa Jollibee. Buti na lang, nakatalikod si Kath nung mga time na yun.


Mga taga-school lang ang nakakaalam ng tungkol kay Kathryn. Alam nilang barkada ko lang siya. Pero kapag nakuwanan ng picture si Kath na kasama ko, at media ang nagpicture, guguluhin nila si Kath. Pupuntahan sa bahay, susundan...


Syempre tatanungin nila si Kath kung ano ba talaga kami. Na bakit kami magkasama kanina.

Ayoko naman magulo yung private life ni Kathryn.


Napansin kong tahimik si Kath kaya tumingin ako sa kanya.


Ahhh...

Natutulog na pala siya.

Pagod na nga siya for sure.


After twenty minutes, nakarating din naman kami sa resort ko.


"Kath" Sabi ko pero hindi naman siya gumalaw.

"KATH!" Sigaw ko kaya bigla siyang napamulat. Halatang nagulat siya. Hahaha ^_^


"Ano bang problema mo? Bigla-bigla kang nasigaw!"


"Nandito na tayo" Di ko na siya pinagsalita. Bumaba na ako kaagad ng kotse tapos kinuha ko na yung mga bag namin sa compartment. Narinig kong lumabas na rin si Kath ng kotse. Lumapit siya sakin at kinuha niya yung ibang bag niya.


"Wag mo nang buhatin yan, ibaba mo na lang dito" Sabi ko kay Kath.

"Huh? Hindi na. Kaya ko naman" Tapos naghikab siya.

"May dadating na staff ng hotel dito. Sila na magdadala ng mga gamit natin sa kwarto"

"Ahh. Okay" Binaba naman niya yung bag niya katabi nung ibang bag.


Dumating na yung lalake tapos di na ko nagsalita, nag-start na ko kaagad maglakad papasok ng hotel. Kilala na naman nila ako kaya alam na nila gagawin sa mga gamit ko.


Pagpasok sa lobby, may lumapit kaagad na babae. Looks like nasabihan na sila ni Dad na pupunta kami dito.


"Good evening Mr. Daniel" Sabi niya.

"Morning" Sabi ko. Three na kasi ng umaga...evening evening pa siya diyan.

Tumawa lang siya dahil napahiya siya. Si Kath naman hindi nagsasalita.


"Room keys namin, amin na" Sabi ko.

"Sir, may problem po kasi"


Umupo si Kath dun sa may sofa ng hindi nagsasabi. Di ko na lang pinansin.


"Napakadaming problema ang nangyare kanina. Kaya please lang, wag niyo na dagdagan"

"Sir kasi po, full na po lahat ng rooms. Wala na pong available rooms"


"Hindi ba kayo nasabihan ni Dad na dadating kami? Bwisit. Nasan ba yang manager niyo? Kakausapin ko"


"Nagkamali po kasi kami ng pag-reserve ng room. Ganito na lang po Sir Daniel, umupo muna po kayo dun tapos maghintay lang po kayo kahit saglit lang. I will make sure na magkakaroon po kayo ng room"


Kumunot noo ko.


"Ayusin mo trabaho mo ha? Kapag wala kang nabigay na room samin, I will fire you and everyone na nagtatrabaho dito ngayong gabi"


Halatang natakot siya dun sa sinabi ko dahil nanlaki mata niya. Sa kanya nakasalalay ang trabaho nung iba.

Nakakainis kasi! Pagod na kami, anong oras na pero hindi pa kami natutulog. Galing pa kami sa event ni Kath niyan.


Umupo ako dun sa gilid ni Kath tapos pumikit na ko. Gigisingin naman siguro ako ni Kathryn kapag dumating yung babae kanina.


"Di pa ba tayo pupunta sa room natin?" Tanong niya.


"Nagkaproblema daw" Sagot ko pero hindi ko minulat mata ko. Ang sakit kasi ng ulo ko. Hindi ako sanay magpuyat. Ganitong oras, ang himbing na ng tulog ko.


"Anong problema?"

Sila na lang tanungin mo kath! Sakit na talaga ng ulo ko! Pati ng leeg ko!


"Huy DJ! Anong problema?"

"Hmmm"

"Hoy, wag kang matulog dito" Ang lakas pa ng boses niya kahit na katabi niya lang ako.


Minulat ko yung mata ko tapos tumingin ako sa kanya.


"Daniel okay ka lang?" Tanong niya, halatang worried siya.


Tahimik ka muna kath, o-okay na ko. Gusto ko lang talagang matulog.


"Hindi. Masakit yung leeg ko kakadrive tapos masakit din ulo ko. Di kasi ako sanay magpuyat" Sabi ko.


"Gusto mo i-massage kita?" Tanong niya.


0_o

Di nga? Si Kath?


......


"Sige na nga" Pumikit na ko tapos siya naman nag-start na magmassage.

Grabe, ang sarap lang sa pakiramdam. Ang sakit kasi talaga ng katawan ko. Kasama ulo!


"Oww---Kath" Napa-flinch ako dahil medyo masakit yung part na minassage niya.

"Sorry"

"Dito na lang" Sabi ko, tapos hinawakan ko yung kamay niya at nilagay yun sa part kung saan niya ima-massage.


Napa-smile ako dahil parang ang bait ni Kath. Noon nga, diring-diri siya kapag nagdikit kami...pero ngayon, okay na sa kanya.


After a few minutes, may biglang nagsalita.


"Sir Daniel" Minulat ko ulit yung mga mata ko tapos tinignan yung babae. Si Kath, tumigil sa ginagawa niya.


"Bakit?"

"Sir, isang room lang po ang available. Okay po ba yun?"


>=|

Tumayo ako at kumunot noo ko.


"Okay? Niloloko mo ba ko? Ilang ba kami ni Kath? Dalawa diba? Bakit isang room lang? Ano yun? Siya may room, ako wala?" Sigaw ko sa kanya. Wala naman ibang tao dito sa lobby kaya swerte siya.


Napayuko yung babae sa kahihiyan. Aba! Dapat lang sa kanya yan!


"Ayusin mo yan! I need two rooms!" Sigaw ko.

"DJ, di mo kailangan sumigaw" Tumayo na rin si Kath.


"Hindi? Paano matututo yang mga yan kung puro malumanay ang pagsasalita ng mga GALIT na tao? Trabaho niya i-please ang mga taong pumupunta dito" Sabi ko kay Kath.


Bwisit! Sumasakit lalo ulo ko sa kanila.


"DJ, ginagawa naman niya trabaho niya kaso nagkataon lang na wala ng room" Ang kulit naman ni Kath.


"Sir Daniel, We are very sorry pero wala na po kasing room" Biglang may dumating na lalake. Mukhang dito rin siya nagtatrabaho.


"Anong gusto niyong gawin ko?"


Hindi siya sumagot.

NAPAKAMALAS KO NAMAN!


"Amin na yung room key"

"Sir, 7th floor po, Room 703"


Di ko na sila tinignan, kinuha ko na lang yung key tapos naglakad na ko papunta sa elevator.

Narinig kong tumakbo si Kath para makahabol sakin.


"Bigla-bigla ka na lang naglalakad" Sabi niya nung nasa loob na kami ng elevator.


Di na ko umimik. Bad trip ako eh. Pagod na, antok pa, masakit pa katawan tapos malalaman kong isa lang ang room!


"Bakit ba kasi hindi mo na lang kunin yung room key ng barkada? Diba magkakasama ang girls sa isang room? Ganun din sa mga boys?"


"Alam ko yun. Pero kath, anong oras na? Magigising pa natin sila"

"Di yan. Kung gusto mo, yung key na lang sa room nila Zharm kunin mo para dun ako sa kanila matulog. Ano?"

"Wag na kath. Ayoko ng bumaba papunta dun sa lobby. Pagod na ko"


Saktong bumukas yung elevator door sa 7th floor. Naglakad na ulit ako ng hindi nagsasabi.

Pumasok kaagad ako sa room 703.


"Huy! Ano toh? Share tayo ng room?" Nanlaki pa mata niya.


"Ano pa ba? Kung ayaw mo, diyan ka sa labas" In-open ko yung lights tapos tinignan ko yung buong kwarto. Hindi siya pang-VIP room. Buti pa sila Albie, magkakasama sa VIP Room.


"Ayoko talaga! Saglit lang" Bago ko pa siya pigilan lumabas ng kwarto, nakatakbo na siya. Kabayo talaga yun, ang bilis tumakbo!


Saan naman kaya siya pupunta? Sa Lobby? Makulit siguro lahi ni Kath. Wala na nga daw room eh, anong gagawin niya dun sa baba?


May kumatok dun sa pinto. Pagtingin ko, nakita ko yung lalake na dala-dala yung mga gamit namin ni Kath. Pinapasok ko siya tapos binaba niya lang yung mga bag sa table dun sa gilid. Umalis din siya kaagad pagkatapos. Naka-on na yung aircon kaya medyo naglighten up na yung mood ko. Atleast makakatulog na ko ng maayos.


Tinanggal ko na yung t-shirt ko dahil maliligo muna ako. Ako kasi yung tipo ng lalake na hindi makakatulog kapag hindi malinis ang katawan. Maarte na kung maarte, laking mayaman ako eh. Hindi ako sanay na madumihan.

Hahaha. ^_^


Kathryn's POV


Dali-dali akong pumunta sa ground floor at tumakbo papunta dun sa may information etc. etc.


"Ms, pwede ko po bang kunin yung room key nung mga kaibigan ko. Sila Zharm Arriola. Kasi po, late na po kami nakarating ni Daniel dito"


Siguro naman pwede. I mean, nakita naman nila kanina na kasama ako ni DJ. Ibig-sabihin hindi ako nagsisinungaling.


"Ms, I'm sorry pero bawal po yung sinasabi niyo. Confidential po kasi lahat ng records ng name na nasa list namin. Hindi po kami pwede basta-basta magbigay ng room key. Kung gusto niyo po, tawagan niyo po yung friend niyo para i-confirm samin"


"Tulog na kasi sila Ms. Kung gigising ko sila, para naman ang sama ko nun. Sige na, ibigay niyo na sakin. Sumama ka pa sakin, malalaman mong friends ko talaga sila"


"Hindi po talaga pwede"

"Isa lang kasing room binigay niyo samin ni DJ. Hindi pwedeng magkasama sa isang room"

"Sorry mam"


HAY NAKU! KAYA PALA GALIT NA GALIT SI DANIEL SA KANILA! NAKAKAINIS NAMAN PALA TALAGA SILA! GRRR!


Ilang beses din ako nagmakaawa sa kanya pero hindi talaga pwede.


"Ako talaga magmamakaawa kay Daniel na tanggalin ka sa trabaho!" Sabi ko pero talagang wala, hindi tumalab.


Wala akong choice kundi bumalik sa room 703.

TT_TT


Ayokong mag-spend ng hours kasama si DJ sa isang room. 

Baka isipin ng barkada, kung ano ginawa namin dito. Mangaasar sila for sure! 

Tsaka lalake yan! Ang sama naman tignan na magkasama kami diba?


Pero antok na ko, feeling ko babagsak na lang ako bigla kung hindi ko pa pinikit mata ko.


*Tok Tok*


Wala akong key nung room na ito. Na kay Daniel yung key.


Binuksan naman kaagad ni DJ yung pinto.

Magsasalita sana ako pero...


O_O

Nanlaki yung mata ko nung nakita ko si Daniel na shirtless.


Tumalikod kaagad ako sa kanya dahil nakakahiya!!

>.<


Uwweeee!! Kawawa naman itong mata ko!!

Nakita ko yung abs niya! Perfect abs niya!


Shemay, ang hot niyang tignan!!

ERASE ERASE!!!


Ano ba yan!!! Kath naman!

Huhuhu!


"Huy! Anyare sayo?" Tanong niya.

"Huh...ano..." Di ako makapagsalita ng maayos kahit na nakatalikod ako sa kanya.

"KATH! Ano ba? Lokohan tayo dito? Kakatok ka tapos tatalikod?"

"Bakit wala kang suot na t-shirt?" Tanong ko tapos narinig ko siyang tumawa.

"Yan ba talaga pinunta mo dito?"


O/////O

Humarap ako sa kanya pero iniwas ko yung mata ko sa katawan niya. Nag-focus na lang ako sa mata niya.


Pero hindi rin naman ako maka-concentrate. Yung mata niya kasi!!!


"Ano...wala akong nagawa. Ayaw nila ibigay yung keys nila Julia sakin" I admitted. 

Tumawa naman siya tapos naglakad pabalik dun sa kwarto. Iniwan niyang nakabukas yung pinto. Siguro, ang ibig sabihin nito, pwede akong pumasok?


Sinara ko yung pinto pagkapasok ko pero syempre, hindi ko ni-lock.

"Loko ka noh? Kaya ka pala nawala, nagmakaawa ka sa baba"


Di ako umimik. Alam kong nakakahiya yung ginawa ko.

Umupo ako dun sa kama tapos naghintay akong magsalita siya.


"Oo na. Alam ko na gusto mong sabihin ko. Sige, share na tayo ng room ngayong gabi lang..este madaling araw" Sabi niya. Nakita kong kumuha siya ng towel sa bag niya tapos tumingin siya ulit sakin.


May bigla akong naalala.


"HUY! DI TAYO PWEDE MAGKATABI!" Sabi ko.

"Dun ka sa sofa matulog" Tapos pumasok na siya sa CR.


Huh? Ano?


"DI AKO PWEDE SA SOFA!! AYOKO!" Sigaw ko para marinig niya.


Hotel naman ito diba? Ibig sabihin sound proof yung mga kwarto. Di naman ako maririnig nung mga tao sa kabilang room.


"Bahala ka sa buhay mo!" Sigaw niya tapos narinig ko na binuksan niya yung shower.


May bigla akong naisip!

Alam ko na!!!

Hihihihi!


Kung matutulog na ko, hindi niya ko mapapaalis dito sa kama! Mapipilitan siyang matulog sa sofa!

Hahahahahaha! Napakatalino ko talaga! Henyo!


Humiga na ko tapos nag-kumot ako. Ang lamig kaya!

Syempre, magkukunwari akong tulog para malaman ko kung anong gagawin niya.


After a few minutes, narinig kong bumukas yung pinto.

"Kath" Sabi niya. Di ko siya pinansin. Nakapikit kasi mata ko at kunwari nga, tulog na ako.


"KATH!" Sigaw niya. Di pa rin ako umimik.


"Itutulak kita diyan kapag di mo ko pinansin"


Alam ko kasing itutulak talaga ako ni DJ. Yung tono ng boses niya, halatang naiiinis na.

Umupo ako tapos kumunot noo ko sa kanya. Napansin kong nakasilip lang siya sakin.


"Kunin mo naman yung damit ko oh" Sabi niya.

"Huh? Ayoko nga. Kunin mo yan! Di mo ko utusan!"

"Sige na please! Wala akong damit ngayon!"


0_o


"Bakit ka ba kasi naligo ng hindi kinukuha yung mga damit mo?"

"Nasanay kasi ako sa bahay, okay?"


Dahil nga sa hindi ko alam kung anong damit ang kukunin ko, kinuha ko na lang yung buong bag niya tapos hinagis sa pinto ng CR.


"Yan! Ikaw ang kumuha" Tapos bumalik na ko sa kama.

"Sama mo talaga noh?" Narinig kong sabi niya pero hindi ko naman siya pinansin.


Medyo matagal-tagal din siyang nandun sa loob ng CR. Nung narinig kong bumukas ulit yung pinto, pumikit kaagad ako.


Medyo nakikiramdam ako. Ang tahimik kasi ni DJ maglakad kaya hindi ko alam kung nasan na siya.

Masilip nga. Dahan-dahan kong minulat yung isang mata ko...


"AHHHHHHHH!" Napasigaw ako bigla nung nakita ko yung mukha ni Daniel na nasa harapan ko.


Napaupo naman siya sa kakatawa.


"Hahaha nagtulog-tulugan ka pa talaga ha...HAHAHAHA"


(-_-)

Alam niya na gising pa ko.


"Hmmph" Humiga na ulit ako at tinakpan ko yung mukha ko ng unan.


"Hoy layas! Ako diyan!" Hinihila niya yung unan sa mukha ko pero hindi niya mahila-hila yun.


"Kath!!!"

Hahaha. Bahala ka diyan. Akala mo mananalo ka sakin ha? Haha.


"Sige na nga. Dito na ko sa sofa" Naramdaman kong kumuha siya ng unan sa gilid ko tapos naglakad na siya papunta siguro dun sa sofa.


After ten minutes, sinilip ko siya. Syempre ganun katagal dapat para hindi niya ko mahuli na natingin sa kanya.


Nakita kong may unan siya sa ulo at may yakap din na unan.

Medyo nag-frown ako nung na-realize ko na parang hindi siya mapakali. Kasi galaw siya ng galaw kahit nakapikit siya.


"Okay ka lang diyan?" Tanong ko pero di siya sumagot. 

Galit siya sakin! Huhuhu T_T


"DJ, di ka ba makatulog?"


Wala pa rin response. Hala! Tinignan ko yung oras, Five na ng umaga!!! Grabe! Wala kaming energy niyan mamaya!


"Huy, tulog ka na ba?"

"Oo kath, tulog na ko" Sagot niya.


Gusto ko sana tumawa kaso mas lalong maiinis siya kapag ganun ang ginawa ko.


"Kath, massage mo nga ko saglit please. Makatulog lang ako" Bigla siyang umupo pero nakapikit pa rin siya.


0_o

Oo nga pala. Masakit katawan niya! Lalo na yung batok niya.

Nakokonsensya tuloy ako.


Ako kaya may kasalanan kung bakit nasakit batok niya. Kung hindi niya ko hinatid sa bahay, eh di sana kanina pa siya nandito sa batangas. Sana, hindi siya napagod magdrive para iligaw yung mga media.


Umupo na ko sa gilid niya tapos minasahe ko na siya ulit.


"May dala akong biogesic. Inumin mo yun mamaya okay?" Sabi ko, tumungo lang naman siya.


Tapos naalala kong dito ko siya pinapatulog sa sofa. Shemay, mas lalong sasakit katawan niya dito. Hindi kaya comfortable matulog sa sofa.


"Daniel, dun ka na sa kama matulog"

"Huh? Pano ka?"

"Ako na lang dito sa sofa"

"Hindi. Ayoko. Ikaw na lang dun, ako na dito"

"DJ wag matigas ang ulo, masakit na yang katawan mo. Dun ka na, dito na ko"

"Ayoko nga"


Parang kanina lang, gusto niya matulog sa kama tapos ngayon ayaw niya.


Bigla kong narealize na kaya nagpupumilit siyang matulog dito sa sofa ay dahil ayaw niyang ako ang mahirapan.

Seriously, feeling ko nagbago na si DJ. Hindi naman siya ganito dati.


"Dun na lang tayo parehas sa kama"


O_O

OMG! Bakit ko nasabi yun?

Hala! What happened?


"Okay lang?" Tanong niya.


Wala nang bawian ito. Nasabi ko na eh.

Tsaka kawawa naman siya kung sasabihin kong hindi.


"Oo, basta sa right side ako at hindi pwedeng magdikit tayo"

"Feeling mo naman gusto kitang dikitan"

"Kung hindi lang masakit katawan at ulo mo, kanina pa kita binalian ng buto DJ"


Tumawa lang siya tapos tumayo na. Siguro antok na siya kaya dali-dali siyang humiga sa kama.


Ay, oo nga pala. Kinuha ko yung biogesic sa bag ko tapos kumuha ako ng tubig dun sa may kitchen. Yup, malaki kasi itong room na ito kahit hindi VIP. May sala dun tapos may kitchen. Parang condo lang ang type. 

Napansin ko rin na hindi ko nga pala na-lock yung pinto. Ni-lock ko na muna yun bago ako bumalik kaagad dun kay DJ, baka kasi mamaya makatulog siya, hindi niya pa mainom ito. Ayoko naman na magkaroon pa siya ng lagnat.


"Oh Daniel, inumin mo muna" Sinunod naman niya ako. Pinatong ko na lang yung baso sa may table sa gilid nung kama tapos humiga na rin ako dun sa right side.


Magkatalikod kami ni DJ.

Okay na okay nga yun sakin eh. Atleast hindi ako ganun mao-awkward na matutulog kami sa isang kama.


Dahil nga hindi ko na makaya yung antok ko, pumikit na kaagad ako at natulog.

After an hour, nagising ako. Namamahay kasi ako, hindi ako kaagad-agad nakakatulog kapag hindi ko kwarto.


Pagtingin ko sa gilid ko, nagulat ako sa mukha ni DJ.

>_<


Ang lapit ng mukha niya sakin! Muntik nang dumikit yung mga labi namin!!

Shemay naman ito oh! Ganito ba talaga siya kakulit matulog? Yung arms niya nakayakap sa waist ko, ginawa niya kong unan!!! Tapos yung mukha niya!! Uwee!


Teka, teka. Maitulak nga.


Dahan-dahan kong tinanggal yung arms niya para medyo makagalaw ako.

Nung itutulak ko na siya dapat, bigla naman niya ulit ako niyakap.


T_T

Ayoko na!!


Tinulak ko siya and Nag-try din ako ulit tanggalin yung pagkakayakap niya kaso ang bigat niya!

Di ko keri...


Huhuhu! Daniel naman!!!

Di naman ako ganung kataba para mapagkamalan na unan diba??


Anong oras na? Magsi-six na!! Sisikat na ang araw pero gising pa rin ako!! Huhuhuhu!


"Daniel, ano ba!"


Pinagisipan ko talaga ng maigi kung sasampalin ko siya para magising siya.

Kaso naisip ko rin na masakit nga pala ulo at katawan niya, kawawa naman siya kung gigisingin ko pa.


Ano? Ano nang gagawin ko?

HELP!!!

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 94.5K 88
Book 2 of 10 Steps To Be A Lady. Read 10STBAL first before proceeding to this story.
6.6M 153K 62
Meet Alex. Isang simple teenager na walang ibang ginawa kundi ang magaral ng mabuti. But after an accident, she started dreaming about a guy she neve...
1.1M 56.5K 152
Okay but first, who are you? An epistolary.
621K 40.7K 162
Hi, bebi! An epistolary.